Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 16 - Crowd

Chapter 16 - Crowd

Chapter 15. Crowd

WHY was he so cold?

Natatarantang sinuot niya sa harap ang kanyang backpack na kakukuha lang nila sa baggage counter bago dumiretso roon papunta sa backstage. She was hurt but she just let that feeling swept away.

Walang mali sa sinabi ni Ali. Wala namang silang relasyon. Inabuso niya ang kabaitan ng kanyang amo. Hindi na siya mayaman at wala siyang karapatang mamuhay ng parang isang prinsesa pero parang pinaramdam ni Ali sa kanya na hindi naman siya naghirap talaga. Siguro ay masyado lang siyang naging assuming. How about the kisses?

"Ah, o-opo. P. A. niya na ako ngayon. I've been serving him for almost a year now," pumiyok na paliwanag niya.

"Is that true?"

"Yes, Boss," walang ganang sagot ni Ali.

Naningkit ang mga matang tinitigan siya ng ng tinawag nitong Boss, tila tinatantya kung gaano katotoo ang sinabi nito.

"Heto nga po, o, dala ko ang ilang gamit niya." She opened the backpack and shown him the towelettes and Ali's shirt. "I also have bottled water for him... and energy drink."

"Alright, I'm sorry if I offended you. What's your name?" The latter flashed a smile— rather, a heart breaker's smile. Parang ang dami nang napaiyak na babae sa sobrang gwapo nito. Bawal ang judgmental, girl. Playboy agad?

"Heizen p-po."

"I want to ask you out for dinner."

"Po?!"

Nagsinghapan din ang mga nakapaligid sa kanila. She didn't notice that Eclipse' members were there as well and some of the staffs.

"I think I like you so I'd like to ask you out." He's too straightforward that she couldn't removed her eyes on him because of amusement. "Hmm?"

"Ano po... I... M-May trabaho pa ako," sagot niya 'tsaka bumaling kay Ali. Teka, parang mali ang sinagot ko.

"When's your off?"

Was he serious?

"She's just nineteen." Bumaling siya kay Ali at umigting ang panga nito.

"You're just nineteen?" Namamanghal usal nito. "I won't mind. You're not minor and—"

Nabitawan niya ang hawak na twalyang dala niya para kay Ali. Mabilis na yumuko siya para damputin iyon pero nauntog siya sa noo ng matikas na si Boss nang yumuko rin ito.

"Sorry," he said genuinely. "My name is Rexton dela Costa. Where's your phone?"

Nakatungko pa rin sila nang wala sa sariling iabot niya ang cellphone dito.

"I saved and missed called my number. Call me when you're not busy, okay?"

Napakurap-kurap siya at pulang-pula na sa sobrang hiya dahil sa bulungan at panunukso ng ibang mga nandoon.

Napakagat-labi siya para pigilan ang pagtulo ng luha. Ayaw na yata niyang nase-sentro sa kanya ang atensyon mula noong nakaraang taon na lagi siyang nasa Headlines ng business news. Kaya ang nangyayari ngayon ay "too much" para sa kanya.

"I'm only turning thirty. I'm not too old for yo— hey, beautiful, are you alright?" Rexton sounded real concerned.

Tumango siya't tumayo pero nanatiling mababa ang tingin.

Inangat ni Rexton ang mukha niya't hinuli ang kanyang tingin.

"Let's go somewhere else?"

"We need to go home after this," madilim na sansala ni Ali sa usapan.

"Oh, I forgot. You're working right now." Doon binitawan ni Rexton ang marahang paghawak sa baba niya. "Will send you a message later. Take care, sweetcake." Kinindatan siya ni Rexton.

Naiwan siyang nakatulala.

"Wow..." si Bomme. "Speed!" komento pa nito. Ibig sabihin ay mabilis kumilos ang Rexton na iyon. Ali grabbed her and they walked away together.

"Ali," mahinang tawag niya sa lalaking madilim ang mga titig nang huminto sila sa paglakad.

"What?"

"C-Can I go home?"

"Sandali lang. May meeting lang kami saglit. Hintayin mo ako sa dressing room."

"Marami bang tao roon?"

Saglit itong natigilan at pinakatitigan siya nang husto. "You don't like the crowd?"

"Hindi naman sa ganoon... Ayaw ko lang na... naka-focus sa akin ang atensyon..."

He just stared at her and she saw how worried he was.

"I'll ask Mom so that she can help you refer to one of the counselors she knows."

"Huh? Bakit?"

"I think you're traumatized with what happened to you before. I'm sorry for not noticing it." May pagsisisi sa boses nito.

"Why? I'm okay! Hindi lang siguro ako sanay kasi lagi lang ako sa mansyon."

"Hindi na dapat kita hinayaang maglagi lang sa bahay, Heizen. Dapat lagi tayong lumalabas o kaya nama'y lagi kitang sinasama."

"Ayos nga lang. That was my choice," agap niya.

Tahimik sila at hindi na nakarating sa dressing room.

"Ali, babalik na lang ako sa suite. May card key ka naman, hindi ba?"

Nauunawang pinayagan siya nito at binalak pang ihatid siya kung hindi lang ito tinawag ng nagpakilalang manager nito.

Mag-a-alas nueve na nang makarating siya sa hotel, naglakad-lakad muna kasi siya sa paligid para humanap ng cake shop. She bought one with a "Congratulations" dedication on top of the round small chocolate cake.

Pagkarating sa hotel ay dumiretso siya sa shower room. Huli na nang mapagtantong wala na siyang baon na damit.

She immediately called Ali but he didn't answer. So she sent him a text:

Ali, naligo ako. I forgot I didn't have clothes. Baka pwedeng bilhan mo ako sa nakabukas pang boutique na madaanan mo.

She wore a white robe and dried her hair. Inaantok na siya nang dumating si Ali, lagpas alas onse. Alam niyang ito iyon dahil hindi kumatok ang huli. Pagkuwa'y ni-lock nito ang pinto.

"Heizen..."

"'Uy! Congratulations on your debut!" Tumayo siya at sinalubong ito, bitbit ang maliit na cake. "Sorry walang light ang candle. Wala akong lighter, eh," paliwanag niya.

"Thank you..." May kakaibang apoy ang nasa titig nito.

"Did you buy me clothes?" tanong niya agad nang ilapag ang cake sa mesita.

"What clothes?" namamaos nitong tanong.

Napasimangot siya. "I texted you and told you to buy me some. Naligo kasi ako pero wala na pala akong damit."

He gulped sexily as he stared at her neck. "I forgot my phone."

She just sighed and grabbed her backpack.

"Wait, magpa-deliver na lang tayo. May boutique naman sigurong malapit dito."

Oo nga, 'no?

Nakasimangot siya nang tumipa sa kanyang cellphone. Tama ito, may malapit na boutique sa hotel. Pero hindi available online.

"Have you eaten?" he asked.

Umiling siya. "Hindi naman available online itong boutique na' to," pagbibigay-alam niya.

"Wala na bang iba?"

"Tinatamad na akong magtingin. I'll just wear the clothes I wore this morning." She was wearing a maong shorts and a black spaghetti sando with a long pastel pink cardigan.

"Bibili na lang ako. Wait for me, alright?"

"Huwag na. Alam kong pagod ka."

"But you don't have underwear..." Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.

"I won't wear one—" Natigilan siya nang mapansin kung gaano ka-intimate ang usapan nila. But it felt normal a while ago, so why was she feeling intimated now?

Napalunok siya. It's must be because of Ali's scorching gazes to her just a moment ago.

Natatarantang binitbit niya ang backpack at pumasok sa loob ng magarbong banyo. Natitigan niya ang sarili sa salamin at hindi maikakailang pula-pula na ng mukha niya.

Damn, she didn't notice her robe was almost showing her right boob. Kaunting lilis pa ay mahahantad na iyon kay Ali.

Napakagat-labi siya habang pilit na tinataboy ang init na dumaloy sa kanyang katawan. She wore the maong shorts without a panty, but she wore her bra again before wearing her top clothes. Nang lumabas siya ay may room service ng pagkain ang kasalukuyang sine-serve. Nang mai-serve na ay umupo siya sa highchair. Nasa high table kasi ang mga pagkain.

"Kumain na tayo," anyaya niya.

Umupo si Ali sa tapat niya at mariing tinitigan ang suot niya.

"Are you comfortable wearing just that?"

Why did he have to know her so much? Alam nitong hindi siya komportableng inulit niya ang suot na damit kaninang umaga. She pouted.

"Kumain na tayo nang makauwi na agad at makapagpalit ka."

Tumango siya at nagsimula na silang kumain.

"Gusto mo nito?" tanong nito habang hawak ang isang mangkok na putahe ng ulam. Nang tumango siya ay nilagay nito iyon sa sariling plato at pinutul-putol sa maliliit na parte ang karne. She thanked him when he put it on her plate.

"Do you like him?" pagkuwa'y tanong nito.

"Sino?"

"Rexton dela Costa."

"Ah..." Napatangu-tango siya. "I admire his pagiging pranka," she honestly said. "But he's too straightforward for me. Baka lagi akong mabigla sa mga sasabihin niya kapag kasama ko siya."

"You were flustered."

"Who wouldn't be? Hindi araw-araw na nangyayari iyon sa buhay ng isang babae."

"Did your heart flutter?" kunot-noong tanong nito.

Napangisi siya. "Interview ba ito or what?"

He just scowled at her.

She pouted even more. Siya nga itong nagtatampo kay Ali, eh. Pero mas pinili niyang pagaanin ang damdamin.

"Anong iniisip mo?"

"Nagtatampo ako sa iyo," she blurted out.

"I'm sorry..."

"No, don't be sorry. Nagulat lang ako na personal assistant na pala ako ngayon. The glow up is real!" biro niya. "Pero sana'y sinabi mo muna para hindi ako nabigla kanina."

"I'm sorry," ulit nito.

"Ano bang hinihingi mo ng tawad? What you said was true. I am your employee. So... yeah."

"Why are you crying, then?" lumambot ang tinig nito at naghalo ang iba't ibang emosyon sa mga mata nito.

"H-Huh?" Mabilis na pinahid niya ang pisngi at may luha ngang naglandas doon. "Ano lang... Uhm... Ano... N-Nabigla lang ako sa crowd kanina! That was it."

Nag-iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay ipagkakanulo siya ng sariling damdamin kung nanatili siyang nakatingin sa mapanuri nang mga titig nito sa kanya.