Chereads / Unveiled Love / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"Let's all welcome, the team dragon and the team tiger for the championship!"

Isang-isang naglabasan ang team tiger. May ibang naging pamilyar rin saakin. Andoon nga rin si paolo at drake. Pagkatapos kilalanin ang lahat ng team sa ibang department ay sumunod na ang team dragon, ang team ni ares.

"Carlo guiterez!"

"Marco del fierro!

Tilian at hiyawan lang lahat ang tanging naririnig sa loob ng gym na ito. Kahit si stefan na nasa tabi ko ay maingay na sinisigaw ang pangalan ni carlo. Sa tagal ng paghihintay kong tawagin ang pangalan niya ay hindi ko na napigilang maexcite at makitili na rin kagaya ng iba.

"Lastly, let's call on the most valuable player volleyball in 2018..Ares campbell!"

Sumigaw ako at halos mabali na ang mga ugat sa lakas ng tili ko.

"Go, ares! Go ares!" Sigaw ko.

Nasa gilid kami lahat. Pinili rin namin suotin ang upper red tube and skirt white para sa cheering mamaya sa second game.

"Si lianna iyon, 'diba?" Biglang bumulong si stefan saakin. Napahinto ako sa ginagawa ko at napunta ang atensyon sa tinuturo ni stefan.

Nasa tapat nga namin sila. Napansin ko rin ang pagdikit at paghawak ni mason sa baywang niya. Totoo nga na pinalit niya si ares sa lalaki na iyan. Hindi ko naman maitatanggi na maganda rin talaga si lianna. Usap-usapan din siya minsan sa university na ito.

Tuloy naalala ko ang paghalik kay mason. Hindi ko naman maiwasang matawa sa ginawa ko. I admit it, sobrang badmood lang talaga ako nun kay carolina kaya ko iyon ginawa. Pagkakaalam ko kasi, may gusto siya kay mason. Kaya bilang ganti gusto kong mainis pa siya saakin lalo dahil sa ginawa ko.

Hindi na ako nagreak pa sa sinabi ni stefan at pinagpatuloy na ang pagcheering ko sa gilid.

"Go ares!"

First game palang at tumitindi na ang laban. Hindi ko rin maiwasan mamangha kung gaano kalakas at tindi ng braso niya sa pagtira ng bola. Hindi na nga naalis ang mga mata ko mula sa pagtitig ko sakanya. Sobrang seryoso at pursigido niya sa bawat talon at palo nito.

"Grabe ang galing ni ares." Sabi ko.

"Mas magaling si carlo. Go, carlo!" Si stefan.

Maya-maya ay pinatawag na kami ni Sir Jon para ipaghanda ang sarili namin. Malapit na ang second court para sa laro na ito. Sa nakikita ko ay mas lamang ang team ni ares kesa sa ibang department.

"Just do your best. Dapat maipanalo rin natin ang cheering." Bumaling si sir jon saakin. "Ivanna, remember your spot, okay?"

Mabilis na tumango ako.

Maya-maya rin ay tinawag na kami.

"For the cheering competition. Let's all welcome..The red dragon!"

Naghiyawan ang lahat. Halos hindi na nga namin marinig ang mga sarili namin dahil sa lakas ng tilian sa loob ng gymnasium.

Masayang sinayaw ko ang cheering namin. Sa huling sayaw ay binuhat nila ako at doon na natapos.

"Ivanna!"

"Go, Ivanna!"

Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Nakangiting yumuko kami lahat at nagpapasalamat bago umalis. Sumunod narin sa amin ang ibang department. Andoon nga rin si sabrianna, ang kapatid ni mason. Hinihingal at hinahabol ko rin amg bawat paghinga ko dahil sa pagod at sunod-sunod na talon kanina.

"That was great!" Si sir jon na isa-isa na kaming binigyan ng inumin.

"Nakatitig si ares saiyo." Biglang bumulong si stefan.

"Saan?" Mabilis na sagot ko kahit hinahabol ko parin ang hininga ko. Agad namataan ko siya sa malayo. Nagtama agad ang tingin namin dalawa.

"Parang galit ata?" Si stefan.

Parang nga..

Kung nakakatunaw lang ang titig niyang ito, baka kanina pa ako natunaw dito. Napansin ko rin na bumaba ang mga mata niya sa suot ko. Kinabahan agad ako. Ganun pa man, gusto kong isipin na ganito lang talaga siya. Palaging galit at naiirita. But the ways his eyes pierced through me parang galit nga siya!

Kalaunan din ay umiwas siya ng tingin. Seryosong pinunas niya ang pawis niya sa noo habang nag tiim bagang ito.

Nagsimula na ang second court para sa final game. Hindi ko rin maiwasang kabahan.

"Ivanna, gayahin mo si kathryn sa movie, dali!" Si stefan na tinulak-tulak ako.

Dahil narin sa kabaliwan ay sinunod ko ang gusto ng baklang ito. Alam kong mapapansin ako ng lahat dahil nakatayo lang ako sa harap. Tumatawa ako at sinimulan na ang plano.

"Go, Ares! Go, ares! Go sexy, sexy, love!" Sinabayan ko rin iyon ng sayaw. Tumatawa naman si stefan sa gilid ko.

"Go, sexy! Go, sexy! Go sexy, sexy, love!" Hindi ko maiwasang matawa dahil sa pinanggagawa ko.

Kahit kailan ay hindi ko ito ginawa, ngayon lang!

May iilang inirapan ako at ang iba'y nakikisabay narin sa ginawa ko. Saglit ay pinalitan muna si ares. Tsaka, wala naman dapat ipag-alala dahil malaki ang lamang nila, kaya impossibleng matatalo pa sila.

Nagtama ang tingin namin ni ares at nakita ko ang pagiling-iling niya kasabay nun ang pag-angat ng kanyang labi. Namangha ako doon.

Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa nakita. Ngumiti siya!

Sa huling oras ay dineklarang si ares at ang iba niyang team ang nanalo. Maraming nasiyahan at natuwa doon, kasabay nun ang pagkapanalo narin namin for cheering.

"Congratulation to team dragon!"

Ni hindi ko na nahagilap si ares dahil sa rami ng tao sa gitna na sumasabay sa kasiyahan sa pagkapanalo namin.

"Ivanna!" Napalingon ako sa pamilyar boses na iyon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyon.

"Christian? Christian! Ikaw nga!" Tumakbo ako at mabilis itong niyakap. "Kailan ka lang dumating?!" Humiwalay ako sa yakap at tinignan ito ng mabuti. Namangha naman ako nang mapansin na mas tumangkad pa siya lalo.

Si christian ang isa sa pinakamalapit na lalaking nakilala ko noon, ang naging totoong naging kaibigan ko hanggang ngayon. Naging kapitbahay din kami. Nga lang kinuha na siya sa texas para doon manirahan at mag-aral.

"It's good to see you, Ivanna. I came here to see you. And look at you now, ang ganda mo lalo!" Bumaba ang tingin niya saakin.

Ngumisi naman ako.

"Grabe, sana naman sinabi mong umuwi ka!"

"And guess what, dito na kami magpapasko!" Masayang sabi nito.

"Talaga?"

Tumango-tango ito saakin. Mabilis naman nahagilap ng mga mata ko si ares. Hindi siya nakatingin saakin kung hindi kay christian. Halos irapan na nga ako. Dahil sa reaksyong nakita ay agad nataranta ako.

"Mamaya, maguusap nalang tayo, a?" Sabi ko.

"Can I have your number, then?"

"Sure!"

Tumango ako at agad na kinuha ang cellphone na nakalahad sa harapan ko. Mabilis ko naman pinindot ang numero ko doon.

Gusto ko man manatili at makausap saglit si christian ay hindi ko na nagawa dahil nakita kong tumalikod na si ares. Nagmamadaling tumakbo naman ako.

"Ares!" Tawag ko pero pinagpatuloy niya lang ang paglalakad palabas ng gymnasium.

"Ares!" Sigaw ko at mabilis na hinarangan ito. Ngumiti ako. "Congrats!" Sabi ko. Nakita kong nagtiim bagang ito nang bumaba ang tingin niya suot ko.

May mali ba sa suot ko at kanina niya pa iniirapan itong damit ko? Maganda naman, a!

Hindi siya nagreak sa sinabi ko kung hindi masungit lang akong pinagmasdan.

"Why are you here?"

"Kanina pa kaya kita hinahanap!" Sabi ko.

"Really? It seems you're busy with someone." His reaction didn't change a bit.

Someone? Baka tinukoy niya si christian.

"Ahh..Si christian. Hindi ko nga akalain umuwi na pala iyon galing texas! Itetext ko nalang iyon mamaya at mag-uusap kam—ares!" Tawag ko nang nilagpasan ako bigla. "Hindi pa nga ako tapos magsalita, e!" Reklamo ko.

Huminto siya at malamig na sinulyapan ako. Matutunaw na ata ako sa titig niyang ito.

"I'm not interested to hear of those, Ivanna."

I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay. Nakita ko naman ang pagnguso niya sa ginawa ko.

Ayoko man isipin pero pakiramdam ko ay nagseselos siya.

"Nagseselos kaba?" May panunuya kong tanong sakanya.

Umiling-iling ito at nilagpasan ako ulit. Hindi ko naman maiwasang matawa.

"Ito naman, nagbibiro lang naman ako, e." Sabi ko. "Hindi ko akalain ang galing mo pala maglaro ng volleyball!" Pag-iiba ko sa usapan. Pero wala man lang ka reak-reaksyon ang nakikita ko sa buong mukha niya.

Ngumuso ako at ramdam ang kalabog ng puso.

Sa wakas ay humarap ito muli saakin nang huminto kami sa tapat ng kotse niya.

"Get in."

Kumunot ang noo ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Just get in, woman." He demanded.

Ewan ko ba at bakit napapasunod niya ako lagi.

Mabilis na sinunod ko ang gusto niya at pumasok na sa kabilang pinto.

Bago niya pa pinaandar ang kotse ay inilahad niya saakin bigla ang jacket.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Wear this one."

"Hindi naman malamig d—"

"I told you to wear this, Ivanna." Diin na utos nito. Dahil sa takot kong mag-aapoy naman ito sa galit at iritasyon ay ginawa ko na ang gusto niya.

Kung hindi ka lang gwapo talaga..