Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 58 - THE UNEXPECTED VISITORS

Chapter 58 - THE UNEXPECTED VISITORS

Sa sobrang excitement ni Marble na mag-aaral na siya lalo na nang puntahan siya ng Madam at itanong kung anong buo niyang pangalan para maipa-enrol na siya sa TESDA ay ipinamalita niya yun sa mga katulong nang makababa sa kusina habang kumakain ang mga ito ng hapunan. Kapag kasi oras ng kainan, duon lang nagsasama-sama ang mga ito at nagbobonding. Nakisabay na rin siyang kumain.

"Talaga? Pumayag si Madam na mag-aral ka?" 'di makapaniwalang paniniyak ni Bing sa kanyang tabi.

Humahagikhik siyang tumango.

"Pa'no si Senyor? Sino ang mag-aalaga sa kanya?" usisa ni Melly na sa tapat nila ni Bing nakaupo, pinagitnaan nina Shena at Marie.

"Isasama ko po siya kahit saan ako magpunta. Pwede ko naman po siyang ilagay sa wheelchair," panatag niyang sagot habang kumukuha ng ulam sa isang mangkok.

"Ang bait naman ng Madam sayo," puna ni Marie habang ngumunguya at sige sa paglantak ng calderetang luto ni Lorie.

Ngumisi lang siya.

"Galingan mo ha? Ipakita mo sa kanilang matatalino ang mga taga Cebu." Siniko siya ng katabing si Lorie na sa bandang kanan niya nakaupo.

Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito at namumula ang pisnging ilang beses na tumango.

"Oy, oy. Nagtsitsismisan na naman kayo d'yan," sabad ni Manang Viola na hindi mahinto sa paglilinis ng lababo. "Ihanda niyo na ang mga sarili niyo't baka may parating na namang selebrasyon sa susunod na mga araw." Ayaw ng tsismis pero nagsimulang magtsismis.

Napatingin dito ang lahat.

"Bakit po?" sabay-sabay nilang tanong.

Nahinto sa ginagawa ang matanda at humarap sa kanila.

"Hindi niyo ba alam na nandito kaninang umaga ang Mommy ni Senyorita Chelsea para pag-usapan ang engagement daw nina Senyorito at ng anak nito?"

Napanganga ang lahat sa pagkagulat maliban kay Marble na mula nang makita si Chelsea ay alam na niyang ang giatay ngang si Vendrick ang gusto ng dalaga at hindi si Gab. Kawawa naman si Gab, pinaglaruan lang ito ng babae.

Pero natigilan siya pagkuwan. Bakit ang sabi ni Gab kahapon, siya daw ang mahal nito? Napailing siya. Hindi, baka napraning lang ,yon, natakot seguro dahil akala'y mamamatay na siya bago nito saklolohan.

"Magandang balita 'yan, Manang. Bagay naman talaga ang dalawa. Sa wakas, napasagot din ni Senyorito si Senyorita Chelsea. Ang tagal ding naghintay ni senyorito na mapansin ng kanyang jowa na ngayon," natutuwang sabad ni Shena habang itinuloy na ng iba pa ang patapos nang pagkain.

Siya nama'y walang pakialam sa pinag-uusapan ng mga ito't nagmadali nang tumayo, baka magising ang kanyang alaga at malamang wala siya sa kwarto nito.

"Mauuna na ako sa inyo mga Ate, Manang Viola. Baka magising na ang alaga ko," paalam niya nang makatayo na't nakapaghugas ng kamay sa lababo, hindi pansin ang mariing titig ng mayordoma.

"Mukhang hiyang ka sa sabon ni Senyor ah. Unti-unting nawawala 'yang mga tigyawat mo sa mukha," puna nito.

Nagkibit-balikat lang siya at tuluy-tuloy nang lumabas ng kusina.

Hinabol siya ng tingin ng mga katulong.

"Oo nga noh? Parang kumikinis na ang mukha ng tomboy na yun. Mukha nang babae tignan, kung 'di lang maiksi ang buhok," susog ni Marie.

"Tingin ko nga mas maganda pa siya sakin kung wala lang mga tigyawat sa mukha," ani Eva.

"Magaganda naman talaga ang mga taga Cebu," sabad ni Lorie, may halong pagmamalaki sa boses.

"Magaganda nga, mga gold digger naman," pagpaparinig ni Shena sabay tayo at sumunod kay Marble na lumabas ng kusina.

Ang sama ng tinging ipinukol ni Lorie kahit nang makalabas na ito.

"Kung maka-gold digger naman 'yon, wagas. Para namang 'di lumalandi kay Senyorito Karl kaya lang malas niya, hindi siya pinatulan," inis na wika ni Bing, halatang kay Lorie kumakampi.

"Hayaan niyo na lang. Alam niyo naman ang ugali niya," awat ni Melly at tumayo na rin para ipagpatuloy ang trabaho.

Napapailing na lang ang ilan maging si Manang Viola saka sumulyap kay Lorie.

"O Lorie, napapasarap ka na naman ng kain d'yan. Tumayo ka na!" sita sa dalagang napaingos sa narinig.

************

Umaga pa lang nang araw na 'yo ay nililibot na ng makaibigan ang buong palengke ng Tabo-an at hinahanap ang ama ni Marble ngunit lumipas na lang ang dalawang oras ay 'di nila ito nakita.

"Dude, akala ko ba alam mo kung saan sila naruon?" baling ni Gab kay Vendrick.

Sumulyap lang dito ang binata pero 'di sumagot. Ang alam niya nasa ospital ang ama ni Marble pero wala siyang balak sabihin yun sa kaibigan. Gusto niyang malaman kung gaano ito kadesididong makausap ang mga magulang ng tomboy.

Mabuti na lang may dumaang lalaki sa kanilang harapan at natandaan ni Gab ang mukha nito.

"Teka lang 'tol!" tawag nito sa binatang malalaki din ang mga pimples sa mukha.

Takang huminto sa paglalakad ang lalaki at tumingin pa sa palibot kung sino ng tinatawag ng kaibigan kaya lumapit na dito ang huli.

"'Di ba ikaw ang isa sa kasama ni Marble na nagtitinda noon ng buko juice dito?"paniniyak ni Gab.

"Oo, ako nga. Bakit?" nagtataka pa ring usisa ng lalaki habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa, inaalam seguro kung masasama silang tao.

"Pwede mo ba kaming samahan sa mga magulang ni Marble. Gusto ko lang silang makausap. 'Wag kang mag-alala, mga kaibigan niya kami. Nasa Manila siya ngayon," sagot ni Gab.

Nanlaki ang mga mata ng kausap.

"Alam niyo kung nasaan si Boss Jols? Ano, kumusta na siya? Maganda ba ang kalagayan niya roon? Walang nang-aapi sa kanya dahil sa itsura niya? May trabaho na ba siya?" sunud-sunod na tanong ng lalaki.

Umarko bigla ang isang kilay ni Vendrick. Sa tono ng pananalita nito, parang sabik na sabik itong makibalita tungkol sa tomboy. Seguro may lihim din itong pagkagusto sa payatot na 'yon.

"Alam mo ba kung nasaan ang bahay nila?" sumabad na siya nang maramdaman ang init ng araw sa kanyang balat.

Mabilis na tumango ang lalaki.

"Pero medyo malayo ang bahay nila rito. Lumipat na kasi sila ng tirahan. Nasa malapit na sa baybayin ng dagat," sagot ng lalaki.

"No worries, may dala kaming sasakyan. Come, take us there," ani Gab at nagpatiuna nang magpunta sa kinaruruunan ng gamit nilang sasakyan.

Isang halatang kagagawa lang na bahay ang bumungad sa kanila pagkalabas lang ng sasakyan, merun pa ngang mga hollowblocks sa harap ng bahay, pati mga bistay na kumalat na sa lupa.

Inikot niya ng tingin ang palibot. Pawid pa rin ang atip ng sementadong bahay at di pa gawa ang mga bintanang tinakpan lang ng malalapad na sako.

Malibang gawa sa pawid ang mga karatig-bahay ay wala na siyang nakikitang sementadong tirahan duon.

Kahit ang bakod niyong tila minadali lang gawin ay halatang 'di pa rin gano'ng matibay. Basta inilagay lang pansamatala.

"Ito na ang bagong bahay nina Boss Jols," anang lalaki nang makalabas ng sasakyan at nagpatiunang magtungo sa loob ng bakuran at magtaopo. Sumunod si Gab dito, nagpahuli siyang pinagmasdang mabuti ang buong kabahayan.

"Tao po, Manong Luis! Manang Linda!" tawag ng lalaki.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may isang lalaking sakto lang ang gulang na lumabas sa loob ng bahay, pawis na pawis, halatang may ginagawa sa loob, nakasampay pa sa balikat nito ang isang lampin.

"Oy, William! Napabisita ka? Pasensya ka na't 'di agad ako nakalabas. Alam mo namang may sakit ang mga anak ko. Si Manang Linda mo'y naruon sa bayan, kumukuha ng padala ni Marble," salubong ng ginoo, nagmamadaling lumapit sa kasama nila.

Pinagmasdan niya itong mabuti. Ito nga ang ama ni Marbel.

Napatda ito sa kinatatayuan nang makita sila ni Gab, sabay turo sa kanilang dalawa at baling sa kasama nilang lalaki.

"Sino ang dalawang 'to? Aba'y ke gagandang mga lalaki! Halatang mayayaman sa porma pa lang. Ito ba ang mga amo mo?" usisa nito sa kaharap at sandaling napako ang tingin kay Gab na agad na lumapit dito't mabilis na nagmano.

"Maayong buntag po. Kaibigan po ako ni Marble. Ahm-- hindi. Manliligaw po niya. Bumisita po ako para hingin ang kanyang kamay sa inyo," atat na pakilala ni Gab na talagang ikinagulat ng ginoong ilang beses na tumitig sa kaibigan, pagkuwa'y kay William saka lang humulagpos ng tawa na para bang kinikiliti, 'di na natigil kakatawa kung 'di umiyak ang dalawang bata sa loob ng bahay.

"Nakakatawa naman 'tong kasama mo, William. Manliligaw daw siya ni Marble. May sira ata to sa ulo," patuloy nito sa pagtawa.

Litong napalingon si Gab sa kanya, halatang humihingi ng saklolo.

Napapakamot siya sa batok na lumapit sa ama ng tomboy na halatang 'di naniniwala sa sinasabi ng kaibigan at tatalikod na sana ito nang tawagin niya.

"Tatang, kumusta po?"

Awtomatiko itong napaharap sa kanya, nakaawang pa ang mga labi at matagal siyang tinitigan.

"B-Binbin?!" bulalas nito.

Napakamot na uli siya sa batok.

"Binbin?" gulat na sambit ni Gab, kunut-noo siyang tinitigan, pagkuwa'y naguguluhang bumaling na uli sa ama ni Marble.

"Maayong buntag Tatang," nahihiya pa niyang bati.

Ang lakas ng tawa nito nang mapatunayang kilala nga siya bilang si Binbin.

"Binbin! Ikaw nga ba talaga itong bata ka! Aba't ang gwapo mo pala sa personal. Halika pasok ka! Ano'ng ginagawa niyo sa Cebu nang ganto kaaga?" anang ama ni Marble at hinawakan na siya sa braso para igiya papasok ng bahay.

Litong napasabay sa kanya si Gab. Si William nama'y 'di makahuma man lang at panay ang titig sa kanilang dalawang magkaibigan.

"How did he know you? Why is he calling you Binbin?" curious na tanong ng kaibigan.