Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Marahan kong sinuklay ang buhok saka ipinusod . Tumungin muli ako sa salamin, fitted dress na kulay itim lang ang sinuot ko bahagya akong umikot upang makita ang likuran ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa suot ko, parang gusto o na naman itong palitan. Nakakailan na ako ng bihis dahil nahihirapan akong magpares sa isusuot kong sapatos.

Akmang tatanggalin ko na ang pagkaka-zipper nito sa likod nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko.

From Maria Chonazilda :

Where na u girl ?

Napangiti ako kaninang ala-sais pa ako tinetext ni Jona

To Maria Chonazilda :

I'm ready

Reply ko sa kanya wala pang 20 minutes ay narinig ko na ang busina ng sasakyan nila. Ibinaba nya ang side window ng kotse at sinigawan ako.

" Come on girl male-late na tayo!" Bumungad sa akin ang dark na make-up ni Jona at ang kulot na buhok nyang nakasabog.

"Dadaanan pa natin si Diary kanina pa daw tayo hinihintay " excited na sabi ni Marie mula sa passenger seat

Kung si Jona ay dark ang make-up kabaliktaran naman ito ni Marie mula sa make-up nito na kulay pink hanggang sa fuchsia pink nyang dress nagmuka tuloy syang barbie.

Okupado ang isip ko hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga Guison.

Hindi ito ang unang beses kong nakita ang bahay nila Vincent , kaya pamilyar na ako dito at hindi ako maliligaw kahit na malaki pa ito. Sa rooftop ang pinaka venue ng party, maganda ang ayos nito maraming ilaw na nakasabit at maraming na ding tao.

Napangiwi ako sa theme ng party taliwas ito sa suot naming tatlo maliban kay Jona na tinanggal ang suot na cardigan at ang natira nalang ay tube na itim.

"Mukhang hindi naman ata party ang napuntahan natin Coligne " bulong sa akin ni Diary napatingin sya sa suot nyan summer dress na may sunflower pa sa likod napabuntong hininga nalang kaming dalawa at naghanap ng mauupuan.

Mukang hindi nga ito isang normal na party lang , halos lahat ay naka two piece at one piece lang bakit ba kasi hindi kami na-inform na pool party pala ang dadaluhan.

" Look ang daming foods !" Masayang sabi ni Marie na tila walang paki-alam sa pagkakaiba ng suot namin sa mga tao dito ,at itinuro pa nya ang mga grilled meat sa bandang gilid

" No thanks , busog nako sa nakikita ko pa lang "  maarteng tawa ni Jona ngayon ko lang napansin na may hawak na pala itong baso.

Nilibang ko ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid hindi ko parin makita ang hinahanap ko. Hanggang sa mainip ako at tumayo na para kumuha narin na maiinom at makakain.

Pagbalik ko sa pwesto namin ay wala na roon si Jona at Marie.

"Nasaan na sila?" Nagtatakang tanong ko, itinuro ni Diary si Jona na nasa pool na at nakalubog na ang kalahati ng katawan, at sunod nyang itinuro si Marie na naka-upo na sa ibang table at may mga senior high ng kausap.

" Comfort room lang ako " paalam sa akin ni Diary at iniwanan akong mag-isa

Mukhang sayang ang pagpunta ko dito instead na nag-aaral ako sa kwarto ko nang tahimik ay nandito ako sa maingay na party na ito.

Nasaan kaya sila kuya? Itinukod ko ang kaliwang kamay sa lamesa at naiinip kong pinapanood ang mga kaibigan kong masayang nakikipag-usap.

Nakakatatlong inom palang ako nang wine ay biglang may humablot na sa kamay ko. Napatingala ako sa nagmamay-ari ng malapad na kamay na iyon.

" Coligne " halata sa mukha nya ang pagkagulat ,marahan nyang inagaw ang baso at ibinaba sa lamesa.

" What are you doing here?" Tanong nya sa akin at umupo sa bakanteng silya sa harap ko, kumuha ako ng isang barbecue at kumagat muna bago sya sinagot.

" Nakiki-party " diretsong sagot ko , isang malalim na halakhak ang itinugon nya sa sinabi ko. Ngayon ko lang napansin na naka sando lang sya at naka summer short ,basa nadin ang buhok nya , tinitigan nya ang suot kong damit sabay iling nito at hindi man lang nag-abalang itago ang pang-uuyam sa suot ko.

"Hindi ito kids party Coligne, wala akong maalalang inimbitahan kita dito. " mapang-uyam nyang sabi saka ngumisi, nagpanting ang tainga ko sa narinig napaka antipatiko talaga ng lalaking ito.

Ipinikt ko ang mata ko at pilit pinakalma ang sarili.

Relax, hindi pakikipag-away ang ipinunta ko dito ngayon.

" May kasama ako Vincent inaya lang ako dito ng mga kaibigan ko " mahinahon kong paliwanag sa kanya kahit na ang totoo ay gusto ko na syang irapan at hindi pansinin.

" Sinong kaibigan? Puro mga college lang ang mga in-invite ko" nagtatakang tanong nya at talagang diniinan ang pagbanggit ng 'college', bigla akong kinabahan hindi ko alam kung sino ang nag-imbita kila Jona at Marie. Iniikot ko ang paningin at puro mga college nga ang nandito wala man lang ka-schoolmate namin akong nakita . Naningkit ang mata nya at hinihintay ang sagot ko.

Isip Coligne ,ano na? Bahagya akong napa-angat sa sinasandalan kong upuan at naiisip ang sinabing pangalan ni Jona kahapon.

" S-si Bench, kaibigan sya ni Jona isinama lang nila ako dito" kabado kong sabi sabay turo ko sa kaibigan agad naman nyang nilingon iyon at bumalik ulit ang atensyon sa akin, tumango sya kahit na nakakunot parin ang noo na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Nasaan si kuya?"  Pag-iiba ko ng usapan, itinukod nya ang isang siko sa lamesa saka ipinatong ang baba sa kanyang palad at tinitigan ako ng may aliw sa mga mata.

Simpleng kilos nya ang nakapag-pabahala sa akin. Wala sa sariling hinawi ko ang buhok kahit hindi naman ito humaharang sa aking buhok.

" Nasa baba may kausap lang, Wag kang aalis dyan kukuhanan pa kitang drinks saka makakain" tumango na lang ako at pinanood syang palapit sa mini bar counter .

Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa kabang naramdaman ko kanina.

Kailangan ko pa bang magpakita ng motibo para mapunta kami sa usapang relasyon? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Mainipin akong tao, gusto ko na itong matapos, pero paano? Kinikilabutan ako sa naglalaro sa isip ko.

Samantalahin ko na lang kaya ang pagiging likas nyang maharot na lalaki?

"Here" nakangisi nyang inilapag ang dala sa lamesa bago naupo at pinag-ekis ang mga paa saka bumalik sa kanina nyang posisyon, inirapan ko na lang sya at kinuha na ang hawak nyang juice at grilled meat.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, palihim ko syang sinusulyapan, kapag nararamdaman nyang nakatitig ako sa kanya ay titingin din ito saka ngi-ngisi.

Huminga muna ako nang malalim at inipon ang natitira kong lakas ng loob bago basagin ang katahimikang bumabalot sa amin.

"G-Gusto kita?" Halos kurutin ko ang sarili dahil sa halip na pagsasaad ng damdamin ay patanong ang tono kong naibigkas iyon. Agad akong nag-iwas ng tingin at mariing pumikit. Nang idilat kong muli ay nakita ko ang kunot nyang noo at pagtataka.

"I like you Ice Vincent" inulit ko ang sinabi at sa wakas ay mas-malinaw ito kaysa sa nauna.

Dumulas ang baba nyang nakasapo sa  palad pero agad ding nakabawi. Pinsadahan ng kanyang dila ang labing nanuyo dahil sa aking inamin saka ito mariing pinaglapat. Nagbago ang ekspresyon nya mula sa matinding pagkagulat at pagtataka papunta sa pag-dilim at pagiging seryoso ng kanyang mukha, umigting ang kanyang panga at saka prenteng isinandal ang likod habang nakahalukipkip.

"Are you drunk?" Tumigas ang tono ng boses nito at pinaningkitan ako ng mata.

Napatuwid ako ng upo at pilit pinaseryoso ang aking ekspresyon.

"No " simple at seryoso kong sabi sa kanya at sinabayan ko ng marahang pag-iling, itinagilid nya ang kanyang ulo at sinuri ako ng maigi.

Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nya, inisang lagok nya ang hawak nyang baso na may alak.

" Don't play with me Coligne " banta nya sa malalim na boses . Pilit kong huwag syang irapan sa pagkakataong ito pero kagaya ng sabi ko hindi ko forte ang naghihintay it means maiksi ang pasensya ko lalo na sa kaartehan nya.

Hindi ko maiwang isipin ,ganito din kaya sya magpakipot sa mga babaeng nagtatapat ng nadarama nila?

" Then don't flirt with me Vincent " kalamado kong sabi , 'hindi na ako bata para makipaglaro sayo' pilosopong sagot sa isip ko

" Are you experiencing puberty now?" Nakakunot noo nya nang tanong tila ba naiintindihan na nya kung bakit ko sinabi iyon, nagawa pa nitong humalakhak.

" Nalagpasan ko na ang stage na yan , nakakatatlong boyfriend na ako " mayabang kong sabi na hindi man lang iniisip ang lumalabas sa aking bibig.

"Si Francis, Gabriel at John-" Umakto pa akong parang bata na nagbibilang sa mga daliri. Pero aga din nya akong pinutol sa mga sinasabi. Padabog nyang ibinaba ang hawak na baso kaya napatigil ako.

"What the hell?!" Bulalas nya na halata ang pagka-inis sa mga binanggit ko.

Isang tipid na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya kaya mas lalong nagsalubong kilay nya.

Sa totoo lang ay wala pa talaga akong nagiging boyfriend. Study first.

Kilalang pilosopo ang mga pangalang binanggit  ko sa kaniya kanina sina Francis Bacon, Gabriel Marcel at si John Locke. Gusto kong tumawa ng malakas may pakinabang talaga ang mga pinag-aaralan namin sa school.

"Sabi ng kuya mo ay wala kapang nagiging boyfriend" matigas nyang sabi at talagang pinanindigan nya ang nalaman sa kuya ko.

Ngayon hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa.

"Moderno na ang panahon ngayon Vincent, sa tingin mo ba ay aakyat pa ng ligaw ang mga lalaki ngayon para lang maipakilala  sa kuya ko? Sa text message lang ay pwede na"

Kalmado kong pagkakasabi at pinagmasdan kung paano mas lalong dumilim ang kulay ng itim na mata nya, muli nyan binasa ang labi.

"I'll court you then.." saglit syang huminto muling ipinatong ang siko sa lamesa. " ..in a peculiar way" saka umangat ang gilid nang labi nya.

Nawala ang ngising nasa labi ko, saglit pa akong napakurap sa sinabi nya at bumilis ang tibok ng puso ko.

Kung hindi ko lang sya kilala ay baka matagal ko ng pinalitan ang kasabihan kong study first.