Chereads / Keep Your Eyes On Me / Chapter 3 - EOM2

Chapter 3 - EOM2

Keep your Eyes on me

By: GreenCoated

2nd Day of Class.

Maagang pumasok si Rein dahil may binabalak sya para kay Hans. Hindi nya nagustuhan ang pagiging walang reakyon at pang-isnob nito sa kanya simula pa kahapon. Sya lamang ang gumagawa nito sa kanya kaya sobra syang nainis. Natamaan ang kanyang ego and she wants to get even.

Nagsimula ng magsidatingan ang mga kaklase nya at pati na rin ang mga kaibigan nya. Pero wala syang pinansin, maski isa sa kanila. Iniisip nya ang kanyang binabalak mamaya kay Hans. Sobrang ingay sa buong silid dahil lahat ay may kanyang kanyang pag-uusap.

Napatingin sya sa kanyang relo. Ilang minuto at magsisimula na ang klase at wala pa rin sya. Sobra na syang naiinip. Tatawagin nya na sana sila Tracy at Desiree nang may makita syang lalaki sa pinto.

At last! Nandyan na rin sya.

Pero nagulat si Rein na nakangiti ito sa gawi nya. Ngingiti na sana ito nang mapagtanto nya na hindi pala sya ang nginingitian. Lumingon ito sa likod at nakita nya si Tracy na nakangiti rito. For the second time. Napahiya na naman sya. Mas lalong nag-init ang ulo nya.

Nang uupo na si Hans sa kanyang upuan ay mabilis at ubod na lakas na hinila ni Rein ang silyang uupuan nya.

3 points. Shoot na shoot.

"HAHAHAHA!" Tawanan ng lahat sa pangunguna ni Rein.

Ang lakas ng pagkakabagsak nito. Mabilis na inayos ni Hans ang kanyang upuan at masamang tumingin kay Rein, pero tinaasan nya lamang ito ng kilay habang tumatawa. Sa puntong ito maingat ng umupo si Hans sa kanyang silya.

3rd day of class.

Maagang na namang pumasok si Rein at gusto nya na namang pag-tripan si Hans, hindi nya alam kung bakit ba sya sobrang affected sa pang-isnob sa kanya. Siguro ito palang 'yong unang beses na gawin sa kanya ito. Kaso nagulat sya na may tao na palang nauna rito. Si Hans.

"Oh! Nandito na pala ang lampa naming kaklase." Pang-aasar ni Rein.

Sa halip na patulan ni Hans ay pinasadahan nya lang ito ng tingin at nagsalpak ng earphone sa kanyang tenga. Ayaw nya ng gulo kaya kung kaya nya ay sya nalang ang lumalayo at isa pa babae din 'yon. Babaeng malakas ang topak.

Mas lalong umusok ang ilong ni Rein dahil sa pang-isnob na naman sa kanya. Nang nakaupo sya sa kanyang upuan ay pasimple nyang sinipa ang silya ni Hans, pero hindi nya napansin na napalakas pala ang sipa nito sa kanya.

Nag-aapoy na tingin ang pinukol sa kanya ni Hans.

"What?"

"Nagpapansin ka ba?" Inis na sabi ni Hans.

"What? Ang gwapo mo naman."

"Exactly! Ang gwapo ko nga. So, bakit ka nga nagpapapansin?"

"Taas ng bilib sa sarili. Hindi ko ma-reach oh! Hindi ako nagpapansin, okay?"

"Ano lang? Nagpapaganda?"

"W-WHAT?!" Sigaw ni Rein. Tumawa ng malakas si Hans at binalik nalang ang kanyang ginagawa sa pakikinig ng musika.

Itutuloy...