" I'm very disappointed to the result of your exam, but at the same time I'm glad because Ms. Manuel and Mr. Laurente got the highest score ." Nakangiting anunsyo ng subject teacher namin.
Wala sa sarili akong lumingon sa likod, walang emosyon na mukha nya ang bumungad sa akin , humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko at mabilis na ibinalik ang atensyon sa teacher namin.
Sa lahat ng papuring natanggap ko ay ito na ata ang pinaka-ayaw ko dahil alam ko na hindi lang ako ang nakakaalam ng maling ginawa ko.
" As expected ang ating class president parin ang nangunguna sa Academics ,everyone make her your role model , a beauty with brain" may halong paghanga na saad ng guro namin, kung dati ay natutuwa ako at nagagawa ko pang ngumiti tuwing pupurihin nya ako sa harap ng mga kaklase ko ngayon ay hindi na
Isang pekeng ngiti ang iginawad ko sa kanila at bahagyang yumuko para matakpan ang kabang nararamdaman ko.
Hanggang sa matapos ang ikatlong klase ko ay di maalis ang pangamba sa loob ko pakiramdam ko'y parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko.
" Coligne let's go ,nagugutom na ako" aya ng kaibigan kong si Marie bahagya pa nyang tinabanan ang tiyan nya at sumimangot, hindi na ako sumagot at tumango lang saka sumunod sa kanila
"May problema ba Coligne? " nag-aalalang tanong sa akin ni Diary bumuntong hininga lang ako
"Medyo napuyat lang ako kagabi " sinimulan ko na ang pagkain at tahimik na nakikinig sa usapan ng mga kaibigan ko. Aaminin kong hindi ako pinanganak na matalino minsan ay naiinggit ako kay Diary likas syang mas matalino sa akin ,dahil hindi sya ganoon ka interesado sa mga extra activities kaya hindi sya umaangat sa kasalukuyan nyang posisiyon.
" Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang mag-college , I'm sure mas mahirap ang exam doon " maarteng sabi ni Jona sabay irap sa ere
" Mag-aral ka kasing mabuti hindi yung puro lalaki ang nirereview mo " seryosong sabi ko at saka tumawa nang makitang umasim ang kanyang mukha.
"Eh bakit ako nagrereview naman ako palagi pero laging below 50 pa rin ang nakukuha ko, buti ka pa Coligne pa chill -chill lang nagagawa pang tumanga pag nasa klase " inosenteng sabat ni Marie sa dalawa saka tumawa. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ,ano ba itong nararamdaman ko.
" Marie , read with comprehension kasi dapat sa pag-ibig lang ginagamit ang katangahan hindi sa pag-aaral" prankang sabi ni Diary kay Marie , natawa lang kami ni Jona sa sinabi nya bilang pag-sang ayon
Hindi ko sinasadyang napatingin sa banda ng inuupuan ni Faustin, mag-isa syang kumakain sa pinaka gilid ng cafeteria habang may librong nakalapag sa lamesa nya, seryoso syang nagbabasa at nakahalukipkip ang kanan nyang kamay , ngayon ko lang napansin ang maaliwalas nyang mukha matangos ang ilong nya at medyo mahaba ang bangs sinasadya nya atang takpan ang mata nya
" Don't tell me that you like Faustino ?" Nakataas ang kanan kilay ni Jona nang sabihin iyon ,napatingin silang tatlo sa akin habang hinihintay ang isasagot ko ibinalik ko ang tingin sa kanila at ngumisi
" Not my type " simple kong tugon na nakapag kunot ng mga noo nila
" Hmm not bad , red lips, pointed nose , dark and mysterious and sexy jaw line.. " pahayag ni Jona habang sinusuri si Faustin habang nakahawak sa labi nya
"... and oh he's big !" Banggit nito na tila ba nakakita ng kayamanan sa kagubatan ,habang nakatingin ito sa bandang ibaba ni Faustin bahagya pa itong napa ungol sa sinabi
"Shut up! Majona " galit na saway ni Diary kay Jona napa-iling nalang ako ,halata ang pagka-asar ni Jona sa pagbanggit nito ng pangalan nya
Sumimsim nalang ako sa softdrinks pero hindi ko sinasadya na mapatingin kay Faustin , muntikan na akong labasan ng coke sa ilong ng makitang nakatingin din ito sa akin.
" Coligne sasama ka ba sa amin?" Tanong sa akin ni Marie habang naka halukipkip sa lamesa ko
"Hindi ako pwede magrereview pa ako para sa quiz bukas " sagot ko sa kanya habang inililigpit ko ang pinagkainan.
Umupo sa lamesa si Jona at pinag-ekis ang mga hita saka pina-ikot ang kulot nitong buhok sa daliri.
" Coligne Kill Joy " pang-aasar nya sakin saka ako inirapan , minsan talaga ay naaasar na ako sa ugaling iyon ni Jona mahilig mangantyaw at madalas ay sobrang arte hindi ko maalala kung bakit naging kaibigan ko ito
" Next time nalang ako sasama" pampalubag loob ko sa kanila dahil hindi naman ako mahilig sa night house party
" Eh ikaw Diary sama ka na rin " pilit ni Marie at ngumuso pa ito
"Sige.." huminto sya saglit at tumayo
"Kung sasama din si Coligne" pagpapatuloy nya natawa na lang ako sa reaksyon ng dalawa
" Ay parang gusto kong magsampay , may cliff HANGER akong kaibigan " biro ni Jona kay Diary natawa nalang ako at di na sila pinansin
Habang naglalakad kami sa pathway ay hindi tumitigil sa kakadaldal si Jona about sa party na pupuntahan nila ni Marie
"Si Johnson powder, Bench towel, Koko crunch, Ice berg at pati ang kuya mo ay pupunta sa party kaya sumama kana " sabay tawa nya sa sinabi napatingin ako sa kanya ng banggitin nya ang pangalan ni Vincent at ni Kuya
" Haha seriously Jona may brand name ka nang naisip sa kanila ? Eh bat yung kuya ni Coligne wala?" Makahulugang tanong ni Marie habang tumatawa
" Sorry to offend you frenny pero favorite ko talaga ang sa kuya mo kahit hindi sya brand name, jaCole " sinabi nya iyon ng may tono sabay tawa nilang dalawa pati ako ay natawa sa bansag nya kay kuya si Diary naman ay nasamid sa narinig
Napahinto ako ng matanaw ko ang lalaking nakasandal sa waiting shed habang seryosong nakatingin sa cellphone nya nag -angat sya ng tingin at agad na nagtama ang mga mata namin napatigil ako sa pagtawa at napatikom ang bibig
" Guys mauna na kayo susunduin ako ni kuya " tumango lang sila at iniwan na ako huminga ako ng malalim bago sya lapitan,hindi inaalis ang tingin nya na nakapagpadagdag ng kaba sa akin.
"Faustin " mahinang banggit ko sa pangalan nya alam kong ako ang hinihintay nya
Umayos sya ng tayo at itinago na ang cellphone na hawak.
"Kamusta Coligne?" Wala akong makitang emosyon sa mukha nya parang palagi syang may mabigat na problema
Tumikhim muna ako bago magsalita
"Hindi ko pa nakaka-usap si Vincent " pagsisinungaling ko tumango lang ito at may ibinigay na papel sa akin
" May party sa bahay ng mga Guison mamayang 7:00 pm ,pumunta ka " binasa ko ang papel na inabot nya at nakita kong address ng bahay nila Vincent ang nakasulat doon magsasalita pa sana ako ng bigla nalang syang tumalikod at hindi man lang nagpa-alam
Napabuntong hininga na lang ako sa ugali nya,bastos.
Wala na akong choice mukang kailangan ko ngang pumunta sa party.