Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Tumikhim ako at tinaasan sya ng kilay sa sinabi nya. Magsasalita pa sana ako nang may magsalita mula sa likod nya.

" Oh Ice kanina ka pa namin hinahanap nasa table na ang mga special guest mo " sabay kaming napalingon sa nagsalita, si Bench na nakahubad at tanging shorts lang ang suot habang nakahawak sa bewang ng kaibigan kong si Jona na ngayon ay halos mapunit ang labi sa pagkakangiti.

"Sige susunod na lang ako " seryoso nyang sabi at ibinaling ulit sa akin ang atensyon na parang hinihintay kung ano ang sasabihin ko kanina.

" Coligne, tara sa table nila alam kong kanina kapa nabo-bored " nakangising aya ni Jona sabay hila sa braso ko, hindi na ako tumutol mas mainam na iyon.

Iginaya kami ni Bench sa malaking circular couch , may mga nakaupo na roon at bawat lalaki ay may kaparehang babae na mukhang pinagkaitan ng suot, magkatabi kami ni Jona sa upuan at sa gilid nya naman ay si Bench na nakaakbay sa kanya.

Nagulat nalang ako nang pinalihis ni Vincnet ang lalaking katabi ko saka sya umupo.

Nagku-kwentuhan lang sila tungkol sa  game na naganap kanina , tahimik lang akong nakikinig sa kanila wala akong alam sa pinag-uusapan nila dahil mga kolehiyo na ang mga ito. Kaya bilib ako sa kaibigan kong si Jona na kayang makisabay sa trip ng mga ito.

" Napakagaling talaga ni Ice at Cole kahit na long service ay nakukuha paring ibalik ang bola " puri ng lalaking kaharap namin ,player si kuya at Vincent ng table tennis sigurado akong nanalo na naman sila.

Nagkibit balikat lang si Vincent sa sinabi ng lalaki at iniangat ang basong hawak saka sumulyap sa akin.

"Ang gwapo talaga ni Cole kanina kahit na naliligo na sya sa pawis "  maarteng saad ng isang babae

"Yup , kaya maganda din itong bestfriend ko eh mana sa kuya nya" muntikan na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa pagsabat na iyon ni Jona, sinamaan ko sya ng tingin kahit kailan talaga papansin ito.

Nabaling tuloy ang atensyon nila sa akin at bahagyang naningkit ang mga mata, sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ni Jona yumuko lang ako at uminom ng tubig humanda sa akin mamaya ang bruha na yan.

"No doubt, kaya pala maganda itong kasama mo Jona " puri ng lalaki sa harap ko at nginitian ko lang sya iniabot nya ang isang kamay nya at nagpakilala sa akin

" I'm Anthony " agad kong tinanggap ang kamay nya at nagpakilala na din

" Coligne " mahinhin kong sabi at binawi na ang kamay ko

"By the way anong department ka?" Tanong naman ng isang katabi nya na medyo singkit tumikhim ako, pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako ng katabi ko

"Third year high school palang ang dalawang yan " sabay turo nya sa aming dalawa ni Jona  " ilang taon kana nga pala? 15 ba?" Painosente nyang tanong sa akin sabay pabirong umakbay saka ngumisi ng nakakaloko.

Nakita ko naman kung pano nawalan ng interes ang mukha ng mga lalaki sa harap ko dahil sa nalaman ,pati ang pagkaka-akbay ni Bench kay Jona ay nawala na tila ba parang napaso , palihim akong napatawa sa itsura ni Jona na hindi maipinta ang ekspresyon kung sa akin ay ayos lang na nawalan ng interes ang kausap ko kanina pero itong kaibigan ko ay iba.

"Ah ganon ba ? Pero hindi naman halata na bata pa kayo " mahinang pagkakasabi ni Johnson sabay lagok ng alak , tumawa naman na tila nasisiyahan si Vincent habang di Bench ay nakakunot ang noong tinitigan si Jona.

Alam kong nao-offend si Jona dahil sa binanggit nitong salita na 'bata' kung papansinin nga naman ay hindi naman halata sa itsura nya na 15 palang sya dahil sa pananamit nito at sa tangkad nya.

"You lied" hindi makapaniwalang sabi ni Bench kay Jona habang si Jona naman ay namutla dahil sa naibunyag na katotohanan.

" Kumain ka ng madami " bulong  ni Vincent sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Ramdam ko ang mainit na hininga nya at ang matapang na amoy ng alak na nagmumula sa bibig nya ay nanuot naman sa aking ilong, marahas akong napalunok dahil dito.

Inilapit nya pa ang plato na maraming prutas sa harap ko saka marahang hinagod ang ulo ko na parang bata.

" Let's go Coligne " malamig na sabi ni Jona at walang sabi akong hinila palayo, nakakatatlong hakbang palang kami nang bumaling ulit sya sa banda nila Vincent.

"Mga gurang!!" Sigaw nya saka mabilis na naglakad, rinig ko ang malakas na tawanan ng grupo nila.

Hinila din nya si Marie na busy sa pakikipag-usap sa iba hindi na nagtanong si Marie kung bakit sya hinila ni Jona kumaway na lang sya sa kausap bilang paalam.

" Where's Diary?!" Naiinis nyang tanong at palinga-linga sa paligid, sinabi kong nag-cr lang sya kanina pero diko napansin na bumalik sa puwesto namin kanina. Nakarating na kami sa baba dahil itinext naman na ni Marie si Diary at sinabing hihintayin sya sa ibaba.

Pero papalabas palang kami ng bahay ay nakita na namin si Diary na blangko ang ekspresyon patungo sa amin at sa likod nya ay si kuya na naka-igting ang panga at halata ang galit sa mata.

Nagtataka kong tinignan si Diary pero umiwas lang sya ng tingin.

"Ihahatid kona kayo " mariin ang pagkakasabi nya sa amin, walang sabing naglakad na si Jona papasok sa sasakyan. Kami naman ay nagkatinginan lang ni Marie at Diary bago sumunod sa kanya.