Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 13 - Brave

Chapter 13 - Brave

Chapter 12. Brave

BUONG araw na nakasimangot si Heizen dahil kinailangang umalis ni Ali. Biglaan ang pagtawag sa mga ito dahil may kailangan daw baguhing steps sa isang B-track ng album.

"I'm really sorry, babawi ako."

Wala naman siyang magawa dahil sino ba siya para mag-demand? Matapos kumain ng agahan ay umalis na ito.

Pero hindi na ito nakabawi dahil halos buong linggo itong naging abala sa ginagawa. Umuwi ito dalawang araw bago ang nakatakdang debut ng grupo nito.

"Kumain ka na ba?" bungad niya nang pumasok ito sa sala. Tulog na ang lahat dahil alas onse na ng gabi. Pinili niyang hintayin ito sa sala.

Tumango ito.

"Sige, matutulog na ako," bulalas niya at tumayo na. Hindi niya alam kung matutuwa na hindi siya nito sinundan o malulungkot ba siya.

Bakit ba ako magde-demand? Yaya lang naman niya ako.

Hindi niya alam kung paano siya nakatulog ng gabing iyon. Kinabukasan ay maaga siyang bumangon at nag-shower kahit malamig ang tubig. Mabuti na lang at may heater ang shower sa banyo kaya guminhawa ang pakiramdam niya.

She went downstairs because she'd prepare him a breakfast in bed. Gising na rin sina Manang Rica at Wella na abala sa mga kanya-kanyang ginagawa.

She greeted them a good morning and focused on what she's doing. Hinayaan naman siya ng dalawa, marahil ay napansin ang pagkalumo niya.

She prepared sandwiches, a tea, and she cut fruits for Ali. Mayroon ding cereals at nakahiwalay na fresh milk siyang nilagay sa tray. He liked cereals.

Sa tuwing hahatiran niya ito ng breakfast paminsan-minsan ay hindi siya ang nag-aayos. Ito ang unang beses na nag-prepare siya kaya sinigurado niyang maganda ang pagkakalagay sa tray.

Sinamahan siya ni Wella hanggang binuksan nito ang pinto 'tsaka iniwan na siya. The door wasn't locked and she could hear the shower flowing. Napayuko siya. Akala pa naman niya'y natutulog pa ito.

Iniwan niya ang tray sa mesita at lumabas na ng silid. Hindi niya alam pero sobrang malungkot ang pakiramdam niya. Hindi naman niya masabing mood swing iyon dahil katatapos lamg ng monthly period niya last week.

She decided to go back in her room and went to the walk in closet. Inisa-isa niyang kinuskos ang mga pabangong nandoon at nilipat ang pwesto. Ngunit hindi rin niya natapos dahil wala talaga siyang gana, mag-iisang linggo na, at malinaw na alam niya ang dahilan kung bakit— dahil hindi sila natuloy ni Ali sa pagbabakasyon o pamamasyal.

Sa huli ay nagpasya siyang bumangon at pasiglahin ang sarili. Bumalik siya sa kwarto ni Ali at dire-diretsong pumasok pero wala ito roon, hindi na rin niya marinig ang paglagaslas ng tubig sa banyo. She decided to sit down on the sofa, then she noticed the sliding door going to the veranda was opened. Bumuntong-hininga siya bago nagpasyang lumabas doon.

At hindi siya nagkamali dahil nandoon si Ali, nakasandal sa pader at nakapamulsa habang may hawak na sigarilyo sa kabilang kamay.

"Didn't know you smoke," she commented. Doon ito natauhan at napansin siya. Mabilis na lumapit ito sa pabilog na mesang may nakapatong na ashtray 'tsaka pinatay ang upos ng sigarilyo.

"Sometimes..." sagot lang nito.

Tumango siya at pinasigla ang sarili nang lumapit dito. "Kumain ka na. Hindi mo pa ginagalaw iyong hinanda kong breakfast."

Mataman siya nitong tinitigan bago tumalima. Nang maupo sila sa sofa, nasa tapat ang mesita kung saan niya pinatong ang tray ng pagkain ay mabilis na binigyan niya ng gatas ang paborito nitong cereals.

"Malamig na iyang tsaa. Kanina pa kasi iyan, eh."

Napatuwid siya ng upo at bumaling dito.

"Kumain ka na."

"Kumain na tayo," sambit naman nito.

"Mamaya na ako, w-wala pa akong gana, eh."

"Let's go downstairs, then. Sabay tayong kumain."

"Sige." Bumuntong-hininga siya, susunod na lang siya dahil wala naman siyang magagawa. "Pero iinom muna ako ng fresh milk saglit." She poured some to the empty glass.

"Let's go outside today, Heizen. Hindi tayo natuloy noong nakaraan."

Hindi niya inaasahan iyon kaya dumulas sa kamay niya ang hawak na baso ng fresh milk, nabuhusan ang kamay niya at ang hinanda niyang pagkain. Natatarantang nilayo niya ang sandwiches pero huli na dahil nababad na ang mga iyon sa gatas.

"Hayaan mo na, kumain na lang tayo sa baba," awat ni Ali sa kanya nang 'di siya magkamayaw sa pag-asikaso. Hindi siya nakinig kaya hinawakan nito ang isa niyang braso at awtomatikong bumaling siya rito.

"Hindi! Ako ang gumawa sa mga ito... 'Kainis ka! Bakit kasi hindi mo kaagad kinain? Inuna mo pa ang paninigarilyo mo!"

Dumaan ang pagkalito sa mga mata nito at lumambot ang ekspresyon. "I didn't know you prepared that..."

"Kahit na hindi ako, dapat kumain ka ng breakfast! Smoking is not good to your health!" Bakit ba ako sigaw nang sigaw?

"I... won't smoke anymore."

Saglit siyang natigilan. "I didn't say you should quit. Sinabi ko lang na masama sa health..."

"That's why I should quit, right?"

She just pouted. Mabuti na lang at humupa na ang inis niya dahil kung hindi, paniguradong umiiyak na siya ngayon.

"I wanted to taste the breakfast, Heize..." namumungay ang mga matang wika nito.

"Bumaba na tayo, igagawa k—"

Napasinghap siya nang inilapit nito ang hawak na nitong kamay sa bibig at sinubo ang kanyang hintuturo. He sensually sucked her finger while her breathing became heavy. Nagwala ang buong sistema niya sa ginawa nito.

"Ali... What are you... doing?"

Parang natuhan ito ay mabilis na tinigil ang ginagawa. Ilang sandaling nagtatalo ang kung anong emosyon sa mga mata nito hanggang sa pumirmi sa matinding pagnanasa.

"Ali?" Nagawa niya pang tawagin ang huli sa kabila nang matinding kabang nadarama. Lumapit ito sa kanya at idinikit ang noo nito sa kanya.

"I miss you, princess," anas nito.

Ah! This Prince and his endearment... Bakit ngayon lang niya napansin nang husto? He always called her sweet names...

Ngayong malapit sila sa isa't isa ay naamoy niya ang sigarilyo ritong humahalo sa mabangong amoy-panlalaki nito. Para siyang nalalasing. Wala sa sariling naglakbay sa isip niya ang mga unang halik na pinagsaluhan nila noon.

"Amoy-sigarilyo ka..." komento niya rito kahit halata namang hindi iyon ang nais sabibin.

"I will quit smoking," determinadong sambit nito at nang naramdaman niyang lalayo ito ay mabilis na yumakap siya sa batok ni Ali. Nawalan siya ng balanse at napahiga siya habang mabilis na naitukod ng lalaki ang mga braso sa sofa.

"I miss you, too, Prince Alexander," ganting-bulong niya at tila naliliyong hinila ang batok nito't napapikit siya kasabay ng paghalik niya sa mapang-akit nitong labi.

Agad itong sumagot sa halik niya't nasisiguro niyang kanina pa ito nagpipigil. She could taste cigarette in his mouth but his natural taste was more intoxicating. When she let her guard down, his tongue entered her mouth and started to trace her tongue.

Napaungol siya nang bahagyang dumiin ang katawan nito sa kanya. Mas pumirmi ang mga muscles nito kaysa noong nakaraan.

Hinihingal na nagmulat siya nang sadyang putulin ni Ali ang halik. But they remained on their position, he's still on top of her.

"Bumaba na tayo. Ayokong angkinin ka."

Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata. Yes, I get it. Hindi ako kaakit-akit...

He frustratingly pulled his hair. "You're just barely nineteen... Magka-college ka pa..."

"T-That's it?" nalilitong tanong niya.

"What do you mean?"

"It isn't because you don't like me?"

"No..."

"That's good!" she smiled, feeling so lighthearted. "Because I like you, Ali. I like you so much, get it?"

"Goddammit!"

She smiled triumphantly when he kissed her again. This time, he's more aggressive and hungry to her kisses. Wala sa hinagap niya ang aamin ng damdamin sa lalaki pero hindi siya nagsisising nagsabi siya dahil mas gumaan ang pakiramdam niya ngayong nalaman na ni Ali na may gusto siya rito. She didn't know where did she get the guts to confess, but she felt brave saying how she liked him so much.

They were both panting when they ended the kiss and when they went downstairs, he didn't let go of her hand.

She looked at their hands intertwined, and she's hopeful he'd never let go.