Chapter 14. P. A.
MABILIS na nilapitan si Heizen ni Ali matapos magbihis. They were just silent when he let her in again. Medyo nabasa siya dahil sa lakas ng hangin, kaya ang patak ng ulan ay umabot sa pwesto niya.
"S-Sorry about earlier..." panimula niya. "I should've just waited outside your room," she added as she only stared at him. Sa sobrang pagmamadali nitong magbihis ay hindi na gaanong nakapagpunas ng katawan kaya medyo basa ang t-shirt nitong dilaw.
He cleared his throat and didn't look back at her.
"I called my co-member, Damien, and he said he has an extra ticket. Pwede ka nang manood bukas. I tried buying an extra ticket but it's already sold out that's why it's really good that they still have an extra."
Napanguso siya dahil pinipigilan niyang matuwa. Baka mamaya, sabihin nitong kilig na kilig siya. Totoo naman.
Pumasok ito sa banyo saglit at nang lumabas ay lumapit ito sa kanya na may dalang twalya. Pinunasan nito ang basang braso niya, at pinatong sa ulo ang itim na twalya. Agad naman siyang nagpunas.
"Maaga akong aalis bukas ng madaling-araw. Gustuhin man kitang isabay, ayaw kong mabagot ka," pagbibigay-alam nito sa kanya.
Mabilis siyang umiling. "No, I'll be fine. Promise!"
"You sure?"
"Hm!" She nodded.
Gaya nga ng napag-usapan ay madaling-araw silang umalis. Bago natulog ay inayos na niya ang mga gamit. She decided to bring a backpack. She packed some sandwiches, some bottled water and four different kinds of towels. May maliit, mas maliit, at pinakamaliit na sukat. Nagdala rin siya ng extra shirt niya, at ni Ali.
Habang nasa biyahe sila ay nakatulog siya sa kandungan nito habang nakapwesto sila sa backseat. Antok na antok pa kasi siya nang gumising at gumayak. Nagpahatid na lang din sila sa driver dahil ayaw niyang mapagod ito sa pagmamaneho.
Nakarating sila sa isang hotel, katapat lang ng Dome kung saan gaganapin ang debut concert nina Ali.
"I booked you a suite. Matulog ka muna dahil maaga pa. I'll go back later and I will give you the ticket."
It was disappointing but still, she's not surprised. Tumango na lang siya at humiga na sa kama.
She thought she'd go with him at the venue, she thought she'd meet his new circle of friends. If they were really new. Base kasi sa nalaman niya, matagal nang nagkasama-sama sa training ang ilan sa mga miyembro ng Eclipse kaya alam niyang matagal na nitong kaibigan ang ilan.
Naiwan siya sa suite at inabala niya ang sarili sa pagpapatugtog ng track lists ng debut album ng Eclipse, at pagri-research tungkol sa mga grupo. Namangha siya dahil marami ang pumupuri at nakikinig sa mga kanta ng mga ito. At syempre, marami rin ang bashers, or those people who throws hate towards one self. Pero hindi niya pinansin ang mga negatibong pahayag tungkol sa baguhang grupo dahil hindi naman iyon makakatulong sa kanya.
Dahil wala namang gagawin ay natulog na lang siya, she woke up at two and decided to fix herself. She's glad she changed her mind and brought an above the knee denim jumper skirt instead. May dala rin siyang plain pink round fitted shirt. Mabilis lang ang naging pagligo niya at naglagay ng kaunting makeup.
She was just waiting for Ali because the concert will start at six. Mag-a-alas sinco na kaya parang imposibleng puntahan pa siya nito.
She grabbed her phone on her bag's pocket and her eyes widened when she saw how many missed calls did she have! Lahat ay galing kay Ali.
She called him back but a woman answered the other line. Para siyang sinampal ng libu-libong mga rasong dumaloy sa kanyang kaisipan.
Stop over thinking, Heizen!
"Hello? Is this Heizen?"
"Yes," halos pabulong niyang sagot.
"Hay, mabuti at tumawag ka na. Ali left his phone to me and told me to wait for your call. Ayaw ka nang patawagan sa akin baka raw kasi mahimbing pa ang tulog mo." The woman explained in her sincerest tone.
"Naligo ako, hindi ko naman narinig noong nag-ayos na ako kasi naka-silent," she replied, telling what happened.
Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Bakit iniwan ni Ali ang cellphone sa babae? Bakit parang malapit ang dalawa? Bakit alam nito ang pangalan niya? Bakit hindi siya pinuntahan ni Ali at pinagkatiwala ang cellphone sa babaeng nasa kabilang linya? Bakit parang sobrang malapit ang dalawa? Bakit— Okay, self, calm down. Pauli-ulit tayo.
"Nasa Sandoval Hotel ka, hindi ba? Nandito na ako sa lobby hintayin na kita. I'm wearing a headband with bunny design on it. May picture ni Ali na nakadikit sa bunny ears. And I'm wearing a red with white baby collar dress. Ah, white sneakers din."
Wala sa sariling tumango siya kahit hindi naman siya nakikita ng kausap 'tsaka sinuot na ang kulay puting sneakers. Dinala na rin niya ang backpack dahil nandoon ang mga gamit nila.
Pagkababa sa lobby ay nakita niya kaagad ang babaeng kausap sa cellphone ni Ali kanina. Sa palagay niya ay hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa.
But she looked like a human doll. Kumbaga sa mga manyika, ay porcelain doll ang huli. A very precious one. Hindi niya maiwasang manibugho sa isipang may namamagitan dito at kay Ali.
Ito na ba ang mapapangasawa niya? Mapait niyang tanong sa sarili.
"Ikaw si Heizen?" she asked when she approached her.
"Oo." Hindi niya alam kung ngingiti o hindi, sa huli ay ngumiti siya dahil nginitian siya nito.
"Hi! Ako mga pala si Bomme," pakilala ng huli.
"Heizen."
"I know. Let's go? Nagpapapasok na sila sa Dome, eh. Nasa akin ang ticket mo," she informed her.
Nagtangis ang bagang niya. If she only knew Ali asked a woman for her to have her pass or ticket, she wouldn't have went to the concert. Nagngingitngit ang kanyang kalooban.
Hindi siya umimik hanggang sa makarating sila sa VIP section ng Dome. Sa ikatlong row ng upuan sila nakapwesto ni Bomme, bandang gitna.
"Grabe, I've watched them practice many times and I couldn't believe they will really debut tonight!" bulalas ni Bomme. Kanina pa ito walang tigil sa pagkukwento samantalang siya'y tahimik na nagmamasid. Oo o hindi, puro tango o iling ang sagot niya rito.
Ilang beses na raw niyang napanood ang practice, kung ganoon ba, dinadala ni Ali ang babae s—
"Hey, why are you frowning at me? Hindi ako kalaban," natatawang untag nito, nagtaas pa ng dalawang kamay, tanda ng pagsuko.
Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Ali is a good dancer and a great singer, too. I think hindi lang siya sa main vocal position, dapat, main dancer din siya," she voiced out her opinion.
Her jaw clenched while listening to her. Ayaw niyang mainis dito dahil mukhang mabait at palakaibigan pero hindi niya maiwasang makaramdam ng inis. Asar na asar na siya, sa totoo lang
"Magsisimula na!" Bomme excitingly squealed.
Siya nama'y tutok na tutok ang mga mata sa stage. Parang nawala ang lahat ng inis niya nang magtama ang mga mata nila ni Ali. At ang damuho! When his body was swaying sexily, he smirked at her and bit his lower lip seductively. Before he changed position, he winked at her.
The people around her screamed to the top of their lungs while her gazes were glued on to him.
Napakislot siya sa malakas na pagsundot ng kung sino sa tagiliran niya at nang harapin niya ito para singhalan ay nakita niya ang mapanuksong mga titig at ngisi ni Bomme sa kanya.
Dahan-dahan siyang napangisi.
Hanggang sa matapos ang comcert ay hindi niya alam kung paanong hindi pa siya nawalan ng ulirat sa kasisigaw at kakatili. Hindi na niya napigilan at nakipag-headbang na rin siya sa mga p-in-erfrom na electronic na kanta ng Eclipse. She knew right there and then that she became one of their fans.
"They were all amazing!" bulalas ni Bomme sa kanya nang naglalakad sila papunta kung saan.
"Yes... It felt so surreal," parang nlilipad na aniya.
"Tara! Batiin natin sila!" masiglang anyaya nito sa kanya at hinila papunta sa—
"Backstage!?" bulalas niya.
Tumango si Bomme.
"Teka, bawal yata tayo riyan!"
"Pwede. Trust me."
"Kunsabagay, gusto ko ring batiin si Ali."
Pero nasabat sila ng ilang mga bouncer kasama ang isang parang maykayang lalaki.
"Where are your passes?" the man asked with so much authority.
"I, uh..."
"I have, Sir!" Bomme was obviously intimated by him as well. May kinuha itong I.D. sa body bag at na-realize niyang backstage pass iyon.
"It's only for one person, I assumed it's for you," sagot nito kay Bomme. "Where's yours?" baling sa kanya matapos sipatin ng lalaki ang pass ni Bomme.
"Ay, Sir,—"
"Wala po," nakayukong amin niya. Pinutol noya ang sasabihin ni Bomme.
"Crazy fans ba kayo? Were you sneaking so you'd invade of Eclipse' privacy?"
Mabilis na umiling siya. "I just wanted to congratulate Ali! That's all!"
Naningkit ang mga matang tinitigan siya ng lalaki. "Why? Are you and Ali in a relationship?" he probed.
Nakagat niya ang labi sa sobrang nerbiyos. Ano nga ba sila ni Ali? Alam niyang may nag-iba na sa relasyon nila nito. Hindi na siya basta yaya lang ng huli.
Pagkuwa'y halos napalundag siya nang may sumagot, ilang dangkal lamang ang layo nito mula sa kanyang likuran.
"She's my P.A.," agap ni Ali. Nanuot sa kanyang balat ang lamig ng boses nito nang ipakilala siya sa mga taong naroon.
Mabilis na bumaling siya rito at hindi makapaniwalang tinitigan ang pawisang lalaki.
She couldn't imagine he really said she's his personal assistant when just yesterday, he confessed that he liked her...