NANG makauwi ako sa bahay, sinalubong ako nang nagmamataray na kilay ni ate.
"Natagpuan mo no'ng Linggo ang matandang babae, noh? Bakit hindi mo sa akin sinabi!!" bulyaw niya.
"Ate kasi…"
Nakalimutan kong sabihin kay ate ang nangyari noong Linggo sa Baclaran.
Naupo kami sa salas, saka ko kinuwento ang buong pangyayari, binuod ko na lang para mas madali niyang maintindihan.
"Ano? Act of true love? Kalokohan! Saan ka naman hahanap ng true love—true love na 'yan?!" singhal ni ate.
Act of true love nga, gaya sa mga fairy tale story iyon lang daw ang makaka-alis ng sumpa na nilikha ni Switch ang dark witch. Ayon sa sinabi ni Switch, ang sumpang ginawa niya sa amin ni ate ay ang pagpapalit ng kaluluwa. Alternate kaming nagpapalit ng kaluluwa tuwing sasapit ang alas dose ng hating gabi. Ang sabi pa niya, kahit anong gawin namin hinding-hindi mawawala ang sumpa. Kahit hindi kami matulog sa gabi, magpapalit at magpapalit pa rin ito.
"Kailangan daw may taong: magmahal, magpakita ng pagmamahal sa ating dalawa. Isang totoo, dalisay at wagas na pag-ibig at dapat masuklian natin ito pareho. Hindi pwedeng isa lang dapat pareho natin silang tanggap at gano'n din sila sa atin."
Pinagmamasdan ko si ate sa ginagawang atras-abanteng lakad, kagat ang mahaba niyang kuko. Habang nakahawak ang isang kamay sa braso.
"Teka, huwag mo sabihing…" sandaling nahinto si ate sa pagsasalita bago tinitigan ako.
Inunahan ko na si ate sa sasabihin niya. "Tama ka Ate, 'true love's kiss' ay isang act of true love. Pero, marami pa namang ibang way 'di ba? Pwedeng, gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo o kaya itigil mo na yang kasungitian mo sa ibang tao!" pagdidiin ko.
Namula ang buong mukha ni Ate Carmen, umusok ang tenga sa inis. "Act of true love, true love's kiss? Ano 'to fairy tale? Hindi totoo ang true love! Walang gano'n, walang forever! Hindi ka mabubuhay sa pag-ibig! Letcheng mangkukulam 'yan!!" pagdadabog niya.
"Teka Ate, sandali!" pigil ko.
Sinabi ko lang na act of true love, kiss na kaagad ang pumasok sa isip? Maraming paraan para ipakita ang love, hindi lang sa halik. Nag-walk out siya't pumasok sa kuwarto nang padabog. Hindi ko tuloy nasabi sa kanya na… totoo ang true love, kailangan mo lang buksan ang puso mo sa mga taong nakapaligid sa 'yo.
Mahal na mahal ko si Ate Carmen, alam kong ganoon din siya sa akin. Maaga kaming naulila, pero dahil sa pagmamahal sa akin ni ate, nagsumikap siyang makahanap ng maayos na trabaho. Buong buhay niya nilaan niya sa pag-aalaga sa akin. Sarado ang puso niya't ayaw tumanggap ng pagmamahal sa iba. Kaya hanggang ngayon, no boyfriend since birth si ate. Sana… matagpuan na niya ang kanyang one true love.
"Lottie! Samahan mo ako sa mangkukulam na 'yan! Haharapin ko siya! Humanda siya sa akin!!" galit na lumabas si ate galing sa kuwarto.
May kakatuwang bihis, nakasuot siya ng kwintas na may malaking krus, mga bawang na ginawang kwintas nakapalibot sa leeg niya at bibliya?
"A-Ate? Aswang hunter ka ba?" maloko kong tanong.
"Sira, witch hunter 'to! Tara't maghu-hunt tayo ng mangkukulam!!" seryoso niyang sagot.
Nilabas pa niya ang mahaba at matulis na sibat. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang bagay na iyon.
"Ate, hindi siya aswang—witch siya!" paunawa ko kay ate.
"Tara na! ngayon din ay aayusin natin ang kalokohang sumpang 'to!!" pagmamatapang ni Ate Carmen.
Wala rin akong nagawa kundi ang sumunod. Madilim, halos wala nang tao sa bangketa ng Baclaran. May mangilan-ngilang nagdaraan na sasakyan sa kalsada.
"Sigurado ka bang dito mo nakita ang matandang mankukulam na 'yon?" matapang na tanong ni ate.
"Oo ate dito ko siya nakita, tapos sa loob ng madilim na eskinitang 'yan, nandiyan ang pinto papunta sa kanyang mahiwagang tahanan."
Biglang umihip ang malamig na hangin, lalo akong nilamig. Talagang disidido si ate na makita si Switch. Humakbang kami pasulong ni ate, papasok sa madilim na eskinita. Amoy na naman ang alingasaw ng mabahong estero sa gilid, nagkalat ang mga pusang kalye at dumi ng aso o tao? Buti may dala kaming flashlight.
Mayamaya'y biglang may sumulpot na butil ng liwanag sa paligid. Parang mga munting alitaptap, ang ganda nila. Naramdaman kong uminit sa kinaroroonan namin. Naalala ko, ganito ang pakiramdam ko noong nasa loob ako ng magic barrier ni Switch. Kung gano'n, nakapasok na kami sa kanyang teritoryo. Ngunit paano ang pinto? Hindi ko alam ang ginamit niyang orasyon para palitawin ang pinto sa pader.
"Orea, ilaih, majika, nepetrum!!"
Biglang may nag-cast ng mahiwagang salita, mula sa likod. Nakakubli sa dilim, hindi ko maaninag ang mukha niya, may hawak siyang magic stick? Pero sigurado akong boses lalaki ang nagsalita, nakasuot siya ng mahabang balabal, nagkayakapan kaming dalawa ni ate napapikit na lamang sa papalapit na lalaki sa aming dalawa.