Her mother told her everything, from the beginning kung paano sila nagkamabutihan ng manager ng spa na parati nitong pinupuntahan hanggang sa pagkahuli ng dad niya dito ng tanghaling iyon na naglalunch kasama ang naging kirido nito. Ang masaklap pa, is ang kumpare ng dad niya na kalunch meeting nito ang unang nakakita sa mom niya.
Her mother felt lonely and eventually, fell out of love from her highschool sweetheart, which is her dad. Iyon ang sinabi ng mom niya na dahilan kung bakit nagawa nitong magmahal ng iba. Lumabas ang dad niya sa kwarto sa kalagitnaan ng pagkekwento ng mom niya. If she's on her father's shoes, she'll definitely do the same. Masakit iyon, sobrang sakit. Kaya ang marinig ulit iyon sa mismong bibig ng taong mahal mo ay mas nakakadurog ng puso.
Masakit malaman na ang taong akala mong makakasama mo sa pagtanda at magmamahal sa'yo ng buo hanggang sa huli ay bigla na lang sabihin sa'yo na hindi ka na niya mahal at may mahal na siyang iba.
Grabe ang iyak ng mom niya habang nagpatuloy sa pagkwento. Pero siya? Napatulala siya habang hinahaplos sa daliri niya ang engagement ring niya. Hindi na tumutulo ang luha niya. Mas nanaig ang agam-agam at takot sa isip niya ng tungkol sa kanila ni Mikael.
Pareho lang sila ng kwento ng pagmamahalan ng parents niya. Highschool sweethearts din sila. Paano kung pareho sila ng magiging outcome sa huli? Paano kung mafall-out of love ang isa sa kanila? Paano kung may magmahal ng iba ang isa sa kanila? Sino kaya ang gagawa noon? Siya ba? Or si Mikael?
Natatakot siya. Natatakot siyang masaktan katulad ng dad niya.
Nabalik lang siya sa huwisyo ng bigla siyang niyakap ng mom niya ng mahigpit, "Chloe, a-anak... Please... please huwag mong suklaman si Mommy..." patuloy nitong pag-iyak sa balikat.
Hindi niya nagawang alu-in ang mom niya. Namanhid siya. Paano na ngayon ang pamilya nila? Ang akala niyang matatag na pagsasamahan ng parents niya ay nasira na. Mabubuo pa ba sila? Pipiliin ba sila ng mom niya? Or mas pipiliin nitong makasama ang bago nitong mahal?
How ironic life is. Hindi niya ine-expect na aabot sa ganito. Akala pa naman niya naiintindihan ng mom niya ang dad niya. Eto pa nga ang parating nagpapaunawa sa kanya, ang parating nagpapaalala sa kanya ng tungkol sa ama niya. Pero eto din pala ang taong unang susuko at bumigay sa sitwasyon na 'to.
Humihikbi-hikbi na lang ang mom niya. Inangat nito ang tingin sa kanya nang naramdaman nitong parang tuod lang ang kayakap nito.
Tiningnan niya din ito pabalik. Walang ekspresyon na makikita sa mukha niya. Tumayo siya pagkatapos ng ilang segundo at lumabas sa kwarto ng parents niya. Iniwan niya ang mom niya. Sa pinto pa lang siya ay narining niya ng tinatawag siya ng mom niya, umiiyak na naman ito. Hindi niya ito nilingon at dumiretso na siya sa kwarto niya at nagkulong.
Nakatulugan niya na pala ang lahat ng alalahanin sa araw na 'yon. Tiningnan niya ang orasan, 11 o'clock na pala ng gabi. Ang tagal ng tulog niya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya.
Bigla siyang napaigtad ng narinig niyang nagriring ang cellphone niya. Nang tiningnan niya ay si Mikael ang tumatawag. Ayaw niya munang makausap ito. Mas gusto niyang mapag-isa. Hindi niya din alam kung paano niya ito sasabihin sa fiancee niya.
Natatakot siya.
Pagkatapos ng pagtunog ng cellphone niya ay tiningnan niya ulit 'yon. Naka 58 missed calls na ito.
Napabuntong hininga na lang siya. Ang daming pumapasok sa utak niya. Biglang nag ring ulit ang cellphone niya, si Mikael na naman ulit. Pinatay niya agad ito. Hindi pa siya handang magkwento ng tungkol sa problema niya. Nakakabigla ang lahat ng nalaman niya and hindi niya alam kung makakaya niya pang makita ni makausap ang mom niya.
She hates her mom.
Sinira nito ang pamilya nila. Sinira nito ang akala niyang may happy ending ang lovestory ng mga ito na nagsimula noong highschool. Now, she finally realized that life is not a fairytale, hanggang libro lang ang may happy ending. This is the reality of life. Walang kasiguraduhan ang lahat.
Bumaba siya sa kama noong nakaramdam siya ng pagka-uhaw. Kumakalam din ang sikmura niya pero wala siyang ganang kumain. Pagkababa niya sa stairs agad niyang nakita ang dad niya sa mini bar nila sa bahay. He's drinking and crying, at the same time. Nasasaktan siya para sa ama. Agad niya itong nilapitan. Nag angat ito ng tingin sa kanya at nilahad nito ang mga kamay, asking for a hug.
Agad niya itong niyakap at sabay silang umiyak.
"She left, princess... Your mom left us! And I let her! I let her go!" Hagulgol nito sa balikat niya.
Grabe! Ang mom niya pa ang may ganang mang-iwan. Ganoon lang ba kababaw ang pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kanila? Mas pinili nito ang bago nito kaysa sa kanila.
Now, she knows. Her mom is a coward. Instead of mending her mistakes, mas pinili nitong takasan ang problema. She hates her so much.
"Tahan na, dad.. Hayaan mo na siya. I guess, she's not worth it.." Alo niya sa dad niya.
Mabilis itong umiling, "No.. no.. Don't say that.. may kasalanan din ako.. I was wrong.. Hindi ko man lang kayo inisip.. I thought I was doing the right thing, na maibigay ko sa inyo ang lahat ng pinapangarap kong buhay para sa inyo.. Akala ko iyon ang paraan para matatawag kang mabuting asawa at ama.. Iyon lang naiisip ko.. but I was wrong.. hindi lang pala 'yon ang kailangan niyo.." Patuloy nito. "Mahal na mahal ko siya, princess.. Mahal na mahal ko kayo.. I'm sorry.. I'm really sorry.."
"Hush, dad. I already forgave you. I know where you're coming from.. but I don't think I could forgive mom, just yet. She left us. I don't think I could ever forgive her." Sabi niya.
Her dad continued crying, at patuloy niya din itong niyayakap at inaalo. Pagkatapos ng ilang sandali ay pinilit niya na itong matulog. Ayaw nito sa kwarto nila ng mom niya, kaya sa guestroom ito nagdesisyong matulog ng gabing iyon. Sinamahan niya ang dad niyang pumasok doon. Humiga agad ito sa kama at umupo naman siya sa couch na nakaharap dito. Babantayan niya muna ito. Nakatulog agad ito pagkapikit nito ng mga mata. Pagod na pagod nga talaga ang dad niya. Pagod, hindi lang physically kundi mas pagod emotionally.
Lumipas na ang ilang minuto ng nagdesisyon na siyang lumabas, nang biglang humikbi ang dad niya. Nilapitan niya agad ito. Tulog pa din ito pero tumutulo ang mga luha nito sa mga matang nakapikit. Hanggang sa panaginip ng dad niya ay nasasaktan pa din ito. Awang-awa siya dito. Hindi niya yata makakayang makikitang ganito ang dad niya.
Napaiyak na din siya. "Dad.. I'm still here. Hindi kita iiwan, katulad ng ginawa ni mom. Kakayanin natin 'to." Kausap niya sa natutulog niyang daddy.
Pagkalabas niya sa kwartong 'yon ay agad siyang dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Pagkalapag niya ng basong ininuman ay nakabuo siya ng isang desisyon. Isang desisyon na alam niyang makakasakit sa taong mahal na mahal niya. Pero kailangan niyang gawin, para sa kanyang ama at para din sa kanya.
Dumiretso siya sa kwarto niya at agad binuksan ang laptop niya. Kailangan niyang macontact ang auntie niya, panganay na kapatid ng daddy niya, na nakabase na sa Italy.