"Hala, anong mga 'yan?" bulalas niya sa pagtataka nang makita ang marahil ay sampung mansanas na nagpakahilirang nakalutang sa gitna ng swimming pool.
Humalukipkip ang binata pero naka taas-noo habang ang matanda nama'y umupo lang sa gilid ng pool at inilublob ang mga paa sa tubig saka siya nilingon at kinawayan.
"Nanay halika na po. Maligo na tayo!" tawag nito kahit dalawang metro lang ang layo nito sa kanya.
Taas ang isang kilay na nagdududang tumitig siya sa binata.
"Gusto mo na naman akong pagtripan 'no?" aniya rito.
"Napag-isip isip ko lang na hindi ka worth it para malunod sa mahal kong swimming pool kaya dapat kang matutong lumangoy," anitong nakataas noo pa rin pero napapangiwi habang nagsasalita.
Nagsalubong agad ang kanyang mga kilay sa narinig.
"Aba! Kung makapanlait ka sakin, kala mo naman ang galing-galing mong lumangoy. FYI --ahmm--" bigla siyang nautal. Ano nga bang meaning ng FYI? " Basta FYI, marunong akong lumangoy! Takot lang ako sa malalim na parte ng tubig! Gusto mo paligsahan pa tayo," mayabang niyang dugtong, nakataas-noo ding may halo pang panghahamon saka niya ito siniko.
Nanunuya siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo.
"Ah kaya pala muntik ka nang malunod kagabi sa galing mong lumangoy."
"Giatay, pano nga'y ang lalim ng swimming pool mo. Ano, kung hanggang dibdib lang 'yan, kaya kong magpabalik-balik d'yan kahit isang oras pa," nagtataas-baba ang kilay na sagot niya habang nakaturo sa pool.
Mula sa seryosong mukha ay gusto na namang matawa ng kausap.
"Kahit gano pa kalalim 'yan kung talagang marunong kang lumangoy, magagawa mo 'yon," tila nanghahamong sambit nito saka gumanti ng siko sa kanya.
"Aba-- aba, nanghahamon ka na naman yata ng away eh," Napipika na niyang wika nang mapalakas ang siko nito sa kanya. Itinulak niya ito bilang ganti pero ni 'di man lang ito natinag sa kinatatayuan.
"Talagang hinahamon kita! 'Pag nagawa mong tanggalin 'yong mga mansanas na 'yan sa pool, bibigyan kita ng 50 thousand pambayad sa utang mo sakin," sumeryoso na uli ito.
Napamulagat siya. 50 thousand?!! Nang gano'n lang? Kukunin niya lang 'yong mga mansanas na 'yon sa pool, may sengkwenta mil na agad siya? Ayos ah!
"Weh-- 'di nga? Gino-good time mo lang ata ako eh," 'Di makapaniwalang wika niya, tinitigan pa ito nang mariin, talagang gustong makaseguro kung seryoso ba ito.
Bumukas ang bibig nito ngunit 'di itinuloy nang marinig ang tunog ng Smart phone nito sa ibabaw ng mesa malapit sa kanila.
Kinuha nito ang phone at sinagot ang tawag.
"Hello po Tatang! Oy, ano na po?" anito tila sinasadyang isigaw ang sinasabi sabay sulyap sa kanya.
Nagtaka tuloy siya kung sinong kausap nito.
"Oy Nanang, maayong buntag!" sigaw na uli nito sabay halakhak, plastik nga lang.
Biglang lumaki ang butas ng kanyang tenga at nagmamadaling lumapit sa binata. Bakit nag bisaya ito ng salita? Ibig sabihin, mga magulang niya ang tumatawag?
Hindi na niya hinintay na ibigay nito sa kanya ang phone, agad niya iyong hinablot mula sa binata na ewan kung bakit madali lang niyang nagawa.
"Hello Nanay, ikaw ba yan?" simula niya.
Tumawa ng malakas ang ina sa sobrang tuwa.
"Ikaw nga Marble! Akala namin nagbibiro lang si Binbin nung sinabing inampon ka ng mayamang matanda jan sa Manila. Totoo pala," pasigaw na wika ng ina, sumakit tuloy bigla ang kanyang tenga.
"Nanay, high fetch na naman kayo d'yan. Hinaan niyo nga po ang boses niyo at nabibingi ako," reklamo niya.
Bigla na namang bumingisngis ang nakikinig na binata sa sinabi niya. Ano na naman ba,ng tinatawanan nito? Inirapan niya ito bago tumalikod.
"Anak, mabuti na lang nakausap kita. Nahihiya na kasi ako kay Binbin, baka sabihing nananamantala kami ng Tatay mo. Ando'n kasi sa ospital ang kambal, may dengue kaya kailangan namin ng malaking pera. Nasa ospital ang tatay mo. Ako lang ang umuwi sa bahay para sana makahiram ng pera sa mga kapitbahay pero wala akong mahiraman dito kaya tumawag na ako kay Binbin," mahabang kwento ng ina.
Awa agad ang naramdaman niya para sa dalawang kambal. Hindi niya alam kung gano kadelikado ang sakit na dengue pero hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa mga kapatid.
"Sige po, magapadala ako ng---"
"20k," bulong ni Vendrick na nakadikit pala ang tenga sa phone na kanyang hawak.
"...20k d'yan, Nanay. Ano? 20k?" nagulat siya sa sariling sinabi sabay harap sa binatang nagulat din sa kanyang ginawa na kung hindi ito agad nakailag ay malamang sa mga labi nito nag-landing ang kanyang bibig, subalit balewala lang 'yon sa kanya, ni 'di niya napansing nag-blush ito.
"Ano'ng 20k?" singhal niya rito.
"Y--yong ipapadala mo. 'Di ba sabi mo magpapadala ka ng 20k?" nauutal nitong sagot ngunit nakabawi din agad sa pagkabigla.
Iniamba niya ang kamao rito sa sobrang inis niya.
"Naku, maraming salamat anak. Hulog ka talaga ng langit sa'min ng tatay mo. Kelan mo ipapadala 'yong pera?" halos mapalundag sa tuwa ang ina, muntik na ngang maiyak sa sobrang tuwa.
Ngunit wala na siyang magagawa para bawiin iyon kahit magdabog siya sa sobrang inis sa binata dahil sumabad na naman ito sa usapan nilang mag-ina.
"Kelan ipapadala? Ahm---" litong napabaling siya kay Vendrick na sinadyang tumalikod sa kanya. "...baka po bukas, 'Nay. Sige, bukas po," alanganin niyang sagot.
"Naku, salamat anak, maraming salamat sayo," naruon pa rin ang tuwa sa boses nito bago nagpaalam sa kanya at pinatay ang tawag.
Napapabuntunghiningang bumaling siya sa binatang nakaharap na kunwari sa kanya.
Gustuhin man niyang manggigil dito pero sa huli, ito lang naman ang matatakbuhan niya ngayon. Kaya tila maamong tutang lumapit siya dito at lukot ang mukhang iniabot ang phone.
"Magkano kamo 'yong premyo 'pag natanggal ko 'yong mga mansanas na 'yon sa swimming pool?" tanong niya.
"50k," tipid nitong tugon.
Biglang nagliwanag ang kanyang mukha nng may sumagi sa isip saka nagpapaawang dumikit sa binata at hinawakan ang damit nito sa tagiliran.
"Binbin, baka naman pwedeng babawan mo 'yong pool kahit hanggang leeg lang sa'kin para 'di ako makaramdam ng takot," sinadya pa niyang palambutin ang boses upang magpaawa, sinadya ding tumitig dito sa nakakaawang mukha pero umismid lang ang binata at taas noong humalukipkip sabay iwas ng tingin.
'Giatay na 'to! Manhid!'
Nguit sinubukan pa rin niya.
"Binbin sige na, please. Kahit dalawang metro lang pwede na 'yon sa'kin," lambing na uli, 'di pa rin tinatanggal ang kamay sa damit nito.
Sinadya pa niyang ngumisi nang pagkatamis-tamis nang bumaling ito sa kanya.
"Ngising-aso," komento nito.
Gusto na niya itong sapakin pero nagpigil pa rin siya. Sa sitwasyon ngayon, 'di pwede 'yong pairalin niya ang init ng ulo.
Inihilig na niya ang ulo sa balikat nito.
"Binbin, sige na please. Dalawang metro lang, sige na," pangungulit niya hanggang sa pumayag ito.
"Sige na nga, dalawang metro."
Napa "yes!" siya nang at ang lapad ng ngising tumakbo palapit sa alagang matandang hanggang nang mga sandaling 'yon ay inaantay pa rin siyang lumapit.
Hindi niya nakita ang binatang lumapad ang ngiti habang pinagmamasdan siya palayo.
"Binbin," bulong nito sabay ngiti ngunit sumeryoso din pagkuwan at napayuko sabay kamot sa batok na tila napahiya sa sariling reaksyon.