Chereads / Keep Your Eyes On Me / Chapter 5 - EOM4

Chapter 5 - EOM4

Keep your Eyes on me

By: GreenCoated

Kinabukasan.

Maagang nagising si Hans para pumasok, kakausapin nya kasi si Rein. Alam nya kasing maaga rin itong pumapasok kaya ito na siguro ang pagkakataon nya. Kukulitin nya si Rein para pumayag syang tulungan si Hans na mapalapit kay Tracy.

Tama nga ang kanyang hinala dahil kasunuran nya lang ito sa pagdating sa eskwelahan.

"Rein." Napatingin naman sa kanya si Rein, nagtatanong kung anong ginagawa nito sa kanyang harapan.

"Pwede ka bang makausap?"

"A-YO-KO!" May diin na sabi ni Rein sa kanya.

"Tungkol kahapon." Tinignan naman ni Rein si Hans ng masama. Sa katunayan nakukuha nya na ang gusto nya, napapansin na sya ni Hans at wala na syang dahilan para kausapin ito. Pero nang may pumasok sa isip nya na gusto nyang ipagawa kay Hans, bigla syang ngumiti ng nakakaloko.

"Let's have a deal."

"Deal?"

"Tutulungan kitang mapalapit kay Tracy. Pero sa isang condition!"

"Anything. Ano ba 'yon?"

"Be my slave." Nakakalokong ngiti na naman ang pinakawalan ni Rein. Alam nyang sa pagkakataon na ito ay hindi papayag si Hans sa kagustuhan nya at tuluyan na syang hindi kukulitin nito na mapalapit sa kaibigan nya.

"Deal."

"Eh? Bakit ka pumayag?" Nagtatakang tanong naman ni Rein. Gusto nya kasing inisin lang si Hans, pero hindi nya malaman ang dahilan kung bakit ito pumayag sa deal nya. Isang biro lang naman kasi talaga 'yon.

"Dapat ba hindi?" Nagtataka ring tanong ni Hans 'saka naman ang pagtango ni Rein.

"Dapat kasi hindi ka papayag, ang hirap kaya ng kapalit."

"Why not? Kung para kay Tracy ay gagawin ko." Nakangiti naman nitong sabi.

"Psh! Pathetic." Mahinang sabi ni Rein at umupo na sa kanyang upuan.

"Let's start the deal on Monday. Walang akong time ngayon, masyado akong tinatamad."

"So pwede nalang magtanong? Anong favorite color ni Tracy?"

"Pink."

"Favorite flower?"

"Sampaguita." Tinignan naman sya ni Hans na nagtatanong.

"What? Eh sa iyon ang paborito nya. May tanong ka pa ba?" Umiling naman ito bilang sagot at bumalik na sa kanyang silya.

Napailing si Rein sa sarili. Masyadong pa iba-iba ng personality ang pinapakita ni Hans ngayon, ibang iba sa normal nyang reaction.

Pagkatapos ng usapan ay isa-isa naman ang pagpasok ng kanilang mga kaklase at ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula na rin ang klase.

Itutuloy...