Chereads / Red Room Series : Snow in Summer / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

" Sandali lang " mahinang  tawag ng lalaking nasa likod ko

Dahan-dahan kong ibinaling ang aking ulo sa pinagmulan ng pamilyar na boses.

"Bakit Faustin ?" nagtatakang tanong ko, tahimik ko syang pinagmasdan.

Marahan nyang binasa ang kanyang labi habang ang mga mata'y may pag-aalinlangan kung magsasalita pa ba sya o hindi.

Hindi ko inaasahan ang pagtawag nya sa akin marahil sya ang pinakatahimik sa aming klase, napanguso ako nang maalala ang kaibigang si Diary.

'Mali pala ako, hindi sya ang pinakatahimik' bulong ko sa isipan

Minsan ay hindi pa ito pumapasok at ugali ding lumiban sa pangtanghaling klase. Pero hindi ko maipagkakailang matalino rin ito.

"Nakita ko ang ginawa mo " natigil ako sa pag-titig sa kanya nang bigla syang magsalita. Hindi ko naitago ang sandaling pagkagulat.

Nakaramdam man ako ng kaba ay pilit ko iyong itinago at pinalitan ng malamig na ekspresyon Pumikit ako at huminga ng malalim bago sya diretsong tinignan.

" Ano ba ang sinasabi mo Faustin , hindi kita maintindihan " alanganin akong ngumiti at kunwaring tinignan ang aking relo.

"Kailangan ko nang umalis may gagawin pa ako" mabilis ko syang tinalikuran pero nakaka dalawang hakbang palang ako ng magsalita sya ulit.

" Nakita kong kinuha mo ang questionnaire sa faculty office kahapon." Malakas nyang sabi , naikuyom ko ang aking kamay at mabilis na humarap ulit sa kanya.

Mabilis ang paghinga ako at mariing magkalapat ang aking mga labi.

" Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mo at lahat ng kaklase natin na matalino ako kaya hindi ko magagawa ang ibinibintang mo " sinagot ko sya ng may sarkastikong tono.

Hindi naman mainit pero pinagpapawisan na ako ng matindi. Nagsisimula nang mangatal ang mga binti ko, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng isang paratang at ang pinakamasakit ay totoo iyon.

"Oo Coligne , Ikaw ba napanood mo naba ang sarili mo?" mapang-uyam na sabi nya at itinaas ang cellphone na hawak, napatakip ako nang bibig at nilingon ang paligid ,nanginginig ang kamay kong hinablot iyon pero naiwas lang nya.

" Ipapakita ko ito sa dean " walang gana nyang sabi saka ako tinalikuran, bumilis ang tibok ng puso ko

Hindi pwede, isang beses ko lang naman iyon ginawa at bakit kailangan maging big deal sa kanya .

Gusto kong mangatwiran ,hindi lang naman ako ang nandaya mas marami pa at paulit-ulit ! Pero alam kong mali ako kasalanan ko bang masyado na akong nahihirapan?

Kung titignan ay napakababaw na dahilan para mapaluha, pero isa lamang akong estudyante na nasasakal na at halos hindi na makahinga dahil sa pag-aaral. Natatakot akong mahusgahan at mawalan ng mga kaibigan.

" Wait !!" Pigil ko sa kanya nang-gigilid na ang aking luha at konting tulak nalang ay hihikbi na ako, kung kanina ay medyo kalmado pa akong makipag-usap ngayon ay wala na akong paki-alam. Pero hindi sya huminto sa paglalakad kaya binalibag ko ang hawak kong bag sa kanya.

" Ano ba ang kailangan mo ibibigay ko . Gusto mo bang makuha ang pwesto ko ? Sige ikaw na ang magiging Top 1 hindi ko na gagalingan wag mo lang ipakita yan sa iba " nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon, huminto sya at hinarap ako nakita ko ang pagpipigil sa ngiting gustong kumawala sa labi nya.

Hindi ko parin maiwasan ang paghanga sa kanya kahit na sya ang dahilan kung bakit naluluha ako ngayon.

" Hindi iyon ang gusto ko Coligne ,dahil kaya ko namang gawin iyon kahit na hindi kita takutin" mayabang na sabi nya nawala ang kaninang nag-aalangan na mukha nya at napalitan ng pagkainteresado, bahagya syang lumapit sa akin at umupo sa arm chair ibinulsa nya ang hawak nyang cellphone

" Kung ganoon ano?" Bahagya akong kumalma at napakunot ang noo dahil sa sobrang pagtataka.

" Aminin mo nga Faustin may gusto kaba sa akin ? " pinangliitin ko sya ng mata, tila ba nawala ang iniisip nya dahil sa sinabi ko akala ko ay mamumula sya o kaya ay bahagyang mahihiya pero kabaliktaran ang reaksyon nya ,tumawa lang sya at bigla ring sumeryoso.

" Hindi kita gusto , at mas lalong hindi ko gusto ang nandadaya Coligne hindi ako ganon kababa pag dating sa babae. " mahinahong sabi nya at tinignan ang magiging reaksyon ko.

Saglit syang huminto at tumanaw sa bintana. Nakita ko ang galit at kalungkutan sa mga mata nya.

Mariin ang pagkakalapat ng mga labi nya at marahas ang paghinga.

Kung sa ibang pagkakataon ay hahangaan ko ang posisyon nya ngayon at baka mapuri ko pa sya pero hindi.

Halos mabingi ako sa sunod nyang sinabi.

Alam kong wala akong magagawa kundi mapailing nalang at sundin iyon.

Gusto ko lang naman mapanatili ang pagiging huwaran sa klase. Nabulag ako sa kung ano ba ang tama at mali.