Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 10 - Sentido

Chapter 10 - Sentido

Chapter 9. Sentido

NAGISING si Heizen sa marahang tapik sa kanyang balikat. Sa sobrang gulat ay napatuwid siya ng upo at nauntog na matigas na bagay.

Ali grunted and she realized she hit his forehead. Napaupo ito sa tabi niyang sapo ang nasaktang noo.

"Sorry! N-nagulat lang ako," hinging-paumanhin niya. Tumango lang ito.

Paluhod na hinarap niya ito at sinapo ang baba nito. Napangiwi siya nang makitang namumula ang bandang kaliwa ng noo nito.

"Baka magkabukol ka!"

"Ikaw ang magkakabukol. Pulang-pula ang noo mo."

"Ikaw rin naman!" Mas lumapit siya para matitigan iyon. "Wait, I'll just get some ice pack."

Bago pa siya makatayo ay pinigilan siya nito. Sinapo rin nito ang baba niya at tinitigan ang kanyang noo. O ang kanyang mukha?

"M-may dumi ba?"

"Ang kapal na ng kilay mo," pansin nito. Agad niyang tinulak ang lalaki. Aasarin na naman siya nito.

"These are naturally bushy! Don't worry, magpapa-thread ako bukas na bukas tutal may ipon naman na ako. Ano pa ang kailangan kong gawin, kamahalan?"

Tumawa ito at pinigilan ulit siya sa pagtayo. "Dito ka muna. Titingnan ko pa ang noo mo."

Napalunok siya nang sa isang iglap ay ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Nang makahuma ay naalala niyang hindi pa siya naliligo.

"You smell like bleach," naniningkit ang mga matang komento nito. "Ano'ng ginawa mo rito sa kwarto mo?" Para itong nawala sa sarili nang tanungin ito.

Suminghap siya at tinulak ito. "Oo, mabaho na ako. Naglinis kasi ako ng banyo!"

"Ano?!" tila natauhang bulalas nito.

"Look!" she proudly said as she walked to the bathroom. Sumunod naman ito sa kanya sa loob. "Ang kintab ng mga salamin, 'no? Look at the smoked door, too." Bumaling siya sa nakasara nang pinto. "Salamat sa mga video tutorials na pinanood ko, marunong na ako nito."

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. Wala sa sariling nahagip niya ang sariling repleksyon sa salamin. She looked like a mess. Her hair was in a messy french bun. At halatang bagong gising siya sa pamamaga ng mga mata niya at pamumula ng ilang parte ng kanyang balat.

"Ang pangit ko na pala," natatawang komento niya.

Mariin lamang itong nakatitig sa katawan niya, partikular na sa kanyang leeg, braso, pababa sa kanyang mga kamay.

"Why?"

"You didn't have to do this."

Napayuko siya, bahagyang nakaramdam ng pagtatampo.

"I mean, I want to thank you for your effort. I'm proud that you're learning, Heizen." Lumapit ito sa kanya at hinuli ang kanyang mga kamay. "Pero... namumula ang balat mo." His voice was husky.

Napakurap-kurap siya at napatitig sa sa sarili. "Hala, oo nga! Baka nadaganan ko kaninang tulog ako."

Umiling ito. "Did you use too much bleach?"

Napaisip siya. "Hindi naman..."

"Did you use gloves? Face mask?"

Natigilan siya 'tsaka umiling nang mapagtantong hindi siya gumamit ng mga iyon.

Napamura ito.

"Kailangan ba no'n?" Hindi niya kasi napanood sa video. O baka nakaligtaan na niya dahil naatat siyang linisan ang mga salamin sa banyo.

He sighed, obviously he's worried. Iginiya siya nito sa lababo at tinutok ang mga kamay niya sa faucet. Napaigik siya nang maramdamang mahapdi ang mga iyon.

Naging mabigat ang paghinga nito sa bawat dampi ng tubig sa kanyang balat.

"Ako na... Mag-ano, shower muna ako. Namawis ako kanina kaya mabaho na ako." Binawi niya ang kamay at nagmamadaling lumabas ng banyo. She suddenly felt some unfamiliar heat and just like before, she was scared to entertain that feeling.

"Hindi ka mabaho," habol pa ni Ali nang nasa pinto na siya.

Hindi niya ito pinansin at akmang hihilain na niya ang handle ng pinto nang pigilan siya ni Ali. Sa sobrang gulat ay napahinto siya at halos maumpog sa pinto. Mabuti at naitukod niya ang mga palad doon.

"Ali..."

"Hmm?"

Umatras siya at bahagya siyang natigilan nang ilang pulgada lamang ang layo nito sa likuran niya. "Atras..."

Imbes na umatras ay hinuli nito ang mga kamay niyang nasa pinto, ginagap nito ang mga iyon at kitang-kita niya ang naiwang  bakas ng kaniyang mga palad doon. Agad na binawi niya ang kaliwang kamay at pasimpleng pinunasan ang bakas sa salaming pinto.

"Ayan tuloy. Kalilinis ko lang nito, eh," kunwaring reklamo niya. Umatras ulit siya at dumikit ang matigas na katawan nito sa likuran niyan. "Umatras ka muna..." pabulong niyang untag.

Ito na ang humawak sa handle ng pinto. He pulled to open the smoked door and she immediately went out the bathroom and his room.

Sa sariling silid siya dumiretso, sa loob ng banyo. Pilit na pinakakalma ang sarili. Hindi na rin pala pinalitan ang tinutuluyan niya sa mansiyon. Noong una ay ayaw niyang pumayag, kaya sinabi na lang niyang bawasan iyon sa sahod niya dahil hindi siya maglalagi sa maid's quarter.

Lagpas isang oras nang matapos siya at napakislot siya nang pagbukas niya ng pinto at nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto si Ali at nagse-cellphone.

"You're done," puna nito. "Let's go downstairs. Gagamutin ni Mama ang mga pantal mo."

Napayuko siya nang makababa na sila sa sala. Nandoon si Dra. Aliana, may emergency kit sa tabi ng ginang.

"Pasensya na po sa clumsiness ko," hinging-paumanhin niya.

"You should be careful next time, hija. "Mabuti na lang at hindi malala ang mga ito. Mas mainam pa na huwag ka na ulit humawak ng bleach."

Napanguso lang siya. "Hindi ko po alam, pasensya na talaga."

"Halika rito, lalagyan ko ng ointment ang mga pantal mo."

Agad siyang tumalima. Matapos punasan gamit ang cotton balls ay nagsimula na itong lagyan ng ointment ang kamay niya. Tumunog ang cellphone nito. Sinagot ni doktora ang tawag at nagmamadaling tumayo. Ilang sandali pa ay lumingon ito sa kanya.

"I'm sorry. I have to go. Kailangan ako sa ospital," paalam nito. "Ali, continue putting ointment on Heizen's rashes. I have to go." Iyon lang at naiwan silang dalawa ni Ali sa sala. Hinatid ng driver si doktora.

Agad na umupo sa tabi niya si Ali na kanina pa nagmamasid sa kanila. He grabbed the ointment and carefully put some on her hands.

"Nalagyan na ni Ma'am iyan," puna niya.

Hinipan nito ang namumulang likod ng kanyang mga kamay. He then sighed and continued putting the ointment cream on her skin. Marahan at dahan-dahan ang pagdampi ng hintuturo at hinlalaking daliri nito sa balat niya. Nagsitaasan ang mga balahibo niya nang umakyat ang paglalagay nito ng cream. Bago tuluyang malagyan ang leeg niya ay hinipan muna nito ang kanyang braso, na kalalagay lamang ng cream.

"Tilt your head a bit," utos nito. Tumalima siya at dumampi na ang ointment sa kaliwa niyang leeg. Napalunok siya nang maramdaman ang lamig ng cream kasabay ng init na bumalot sa kanya nang marahang ikalat nito ang cream sa leeg niya.

Lumapit din ito sa kanya at bahagyang hinipan ang nilagyan nito ng cream.

"Y-You're too near."

"Hinihipan ko para hindi gaanong mahapdi," he explained.

She just groaned. "Nangangalay na ako, Ali." Alam niya sa sariling naghahanap siya ng dahilan para makalayo. He moved to the side and tapped his lap.

"Humiga ka rito para hindi ka mangalay habang nilalagyan ko iyong kabila."

Napakagat-labi siya. Mukhang wala siyang kawala. Patagilid na rin siyang humiga at tinabing ang buhok sa kabilang banda.

Tahimik na tahimik sila habang nilalagyan nito ng ointment cream ang leeg niya.

"Hindi pa ba tapos?" tanong niya.

"Kasisimula ko pa lang lagyan..." namamaos nitong untag. She stayed still and he continued what he's doing.

"Nakakaantok naman."

"Matulog ka. I'll massage your temple."

"Ha?" Humiga siya ng maayos.

"I'm done putting the ointment. Close your eyes." Nag-alcohol ito at pinatuyo ang kamay. Akmang tatayo na siya nang pinigilan siya nito. "Just lie down."

Hindi na siya nakapagsalita nang marahan nitong minasahe ang kanyang sentido.

"Hmm..." she groaned and she closed her eyes. Ang ginhawa sa pakiramdam ng pagmasahe ni Ali.

"Do you like it?"

Tumango siya. "Diinan mo riyan, Ali," malat ang tinig niya nang nagpatuloy ito sa pagmasahe sa kanya.

"Like this?" he asked huskily.

Tumango ulit siya. "Ibawas mo na lang ito sa sahod ko, ah?"

He didn't respond and just continued massaging her temple.