" Kuya gusto kitang panoorin magpractice"
Sabi ko sabay abot sa kanya ng sapatos, umupo sya at nagtatakang inabot ang hawak ko.
Tuwing Sabado ay umaalis si kuya para magpractice sa university nila kasama na dun si Vincent. Kaya pursigido akong sumama, dahil alam ko naman na hindi nya rin ako papayagan na sumama kila Jona, dahil sa pagpunta namin sa party ng hindi man lang nagpaalam sa kanya, grounded lang naman ako dahil isinumbong nya ako kila mama at papa .
" Hindi pwede maiinip ka lang doon"
Walang kaamor-amor nyang sabi, tumalungko ako at tinulungan syang mag sintas sa isa nyang sapatos.
" Sige na kuya gusto ko din kasing matutong maglaro ng table tennis, nag-iisip na kasi ako kung anong sports club ang sasalihan ko sa college" pinagdaop ko ang dalawa kong palad at kumurapkurap pa, huminga sya ng malalim bago tumayo at tinignan ang relo nya.
"Ok , I'll give you 5 minutes to prepare" sabi nya ,kaagad akong umakyat sa taas at kinuha ang shoulder bag ko saka nagsapatos. Wala pang 2 minutes ay naka baba na ako , kanina pa kasi ako nakahanda.
Nang makarating kami sa gym ay inilibot ko kaagad ang paningin ko para hanapin ang taong sinadya ko dito, hindi ako nabigo dahil natanaw ko agad sya mula sa malayo.
Naka-itim na t-shirt sya , at white na jersey short na tinernuhan ng puting rubber shoes. Habang papalapit ako sa pwesto nila ay mas lalong nadedepina ang perpekto nyang panga at ang tamang tangos na ilong, tutok ang atensyon nya sa paglalaro kaya hindi nya napansin ang panonood ko sa bawat kilos nya, bawat paghampas nya sa bola ay walang hirap nyang naibabalik sa kalaban , lumalabas ang mga ugat nya sa braso dahil sa sobrang higpit nya sa pagakakahawak sa raketa.
" Ilagay mo nalang ang gamit mo doon kapag nangalay ka" sabi ni kuya sabay turo sa mga upuan kung saan nakalagay narin ang gamit nya tango lang ang isinagot ko sa kanya at ibinalik ang atensyon kay Vincent.
Tumikhim ako para maagaw ko ang atensyon nya nang matapos ang laro , agad naman syang napalingon sa akin habang hinahagod nya ang basang-basa na buhok paitaas. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat sa presensya ko.
" Congrats , ang galing mo pala " nakangiti kong puri sa kanya sabay abot ng malamig na tubig tumango lang sya sa akin. Rinig ko ang mabibigat na paghinga nya dahil sa sobrang pagod ,nagtataka man ay inabot nya agad ang tubig na inalok ko. Bahagyang may lumalagpas na tubig sa bibig nya kaya naagaw nito ang atensyon ko palihim na napasunod ang mata ko sa bawat dinadaanan ng takas na tubig, mula sa mapupula nyang labi pababa sa leeg nya wala sa sariling napalunok ako at nakagat ang ilalim na labi ko.
" Anong ginagawa mo dito Coligne?"
Tanong nya sa malalim na boses, naglakad sya patungo sa upuan kung nasaan ang bag nya ,sumunod lang ako at umupo sa tabi nya.
" Gusto kong magpaturo maglaro ng table tennis "
Diretso kong sabi umangat lang ang kanang kilay nya na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
Bago pa man sya makapagsalita ay may umagaw na ng atensyon namimg dalawa
"Oh andito ka pala Coligne, magpapaturo kang mag-table tennis?"
Ulit ni Bench sa sinabi ko ,pilit akong ngumiti sa kanya kahit na hindi ko gusto ang inasta nya sa kaibigan ko.
"Oo ,sino ba ang pinakamagaling dito sa inyo ? dun na lang ako magpapamentor"
Tanong ko sa kanya, bahagya pa syang napaisip bago sumagot
" Si Ice ang pinakamagaling sa amin pero hindi ka nya matuturuan dahil hindi matyaga magturo yan , pwede naman ako kung ok lang sayo hindi ako masyadong magaling pero matuturuan kita ng maayos " paliwanag nya at kinindatan pa ako habang malawak ang pagkakangisi nito.
"Ako na ang magtuturo sayo " seryosong sabi ni Vincent at tumayo ulit, nakaheadband na ang nakasabog nitong buhok mas lalo tuloy syang gumwapo ,
"ok na sakin si Bench mukhang magkakasundo kami "
nakangiti kong sabi halos mapangiwi ako sa sinabi at inilabas na ang dala kong raketa, nagsalubong ang makapal nyang kilay at matalim akong tinignan
"Hindi sya marunong , basketball ang nilalaro nya"
madiin ang pagkakasabi nya na parang nauubusan ng pasensya ,tumawa naman si Bench at napakamot sa batok , namula ang pisngi ko dahil hindi ko naman talaga alam iyon. Humingi naman ng pasensya si Bench sa akin bago sya umalis at iwan kaming dalawa
"Service muna ang ituturo ko sayo"
Pinaliwanag nya muna sa akin ang iba't ibang klaseng service saka ipinosisyon nya ang katawan ko sa harap ng lamesa
"I-relax mo lang katawan mo, wag mong masyadong bigatan ang pagkakahawak sa raketa"
Payo nya sa akin tumango lang ako at sinimulan ng mag serve pero ni isa ay walang pumasok, itinukod ko ang dala kong kamay sa lamesa dahil nangalay na ako .
" Hindi itinutukod ang kamay sa table Coligne bawal iyon kapag in-game ka "
Paliwanag nya lilingunin ko sana sya pero nagulat ako nang nasa likuran ko na sya at hinawakan ang dalawa kong kamay para alisin sa pagkakapatong, bahagya nya akong inilayo sa table at ipinosisyon ng maayos ang kamay at katawan ko.
Napasinghap ako ng magdikit ang likod ko sa pangharap nya, pinamulahan agad ako dahil siguro hindi ako sanay na ganito kami kalapit sa isa't-isa. Ang init ng katawan nya at nalalanghap ko ang panglalaking pabango nya.
"Stay focus, gaanan mo lang ang paghampas sa bola"
Bulong nya sa tenga ko ramdam ko ang mainit nyang hininga, mariin akong napapikit nang hindi sinasadyang lumapat ang labi nya sa ibabaw ng tainga, init at kakaibang sensasyon ang bumalot sa sistema ko para bang gustong gusto ito ng katawan ko dahil mas lalo ko pang idinikit ang sarili sa katawan nya.
Naramdaman ko ang mabibigat na paghinga nya,humigpit ang pagkakahawak nya sa kanang kamay ko at marahang iginalaw iyon para ituro ang tamang pagse-serve.
" Lower your body " bulong nya ulit sa akin at ang maiinit nyang palad ang dumampi sa hita ko para bahagya itong iposisyon ,ramdam ko ang senswal na paghagod nya sa balat ko dahil naka shorts lang ako . Sinunod ko naman ang katawan ko suminghap ako bago hampasin ang bola mula sa ere , napatakip ako sa aking bibig ng hindi inaasahang pumasok iyon.
Wala sa sariling humarap ako sakanya di alintana ang maliit na distansya nya sa akin halos magdikit na ang aming mga dibdib sa sobrang lapit .
"Pumasok yung bola "
masaya kong sabi sa kanya
" Good service babe"
Mahina nyang usal na halos pabulong na, isang matamis na ngiti ang iginawad nya sa akin ibinaba nya ang isang kamay sa aking bewang at ang isa naman ay hinawi ang takas na buhok ko at inilagay sa likod ng aking tainga. Mabibigat ang paghinga ko dahil sa titig nya sa akin at ang pagkakahawak nya.
Kung dati ay hindi ganto ang reaksyon ko tuwing sinasabihan nya ako ng maganda o kaya ay bibiruin nya ako sa tawag na iyon ,pero iba ngayon parang nag aalab ang buo kong sistema, dahil ba iyon sa pagkakahawak nya ?
Ipinilig ko ang ulo para makawala sa init na nararamdaman.
" Ice Let's talk" parehas kaming napatingin kay kuya tila napaso ako sa hawak nya dahil bigla ko syang naitulak pero ako pa ang muntikan nang mabuwal pero dahil mabilis ang pagkilos nya ay naalalayan nya parin ako sa bewang . Tumikhim ako ng hindi pa nya inaalis ang pagkakahawak doon kaya ako na ang nagkusang magtanggal ng kamay nya, ibinaling ko ang atensyon sa kuya kong seryoso na ang tingin sa aming dalawa at hinihintay kung kailan namin sya papansinin
" Magpahinga ka muna Coligne, mag-uusap lang kami saglit "
sabi ni kuya sa seryosong tono tumango lang ako at umupo na muna
Bahagyang lumayo ang dalawa ,sapat lang para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Uminom muna ako ng tubig habang pinapanood ang dalawa , nakatalikod sa akin si Vincent at si Kuya ang nakaharap sa banda ko kaya kitang kita ko ang napaka seryoso nyang mukha habang may sinasabi bahagya namang tumutango si Vincent kay kuya at mukang nagpapaliwanag din sya. Biglang nagsalubong ang kilay ni Kuya at halata ang pagka inis sa sinabi ng kausap .
Ano kayang pinag-uusapan nila?
Tanong ng isip ko, parang gusto ko silang lapitan at maki-usyoso.