Dalawang araw na ang nakalipas before she decided na mag-eenroll sa araw na 'yon. Her mom wanted to come with her but she disagreed. Baka kasi magkita sila ulit ni Mikael. Sana nga magkita sila. Para magkaroon ulit siya ng pagkakataon na makausap ito. Ayaw niyang mainvolve muna ang mom niya. This is between her and Mikael.
Sa dalawang araw na nagkulong siya sa bahay ng mom and tito Rey niya ay tumatawag si Georgette sa kanya sa gabi. They talk anything under the sun. They're getting to know each other. And kahit tatlong araw pa lang silang magkakilala ay feeling niya ilang taon na silang magkaibigan. Ang gaan nitong kausap pero nacucurious siya kung bakit ito parang may binabantayan sa labas ng bintana sa dalawang beses na pagtawag nito. Kagaya din ito noong unang tawag nito na bigla na lang itong tumatakbo at may tunog ng blinds na hinahawi. She's pretty sure na sa bintana nito iyon. Hindi na lang niya tinanong 'yon and aantayin niya na lang na magkwento ito.
Pagkalabas niya ng taxi na sinakyan, agad niyang hinanap ang sasakyan ni Mikael sa parking lot ng school. Napabuntong hinga siya nang hindi niya 'yon namataan. Mukhang bigo yata siya ngayon.
Dumiretso na siya papasok sa school, pero napapabaling siya sa mga estudyanteng nadadaanan niya. Halos lahat sa mga ito ay nakatingin sa kanya. Agad niyang kinuha ang compact powder niya to check na baka may dumi siya sa mukha or what, pero wala naman. Binalewala niya na lang and nakayukong nagpatuloy sa paglakad.
"Chloe? Ikaw ba yan?" Narinig niyang may tumawag sa kanya sa likod.
Napalingon siya and agad nakita si Jasper. Ang laki ng pinagbago nito. Naging maskulado ito at lalong tumangkad. Naka jersey ito na may nakalagay na ASU sa harap at may hawak na bola ng basketball. Ilang dipa sa kanila ay may limang lalaking naka jersey din katulad nito. Nakatingin ang mga ito sa kanila.
"Hi, Jasper! Kumusta? Dito ka din pala nag-aaral?" She said smiling.
"Yeah! Long time, no see! Gumanda ka lalo!" Sinipat siya nito. "Why are you here? Dito ka na din mag-aaral?" Tanong nito.
"Yeah. Mag-eenroll pa lang ako ngayon. Ikaw? Varsity ka, I suppose?" She asked.
"Oo." Ngumiti ito sa kanya may gusto pa sana itong idagdag nang tinawag na ito ng mga kasamahan nito. "Teka." Sabi nito sa mga kasamahan.
May akmang lalapit sa kanila na isa sa kasamahan niya ng ninguso-an ito ni Jasper. Tumawa lang ang mga ito at tinukso si Jasper. Namula siya agad. Alam niya kasi ang ibig sabihin ng tuksong iyon.
"Well, I better go ahead. May lakad pa kasi kami. Catch up tayo soon, ha? See you around!" Paalam nito sa kanya.
"Sure. Ingat!" Paalam niya din dito. Kumaway lang siya at ganoon din ito sa kanya at nauna na siyang naglakad palayo. Narinig niyang tinukso ulit ito ng mga kasama.
Dumiretso siya sa registrar at agad siyang inassist ng babae doon. Ang bilis lang ng pag-enroll niya and ngayon ay nakapila na siya sa cashier.
Siya na ang next sa pila nang may narinig siyang komosyon. Nagkandahaba din ang mga leeg ng mga kasabayan niyang pumipila sa cashier kakatingin sa kung ano man ang ingay na narinig nila.
Napasinghap siya ng nakita si Mikael pala 'yon at may kasama itong isang sobrang gwapong lalaki. May resemblance ang lalaki kay Ian Somerhalder. Mas bata nga lang.
"Sino sila?"
"Shet! Ang pogi nila!"
"Ahhh! Sayang talaga! Nakakainis!"
"Z and Mimi. Haaaaaay..."
Narining niyang bulong-bulungan sa paligid niya. Mimi? Z? Kumunot ang noo niya. Gustong-gusto niya ng habulin si Mikael.
Napatingin siya sa pila, ang sobrang haba noon kaya mas maigi ng tapusin niya na muna ang pagbayad bago niya habulin si Mikael para hindi na siya babalik ulit sa pila.
Nang natapos na ang nasa unahan niya agad niyang binigay ang pera niya sa cashier. Palinga-linga ulit siya hoping and praying na maabutan niya pa si Mikael.
Pagkabigay ng resibo niya agad siyang tumakbo sa kung saang direksyon dumaan sina Mikael. Malayo na ito sa kanya and sigurado siyang papunta na ito sa parking lot. Hindi niya na tiningnan ang mga taong napapatingin sa kanya. Naka focus siya sa likod ni Mikael.
Nakarating na siya sa parking lot at nakita niya si Mikael na pasakay na sa passenger seat ng isang red na Mustang. Mas binilisan niya pa ang pagtakbo niya. Nakapasok na si Mikael sa loob at sa sobrang tinted ng salamin ng sasakyan ay hindi niya alam kung nakita na siya nito. Umandar na yong sasakyan at akmang aabante na nang hinarangan niya ito.
"Mikael!!" Tawag niya sabay katok sa bintana sa passenger side. "Mikael! Mag-usap tayo!"
Mga ilang segundo na siyang kumakatok sa bintana nito at hindi pa rin nito binubuksan iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa loob ng sasakyan. Namatay ang makina nito kaya nagpatuloy siya.
"Mikael, please!! Pakinggan mo lang muna ako! Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako! Please, babe, please!" Sigaw niya dito at patuloy na kumakatok. Napasinghap na ang mga taong nakatingin sa komosyong ginawa niya.
Imbes na ang passenger side ang bumukas, ay ang driver's side ang nagbukas ng pinto. Lumabas si pogi.
"What the hell are you saying!? Pwede ba? Get away from my car! Baka magasgasan mo pa ang bintana kakakatok mo! And MIMI doesn't want to talk to you! Shoooo! Shoooo away!!" Taboy nito sa kanya. Napanganga siya sa bigla sa tono nito.
Bakla?? Bakla si pogi!!! And MIMI? Who the fck is MIMI? Shet!!!! Don't tell me.....
Napahawak siya sa bibig niyang nakanganga. "Oh, my ghad!!"
"Get away from my car! Ew!!" Sabi ulit ni poging bakla pero hindi siya tumingin dito. Nakatingin siya sa bintana na sigurado siyang nakatingin din si Mikael sa kanya ng pabalik.
Pumasok na si poging bakla sa loob at pinaandar ang sasakyan nito. Napatulala pa din siya at umatras ng isang beses. Kaya agad humarorot ang sasakyang ni poging bakla.
Realization hit her! This can't be happening!
Mimi?
MIMI??
MIMI????!!!!
Hindi siya bobo alam na niya!! Alam na alam na niya!!! Ito ang sinasabi ni Georgette! Shet!! Hindi talaga siya makapaniwala! Napaiyak siya.
Si Mikael!
Ang Mikael niya!
Shet!!! Hindi pa din siya makapaniwala! Hindi niya masabi! Ayaw niyang tanggapin!! Fck!
Mikael... Mikael is MIMI...
He became a she!!?
Shet!
Naninginig ang kamay na kinuha niya ang cellphone niya sa loob ng bag niya and dialled Georgette's number.
"Heyah girl! What's up?" Georgette answered on the other line sa iklawang beses na pagring nito.
"G-georgette.... Nasa school ako... I found out something... I don't think I..." Napahikbi siya.
"Oh, my ghad!!! Why didn't you tell me na pupunta ka? I'm coming, Chloe!! Wait lang!!! Stay where you are! 10mins andiyan na ko!" Agad nitong ini-end ang call habang siya ay nananatiling nakatayo sa parking lot.
Hindi siya makagalaw. Hindi niya din mapigilan ang luha niya. Hindi niya ini-expect 'to. Nawala na lahat ng planong nabuo niya sa isip niya. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya. Kung hahabol pa ba siya. Or.. ewan! Ewan na lang talaga!!
Paano naging ganoon si Mikael?!! Hindi niya talaga ini-expect ito. Nakakagulat ang nalaman niya. And Mimi pa talaga name niya?
Shet!!
Shet lang talaga!