Pumasok sila ni Georgette sa malaking gazebo sa gitna ng playground at agad umupo sa nakalaang upo-an na nandoon. Ang ganda talaga ng ASU. Complete ito sa amenities. Walang ibang tao doon sa gazebo kundi sila lang.
"Transferee ka, girl?" Panimulang tanong ni Georgette sa kanya.
"Yeah. Hindi pa ko nakapag enroll, actually. Kakatapos ko lang mag entrance exam. G-galing ako Italy." Sagot naman niya.
"Oh! I love Italy! I've been there once! Family vacay!" Masaya nitong sinabi. "Sooooo... ayoko na patagalin pa.. tell me about you and Mikael?" Diretso nitong sinabi.
Humingi muna siya ng malalim bago sumagot, "He's... my ex.. ex-fiancee." Then, pinakita niya dito ang suot niyang singsing.
"WHAAAAAT?!!!!" Umalingawngaw ang boses nito at mabilis na hinawakan ang kamay niya para matingnan ng malapitan ang singsing na suot niya. Halos lahat ng taong nasa playground at mga dumadaan lang ay napatingin sa kanila.
Kumunot ang noo niya, "Yeah. Why?"
Binitawan nito ang kamay niya at pinaypayan nito ang sarili nito gamit ang mga kamay nito. "Woooh! Wait lang!! This is so shocking for me! Grabe!!! Oh my Ghad!! Woohh!!"
"Why? What's wrong? What's so shocking about it?" Tanong niya ditong nanatiling nakakunot ang noo.
"Wait!" Napabuga ito ng hangin, "Teka lang! Ilang taon ka nagstay sa Italy? Kaya ba naghiwalay kayo?"
"2yrs mahigit.. Kind of.. pero may mas mabigat na reason pa kaya kami naghiwalay.." Sagot niya dito.
"Kaya pala hindi mo alam!!!! Baka ikaw ang reason kaya ganoon!" Sabi nitong napatango tango ng ulo na mas lalong nagpalito sa kanya.
"Huh?" Tanong niya.
"Basta!!! Malalaman mo din!" Sabi nitong umaksyon pa na parang zinipper ang bibig.
She's getting more curious and puzzled at the same time. Ano kaya ibig sabihin nito?
"Malalaman mo din promise! I'm pretty sure sa 1st day of school! Anyway, what's your complete name? Tatawagan ko ang registrar para makuha na agad ang result ng exams mo. By tomorrow pwede ka ng mag-enroll. What's your course? Year? And your number? Para I'll call you, ok?" Diretso nitong sinabi.
"Huh?" Napamulagat siya doon.
Humagikgik ito. "I'm the daughter of Anthony Smith, the owner of this school."
"Oh! I'm sorry, I didn't know! Kaya pala!" Sagot niya dito.
"Kaya pala ano?" Tumawa ito.
"I was thinking a while ago na reyna ka or something. Well, I guess I'm right." Sagot niya.
Tumawa ito ng malakas. "Loka ka! Reyna ka diyan! Ui! Super friends na tayo ah! Oh! Iyong secret ko pala! Sa 1st day of school na lang, okay? So, exchange tayo ng number! And what's your course? Year?"
Napangiti siya. "Business Ad. Mag ti-third year na ko. But I think irregular ako since hindi lahat ng natapos ko ng subjects ay credited ng school." Sagot niya dito.
"Oh! Pareho tayo! Major in what? Gagawin kong classmates tayo sa mga regular subjects, ha!" Nakangiti nitong sinabi. "So... you transferred school and umuwi ka dito sa pilipinas because of Mikael?" Curious nitong tanong.
"Management. And..Y-yeah.." Napabuntong hininga siya.
"Hay naku, girl! Cheer up! I know you can do something about it. Para magkabalikan kayo! You can count on me! Super friends na tayo eh! I'll help you! Magtulungan tayo! Alright?" Masigla nitong sinabi.
Napatango lang siya sa sinabi nito and napangiti. Thank God she found a new friend after what happened a while ago. Atleast napangiti siya kahit paano. She's still curious kung ano ba talaga ang sinabi ni Georgette kanina. She hopes its not because married na si Mikael or naging woman hater na to or what. She knows dadating ang time na mapapatawad din siya nito and mamahalin siya ulit nito. And she'll do everything to gain it.
After she and Georgette exchanged numbers ay nagpaalam na siya dito. Georgette promised her na tatawag ito sa kanya mamaya to update her for her status in school. Bukas daw makakapag-enroll na siya.
Pagkapasok niya sa bahay ng mom niya and ni tito Rey agad niyang nalanghap ang bango ng niluluto ng mom niyang lasagna.
Walang tao sa sala kaya dumiretso siya sa kusina. "Mom..." Tawag niya sa mom niyang nakayuko sa oven.
"O, anak! You're home! Hindi ka na nagtext sa 'kin! Nasundo sana kita! Anyway, your fave is almost done." Her mom said and nakipagbeso ito sa kanya. "So! How's the exam?"
Pinaupo siya nito sa upo-an sa mesa and tumabi din ito sa kanya.
"It's okay. Nagtaxi na lang po ako. Baka bukas pwede na daw ako mag-enroll." She answered.
Her mom looked at her curiously. "Is there something wrong?"
Napahugot siya ng hininga. Malakas talaga makiramdam ang mga ina. "Nagkita kami..."
"Oh, my God! Tell me about it! What happened? Galit siya?" Her mom asked.
"Yes... sobra.. He denied me.. I mean, hindi niya daw ako kilala. I chased him, then sinabi niya sa 'king he hates me so much." Tumulo ang luha niya.
Her mom hugged her then hinaplos nito ang buhok niya. "Oh, my baby... I'm really sorry... Do you want me to talk to him, anak? Baka makinig siya sa akin, I know he's a good guy.."
Umiling siya. "You don't have to do that, mom. Ako po muna ang bahala. But if mawalan na po talaga ako ng pag-asa, I'll face his family and ask for their help and yours, as well. But for now, ako na lang po muna."
Napahinga ng malalim ang mom niya while she continued sobbing in her mom's arms. Alam niyang kaya niya 'to. Hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa.
"Tahan na, anak. Matutunaw din ang galit niya sa'yo. I'm sure of that." Then her mom raised her head and pinunasan nito ang nga luha niya. Basa din ang mga mata nito.
She knows her mom felt guilty. But this time hindi na ito kasalanan ng mom niya. Kasalanan niya 'to, for being a coward. She wished she could just turn back time.
Tumayo ang mom niya noong tumunog ang oven. Tapos na ang lasagna niya.
Hinainan siya nito. "Kain na, anak. You need all the energy you needed! It's not easy to win back, Mikael. This would be a very tough task. But I know you could do it!"
Napangiti siya. "Thanks, mom.."
She hugged her mom again, then started eating. Her mom is really the best cook when it comes to cooking lasagna. Soon, if magkababy na sila ni Mikael, she's gonna ask for her mom's recipe.
Mikael.. napangiti siya ng naimagine niyang magkakaanak sila nito. Soon. Very soon. Matutupad din 'tong pinapangarap niya.
After niyang kumain dumiretso siya sa room niya and agad nagbihis ng pambahay. Iidlip muna siya. Hoping mapanaginipan niya si Mikael.
It was already 6 in the evening nang nagising siya sa tunog ng cellphone niya. It's Georgette calling on the other line.
"Hi girl!!! Guess what?" Masaya nitong bati sa kanya.
"Hi! What is it?" Sagot niya, though sigurado na siyang about iyon sa enrollment niya.
"You passed!! And I told my dad about you! He was glad I found a new friend! Kaya bukas puwede ka ng makapag-enroll, if you want!" Sagot nito sa kanya.
"Oh! Thanks, girl!" Sagot niya dito.
"You're welcome! So, are you coming to school tomorrow? I'm not sure if makapunta ako.. I'm planning to go shopping tomorrow. You want to hang out?" Sabi nito sa kanya.
She would instantly say yes, if hindi niya lang naalala ang nga sidekicks nito. "I-i'l try. Medyo hindi maganda kasi pakiramdam ko." She reasoned out.
"Oh! Are you still thinking about him?" Tanong nito sa kanya.
"Kind of..." Sagot niya.
"Hay naku! Baka magkasakit ka niyan, girl! Anyway, makapagbonding naman tayo sa school, so its okay. Nasabihan ko na ang encoder na gagawin tayong classmates. You don't need to follow the step by step procedure ng enrollment. Diretso ka na sa registrar if magpapaenroll ka na, alright?" Sabi nito.
Napangiti siya. Talk about the luck she got of having a new friend na anak ng may-ari ng school. "Okay. Thank you so much, Georgette."
"No problem! Super friends tayo eh! By the way, magbabakasyon ako sa Busuanga, this weekend. You wanna come? Mag 2 weeks vacay ako doon! Ang ganda doon!" Saad nito.
"Busuanga?" She asked.
"Yeah! It's in Palawan! I saw it on the internet! Refresher muna before the start of school. Isang buwan na lang kasi pasukan na. Stressed out na naman ako nito so mas maganda kung mag enjoy muna. You should come! Kasama ko mga bitches. Pakilala kita sa kanila." Sabi nito sa kanya.
If mag-isa lang ito sasama talaga siya. But with her sidekicks? Huwag na lang. Kaya ayaw niya magkaroon ng maraming friends kasi minemake sure niya muna na totoong mga tao ito. Nagaanan niya agad ng loob si Georgette, maybe because nafeel niya agad na totoong tao ito. Unlike her sidekicks, mga plastic ang mga 'to.
"I'll try, girl." Sagot na lang niya dito.
"Okaaay.. but if you changed your mi.. Oh, my golly! Wait lang!!" Sabi nito sa kabilang linya. Sobrang excited ng boses nito. Hindi nito pinatay ang tawag kaya narinig niyang tumakbo ito, then may tunog ng paghawi ng blinds.
Then, she heard Georgette sighed. "Oh, Z! You're so fcking hot!!" She squeeled.
Namilog ang mata niya. What was that? Tapos narinig niya after ng ilang minuto na parang sinarado na ang blinds. Then, she heard footsteps.
"Hello, Chloe? Still there?" Sabi ni Georgette.
"Yeah. Ano ' yon?" Tanong niya dito.
Napahagikhik ito. "It's my secret! Tell you all about it, sa right time!" Humagikhik ito ulit. "Where were we again? Oh, as I was saying if you changed your mind just tell me, okay?"
Curious na talaga siya dito. "Okay... Thanks for the invite." Sabi niya.
"You're welcome! Sabi ko nga sa'yo super friends tayo!" Humagikhik ito ulit.
She smiled on the other line. Nag-usap pa sila ng kung anu-ano bago ito nagpaalam sa kanya nang tinawag na ito para maghapunan.
Napahiga siya ulit sa kama niya after the call, then napahawak sa singsing na suot niya. Chloe can't wait sa pagstart ng school. Kailangan niya na ding iprepare ang self niya sa mga revelations na malalaman niya. She just hopes it's not what she thinks it is.