Chereads / Love and Switch (Tagalog) / Chapter 9 - Kabanata - IX : Secret Revealed

Chapter 9 - Kabanata - IX : Secret Revealed

MABISA 'yung medicine potion na binigay ni Ervine, gumaling ako kaagad pagkainom ko no'n, nagpahinga at natulog. Pagkagising ko magaling na ako, ipektibo talaga. Hay! Pero kahit magaling na ako, pakiramdam ko may sakit pa rin ako. Sakit sa puso…

Linggo nang umaga, maaga akong nagtungo sa usapang lugar namin ni Mr. Valdez, hindi na kami nakagawa ng alibi para tumanggi. Nakasuot ako ng jeans, pink polo shirt at rubber shoes, huwag daw akong magpapakita ng interest kay Mr. Valdez habilin ni Ate.

Nakaupo ako sa upuan dito sa Greenbelt Park, maraming tao dahil Linggo, masaya at buong namamasyal ang mag-anak. Nakaramdam ako ng inggit sa kanila, kung nabubuhay lang sana sina mommy at daddy tulad din nila kami.

"Carmen, kanina ka pa?" tanong ng lalaking kararating lang.

Nasa gilid ko siya kaya hindi ko agad napansin. Wow, mukhang bagets itong si Mr. Valdez sa suot niyang: maong short at sky blue polo shirt. Malayong-malayo sa nakikita ko sa opisina, wala rin siyang suot na salamin, mukhang naka-contact lens siya.

"Huh? Ba't kanina ka pa nakatitig sa mukha ko?" Nilapit niya ang mukha sa mukha ko, saka ngumisi.

"M-Mabuti pa, maglakad-lakad po tayo Mr. Valdez." Nilihis ko ang mukha ko.

Masyado na kasing malapit ang mukha n'ya. Hindi ko mapigilang ma-conscious sa ginagawa niyang paglapit sa akin.

"Tawagin mo akong Alejandro, tutal iyon naman ang tawag mo sa akin kapag wala tayo sa trabaho, 'di ba?"

Humakbang pasulong si Mr. Valdez, bit-bit ang kulay itim na bag pack. Para siyang high school student sa porma niya.

Nagtungo kami sa malapit na mall, om-order siya ng burger fries sa isang fast-food chain. Nagulat talaga ako sa kanya, may pagka-cowboy din pala 'tong si Mr. Valdez, ang cool niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang kumakain siya, ang cute.

"Ano'ng problema?" nagtataka niyang tanong.

Natigil si Mr. Valdez sa pagkain at tinitigan ako, hindi napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Si Ms Argenta, gi—"

"Hindi! Hindi ko siya girlfriend, wala kaming ibang relasyon. Inampon siya ng uncle ko, gustuhin man nila na ipakasal siya sa akin, ayaw ko!" tuloy-tuloy niyang sagot sa naudlot kong tanong.

Deretsong tao talaga 'tong si Mr. Valdez, walang alinlangan kung sumagot. Seryoso ang hitsura niya habang sinasawsaw ang fries sa ketchup. Ewan ko ba, nakaramdam ako ng saya nang malaman ko mismo mula kay Mr. Valdez na wala silang relasyon ni Ms Argenta.

"Ba't masyado kang magalang? Knowing you, kanina ka pa dapat nagsusungit, hindi ka sasama agad-agad sa akin at alam ko, ayaw mo ng cheese burger rito kasi may sibuyas 'yan sa loob, pero naubos mo."

"Ha? s-sibuyas?"

"K-kumakain na ako ng sibuyas, heh-he." Alanganin kong ngisi.

Ang galing, alam niya ang mga ayaw ni ate. Nagu-guilty ako dahil hindi alam ni Mr. Valdez na hindi ako si Ate.

"Carmen, kung tama ang hinala ko si Argenta ang nakita mong nakayapos sa akin sa mall tama? Inakala mong girlfriend ko siya hindi mo man lang ako pinagpaliwanag basta ka na lang nag-assume na may relasyon kami." Pinahiran niya ang bibig gamit ang tissue saka tumingin sa akin.

"A-Ano kasi…" Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Tumayo ako saka sumenyas sa kanya. "S-sir, punta po muna tayo sa labas…"

Nagtungo kami muli sa park at doon nagpahinga sandali, naupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. May mga ibong tumutuka sa ng mga butil ng pagkain sa tapat, nakakatuwa silang pagmasdan.

"Hindi ka mahilig sa mga hayop, minsan dinala ko sa opisina ang Siberian dog kong si Maki. Magiliw siya sa 'yo pero ikaw, kung ipagtabuyan mo siya parang asong kalyeng pagala."

Pati iyon alam niya? May bad experience kasi si ate sa mga hayop. Nakagat ng aso, nakalmot ng pusa, iniputan ng ibon, marami talagang hindi magandang karanasan si ate no'ng bata pa siya, laging kinukwento iyon ni mommy.

"A-Ang dami mong alam tungkol sa akin? Stalker ka ba?"

"Mukha ba akong stalker sa paningin mo? Alam mo, pakiramdam ko talaga hindi ikaw 'yan, Carmen?" may pagdududa sa tinig ni Mr. Valdez.

Puno ng katanungan ang hitsura ni Mr. Valdez, hindi ko naman magawang ipagtapat sa kanya ang totoo. Nang bigla niya akong hawakan sa kamay, hindi ako makapalag mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"M-Mr. Valdez? A-Ano—"

"Ano'ng ginagawa ko? Hinahawakan ang kamay mo, malambot at mainit…" Unti-unting nilapit ni Mr. Valdez ang mukha niya sa mukha ko.

Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isa nama'y nakaakbay sa balikat ko. Hindi ko akalaing napakaagresibo pala nitong si Mr. Valdez. Kinakabahan ako, gusto ko siyang itulak palayo subalit, ang puso ko panay ang kabog. Naninigas ang buo katawan ko't hindi makakilos. Balak n'ya ba akong h-halikan?

"Itigil mo 'yan!"

Nakarinig ako ng sigaw, boses lalaki nang imulat ko ang aking mga mata laking gulat ko nang—

"Ervine?!"

Hinawakan ni Ervine ang kamay ko dali-daling hanatak palayo pero, humarang si Mr. Valdez at pinigilan kaming umalis.

"Sandali! Sino kang bata ka? Mukhang kilala mo ang batang ito, Carmen?" seryosong tanong ni Mr. Valdez habang hawak ang kabila kong kamay.

"O-Oo, k-kilala ko siya," tipid kong sagot.

"Bitiwan mo si Carmen, bata!" Banta ni Mr. Valdez kay Ervine.

Hindi naman nagpatinag itong si Ervine. "Huwag mo ako tawaging bata! 16 years old na ako! At isa pa, mali ka ng babaeng ka-date!" masungit niyang sagot kay Mr. Valdez.

"Ano? Ano'ng kalokohan ang pinagsasabi mo? Carmen! Tayo na uma—"

"S-Sorry po! hindi ko po kayo gustong lokohin, hindi po talaga ako si ate Carmen." Nayuko ako't humingi ng tawad sa pagsisinungalin kay Mr. Valdez, takang-taka siya sa mga kilos ko.

"Ate Carmen? T-Teka, naguguluhan ako!"

"Alejandro!!"