Keep your Eyes on me
By: GreenCoated
Lumipas ang mga buwan at malapit na matapos ang unang semester nila. Panibagong yugto ng buhay na naman ang haharapin nilang magkakaibigan.
Maagang pumasok si Rein. Matamlay at malungkot. Hindi nya malaman kung bakit. Naabutan nya si Hans at Tracy na nag-uusap, halatang masaya sila sa isa't isa. Parang may kumirot sa parte ng puso ni Rein, ang hirap ipaliwanag.
"Good morning!" Sabay nilang bati. Nagkatinginan pa sila Hans at Tracy at biglang tumawa.
"Ang saya nyo ata." Mapaklang ngiting sabi ni Rein. Alam nya sa sarili nya na nasasaktan sya. Nasasaktan na makitang magkasama si Tracy at Hans. Oo! Tanggap nya na sa sarili nya na may gusto sya kay Hans. Pero hindi pwede. Hindi pwede dahil masasaktan ang kaibigan nya kapag nagkagusto sya kay Hans.
"Ang ganda kasi ng gising namin." Animong pinag-usapan nila ang isasagot, dahil sabay na sabay at pareho pa. Nagkatinginan ulit sila sa isa't isa sabay na nagpakawala ng malakas na tawa.
"Sa tambayan muna ako." Mahinang bulong ni Rein. Pero mukhang hindi ito napansin ng mga kasama nya dahil masayang nagtatawanan pa rin ang mga ito.
Dali-dali itong umakyat sa rooftop. Sa tambayan nilang magkakaibigan. Pumunta sya sa dulo nito at tinignan ang buong campus ng kanilang eskwelahan mula sa taas.
Tahimik.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong sobrang tahimik, parang walang problema. Pero wala naman talagang problema si Rein. Okay naman ang pamilya nya, okay naman silang magkakaibigan, nakukuha nya naman lahat ng gusto nya, lahat ng tao sa paligid nya ay binibigyan sya ng atensyon. Kung sabagay, ano nga ba ang kulang sa kanya? Hinawakan nya ang parte ng puso nya at malakas na bumuntong hininga.
"Okay ka lang?" Hindi sya tumingin kung sino man ang nagsalita at naka-focus pa rin ang paningin nya sa baba.
"Okay lang ako. Wala ka rin namang paki-alam kahit sabihin kong hindi ako okay 'di ba?" Mahinang bulong nya sa sarili.
"H-ha?"
Minsan tumatahimik nalang si Rein para malaman niya kung may paki-alam ba sila sa nararamdaman nya. Para malaman nya kung may halaga pa ba ito sa kanila.
"Wala." Nakangiti namang tumingin sa kanya si Rein.
"Bakit ka pala pumunta rito? Huwag mong sabihin na sinundan mo ako rito?" Pagbibiro ni Rein.
"Asa Rein. May ibabalita lang ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Let's end our deal." Parang bigla syang nanlamig sa sinabi ni Hans. Let's end our deal? End na rin ba ng pagsasama nila. Oo! Masaya sya sa tuwing kasama nya si Hans at super close na rin sila. Tinutulungan nyang mapalapit si Hans kay Tracy at bilang kapalit ay magiging alipin sya nito.
"B-bakit?"
"Anong bakit? Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Parang binagsakan ng langit at lupa si Rein dahil sa sinabi ni Hans. Para kasi sa kanya ay hindi na sya nito kailangan at lalayo na sya. Wala na syang silbi sa buhay nito.
Alam sa sarili ni Rein na sobra na syang na-fall dito. Sa lahat ng pinapakita nito sa kanya kahit na ang alam nya ay ang gusto ni Hans ay ang kaibigan nya. Aware sya roon. Paano ba naman syang hindi maiinlove. Super gentleman ni Hans. Naalala nya pa 'yong mga panahon na...
Pinahiram sa kanya 'yong payong dahil wala syang dala at sobrang lakas ng ulan.
Tinulungan sya sa mga subjects na hindi nya maintindihan.
Binilhan sya ng napkin noong minsang nagkaroon sya ng dalaw.
Pinahiram nya 'yong P.E. Uniform nya noong natapunan sya ng juice sa kanyang uniform.
Hindi nya nakalimutan na araw araw syang dinadalhan ng chicken sandwich dahil paborito nya ito.
Tinulungan syang gamutin 'yong sugat nya sa tuhod dahil sa pagkadapa sa pagiging lampa nya.
At marami pang iba.
Lahat ng 'yon, tandang-tanda nya pa. Dahil lahat ng 'yon naging memorable noong kasama sya.
"Rein, salamat talaga sa lahat. Kung hindi dahil sa'yo, hindi magiging kami ni Tracy." Nakangiti pa nitong dugtong.
"K-kayo na?" Hindi nya alam kung bakit sa lahat ng sinabi nya ay iyon ang pinaka-masakit. Unti-unting namumuo ang tubig sa kanyang mata at unti-unti na ring lumalabo ang paningin nya. Bago pa tuluyang bumagsak ay mabilis syang tumakbo palayo kay Hans. Palayo sa taong gusto nya.
Sobrang sakit ng nararamdaman nya. At unti-unti nitong pinapasikip ang dibdib nya.
Masyadong masakit ang sinabi ni Hans sa kanya.
Dinala sya ng mga paa nya sa isang puno. Yung puno na dating kasama nya sa pagpa-plano kung pano inisin si Hans at ngayon kasama nya naman dahil sa nasasaktan sya sa parehong dahilan.
"Ginawa ko na lahat, binigay ko na lahat, ano pa ba ang kulang sa akin? Kailangan pa bang humantong sa ganitong usapan, na hindi mo na ako kailangan?" Sambit nito sa sarili. Binuhos nya ang lahat ng luha na kanina nya pa pinipilit pigilan.
"Ang sakit malaman. Mahal kita, pero mahal mo sya. Ano ang magagawa ko? Sa kahit saang paraan at kahit anong paraan, talo pa rin ako. Talo ako dahil nagmahal ako sa isang taong may iba namang mahal." Patuloy ang pagbuhos ng luha ni Rein. Kung sabagay kasalanan nya naman kasi talaga kung bakit sya nasasaktan. Bakit kasi sya nagmahal sa taong una palang ay hindi nya makuha ang atensyon. Na una palang walang paki-alam sa kanya.
"Pero umaasa ako na susundan mo ako at sasabihing biro lang ang sinabi mo. Pero wala akong makita maski anino mo. Wala. Yung feeling na maraming nagmamahal sayo pero nababaliw ako sa lalaking wala man lang halaga sa akin. Akala ko pa naman ay tayo ang para sa isa't isa, pero tama lang pala ang sinabi nila. Na hindi lahat ng para sa isa't isa ay nagiging sila. Na kahit magsalamin ka pa ay malabo pa ring maging tayo." Napapikit si Rein sa lahat ng kanyang sinabi. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha nya at parang walang balak na tumigil.
"Rein?" Napatingin sya sa babaeng nagsalita sa kanyang harapan.
"Anong nangyari bakit ka umiiyak?" Biglang tumayo si Rein at mahigpit na yinakap ang kanyang kaibigan na si Desiree.
"Des, ang s-sakit."
"Tahan na." Panay ang hagod ni Desiree sa likuran ni Rein, hindi nya alam kung pano patahanin ang kanyang kaibigan. Ramdam nya na sobra itong nasasaktan, kaya imbis na magsalita ay niyakap nya ito ng sobrang higpit at pinaramdam na nandito sya at hindi sya nag-iisa.
"S-sila na." Pagsisimula ni Rein.
"S-sabi ko sa sarili ko kakayanin ko kapag nagkatuluyan sila, pero h-hindi ko pala kaya Desiree. Masyadong masakit."
"Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Dahil minahal mo 'yong taong dapat kaibigan lang."
"Pero kasi Desiree. Ang hirap pigilan. Alam mong sa sarili mo na ang hirap pilitin na hanggang dito lang. Kasi umaasa ako. Umaasa ako, na sana ako nalang. A-ako nalang."
"May mga bagay talaga na dapat mong pakawalan kahit alam mo sa sarili mong masasaktan ka, kahit alam mong sobrang malulungkot ka pero ganun talaga kailangan mong plastikin pati sarili mo. Kasi hindi lahat kaya pang ipagpilitan, kasi kung kayo. Kayo talaga." Tumatak sa isip 'yon ni Rein, pero hindi nya pa rin kayang layuan si Hans. Kahit kaibigan lang sana. Tanggap nya na, pero may parte na umaasa pa rin sya.
Ilang oras din ang tinagal nilang magkaibigan bago mapagdesisyunan na pumasok sa klase at ipagpatuloy ang buhay kahit masakit. Inayusan muna ni Desiree si Rein bago pumasok pero halata pa rin ang pamamaga ng kanyang mga mata dahil sa pag-iyak.
Tatlong subject din ang na-skip nila ngayong araw. Pero para kay Rein, parang wala lang 'yon. Nasasaktan pa rin sya. At katulad nga ng sinabi ni Desiree, kailangan pati sarili nya ay plastikin nya. Kahit masakit, ngiti lang.
Itutuloy...