Keep your Eyes on me
By: GreenCoated
One week.
Isang linggo na ang nakakalipas. Si Rein na sobrang naiinis dahil kahit anong gawin nya kay Hans ay parang wala man lang itong pakialam.
"Urgh!" Nafu-fustrate na sabi nya sa kanyang sarili. Nakaupo sya sa ilalim ng puno, walang klase at tama lang para sa kanya para maka-isip ng gagawin nyang pagpapahirap kay Hans.
"Bakit ba kasi wala kang reaksyon? Kahit anong pangti-trip ko sa'yo parang wala lang sa'yo." Naalala nya 'yong unang araw ng klase. Ngumiti sya kay Hans pero wala man lang itong response.
"Masyado kang mayabang, porket gwapo ka." Inis pa rin na sabi nya.
"Ang ingay naman." Napatayo si Rein dahil sa gulat at nanglalaki ang mata na hinanap 'yong nagsalita. Nilibot nya pero wala syang makita, dahil alam nyang sya lang ang tao rito. Maliban nalang sa...
"M-multo?" Nanginginig na sabi nya.
"Ang gwapo ko namang multo."
"Hala! Nagsasalitang multo."
"Yeah right!" Sagot na naman nito. Akmang tatakbo na sana sya na may gumalaw sa taas ng puno. Tinignan nya ito pero walang tao, pero laking gulat nya na nasa harapan nya na ito.
"H-Hans, anong ginagawa mo dyan?"
"Nakatayo." Isang malakas na batok ang tumama kay Hans.
"Natural. Ang sinasabi ko, bakit ka nakatayo dyan? Anong ginagawa mo rito?"
"Natutulog at nagising dahil sa ingay mo." Nanlalaki ang matang tumingin si Rein dito. Kung kanina pa sya ay malamang narinig nya ang lahat ng panunumbat nito sa kanya. Umiling sya sa sarili nya. Kung natutulog sya ay malamang hindi nya maririnig 'yon. Tama! Tama.
"Anong ginagawa mo?" Walang reaksyon nya pa ring tanong kay Rein.
"H-ha? Anong pinagsasabi mo?" Mataray naman nitong sagot.
"Panay ang iling at tango mo. Baka pinagnanasahan mo na ako sa isip mo."
"Asa!" Akmang aalis na si Rein nang hablutin ni Hans ang braso nya.
"Ano ba?!" Malakas na sigaw ni Rein.
Napapunas naman si Hans sa kanyang mukha bago nagsalita dahilan parang lalong umusok ang ilong ni Rein.
"Magsasalita na nga lang kailangan pang talsikan ako ng laway? Baka may germs 'yan." Nakangisi nitong tanong.
"B-bakla ka ba? Ang arte arte mo naman!"
"If you say so." Natatawang sagot naman ni Hans. Ilang segundo lang ang nakalipas nang magsalita ulit ito, pero ngayon seryoso na sya. Wala na namang reaksyon ang kanyang mukha.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo." Pabalang na sagot naman ni Rein.
"I mean 'yong seryosong pag-uusap. Walang asaran na magaganap." Tinignan naman sa mata ni Rein si Hans. Nagtatanong sa sarili kung anong nakain at bigla nalang syang kinakausap, samantalang may war pa sa pagitan nilang dalawa. Nag-aalinlangan man ay tumango ito.
"Di-diretsuhin na kita, ayoko ng paligoy-ligoy pa. Pwede bang tulungan mo ako?" Tanong ni Hans.
"Tulungan? Kailangan mo pa ba ng tulong ko?"
"Rein naman." Nagulat sya nang banggitin nito ang pangalan nya. Himala at kilala pala sya ng kumag na ito.
"Psh! Ano na naman kasing tulong 'yan?" Mataray na tanong ni Rein.
"Tulungan mo akong mapalapit kay Tracy."
"A-ano?"
"Tulungan mo akong mapalapit kay Tracy."
"Ano?"
"Tulungan mo akong mapalapit kay Tracy."
"Ano?!"
"Bingi ka ba?"
"Ano na naman ba kasi 'yan? Isang linggo palang tayong nagkakilala tapos magpapatulong ka sa akin? Close tayo?"
"Hindi. Pero kas--" Mabilis na pinutol ni Rein ang sasabihin ni Hans.
"End of conversation." Mabilis at walang lingon-lingon na naglakad si Rein pabalik sa classroom nila. Sa katunayan, noong una pa lang na pagkakasabi ni Hans ay hindi na sya naniwala. Dahil alam nyang isa lang din ito sa mga lalaking magaling lang sa umpisa pero kapag na-fall na ay iiwan ka nalang bigla, at ayaw nyang mangyari 'yon sa kaibigan nyang si Tracy. Parang kapatid na rin kasi ang turing nya rito at ayaw nyang nakikita na masasaktan ang kaibigan nya dahil lang sa isang lalaki.
Pagkapasok na pagkapasok nya ay 'saka naman ang pagdating ng kanilang professor.
Itutuloy...