Chereads / Keep Your Eyes On Me / Chapter 6 - E0M5

Chapter 6 - E0M5

Keep your Eyes on me

By: GreenCoated

Monday.

Na-late ng gising si Rein kaya dali-dali syang bumangon at nag-ayos para sa kanyang sarili. Masyado syang napuyat sa pagbabasa ng He's into Her sa wattpad kagabi.

Nang pagdating nya sa school ay dali dali naman syang naglakad papunta sa classroom, pero dahil nahirapan syang makapasok dahil ang daming estudyante na nagkukumpulan na parang may pinapanood na live show ay nakisiksik ito pero hindi nya napansin na nasa gitna na pala sya.

Nakita nya si Hans na naka-all pink at may hawak na sampaguita.

Napatawa sya sa kanyang sarili. Hindi nya alam na ganito pala ang gagawin nya. Napatingin naman sya sa nakasabit na cardboard sa kanyang harapan.

"Can I court you, Tracy?" Mas lalo pa syang natawa. Hindi nya alam na pinagtitinginan na pala sya pati na rin si Hans ay nakatingin sa kanya, kaya napatigil sya.

"Hi Rein." Nagulat man sya ay nakabawi rin. Katabi nya pala ang kanyang kaibigan na si Tracy, na sobrang kung makangiti. Tinignan nya lang ito, pagkatapos ng batian ay syang paglapit naman ni Tracy kay Hans.

Hate na hate ni Tracy ang pink at ayaw nya ng bulaklak na Sampaguita.

Pero hindi nya malaman kung bakit tinanggap ni Tracy 'yong bulaklak na binigay ni Hans sa kanya. Samantalang may allergy sya roon. Mabilis na lumapit si Rein at inagaw 'yong bulaklak, tinapon nya iyon sa basurahan na malapit sa kanila.

Nabigla naman ang mga manonood, pati na rin sila Tracy at Hans sa ginawa ni Rein. Hindi nila lubos maisip kung bakit nya ginawa iyon.

Mabilis na umalis si Rein at pumunta sa classroom. Bakit ba kasi sya naiinis? Wala naman syang karapatan ah. Naiinis ba sya dahil tinanggap ni Tracy 'yon kahit may allergy sya roon o naiinis sya dahil ang tanga ni Hans at ginawa ang mga bagay na 'yon?

Ang akala nya kasi ay lalayuan ni Tracy si Hans, pero sa halip na layuan ay kinuha nya pa ang mga bulaklak ng nakangiti. So ibig sabihin, pumapayag sya na ligawan ni Hans?

Samantalang hindi pa nga mag-iisang buwan na magkakilala silang dalawa.

Imbis na pumasok si Rein ay pumunta sya sa rooftop nitong building at doon nag-isip. Pero hindi nya alam na sinundan pala sya ni Hans.

"Mali ang ibinigay mong impormasyon." May galit sa boses na pagkakasabi ni Hans. Tinignan lamang ito ni Rein. Alam nyang sa sarili nya na mali ang ginawa nya, ginawa nya 'yon para layuan sya ng kaibigan nya at hindi para ipahiya sya.

"Alam ko, ako nga ang nagsabi 'di ba?" Mataray nitong sagot.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

"Bakit nga ba? Mag-isip isip ka." Matagal na katahimikan bago muling magsalita si Rein.

"Dahil gusto kong layuan ka ng kaibigan ko, galit sya sa mga taong binibigyan sya ng bagay na ipapahamak nya, pero hindi ko makita ang dahilan kung bakit tinanggap nya 'yon. Bakit nga ba Hans? Ano bang nakikita nya sa'yo? Wala naman 'di ba?" Napatahimik si Hans sa sinabi ni Rein, ramdam nyang ayaw nya lang masaktan ang kaibigan nya.

"Makinig ka Rein. Kung iniisip mo na sasaktan ko ang kaibigan mo, nagkakamali ka. Niligawan ko sya dahil gusto ko sya at sana maisip mo na hindi ito kalokohan lang. Alam kong may galit ka sa akin pero sana naman huwag kang magpahamak ng ibang tao." Napatingin si Rein kay Hans, alam nyang seryoso ito. Pero bakit may parte sa sarili nya na ayaw nitong maniwala.

"Sana lang Hans. Sana lang wag mong lokohin ang kaibigan ko dahil sa oras na gawin mo 'yon. Malalaman mo kung ano ang kaya kong gawin sa'yo."

"Makakaasa ka." Tinanguan lamang ito ni Hans 'saka umalis.

Itutuloy...