Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

"CHLOEEEE!!!" Tawag sa kanya ni Georgette, tumatakbo ito na may poise papunta sa kanya. Basa pa ang buhok nito. Nakasuot lang ito ng pambahay na dress na may print ng Frozen na movie at white na fluffy slip-ons.

Nanatili lang siyang nakatayo doon habang inaantay itong makalapit sa kanya. Tuyo na ang mga luha niya. Napatulala na lang siya at hindi pa din makapaniwala. Nasa dating pwesto pa din siya kung saan siya iniwan nina Mikael, 8 minutes ago. Pagkalapit nito sa kanya agad siya nitong niyakap.

"Oh, my! Punta tayo sa bahay, doon tayo mag-usap, girl." Aya nito sa kanya, then ginaya siya nito papunta sa isang Porsche na may cherry blossoms na print at may personalized na license plate na GS-4-7_.

Napatingin siya dito. "Z?" Napanganga siya. Don't tell me....

Napahakighik ito. "You've met him? I think sister talaga kita from another parent!!! Or you're just too smart para malaman mo ang secret code ko sa license plate ko. Ikaw lang nakagets niyan, girl! Mamaya sa bahay, sasabihin ko sa'yo lahat!" Then kumindat ito sa kanya.

Sumakay na sila sa sasakyan nito at ito pala nagdadrive. How she wished matutunan niya din ang magdrive. Kaso natatakot siya. Kaya kahit anong pilit ng daddy niya na magdriving lesson siya para mabilhan ng sariling kotse niya ay tumatanggi siya. Maybe one of this days, ay mawala din ang takot niya. Ang cool kasi ni Georgette habang nagdadrive ito.

"Drive thru tayo? I'm starving! Hindi pa ako nakabreakfast. Kung magpapaluto pa ko sa cook namin eh matatagalan pa." Sabi nito ng namataan ang fastfood na malapit lang sa school nila.

Napatango lang siya, it's almost lunch time. Nagorder ito ng dalawang malaking burger, with fries, and drinks. Pagkakuha ng order ay agad silang tumulak papunta sa bahay nito. It took them almost 30 minutes, kaya napatanong siya kung paano ito nakarating sa school ng less than 8mins.

Tumawa ito. "Kaskasera ako eh! Pero baka matakot ka, kaya binagalan ko lang." Sabi lang nito.

Automatic na bumukas ang gate nila and pinasok nito sa loob ng bakuran ang sasakyan. Sobrang laki ng bahay nito. Mas sobrang laki pa sa dating bahay nila. May nakaantay nang katulong sa kanila at agad lumapit ng lumabas sila sa sasakyan.

Akmang kukunin ng katulong ang hawak niyang supot, pero tinanggihan niyo 'yon. Hindi naman kasi mabigat.

"Rosie, pakidalhan na lang kami sa pool side ng dalawang klase ng icecream. Strawberry tsaka choco fudge, ha?" Sabi ni Georgette sa katulong.

"Sige po, Georgette." Sagot ni Rosie.

"Sus! Ayan na naman ang po! Magkaedad lang tayo, noh?" Binelatan nito si Rosie na natawa na lamang.

"Dalhin ko na lang sa pool, Georgette." Sabi ni Rosie at agad nagpaalam sa kanila.

Napangiti siya dito. Kahit gaano ito kayaman ay nakakaya pa din nitong makipagbonding sa mahihirap. Siguro ganoon kaya nakagaanan niya ito ng loob.

Nakarating sila sa pool ng mga ito. Sobrang ganda doon. May parang falls pa and maliit na slide sa gilid. Mukhang resort talaga, plus may bar pa sa gitna ng pool na parang nipa hut. Ang ganda, sobra! Rich kid talaga ito.

"Gusto mo sa bar or sa lounger?" Tanong nito sa kanya.

"Kahit saan, okay lang." Sagot niya.

"Sa bar na lang maganda makapagdip pa tayo ng paa natin. Nakaka-relax." Sabi nito.

Dumiretso sila doon sa parang pathway na nasa gitna ng pool. Doon sila umupo pagkatapos niyang i-fold ang pants niya para hindi iyon mabasa and kinain na nila ang dala nila.

Mayamaya lang ay dumating na si Rosie dala ang dalawang tig-iisang galloon na icecream. Umalis din ito agad pagkatapos.

"Ang ganda dito." Sabi niya habang kumakain ng fries and nilalaro ang tubig sa paa.

"Fave place ko 'to sa bahay, aside sa room ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko dito. The sound of the water from the falls calms me." Sabi nito sa kanya habang nilalantakan ang burger nito.

Napatango lang siya and nilibot ang paningin niya sa paligid.

"Nasaan na 'yong kuya mo? Parents mo? Are they home?" Tanong niya dito. Sa dalawang araw nilang magkausap ay nalaman niyang may kuya pala ito. Ang tahimik kasi talaga ng bahay nito. Parang walang katao-tao.

"I don't know. Sanay na 'ko mag-isa. Hindi ko na lang din iniisip para hindi ako magdrama." Sagot nitong nakangiti.

Ganito din ang pakiramdam niya dati. Buti na lang andiyan ang mom niya noong wala 'yong dad niya. Kaso.. ayon.. Hindi nga lang pareho kay Georgette na busy talaga pareho ang parents nito. And even her brother na mas matanda sa kanila ng 3 years. Hinahandle na kasi ng brother nito ang hotel business ng mga ito kaya hindi na daw katulad dati na nakikita at nakakausap pa ito ni Georgette.

Pagkatapos nilang kumain, agad ng kinuha ni Georgette ang ice cream.

"Choco or strawberry?" Tanong nito sa kanya.

"Strawberry." Sagot niya, inabot nito sa kanya ang icecream.

"Choco for me, then." Sabi nito and agad nilantakan ang icecream naman nito. "So... tell me anong nangyari kanina?"

Napahugot muna siya ng hininga, "I was at the cashier noong dumaan sina Mikael doon. Or M-mimi.. Mimi.." Napabuga siya ng hangin habang inaalala ang nangyari kanina. Pinigilang niyang mapaiyak. "Then.. I chased him papunta sa parking lot. He already rode the red mustang.."

Lumaki ang mata nito. "Kay Z 'yon! Anyway, go on!"

"Then, I made a scene doon. I really want to talk to him. Then, lumabas si Z.." Napatingin siya dito, nakatingin lang ito ng seryoso sa kanya.

"Anong ginawa ni Z?" Tanong nito.

"He told me to stay away and that Mimi doesn't want to talk to me... Shet, Georgette! Lalaking lalaki si Mikael dati! Paano siya naging bakla? And Z is so handsome, too! Paano nangyari iyon?!" Outburst niya dito.

"Z.... He's my top secret crush... 1st love.. I don't know... I feel my heart pounding abnormally, whenever I see him.. kahit hindi kami talo..." Napanganga siya dito at nagpatuloy ito. "Hindi ko rin alam kung paanong naging bakla sila. I did some research. Minsan its hereditary, pwede ring cause ang mga taong nasa paligid nila, or baka sa dating buhay nila eh babae sila. I don't know. But in Mikael's case, I think its because of a heartbreak. Noong iniwan mo siya..."

"Alam mo.. Matatanggap ko pa, if nagkaroon siya ng bagong mahal, may mga plano na kasi akong hinanda. But this? Hindi ko alam... kung pagpatuloy ko bang habulin siya... or.. I don't know.." Sabi niya dito.

Tiningnan siya nito ng maigi. "I'm going to ask you, Chloe.. What do you really feel noong nalaman mong bakla siya? Nawala na ba iyong love? Or mag gigive-up ka na agad? Just because he's gay doesn't mean you can't turn him back into the man you love. If mahal ka niya, then, for sure babalik siya sa dati. That is, if he still loves you. Hindi masamang sumubok. If na sigurado mo na talagang hindi ka na niya mahal... then, doon ka na gumive-up.. He told you he hates you, right? That's because hindi pa siya nakamove-on. Think about it.." Mahaba nitong litanya.

Napapikit siya habang hinahaplos ang singsing niya. Pinakiramdaman at tinanong niya ang sarili niya kung mahal pa ba niya si Mikael or nawala na noong nalaman niyang bakla na ito. Inimagine niya ito dati noong boyfriend niya pa ito hanggang sa naging fiancee. Then, she smiled bitterly. This is all her fault. Kaya dapat mag-risk siya para maibalik niya ang dating Mikael na minahal niya. But what if hindi niya ito mabalik sa dati? Atleast she tried, right? Tama si Georgette.

Pagkabukas niya ng mga mata niya, nakatingin si Georgette sa kanya. Waiting for her answer. Nagsmile siya dito. Nagsmile din ito pabalik sa kanya. Kahit hindi na niya sabihin alam niyang nagets na agad nito ang desisyon niya.

Inakbayan siya nito. "We fell inlove with gays, pareho tayo. But unlike you, mine is since birth pa yatang bakla. Lumipat kasi sila ng bahay dito sa subdivision namin noong grade school pa lang ako. Hindi siya gaanong lumalabas. But kapag lumalabas ito, always siyang may dalang payong." Tumawa ito. "The more na nakikita ko siya, the more na umuusbong ang crush ko sa kanya."

"Neighbor pala kayo ni Z? Paano mo nalamang bakla siya?" Tanong niya dito.

Napasmile ito. "4th year highschool. Senior prom namin. I asked my mom na sabihan ang mom ni Z na gusto ko si Z ang partner ko. My mom was astonished by my request. Pero sinunod niya pa din. Z's mom agreed but si Z? Napilitan lang siya. But still I'm happy. Then, after the prom doon ko na nalaman na bakla siya. College came, namatay ang dad niya, doon na lumabas ang tunay nitong kulay. Hindi na siya closet gay." Napabuntong hinga ito. "Kaya kahit marami ang nanliligaw sa 'kin, wala akong ineentertain. Si Z pa din gusto ko. But tinatago ko na lang kasi iyon ang gusto ni Z. Masunurin ako sa mahal ko eh!" Tumawa ito.

"Ohh.. Do you want him to change into a real man?" Tanong niya dito.

"No. Kahit bakla siya basta mahal niya din ako, okay lang sa 'kin. Marami naman kasing nagkakatuluyan na babae at gay, hindi ba? You know, ang hirap tanggalin ng love na iningatan mo ng matagal. I tried to look at other guys, pero si Z pa din ang nakikita ko. I don't know. Lakas ng tama eh. Stupid cupid." Tumawa ito.

Napangiti din siya dito. "I hope this would be easy. Pero alam kong mahirapan ako lalo nito." Sabi niya dito. "Oh! I forgot to ask!! May b-boyfriend ba sila? Si M-mikael?"

Tumawa ito ng malakas, "No, no, no!! I think gay sila pero hindi naman sila pero never ko pang nabalitaang nagkaboyfriend sila or tumingin man lang sa mga lalaking heartthrob sa school. Pero may isa silang kagrupo. Si Henry. Iyon ang super bakla talaga. You'll meet him soon." Sagot nito sa kanya. "We got each other's back right? Magtulungan tayo!"

Tumango siya dito. "Thank God. Baka iyon na talaga ang hindi ko kaya." Sabi niya dito.

"I know right! Though, minsan may nagpapapansin kay Mikael na varsity guy. Hindi naman ito pinapansin ni Mikael." Sabi nito.

"Huh?" Napatango si Georgette sa kanya.

Grabe talaga si Mikael, kahit lalaki umeepekto pa din ang lakas ng appeal nito. She just hope na hindi talaga papatol sa kapwa nito lalaki si Mikael. Baka hindi niya talaga kayang i-accept yon.. or baka kaya niya naman.. Hays..