Keep your Eyes on me
By: GreenCoated
Masayang nagku-kwentuhan sila Rein kasama ang kanyang mga kaibigan. Sabik na sabik ang mga ito dahil unang araw ng klase nila sa kolehiyo. Pinag-uusapan nila ang mga ginawa nila noong bakasyon pa lamang. Halos lahat kasi silang magkakaibigan ay pagbu-business ang kinuha nila dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nila.
Labing-pitong taong gulang na si Rein at hindi nalalayo ang edad nya sa mga kaibigan nya na sina Tracy at Desiree.
Halos lahat ng estudyante sa silid aralan ay may kanya-kanyang diskasyon at mundo, natigil lamang ang mga pag-uusap nila na may pumasok na isang babae na kung titignan mo ay nasa tatlumpu't taon na ang edad, ang isa naman ay lalaki at kasing-edad lang ni Rein.
"Good morning class!" Bati ng kanilang guro. Lahat naman ay nag-sipagtayuan at sabay sabay na bumati.
"You may now be seated. Dahil first day of class natin, I want you to introduce yourself in front." Nakangiting sabi ng kanilang guro.
"But before that I want to introduce myself first. I am Miss A, your professor for marketing in this whole semester. And this man beside me will be your classmate." Nakangiting itinuro ni Miss A 'yong katabi nyang lalaki.
"Please introduce yourself young man."
"Good morning, my name is Hans Dela Vera. Nice to meet you all." Walang ekspresyon na nagpakilala si Hans sa harap ng kanyang mga kaklase. Na kung iyong mapapansin ay naging astig dahil sa itsura at matikas nyang pangangatawan. Halos lahat ng babae ay nakanganga at tipong kumikislap pa ang kanilang mata na nakatingin kay Hans, maliban kay Rein na sobrang pag-kunot ng kanyang noo sa 'di malamang dahilan.
'Bakit walang reaction ang kanyang mukha?' Tanong ni Rein sa kanyang sarili.
Nagmasid-masid si Hans sa buong silid aralan para makahanap ng upuan hanggang sa magtama ang paningin nila Rein. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Rein, pero ang loko wala pa ring reakyon. Hindi nya alam kung sinasadya nya lang bang gawin 'yon o inaasar lang talaga sya. Napahiya pa tuloy sya. Looks can be deceiving nga talaga.
Pagkakataon nga naman dahil nasa harapan nalang ni Rein ang available na upuan. Maayos na umupo si Hans at walang lingon-lingon at naka-focus lang ang kanyang paningin sa guro sa harapan. Halos lahat ay nagpakilala na, gayon din si Rein Genesis na tipong pak na pak kung magpakilala na parang kilala nya na ang lahat. Kung sabagay nasanay na sya sa atensyon na binibigay sa kanya dahil sikat sya noong nasa sekondarya pa lamang sya.
Lunch Time.
Hindi mapaliwanag ni Rein ang nararamdaman nya at hanggang ngayon iniisip nya kung bakit kahit anong pagpapansin nya sa taong nasa harapan nya ay parang wala lang ito sa kanya. Maganda naman ito at nakakakuha ng atensyon sa tuwing ngingiti ito. Pero samantalang si Hans, wala pa ring reaction.
"Rein, labas na tayo." Nabalik lamang ang kanyang diwa nang tawagin sya ni Tracy. Tumango nalang si Rein bilang sagot.
"Tsk. May araw ka rin sa akin." Nakangising sabi nito sa sarili habang nakatingin ng masama kay Hans.
Itutuloy...