Chapter 11. Blood
HEIZEN woke up when it was already six in the morning. Bumalikwas siya ng bangon at naupo sa kama. Agad na iginala niya ang paningin sa paligid at nang mapagtantong nasa silid pa ni Ali ay wala sa sariling kinapa niya ang pang-itaas na katawan.
She sighed in relief when she realized she didn't remove her top like she used to.
Napasinghap siya nang mahawakan ang sariling dibdib. She felt sensitive and that her nipples were hard. Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin sa bed sheet, there's blood!
Napamura siya at mabilis na tumayo at tinanggal ang kobre kama. Pumasok din siya sa walk-in closet ni Ali 'tsaka kumuha ng boxer shorts nito at isang t-shirt. Hindi naman siguro ito magagalit kung makikigamit siya ng banyo. Ayaw niyang lumabas ng may tagos dahil nahihiya siya.
Kaninang madaling-araw ay nalingat siya at ramdam niya ang matindi at hindi maipaliwanag na pananakit ng puson pero tinulog na lang ulit niya.
"Dapat lumipat na ako sa kwarto ko, eh! Nakapaglagay sana ako ng sanitary pads," kastigo niya sa sarili.
Mabilis siyang nag-shower at isinuot ang damit, hindi na siya nagpatuyo ng buhok dahil itutuloy pa niya ang pagligo sa kanyang banyo.
Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa kanya ang naglalakad papalabas ng pintong si Ali.
"Ali!" she called him in.
"I, uh, I'll go downstairs," natatarantang bulalas nito.
"Sandali!"
Natigil ito sa paghakbang at humarap sa kanya. Mabilis naman siyang humakbang papalapit dito. Habang naglalakad ay titig na titig ito sa kanya, partikular na sa damit niya. Bumuntung-hininga ito.
"Ay, humiram muna pala ko ng damit. Kagabi kasi, hinihintay kita. Nakatulog ako rito. Tapos..." at inesplika niya ang dahilan kung bakit nag-shower siya roon.
"Bakit mo ako hinihintay?"
Napanguso siya. "I always wait for you." Saglit itong natigilan. "Anyway, I wanted to say mag-aaral na ako next school year! And I will take Business. 'Tsaka—"
"Save all of that for later," awat nito sa mabilis na pagsasalita niya. "Bumalik ka na sa silid mo at iwanan mo na ang bed sheet dito. Pati iyong damit mo. I'll do the laundry," mariing sambit nito.
"Hindi ka aalis ngayon?" She's suddenly hyped.
"We have a week off before our debut date next week."
Bigla siyang nasabik dahil ibig sabihin no'n ay makakasama niya ito ng buong linggo ng walang interruption!
"Go to your room, Heizen."
Tumango siya. "Gagawa ako ng schedule natin buong linggo. Hintayin mo ako sa balkon, bibilisan ko ang pagligo!"
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito.
"Magdala ka na rin ng almusal natin para maka-save ng time," dagdag niya.
"I'll take a cold..." anas nito. Halos hindi niya marinig.
Nag-aalalang lumapit siya. "Bakit? Mainit ka ba? Baka nilalagnat ka't sinasabi mo lang na may bakasyon ka pero sa totoo'y magpapagaling ka? You have a cold? Ano na nga?" sunud-sunod na hinala niya.
Tumawa ito. "I'm not sick, baby. I just need a cold shower."
Nangunot ang noo niya. Did she hear him right? Maybe, no? Minsan kasi ay parang nabibingi siya sa tuwing malapit sila sa isa't isa. Gaya na lamang niyon ng halos gadangkal na lang ang pagitan sa kanila.
She still touched his forehead anyway.
"Namamawis ka? Ang ginaw naman dito. Baka may sakit ka," nag-aalalang sambit niya habang pinupunasan ang butil-butil nitong pawis sa noo gamit ang kanyang palad at likod ng palad.
"I'm fine, Heize."
She pouted, then she sighed heavily and felt something leaking in between her legs. Napamura siya at mabilis na lumayo kay Ali.
"What happened?"
"Baka matagusan ako. 'Balik na ko sa kwarto ko! Hintayin mo na lang ako sa kusina o sa sala."
Hindi na niya ito hinintay na makasagot dahil mabilis na lumakad na siya papalayo.
Just like what she said, she took a shower fast. Hindi na rin siya nag-abalang magpatuyo ng buhok at hinayaang nakalugay iyon habang basa pa. Pinakapunasan na lang niya iyong gamit ang towel. She then wore an oversized tee and a tattered faded maong shorts. Halos patakbo siyang bumaba at naabutang naghahanda na ng agahan si Manang Rica.
"Si Ali, Manang?" tanong niya.
"Good morning, hija. Hindi pa siya bumababa."
"Good morning din po. Akyat lang ako."
Pagkarating sa tapat ng pinto ng silid ni Ali ay nagulat siya nang naka-lock ang pinto.
"He doesn't usually locks his door," bulong niya. Sumandal siya sa pader at tumipa na lang sa kanyang cellphone. She'd search on some places they could visit.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon at nakaramdam siya ng pangangalay.
Napakislot siya nang bumukas ang pinto at bakas na bakas ang pagkagulat sa mukha ni Ali. Binaba niya ang mga kamay sa gilid niya para mag-focus dito.
"Kanina ka pa riyan?"
Umiling siya at ngumiti. "Tara na? Handa na ang agahan."
"I... I'm sorry I took my time taking a shower. Ang akala ko kasi'y maya-maya ka pa matatapos..."
"Okay lang. Binilisan ko talaga para hindi sayang ang oras," magaang sambit niya. "Bakit parang namumula ka?" tanong niya nang mapansing namumula ang leeg nito. He's wearing a shirt and a jogging pants. Nang mag-angat pa siya ng tingin ay kitang-kita niya ang pagkamangha sa mga mata nito.
"You didn't dry your hair, too?"
"Natutuyo na rin naman. I'll just brush it later."
"Beautiful," he murmured.
Tumabingi ang ngiti niya sa sobrang kabang nadarama. Hindi niya maipagkakaila ang pangungulila niya kay Ali.
Kung noon ay tinatakasan niya ang hindi pamilyar na emosyong umaalsa sa dibdib niya, ngayo'y hinahayaan na niya. At napangalanan na rin niya ang damdaming iyon, huli na para umiwas dahil hindi na niya mababawi ang damdamin para rito. Gustung-gusto niya si Ali pero hindi siya kailanman aamin dito. Makokontento na lamang siya na ganoon sila dahil baka bigla itong umiwas kapag nalaman nito ang saloobin niya.
Hindi niya maalala kung kailan siya nagkaroon ng romantikong damdamin para kay Ali. Was it when she started seeing him as a man? Or the time she lived with his family? She honestly didn't remember. What's important was that she could name her feelings for him now.
She just acted normal in front of him and tried so hard to suppress her feelings whenever he's around. Nakatulong din ang palagiang pag-alis nito pero may malaking parte sa kanya ang nalulungkot dahil hindi na sila halos nagkakasama ng huli.
Kaya ngayong free week nito ay susulitin niya. She wouldn't let go of him without having a memorable time with him.
Every time with him is memorable, Katwiran niya sa isip. Wala sa sariling ngumiti siya.
"Baby, let's go."
"H-Huh?"
"Kumain na tayo."
Marahan siyang tumango at parang nililipad sa alapaap nang gagapin nito ang isang kamay niya 'tsaka sabay silang lumakad patungong hapag-kainan.