Chereads / Unveiled Love / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

"Bakit tayo andito?" Tanong ko nang makitang nasa tapat kami ng bahay namin.

Sumulyap siya saakin.

"I wanna eat here." Sabi nito at hindi na hinintay ang sagot ko at mabilis na lumabas.

Kakain kami dito? Ibig niya bang sabihin, kakain kami sa karenderya ni mama? Huwag mong sabihin nagustuhan niya na talaga ang luto ni mama!

Hindi ko maiwasang matuwa. Nagmamadaling lumabas ako at nakitang nakapamulsa na hinintay niya pala ako sa labas.

"Baka sa susunod niyan, ako na magugustuhan mo. Baka nga balik-balikan mo na ako rito." Pang-iinis ko sakanya.

Ngumuso naman ito.

"Let's just go. I'm hungry." Sabi nito at tumalikod na.

"Okay!" Mabilis na sagot ko.

Hindi naman talaga tago itong trabaho ni mama. At hindi ko rin ito kinakahiya.

Kung nakakabasa lang ako ng isipan, baka noon pa, alam ko na itong mga iniisip niya. Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa buhay niya. Kung tatanungin ko naman ito, alam kong hindi naman ako sasagutin.

Halos nasa amin lahat ang mga matang kumakain dito nang makapasok kami. Sa gwapo ba naman nitong kasama ko alam kong madali lang siyang mapansin. Tsaka, maganda rin kaya ako, kaya sanay na ako sa titig nilang ito.

"O, ivanna! Bago nanaman ba?" Biglang tanong ni ate susan.

"Ate susan talaga!" Sabi ko.

Inilahad ko agad kay ares ang bakanteng upuan sa dulo. Buti nalang at may bakante. Akala ko pa naman, naubusan na kami.

"Dito nalang tayo uupo. Diyan ka lang at pupuntahan ko si mama." Sabi ko.

Tumango siya sa sinabi ko. Mabilis na umalis ako at nahagilap si mama sa loob habang inaayos ang ibang niluluto.

"Mama!"

"Oh! Ang aga mo?"

"Mama, andito si ares. Kakain po kami."

"Iyong gwapo ba na naghatid sa'yo nung nakaraan?" Gulantang na tanong niya.

"Opo, mama."

"Naku, nakakahiya! Sige, at ipapadala ko kay meneng ang mga pagkain."

Tumango ako at bumalik na kung saan nakaupo si ares. Hindi ko akalain ang katulad niya ay kakain dito.

"Who's that guy?" Biglang tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Sino?"

"Iyong kanina." Tipid na sagot nito.

"Si chirstian ba?"

"Yeah." He looked at me this time. Biglang nailang naman ako ng konti.

"Ah! Si christian. Kapit bahay namin yun dati. Tsaka malapit na kaibigan ko siya." Sagot ko.

Tumango-tango lang ito at hindi na nagsalita pa. Bakit ba binabalik niya kanina ang usapan namin ni christian. Baka sa susunod niyan iisipin ko na talagang nagseselos na siya!

"Hindi ako makapaniwala na pumupunta ka at kumakain ka talaga rito." Sabi ko.

Hindi ko naman maiwasang pagmasdan siya habang tinitignan niya ang labasan ng karenderya. Mas dumepina pa lalo ang panga niya, at ang mga mahabang pilik mata nito ay mas naging klaro saakin. Mabilis na iniwas ko naman ang paninitig ko nang bumaling siya saakin.

"Noon paman kumakain na ako ng ganito kasama si lianna."

Dahil sa binanggit niyang pangalan ay hindi ko na dinugtungan ang sasabihin ko. Pero ngayon, ako na ang kasama mo, hindi na ang lianna na iyon. Umirap ako sa iniisip ko.

Dumating narin si mama at binigyan kami nang napakaraming putahi.

"Sana magustuhan mo iyan, iho." Si mama.

"I will po." Sagot niya kay mama at ngumiti ito.

Kapansin-pansin rin na nahihiya si mama kaya umalis narin siya kaagad.

"When did your mom started this business? Tanong niya.

"Simula noong iniwan kami ni papa. 15 palang ako nun." Sagot ko.

It was a dead end comversation kaya hindi na ulit siya nagtanong pa muli at seryosong inubos at kinain ang ibat-ibang putaheng nakahain. Ewan ko, pero pakiramdam ko napakatipid niya sa lahat ng bagay. Pero kahit ganoon, nagugustuhan ko ang pagiging masungit at suplado niya.

Kung pwede nga lang, tatanungin ko si lianna bakit niya ito hiniwalayan. Syempre, hindi ko iyon gagawin baka sabunutan pa ako ng buhok dahil sa ginawa kong paghalik sa boyfriend niya, na si mason. Kinagat ko ang labi ko at pinigilang hindi matawa.

Nang mapansin niya ang ginawa ko ay umupo ako nang maayos at binalik ulit ang atensyon sa mga pagkain.

"We'll be having a victory party later at the bellco."

Umangat ang ulo ko sa sinabi niya.

"Talaga? Pwede ba akong-"

"Stay." He demanded.

Sumimangot ako.

Gusto ko man manatili pa si ares dito ay wala na akong magawa dahil maghahanda pa sila mamaya para sa victory party nang pagkapanalo nila kanina. Meron din naman magaganap sa amin, pero hindi na ako sumama dahil ayokong makasama at makita ang carolina na iyon, at baka kung ano pa ang magawa ko.

Nagpaalam din siya kay mama. Ngumiti nga ito sakanya. Nainggit naman ako. Buti pa si mama nakita ang mga ngiti na iyon.

Nasa labas na kami ng bahay at humarap siya saakin habang nakatukod ang mga kamay sa pinto ng kotse.

"You better stay, ivanna."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Bakit? Takot ka maagawan ako ng iba, no?" Ngumisi ako.

"You really have a lot of words to say, huh?"

"Kasi may bibig ako."

Ngumuso ito at tinalikuran na ako para makapasok na sa kotse niya. He gazed his dark eyes at me.

"Pumasok kana."

"Pero gusto kong makitang makaalis ka muna."

"I said, get in."

"Ito naman! Gusto ko kas—"

"Ivanna." Tawag nito na parang nawawalan na ng pasensya sa katigasan ng ulo ko. And his jaw clenched as I say it.

Umirap ako. Nakita ko naman ang pagnguso niya at napansin ang pag-angat ng labi.

Padabog na tumalikod ako at iniwan siya roon. Biglang tumunog naman ang cellphone ko.

"Thank you."

Iyon lang ang nabasa kong text mula sakanya. Mabilis akong nagtipa ng mensahe. Napangiti ako.

"Buti naman at nagpasalamat kana. May mga babae ba kayo mamaya?"

Agad nakatanggap ako.

"There's no one."

Anf tipid talaga. Ngayon ko lang din naisip na nagmamaneho pala ito!

"Stop texting if you're driving!"

Text ko at binaba na ang cellphone at pumasok na sa loob ng bahay. Ngayon ko lang din napansin ang napakaraming texts na natanggap ko galing kay stefan.

"Where the hell are you?!"

"Siguro sumama ka na naman kay ares!"

"Bitch! Sumagot ka!"

Umiling-iling ako at hindi mapigilang matawa dahil sa nabasa.

Sa pagbalik ko ay tinulungan ko si mama sa pag-asikaso sa ibang customer. Naging mabilis rin ang oras para saakin. Ako na rin mismo ang kumuha kay karius dahil maaga naman kaming natapos mula sa event na iyon.

Nasa kalagitnaan ako sa pagtulog nang magising ako dahil sa ingay mula sa ilalim ng unan. Sino naman ang tumatawag sa ganitong oras!

Inabot ng ilang ring bago ko iyon sinagot. Hindi ko na rin tinignan kung sino iyon at agad na sinagot kung sino man itong litseng disturbo sa pagtulog ko.

"Hello?" Pagalit na sabi ko.

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Inilayo ko ang cellphone at nakitang si ares pala ang tumatawag!

"Ares?!"

"Can you come o-over, hmm.."

Lasing ba 'to?

"Lasing kaba? Anong oras na, a!"

"Get me away from here.." Napapaos na sabi niya sa kabilang linya. Agad naging hysterical ako sa dumi ng pag-iisip. Baka pinagnanasaan na siya ng mga babae doon! Marami pa naman ang ganoon sa bellca!

Paniguradong lasing na rin nga siya! At hindi naman ako papayag na magmamaneho ito na wala sa sariling pag-iisip!

"Hintayin mo ako at susunduin kitang litse ka!" Pagalit na sabi ko at mabilis na tumayo. Dahan-dahan na binuksan ko ang pinto at baka sakaling marinig pa ako ni mama. Tsaka, sigurado akong hindi niya ako papayagan pag nakita niya ako ngayon.

Mabuti nalang talaga at sa ganitong oras ay meron pang maraming trycycle. Nagpapasalamat naman ako at si manong almer ang naghatid saakin sa bellca.

"Salamat, manong!"

Sabi ko at mabilis na tinahak ang pinto para makapasok sa loob ng bar. Kahit sa ganitong oras ay marami parin ang nagiinom at pumupunta dito. Hindi narin ako nag-abalang magsuot ng maayos na damit at mabilis na sinuot ko lang ang cardigan para matakpan ang suot kong shorts-short at strap.

Agad nahagilap ko naman si ares sa dulo ng private room. Laking gulat ko nang makitang wala ng mga malay ang mga kasamahan niya. Mabilis na binaling ko sakanya ang atensyon ko. Nakasandal ito sa upuan, kaya sa ganito ka layo ay nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

"Ares!" Tawag ko.

Umangat ang ulo niya. His eyes narrowed and my heart boomed like a a smoke grenade. Nanunuyo ang lalamunan ko. Namumungay ang mga mata niya na tumingin saakin.

"Ivanna." He said slowly and calmly.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. O sadyang malakas lang talaga itong kabog ng puso ko kaya hindi na ako makahanap ng salita!

Litse! Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaki na ito at kahit bawat galaw niya ay namamangha ako!