Simula nang araw na 'yon ay hindi na ulit nagparamdam sa kanya si Mikael. Iyak siya ng iyak sa daddy niya. Pinipilit siya nitong puntahan niya si Mikael at bawiin ang masasakit na salitang binitawan niya dito. Ngunit buo na talaga ang desisyon niya. Kailangan talaga nilang umalis. Hindi man pinapakita sa kanya ng daddy niya ang lungkot nito pero alam niya at naririnig niyang naglalasing at umiiyak ito sa gabi kapag akala nito'y mahimbing na ang tulog niya.
Unang buwan niya doon sa Italy ay sobrang nahirapan siyang mag-adjust. Hindi siya marunong mag Italian and wala siyang kakilala, aside sa mga relatives nila doon ng dad niya. Iyong dalawang cousins naman niya ay mga nakagraduate na ng college and nagtatrabaho na, kaya noong nagstart ang pasukan nila ay nagfocus agad siya sa school. Ayaw niyang isipin ang mga naiwan nila sa Pilipinas. Pero minsan hindi niya pa din maiwasang hindi isipin ang mom niya at si Mikael.
Lumipas ang mga araw at nasanay na din siya kahit paano. Meron na siyang naging mga kaibigang Italian doon, meron na ding nanligaw sa kanya. Pero hindi niya inentertain ang mga ito, kasi alam niya sa sarili niya na hindi pa siya ready magmahal ng iba.
Mahal na mahal niya pa din si Mikael. Minsan pag natatakot o kinakabahan siya, kinakapa niya lang singsing na ginawa niyang pendant ng kwintas niya ay nawawala na ang alalahanin niya. Ganoon ang epekto ni Mikael sa kanya.
And yes, nahanap niya ang singsing na tinapon nito. Tinago niya agad 'to at ginawang pendant na lamang.
Malapit na ang ika-17th birthday niya noong nakatanggap siya ng telegrama galing sa mom niya. She hates to admit it, pero namimiss niya ang mom niya. And kahit ano ang mangyari ay mommy niya pa din 'to. Tao lang ito. Nagkamali. And she realized na siguro hindi lang talaga para sa isa't-isa ang parents niya. Iyak siya ng iyak habang binabasa ang sulat ng mom niya.
Sinabi nitong namimiss na siya nito at hindi nito maatim na kinasusuklaman niya na ito. At alam nitong hindi niya ito gustong makita at makausap kaya umalis ito sa bahay nila. Nahihiya din ito sa kanila ng dad niya dahil sa kasalanan nito, kaya lumayo ito para bigyan na din siya ng oras para mapatawad niya ito. Pero hindi nito nakayanan na tatagal pa ng isang taon na hindi ito magparamdam sa kanya. Nagpunta daw ito sa dating bahay nila pero for sale na ito. Kinapalan nito ang mukha nito at nagtanong-tanong ito sa mga kakilala nila ng dad niya. At nalaman nitong nasa Italy na sila. Hindi nito alam ang number nila sa Italy kaya nagbakasakali itong ganoon pa din ang address ng auntie niya, at matatanggap niya ang sulat nito. May kalakip na cellphone number doon sa sulat at sinabi ng mom niya na kapag ready na siyang makausap ito o kapag napatawad niya na ito ay kahit anong oras, bukas ang number na 'yon para sa kanya.
Agad siyang tumawag sa mom niya. Unang ring pa lang ay sinagot na agad nito ito.
"Chloe? C-chloe, anak?" Humihikbing sagot ng mom niya.
Pinipigilan niya ang sarili niyang umiyak kaya hindi siya agad sumagot. Namiss niya ang boses ng mommy niya. At ang pagtawag nito ng anak sa kanya. "M-mommy..."
"Anaaak! Anak! Thank you! Thank you at tumawag ka! Maraming salamat anak! Miss na miss na kita!" Humihikbing sabi ng mom niya. Dinig niya ang sabik nito sa kanya.
"I miss you too, mom." Sabi niyang napapakagat labi. Ayaw niya tumakas ang hikbi niya.
"How are you? Kumusta na kayo ng dad mo? Huh, anak? Miss na miss na talaga kita! Kailan uwi mo?" Sunod sunod na tanong nito.
Napabuntong hininga siya. She needs to know something. So instead of answering her mom's question ay sinagot niya ito ng tanong din. "Wala ka na ba talagang nararamdaman kay daddy mom? Hindi mo na ba talaga siya mahal?"
Mahabang pause muna bago sumagot ang mommy niya, "I do, anak. Ofcourse, I do. He's my first love. And he gave me you. What's not to love about him? Pero ang pagmamahal ko sa kanya.. is not the same as it is noong mga bata pa kami.. hindi.. hindi ko sinasadya, anak.." Tapat na sagot nito sa kanya.
Napatango siya kahit hindi nito nakikita. "Okay, mommy. Kamusta na kayo ni.. ni.." Hindi niya masabi ang pangalan noong kirido ng mom niya.
Narinig niyang humugot ito ng malalim na hininga. "Wala na kami, anak."
Nagulat siya doon. Akala pa naman niya ay isa 'yon sa rason kaya iniwan sila nito, na mas pinili nito ang kirido nito kaysa sa kanila. Tinanong niya ulit ito kung mahal pa ba nito ang lalaking 'yon. Tumahimik ito sa kabilang linya at iniba nito ang pinag-usapan nila.
Alam na niya ang sagot sa tanong niyang 'yon. Mahal pa din ng mom niya ang naging kirido nito.
Marami pa silang pinag-usapan ng mom niya, they tried catching up sa mga nangyari sa buhay nila noong nagkalayo sila. Natapos lamang ang pag-uusap nila ng mom niya ng tinawag siya ng dad niya para maglunch sila ng sabay. Naging busy na naman ang dad niya kasi nag-umpisa ulit itong magtayo ng business nila sa Italy. Same furniture business katulad sa pilipinas, pero minemake sure nito na hindi na ito mawawalan ng oras sa kanya katulad ng dati.
Her dad wants to start anew. Kaya binenta nito ang bahay nila at ang company nito sa pilipinas. May bumili agad noong business nila kasi malakas talaga ang kita noon, while ang bahay nila is may tumitingin na ding buyer. Hopefully, by the end of the year ay mabebenta na din yon ng tuluyan.
Everyday na silang nag-uusap ng mom niya. Nag oopen-up ito sa kanya and ganoon din siya dito, except for one. When her mom tried to ask about her and Mikael, sinabi niya dito na naghiwalay na sila before siya pumunta ng Italy and ayaw na niyang pag-usapan ang about doon. Nagsorry agad ang mom niya kasi alam nitong kasalanan talaga nito kung bakit naghiwalay sila ni Mikael. But she told her mom it's her choice but she knows that her mom knows she's hurting.
Mahigit isang taon na ang nakalipas noong pagdating nila sa Italy, nang nalegally separated na ang parents niya. Then a month after that, her mom told her na sinusuyo ito noong kirido nito. She told her mom if she still loves the guy, then sundin nito kung ano ang tinitibok ng puso nito basta maging masaya lang ito ay sasaya na din siya para dito.
She was hurt, yes, kasi medyo umasa siyang magkakabalikan pa ang parents niya. But she guess, hanggang doon na lang talaga ang pagsasama ng parents niya. Eventually, she learned to accept that fact kahit masakit sa part niya bilang anak ng mga ito. Sino ba namang anak ang naghahangad magkaroon ng broken family, 'di ba? Pero kailangan na lang talaga niyang tanggapin na hindi na talaga mabubuo ang pamilya nila.
Pinipilit na din niya ang dad niya to meet and date someone else. Her dad refused at first, telling her na hindi na nito kailangan ng bagong asawa 'coz he's already contented with his life. Kaya hindi niya na ulit ito pinilit.
Then one night, her dad met this beautiful Italian widow na wala pang anak, na kaedad nito on a party. Agad nagkagusto ang dad niya dito. Her dad told her about it and she gave him the go signal na ligawan ito ng dad niya and so he did. Sinagot din naman ito, aba'y siyempre, her dad is one of the hottest single man on town.
She's happy for her parents lovelife, yes. But she's not happy for her.
Mahal na mahal pa din niya talaga si Mikael. She never tried to date other guys. Hanggang friendly date lang talaga siya with a couple of friends but never alone with a guy. Sinuot na din niya ulit ang engagement ring na bigay nito. She wants to show everyone that she's not available.
Mabilis lumipas ang mga araw, dalawang taon na ang nakalipas. Patapos na din ang semester nila sa school year na 'yon. Magtithird year na siya and she thinks it's the right time for her to follow her heart, when she's convinced na si Mikael lang talaga ang mag mamay-ari nito.
She asked for her parents' blessings. Her mom immediately agreed, but her dad kind of, don't like the idea, pero pinagalitan ito ng girlfriend nitong si aunt Lia. Magkakampi kasi sila nito. Naging second mom na ang turing niya dito and sigurado siyang malapit na lang at magiging legal na niyang pangalawang ina ito. Wala ng nagawa ang dad niya kundi ang pumayag na lang, kaya after the end of the semester pinrocess niya na agad ang papers niya sa school and she went home to the Philippines to chase her only love, Mikael Edwards.