Maagang nagising si Chloe ng araw na 'yon. May lakad sila ng daddy niya at kailangan nilang makarating doon ng maaga para sa interview nila sa embassy ng Italy. Yes, pupunta sila ng Italy. Tinawagan niya ang auntie niya, dalawang araw na ang nakalipas and agad itong nagpaschedule sa kanila para makakuha sila agad ng visa.
Sinabi niya lahat ng nangyari sa Auntie niya, and she was furious. Galit na galit ito sa mom niya and she couldn't blame her. Pareho lang sila ng nararamdaman. Nahirapan pa siyang kumbinsihin ang dad niya noong una na magpakalayo-layo muna sila but with the help of her Aunt ay napa-oo niya din ito.
Dalawang araw na din siyang hindi nagpaparamdam kay Mikael. Grabe ang pagtitimpi niya para mapigilan ang sarili niyang makipagkita dito. Dalawang araw na din ito pabalik-balik sa bahay nila at hinahanap siya. Pero sinabihan niya ang mga katulong nila na sabihin dito na wala siya sa bahay.
Namimiss niya na ito. Sobra. Pero mas kailangan siya ng dad niya. And kailagan niya din ang magpakalayo para makapag-isip ng maayos.
Natatakot siya. Natatakot siyang masaktan lang sa huli kung mas piliin niyang pakinggan ang puso niya. Minsan kailangan ding pairalin ang utak at ang sabi ng utak niya ay kailangan muna niyang magpakalayo.
Hindi na din siya pumunta ng school para magpractice ng graduation. Para saan pa? After silang i-grant ng visa sa Italy ay agad silang aalis ng dad niya. Mas mapapabilis pa 'to kasi tumutulong ang tita niya and nagbayad sila ng malaking halaga para lang mapadali ang proseso.
Hindi niya alam kung kailan sila uuwi. Ang mas importante ngayon ay makaalis sila.
Kahapon ay pinadala na niya ang lahat ng gamit ng mom niya sa bahay ng lolo at lola niya sa mother's side. Nalaman kasi nilang doon pala umuwi ang mom niya noong hinatid ito ng driver nila. Wala na siyang pakialam dito. Galit na galit pa din siya. Sobrang sakit talaga ng ginawa nito sa kanila. Gusto niya munang kalimutan na may mommy siya, kaya ang alam niyang mas mabilis na paraan para makalimot ay ang pumunta sila sa bagong lugar. Sa lugar na kung saan walang magpapaalala ng tungkol sa kanyang mommy.
Kakatapos lang nila ng dad niya ininterview sa embassy ng Italy. From 2 days time ay mairerelease na agad ang visa nila at pwede na silang tumulak doon. Agad nagpabooking ang auntie niya ng airplane ticket nila on the 26th, its 3 days from now. Sa 27th ang graduation nila. So, aalis siya a day before her graduation. Nalulungkot siya, sobra. Pero mas nanaig ang takot niya. Takot para sa hinaharap na kasama si Mikael. Takot na masaktan katulad ng sa dad niya.
Yes, pareho lang sila ng mom niya. Dito nga yata siya nagmana sa pagiging mahina nito. She's also a coward. Tatakbuhan niya din ang takot niya.
Malapit na sila sa bahay nila ng napansin niyang may sasakyan na nakapark sa harap ng bahay nila. Kilala niya 'yon. Its Mikael's. Noong nakarating na sila sa gate ng bahay ay agad bumukas ang pinto ng sasakyan nito sa likod. Si Mikael ang lumabas, sobrang lungkot ng itsura nito.
"Talk to him, princess." Masuyong sabi ng dad niya pagkakita din nito kay Mikael. Tumango lang siya and agad lumabas ng sasakyan.
Hinarap niya ito. Pinagmasdan niya muna ang mukha nitong namimiss at mamimiss niya. Never talaga pumasok sa isip niya na dadating ang araw na maghihiwalay sila nito. Akala niya hanggang sa pag college at hanggang sa pagtanda pa nga ay inseperable ang loveteam nila. But this is the reality of life. Their relationship is like a fairytale, and fairytales doesn't exist. Love doesn't last forever. Siguro sa iba oo, pero mas lamang ang hindi.
"How are you?" Tanong nito sa tonong nagtatampo. Seryosong seryoso ang itsura nito.
"I don't know.. I guess medyo okay na ko." Nagulat siya sa sarili niya. Hindi siya nauutal.
"Let's talk.." Masuyong sabi nito. "I miss you."
Napapikit siya. Hind niya alam kung makakaya niya bang sabihin dito ang pinractice niya noong isang araw. Tumango na lang siya. "Punta tayo sa garden." Sabi niya at nauna na siyang pumasok sa bahay nila. Sumunod ito.
Umupo siya sa bench na nandoon sa garden. Umupo din si Mikael sa tabi niya at pareho silang napatingin sa fountain na siyang tanging ingay na maririnig sa paligid nila.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Aalis kami ni dad. Hindi ko alam kong kailan kami babalik." Nakita niya sa peripheral vision niya napabaling si Mikael sa kanya.
"Saan? Kailan?" Tanong nito na hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya. Alam niyang pinagmamasadan siya nito, pero hindi niya kayang tumingin dito. Baka mawala lang 'yong tapang na inipon niya para sa paghaharap nilang ito ni Mikael.
Lumunok siya bago sumagot, "3 days from now."
"On the 26th? Graduation natin sa 27, babe! Ba't kailangang agaran?!" Napataas na ang boses nito. "Ano bang problema? I know I have no right to ask you this, especially if it's a family matter. But please.. tell me what's wrong? Baka makatulong ako or something? Look... It's been 2 days. Nababaliw na ako kakaisip kung may nangyari ba sa 'yo or may kasalanan ba ako kaya mo ko iniiwasan? What babe? I need to know!!"
Napaiyak siya. Nasasaktan siya dahil nasasaktan niya ang taong mahal niya. But she already made up her mind. Kailangan niyang umalis.
"I-im sorry.." Nasabi na lang niya. Lahat ng inensayo niyang linya ay nawala sa isip niya. Hindi niya din kayang sabihin 'yon. Mas masasaktan lalo si Mikael pero ganoon pa din naman. Masasaktan niya pa din ito.
"Anong sorry? Sorry sa ano? Babe..." Pinaharap siya nito at hinawakan nito ang baba niya. "Babe look at me please.."
Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito kaya nagpatuloy ito. "Hindi mo na ba ako m-mahal? Kaya iiwan mo na 'ko? If its about your family, ba't pati ako kailangan mong iwan? Wala na lang ba sa 'yo ang pagmamahalan natin? Ang mga pangarap na binuo natin? Why.. why'd you have to leave me?" Humikbi ito.
'Fck!'
"Please.. please, look at me..." Pagmamakaawa nito. "Fine! If you want to leave sasama ako. Kahit saan, babe. Sasama ako!"
Napamulagat siya at agad siyang napatingin dito. "H-hindi pwede!"
"What do you mean hindi pwede? Why? Sabihin mo bakit?! Sabihin mo! Don't leave me hanging, please!" Pagmamakaawa ulit nito.
Napahinga muna siya ng malalim. "I need to leave... kailangan ako ni dad... My mom cheated! And I'm scared... natatakot ako! Natatakot ako para sa 'tin. What if pareho lang din sa kanila ang mangyari sa 'tin sa huli? Hindi ko kaya ang masaktan!" Paliwanag niya.
"Ba't ka nag iisip ng negative agad? You don't trust me when I say I'm serious about you? Na hindi ko kayang magmahal ng iba kung hindi ikaw? Oo, mga bata pa tayo! Pero siguradong sigurado ako sa sinasabi ko! If iniisip mo na baka ikaw ang manloko, I wouldn't let you! Hindi kita hahayaan kasi always kita isasama kahit saan man ako pupunta! Hindi kita hahayaang mawala sa paningin ko! Hindi ako tutulad sa dad mo!" Sabi nito sa malakas na boses.
"Paano natin masisigurado? My dad thought na dahil kasal na sila ni mom eh hindi na ito makakahanap ng iba! But look what happened? I dont want to go through that kind of heartbreak, Mikael!" Sagot niya.
Bigla itong nag-iwas ng tingin sa kanya. "You don't trust me then. That means you don't love me, as well." Sabi nito na agad nagpamulagat sa kanya.
Hindi totoo 'yon. Mahal na mahal niya ito. Natatakot lang siya. Gusto niyang itama 'yon pero eto na 'yong inaantay niyang cue para masabi na ang gusto niyang mangyari sa pag-uusap nilang 'yon. Masasaktan niya silang dalawa but its the best thing to do sa ngayon.
"Baka nga." Matapang niyang sinabi dito.
"Wha-what?" Napamaang ito at nababahalang napatingin sa kanya.
Napahugot ulit siya ng hininga at matapang na tumingin dito. "Maybe, I don't really love you. Sabi mo nga, kung mahal mo ang isang tao ay kailangang magtiwala ka dito. But I don't, 'coz I dont really love you.. Kaya ngayon, Mikael.. nakikiusap ako sa'yo to let me go." Sumasakit ang puso niya habang nakikita niyang mabilis na tumulo ang mga luha nito.
'Mikael.. give me time.. please..' Iyan ang gusto niyang idagdag pero hindi niya masabi. Ayaw niyang masaktan lalo ito. Kasi sabi nga niya, lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan. Paano kung kapag nagkalayo na sila ay may mahanap silang iba? Masasaktan lang ang isa sa kanila kung aantayin siya nito at aasa siyang may babalikan siya. Mas mabuti na 'tong ganito.
"Ang sakit.. sakit, Chloe. Pinaasa mo lang pala ako. I thought everything about us is magical and is worth fighting for. Pero kung binibigyan mo ko ng dahilan to give up and sinasabi mong hindi mo pala ako mahal, then, I guess hanggang dito na lang talaga tayo.." Nakatiim bagang nitong sinabi.
Agad itong tumayo. Nanatili siyang nakatingin dito, pinipigilan ang sariling mapahagulgol. Nagpunas ito ng luha at galit na tumingin sa kanya, "Goodbye, Chloe." Paalam nito.
"M-mikael." Tawag niya dito. Tumigil ito sa paglalakad pero hindi ito lumingon sa kanya. Lumapit siya dito at agad hinugot ang engagement ring sa daliri niya. Nilahad niya ito kay Mikael, kinuha nito iyon. "Thank you and I'm really sorry."
Hindi ito nagsalita. Akala niya ibubulsa nito iyong singsing, pero nagulat siya ng tinapon nito iyon. Napatingin siya kung saan iyong kinabagsakan ng singsing at agad niya itong sinundan. Hahanapin niya ang singsing pero napasulyap muna siya sa pwesto ni Mikael. Wala na ito sa kinakatayu-an nito. Naglalakad na ito papunta sa gate nila. Paalis ng bahay nila at paalis ng buhay niya.