" Good morning Coligne" masiglang bati ni Vincent. Hindi maitago ang pagkislap ng mga mata nya habang nakangiting nakatingin sa akin
Hindi ito ang unang beses na tinitigan nya ako ng may paghanga at ngiti sa labi. Hindi ko na alam kung ilan, basta ang alam ko lang ay hindi lang ako ang ginagawaran nya ng ganoong ngiti.
Saglit ko lang syang nilapatan ng tingin at agad din na nilagpasan. Napahinto ako sa paglalakad ng mayroon maalala. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago umikot para harapin syang muli.
Alam kong sanay na sya sa pakikitungo ko at hindi naman ito nagsasawang kausapin at pansinin ako. Hindi ko masisisi ang sarili sa pagturing ko sa kanya dahil alam kong ganito talaga sya makitungo kahit na kanino sadyang may kasamang 'landi'.
Iniiwasan kong mapalapit sa kanya dahil alam ko ang kahinaan ko sa lalaki, ayokong dumating ang araw na isa na rin ako sa lumuluha at gumagawa ng mga sumpa sa kanya.
Hindi na ako nagulat ng paglingon ko ay nakatitig parin ito sa akin at nakangisi. Mukhang sya pa ang nagulat sa ginawa kong pagtitig sa kanya.
Sino nga ba ang hindi mahuhulog sa lalaking may mapupulang labi na daig pa ang babae, ang kulay abo nyang mga mata na tumitingkad ang kulay sa tuwing tumatawa at perpektong mukha. Halos mapairap ako sa sarili dahil hindi ko mapigilan ang paghanga dito.
" Morning Vincent " mahina kong tugon at diretsong nakatitig sa mga mata nya.
Bahagyang umawang ang labi nya na parang hindi parin makapaniwala. Mabilis na kumunot ang noo nya at nagtatakang tumitig sa akin na para bang hindi ako totoo.
Agad akong nainis sa reaksyon nya, para itong nakakita ng maligno. Hindi ko alam kung natatae ba sya o ano. Mabilis akong tumalikod sa kanya at tumungo na sa labas.
" Ice Let's go male-late na tayo " narinig kong sigaw ni kuya sa kanya.
" Cole ,did you heard that?!" Hindi makapaniwalang sabi nya sa kapatid ko, nakasunod na ito sa likuran ko.
" Heard what?" Bakas ang kuryosidad ng kapatid ko sa tinutukoy ni Vincent, narinig ko ang pagtunog ng sasakyan kaya nauna na akong pumasok sa backseat.
" For the first time in my 20 years of existence ,she finally responded to my greetings " parang hindi parin makapaniwala ang tono ng pagsasalita nya. Muli nya akong tinapunan ng tingin na para bang merong mali.
Tawa lang ang isinagot ng kapatid ko sa kanya at makahulugan akong tinitigan.
" Seriously ? Tinalaban kanaba ng kalandian ni Ice ? " seryoso syang tumitig na para bang hinihintay akong sumagot sa katanungan ng isip nya , bumuntong hininga lang ako at iniwasan sya.
Sabay na silang sumakay sa sasakyan, simula nang masira ang sasakyan ni kuya ay lagi na kaming nakikisabay kay Vincent dahil lagi rin naman itong kasabay ni kuya sa pagpasok.
Matalik na kaibigan ng kuya ko si Ice Vincent Guison simula high school pa lang ay sila na ang napagkakamalang magkapatid dahil halos sila ang magkasama hanggang gabi.
Mabait naman si Vincent pero masyado syang straight forward sa nararamdaman nya , isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko sya masyadong kinakausap bukod sa pagiging babaero nya.
Ngayon palang kinikilabutan na ako,iniisip ko pa lang na kailangan ko syang i-date dahil iyon ang gustong kondisyon ni Faustin. Nung una ay tumanggi ako dahil ayoko talaga. Pero mas mainam na ito kesa naman mapahiya ako sa buong eskwelahan.
" Cole, sigurado ka bang hindi nakulam ang kapatid mo? " tanong nya sa kalagitnaan ng traffic, tila malalim pa rin ang iniisip nya. Pinagmasdan ko ang pagbabago ng ekspresyon nya sa front mirror.
Tinawanan lang sya ni kuya at sinabing mag-focus sa pagmamaneho.
Pagtapat ng sasakyan ni Vincent sa gate ng school namin ay hinanda ko na ang sarili ko para bumaba pero naunahan agad ako ni Vincent sa pagbukas ng pinto.
Tumikhim ako at nagpasalamat.
" You're always welcome" nakangiti nyang sabi.
"Ice male-late na tayo!" Sigaw ni Kuya mula sa front seat.
"Bye Coligne " bulong nya sa aking tainga at kumindat pa bago mabilis na bumalik sa driver seat . Bumusina pa sya ng isang beses bago pinaandar ang sasakyan.
Napahinga na ako ng maluwag , kanina ko pa iyon pinipigil pakiramdam ko ay hindi ko iyon kakayanin ang magpanggap.
'Nagawa mo ngang mandaya sa exam eh' bulong ng konsensiya ko
Mapakla akong napangiti sa sarili.