Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 22 - Chapter 21

Pauwi na siya sa bahay nila ng nagtext siya kay Kristel. Hindi na siya nakapagpaalam ng personal dito kaya tinext niya na lang ito. Agad din itong nagreply sa kanya.

Kristel: Okay lang, no problem. Ingat sa pag-uwi ha? Si Mikael ba 'yon, Chloe? Ihahatid ka ba niya? Nagkita na pala kayo? Pakisabi sorry. Baka nagalit dahil kay Mike.

Her: Yeah. Sorry at hindi ko kinwento sa'yo. Catch up na lang tayo soon. Kwento ko sa'yo. Sorry ulit ha? Medyo nagulo ko ang party mo.

Kristel: Ano ka ba! Wala 'yon. Nagulat nga din ako. Kwentuhan mo 'ko ha? Ingat ka. Mayamaya uuwi na din kami.

Her: Sige. Ingat din kayo. Pakisabi kay Mike na sorry din. Again, happy birthday.

But, of course hindi niya sasabihin ang lahat dito. Baka kasi sasama ang tingin nila kay Mikael, or what. Baka hindi nila maintindihan.

Pagkadating niya sa bahay, nagulat siya na gising pa ang mom niya. Nanonood ng tv sa sala.

Its almost 1 in the morning.

"Anak! Ba't hindi ka nagtext? Hindi ka na nagpasundo? And.. bakit namamaga ang mga mata mo? What happened?" Agad nitong sinabi at pinaupo siya sa sofa katabi nito.

Kailangan niya nang sabihin sa mom niya. Wala siyang mapagsabihan sa ngayon. Ayaw niya din makaistorbo sa pagbabakasyon ni Georgette.

She told her mom everything. Kung paano sila nagkita ni Mikael, kung paano niya nalamang nagbago na ito, at kung paano ito nandiri sa kanya kanina. Ang sakit ng puso niya habang inaalala ang nangyari. Napaiyak na lang siya sa balikat ng mom niya.

"H-hindi ako susuko, mom. Alam ko somewhere, inside him, h-he still loves me. Nakatago lang ang dating Mikael na mahal ko. Tama ako mom, hindi ba?" Sabi niya sa mom niya.

Hinahaplos nito ang buhok niya. "Oo, anak. Nasaktan lang siya ng sobra kaya ganoon ang nangyari sa kanya. But, I know.. mahal ka pa din niya. I can feel it. Hindi naman kasi madaling mawala ang pagmamahal. Natakpan lang ng galit kaya siguro ganoon siya makitungo sa'yo. Hindi ko ineexpect na aabot sa ganito ang epekto ng pag-iwan mo kay Mikael. Lalaking-lalaki siya dati, wala man lang signs na magiging ganoon siya. I think it's because gusto niyang pagtakpan ang pagmamahal niyang nararamdaman pa rin sa'yo. And siguro, ito ang naisip niyang paraan. Kaya mo yan, anak. Mommy will always be here for you. Pero kung sobrang sakit na, tama na anak. Learn how to fight but you should also know when to give up."

Napatango siya sa sinabi ng mom niya. Buti na lang. Her mom understands her. Her mom is right. She'll fight for her love for Mikael. But to give up is not yet in her options.

Mahal na mahal niya si Mikael. Kahit si Mimi na ito ngayon. He'll always be her one and only love.

Two weeks passed after that incident. Everyday siyang tinatawagan ng dad niya. She found out na kinontact pala ito ng mom niya and she told him everything. Nagalit ang dad niya and asked her to go back to Italy. Pero pinaliwanag naman niya ang side niya. Nakausap niya din ang aunt Lei niya and as usual, kinampihan siya nito kaya wala na namang nagawa ang dad niya.

She's happy her mom and dad are now civil to each other. Siguro mahal pa din ng mga ito ang isa't isa. Pero hanggang doon lang iyon. Masaya na ang mga ito sa kani-kanilang partner.

Uuwi na rin si Georgette bukas galing sa vacation nito. Pinipilit siya nitong makipagkita bukas. Iyon nga lang kasama nito ang mga sidekicks nito. Doon kasi sa bahay nito magsistay ang mga sidekicks, magpapajama party daw sila.

Kanina niya pa ito ginagawan ng dahilan para hindi siya makasama dito bukas. Kaso ayaw nitong tanggapin ang mga dahilan niya. Natawa na lang siya nang nagtampu-tampohan ito. Loka talaga. Pero ayaw niya talagang makasalamuha ang mga sidekicks nito. Hindi niya kayang makipagplastikan.

Dinner came and sabay silang sumalo sa hapagkainan ng mom niya and tito Rey. Patapos na siyang kumain ng biglang tumunog ang cellphone niya na iniwan niya sa sala.

Tumayo siya after she excused herself, thinking it was her dad on the other line. When she got hold of her cellphone, it was an unknown number. Napasikdo ang dibdib niya.

Yes, nakaramdam siya ng kaba. Nanginginig ang kamay niyang sinwipe ang phone niya to accept the call.

"H-hello?" Sabi niya.

"Hey! Its Mike Sy! I hope you remember me!" Sagot ng sa kabilang linya.

Too much for hoping something impossible to happen. Nawala ang kaba niya and napalitan iyon ng pagkalito. "Yeah, of course. How are you? I'm sorry about that night."

"I'm fine! And you? No, walang problema. I got your number from Kristel. Natagalan nga lang. Ayaw niyang ibigay eh. Good thing natalo ko siya sa pustahan kaya binigay niya din." Tumawa ito sa kabilang linya.

"Pustahan?" She asked.

"Yeah!" Tumawa ito ulit. "Natalo ko si Terence sa beer pong, nauna siyang nalasing."

Napatawa din siya, "Loko ka.."

Matagal na pause before ito nagsalita, "I really like your laugh. Ang sarap sa tenga."

Natigilan siya sa sinabi nito, awkward siyang natawa tuloy.

"Hey, I know ex mo iyong lalaki that night. Ex, hindi ba? So there's nothing between you two anymore. I really like you, Chloe. If papayag ka, I'm going to court you." Diretso nitong sinabi.

Natigilan siya ulit. "Amm..." Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito.

"You don't have to answer right away. I'm willing to wait. Pero if its okay na magkita tayo some time? You know, getting to know stage and stuff." Sabi ulit nito.

Matagal bago siya nagsalita, "I'm still not o-over my ex, Mike. I don't know if kaya kung mag entertain ng iba."

Narinig niyang bumuga ito ng hangin sa kabilang linya, "Okay.. So... the ring you're wearing? Is it the engagement ring he gave you?"

Nagulat siya doon, ano pa kaya ang sinabi ni Kristel dito. "Yeah."

"Okay.. wala namang sigurong problema kung makipagkaibigan ako, hindi ba?" Sabi nito sa kanya.

"Ofcourse! Ofcourse! We can be friends. I'm really sorry Mike." Sabi niya ditong napapatango pa.

"Okay, thanks. Malay natin. Ang friendship natin would blossom into something, you know, something I wanted from the moment I saw you." Tumawa ito ng narinig siguro nitong napabuga siya nga hangin, "There's nothing wrong in hoping, Chloe. Anyway, don't worry. Mabait akong kaibigan. Magalante pa."

Tumawa siya ng paloko dito, "I hope so! Papalibre ako sa'yo, ah!"

"Sure! Anything you want, friend?" Sabi nito.

"Friend." Sagot niyang napangiti.

Natapos ang pag-uusap nila ng tinawag siya ng mom niya for some dessert. Kakatapos lang ng mga ito kumain. Her mom asked kung sino ang tumawag sa kanya and she answered her honestly. Her mom was glad kasi nakita siya nitong ngumingiti ulit. The past few days daw kasi ay super lungkot ng aura niya. Napatawa lang siya.