Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Present:

Isang linggo na ang matuling lumipas since pagdating ni Chloe galing Italy, but still no signs of Mikael. Nakipagkita na siya kay Kristel and sa ibang mga classmates nila dati, hoping na may alam ang mga ito sa number and whereabouts ni Mikael pero wala talagang alam ang mga ito. Gusto niya itong puntahan sa bahay ng pamilya nito kaso nahihiya siya. Baka kasi galit ang buong pamilya nito sa kanya for leaving and not being able to bid her farewell to them. And most especially for hurting Mikael.

Uunahin na muna niyang harapin si Mikael, but if that wouldn't work, kahit na nahihiya siya ay kakapalan na lang niya ang mukha niya and ask for his family's help, 'coz she desperately needs all the help she could get para lang bumalik sa kanya si Mikael.

Umaasa siyang wala pa itong ibang minamahal ngayon at may natitira pa din itong pagmamahal sa kanya, but if meron man itong iba ay gagawin niya ang lahat, mabawi niya lang ito at mahalin siya ulit nito. By hook or by crook, she'll do everything to win him back.

Nakapagpasa na siya ng requirements for her transfer of school sa ASU. Sinamahan siya ng mom niya and sa buong duration na nandoon siya sa naturang school ay hindi nakapirmi ang paningin niya sa isang lugar lamang. Umaasa kasi siyang baka nandoon si Mikael and magkrus ang landas nilang dalawa, pero bigo siya. May schedule na siya para sa entrance exam niya and babalik na lang ulit siya sa araw na 'yon.

Sa araw ng entrance exam ay mabilis siyang nakatapos sa pagsagot sa test papers niya. Confident siyang mapapasa niya 'yon. Inspired din siya kasi may naisip siyang gawin sa araw na 'yon.

Dumiretso siya sa malaking bulletin board ng AUS, kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga dean's lister ng school at mga reminders ng naturang school. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa ramdam na excitement at pananabik. Agad niyang hinanap 'yong under sa Business related courses. Napahugot siya ng hininga niya ng nakita ang pangalan nito.

MIKAEL B. EDWARDS.

Top 1 si Mikael!! Top 1 siya sa last semester na grading! Naramdaman niyang lumakas lalo ang tibok ng puso niya. Pangalan pa lang nito ay napapaiyak na siya, paano pa kaya kung magkita na sila. Doon niya ulit naramdaman ang kasiyahan na si Mikael lang ang makakapagparamdam sa kanya, na parang bumalik ulit ang nawawalang piraso ng pagkatao niya.

Napatulala pa din siya sa pangalan nito ng bigla niyang naramdaman na parang may nakatingin sa kanya. Agad siyang luminga sa paligid niya. Nang napabaling ang tingin niya malapit sa isang puno, ilang dipa ang layo sa kanya ay may nakita siyang nakatalikod na bulto ng isang lalaki na matangkad at matipuno.

Napasinghap siya. Pamilyar na sa kanya ang tindig na 'yon. Pero hindi siya sigurado kasi parang nag-iba ng konti ang way ng paglakad nito. Kaya kahit nagdadalawang isip ay tumakbo siya at hinabol ang lalaki.

"MIKAEL!! MIKAEL!!" Tawag niya dito. Bahala na kung mali man siya o mapahiya siya atleast sinunod niya instinct niya.

Malapit niya ng maabutan ang lalaki at akmang hahawakan niya na ang braso nito, nang bigla itong humarap sa kanya. Kaya nabangga siya sa dibdib nito, hinawakan naman siya nito sa braso nang muntik na siyang mabuwal.

Napaangat siya ng tingin ng makaramdam siya ng kuryente sa pagkakahawak nito sa braso niya. Ang blue eyes na namimiss niya ang agad niyang nakita.

Mikael.

Nakatingin ito sa kanya ng seryoso na parang galit. Hindi niya namalayang tumulo na pala ang mga luha niya. Niyakap niya ito ng mahigpit at umiyak sa dibdib nito.

"M-mikael... Mikael..." Patuloy niyang sinasabi habang humihikbi siya.

Napaangat lang siya ng tingin ng naramdaman niyang hindi man lang ito tumugon sa yakap niya. Malamig na tingin ang sumalubong sa kanya. Bigla itong pumiglas sa yakap niya at tinalikuran siya. Naiwan siyang napatulala ng ilang segundo at ng nahimasmasan ay hinabol niya ulit ito.

"Mikael..... teka.. Mikael.. please.." Habol niya dito, inaabot niya ang braso nito pero agad nitong iniiwas 'yon. Nakita niyang marami ng napapatingin sa kanilang mga estudyante kasi open na for enrollment ang school na 'yon.

"Mikael!!! Please!! Hear me out, please." Sunod pa din siya ng sunod dito nang dumiretso ito sa isang magarang sasakyan.

Pinailaw nito 'yon at akmang bubuksan na ang pinto ng hinawakan niya ito sa braso. "M-mikael! I m-miss you, babe. P-please.. Mag-usap tayo.."

"Excuse me! Anong babe? F.Y.I I don't even know you!" Sagot nito sa kanya sa malamig na tono.

Napatulala siya. Dineny siya nito at bakit parang nag-iba ang tono ng boses nito. Nang nakabawi siya ay hinawakan niya ito sa mukha at tiningnan sa mata. "Mikael!! Alam ko galit ka! But please try to hear me out! I still love you!!!"

May narinig siyang mga singhap sa paligid nila pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi niya na pinansin ang mga ito. Mas importante si Mikael.

Hinawi nito ang mga kamay niya. "I... DON'T... KNOW... YOU!!" Sagot nito sa kanya sa galit na tono.

Nasaktan siya sa pagdedeny nito sa kanya, pero naintindihan niyang nagalit talaga ito sa kanya. Inabot niya ulit ang braso nito pero bigla nitong hinawakan ang braso niya. Kaya imbes na siya ang may hawak dito ay ito na ang nakahawak sa kanya. Nilapit siya nito sa katawan nito at nagulat siya ng nilapit nito ang bibig nito sa tenga niya.

"Huwag na huwag ka na ulit lalapit sa 'kin! Do you hear me?! I hate you! I hate you so much! Go back to Italy! But if you're going to stay here, then, don't you ever come near me again! I don't know you! Understood?!" Mariin nitong sinabi sa kanya.

Pumatak ng sunod-sunod ang mga luha niya sa sinabi nito. Ang sakit. Sobra. Hindi na siya umambang pigilan pa ito ng sumakay ito sa kotse nito at pinaharurot palabas ng gate.

Napasalampak siya sa semento habang tinatakpan ng kamay ang mukha niya at patuloy na umiiyak. Ang sakit. Sobra. And it's all her fault. Dapat hindi siya natakot or hindi siya nag isip agad ng negatibo. Sana'y hindi nagalit sa kanya si Mikael. Sana hindi ito ganoon magsalita sa kanya. Sana'y masaya sila. Sana'y natupad na ang isa sa pangarap nila. Huli na talaga ang pagsisi.

But she's not going to give up just yet! Kakaumpisa niya pa lang. And she's desperate for this. She's desperate to have Mikael again. Kahit anong masasakit na sa salita pa ang sabihin nito. Kahit ilang beses pa siya nitong ipagtabuyan. She's willing to wait for his forgiveness and to give everything para mahalin lang siya ulit nito.

Napaigtad siya ng may biglang kumalabit sa kanya. Napaangat siya ng tingin at nakita niyang may panyo sa harap niya.

"Hi! Punasan mo na muna luha mo." Sabi ng maganda, maputi at halatang yayamanin na babaeng kaedad niya lang yata.

Kinuha niya ang panyo at nagpunas ng mukha niya pero hindi pa rin talaga matapos tapos ang pagluha niya. "Thank you." Pagpapasalamat niya dito.

Tinulungan siya nitong tumayo at pinagpag pa ang pants niya. Doon niya lang napansin na may limang babae sa likod nito na nakacross arms at nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya. Taliwas ang mga ito sa magandang tumulong sa kanya na parang anghel at mabait ang itsura.

"You're welcome! My name's Georgette! And you are?" Nakangiting sabi nito at agad naglahad ng kamay sa kanya.

"I.. I'm Chloe.." Sagot naman niya pagkatapos niyang tanggapin ang kamay nitong nakalahad.

"Let's be friends, okay?" Sabi nitong nakangiti sa kanya, nag-alinlangan siya noong una pero tumango din siya ng marahan. Wala naman sigurong problema if makipagkaibigan siya dito, 'di ba? "Now, tell me ano nangyari kanina between you and Mikael?" Curious nitong tanong.

"Huh?" Nagulat siya.

Magkaibigan ba ito at si Mikael? Or? May gusto ba ito kay Mikael?

Tumawa ito ng nakitang umasim ang mukha niya at umangat ang mga kamay nito. "Wala akong gusto kay Mikael, ha!" Sabi nitong patuloy na tumatawa. "Punta tayo sa playground? Tell me everything please." Sabi nito na pumungay ang mga mata.

Napatingin siya sa mga parang sidekicks nito sa likod nito. Masakit na tumingin ang mga ito sa kanya. Napabaling din sa mga ito si Georgette. Napapitik ito sa daliri and dito na tumingin ang mga sidekicks nito at agad bumait ang mga itsura.

"Mauna na kayo sa cafeteria, bitches. May pag-uusapan lang kami." Sabi nito sa mga ito. Agad nagsialisan ang mga babae and sinunod yata ang sinabi ni Georgette. Woah there! Reyna ba to si Georgette or what?

Bumaling ito ulit sa kanya. "Let's go?" Nakangiti nitong sinabi sa kanya. "Don't worry! May secret din akong sasabihin sa 'yo!"

"Fine." Sagot niya dito. Napangiti ito sa kanya ng sobrang lapad and agad silang lumakad papunta sa playground na sinasabi nito.

"Feeling ko.. we're going to be super friends!!" Sabi nito sa kanya cheerfully habang naglalakad sila. Dedma ito sa mga taong parang nagbabow down sa nilalakaran nito.

Seriously? Reyna yata talaga siya! Napasmile na lang siya dito bilang sagot.

And napabuntong hinga ng maalala ulit si Mikael.

Paano kaya niya mapapalambot ang puso nito? Galit na lang yata talaga ang naramdaman nito sa kanya. Pero sabi nga niya, hinding-hindi siya susuko.

By hook or by crook.

'You'll love me again Mikael!'