Habang lumilipad ang isip niya'y napayuko si Lorie, yumugyog na uli ang mga balikat, halatang umiiyak na naman. Ngunit kahit sobra ang awang nararamdaman niya ngayon para rito, aaminin niya sa sariling wala siyang maisip na paraan para tulungan ito kaya napayuko na rin siya at lupaypay ang mga balikat na napakagat labi.
Siya namang pagbukas ng pintong hindi pala niya nailock kanina, isinara lang.
Maingat na pumasok si Vendrick sa loob, ni di nila naramdaman ang muli nitong pagsara ng pinto kung hindi nag-angat ng mukha si Lorie.
"Senyorito?" bahagya mang nagulat ay hindi ito tuminag sa kinauupuan, pinahid lang ang mga luha sa mga mata at muling yumuko.
Siya nama'y agad na napabaling rito. Kanina lang ay naisip niya ito, ngayon, nasa mismong harapan na niya ang binata. Dahil walang maisip na hingan ng tulong sa sitwasyon ni Lorie ngayon kaya agad siyang lumapit rito at sinadyang hilain ito palapit sa may kama upang 'di marinig ni Lorie ang kanilang pag-uusap.
"Alam mo, siraulo talaga ang kuya Karl mo. Bakit ayaw niyang panagutan ang ginawa niya kay Ate Lorie?" gigil na untag niya sa binata,
Kahit pabulong lang ang kanyang salita'y ramdam pa rin duon ang galit.
"Aba malay ko. Kahit kapatid ko 'yon, 'di kami magclose niyan. May sariling mundo 'yon," sagot ng binata.
Siniko niya ito.
"Hoy, kausapin mo nga ang kuya mo. Baka pwede kamong kausapin niya ang mga magulang mo na 'wag palayasin si ate Lorie. Kawawa naman siya, siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya," utos niya rito.
Napatitig sa kanya ang binata, maya-maya'y naipameywang nito ang mga kamay.
"Teka nga muna. Kung makautos ka sakin, parang ako na ang katulong at ikaw na ang amo," puna nito, bahagya pang tumaas ng boses dahilan upang mapatingin sa kanila si Lorie.
Muli niya itong siniko.
"Ito naman oh. Nakikiusap na nga 'yong tao, ginaganyan mo pa. Kung kapatid ko lang 'yang kuya mo, talagang kanina ko pa 'yon ginulpi sa sobrang galit ko. Wala siyang sense of responsibility," nagtatampong sambit niya sabay ingos.
Katahimikan.... isang minuto yata hanggang sa wakas ay bumuka ang bibig ng kausap.
"'Pag pumayag ba ako sa gusto mong mangyari, tatanawin mong utang na loob sakin 'yon? O idadagdag mo sa utang mo sa'kin?" tanong nito.
Biglang nagliwanag ang kanyang mukha sabay titig rito, pagkuwa'y napahalakhak.
"Utang syempre! Mahirap bayaran ang utang na loob," bulalas niya sabay hampas sa braso nito sa tuwa. "Galing mo talaga bro! Saludo na ako sayo."
"Maglinis ka sa kwarto ko pagkatapos nito para mabayaran mo agad ang utang mo sakin," utos nito sa kanya.
"Ha?" biglang naglaho ang tuwa sa mukha niya. "Aba teka, wala pa sa usapan nating magbabayad na ako ngayon ng utang. Nakita mo naman, madami pa akong ginagawa," angal niya. 'Di niya masabing may lakad sila ni Sir Gab ngayon.
"Naku, mahirap talagang kausapin 'yong kuya kong 'yon. May sariling mundo kasi 'yon eh. Baka hindi rin kita matulungan sa problema ng Ate Lorie mo," bigla din nitong bawi.
Namutla siya agad sa narinig. Pa'no kung magbago nga ang desisyon ng lalaki? Wala nang ibang makakatulong sa kanila ngayon maliban dito.
Tumawa siya, mapakla nga lang. "Ahahahaha! Ang dali lang ng pinapagawa mo sakin. Kaya ko yun, tutal eh tulog ang anak ko. No problems, maglilinis ako ng kwarto mo pagkatapos nito," saad niya sabay kindat sa binatang di niya malaman kung ano'ng laman ng utak.
"Pero ang usapan natin ha?" paneneguro niya, sadya pang inilapit ang bibig sa tenga nito para 'di marinig ng kababayan niya sa sofa.
Nagthumbs up ang binata saka lumapit sa katulong, dere-deretso sa kinaruruonan ng lolo nito at akma itong bubuhatin.
"Oy! Oy teka, ano'ng gagawin mo sa anak ko?" natataranta niyang usisa.
"Dadalhin ko sa kwarto ko. Mamaya magbago na naman ang isip mo, mas mabuti nang naninigurado," kaswal na sagot ng binata.
Ang haba ng nguso niyang tumitig dito nang matalim. Segurista ang giatay na to, magkapatid nga ni Karl. Pero wala siyang nagawa lalo na nang iupo nito ang matanda at isampa nito ang mga braso ng huli sa balikat nito at binuhat sa likuran at walang anumang tumayo.
Hmmmmppp! Pa'no pa siya makakaalis ngayon at makakasama kay sir Gab? Gusto na niya agad magmaktol pagkalabas ng maglolo sa kwarto.
Naiwan sila ni Lorie na kapwa tahimik, walangay gustong magsalita. Pero 'di nakatiis ang una at tumayo na.
" Aalis na ako Marble," paalam nito.
"Hindi! 'Wag muna ate. Dito ka lang muna. Mag-usap muna tayo. Malay mo magbago ang desisyon ng mga amo natin lalo na si Senyor. Basta dito ka muna," pigil niya't nilapitan na ito at muling pinaupo sa single sofa.
***********
Nagulat pa si Karl nang makita si Vendrick sa labas ng pintuan nito.
"What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong nito.
"Do you need to ask me that?" pambabara niya at di na hinintay na papasukin siya, bahagya niyang itinulak ang pinto saka kusang pumasok sa loob ng kwarto ng kapatid.
"We're not that close para kumustahin mo ako, kid. Kung plano mo na talagang gawin yun, ginawa mo na pagkadating ko pa lang," malamig ang boses ng kapatid, tila may alitang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Don't worry, I'm not here to accuse you of anything,"pakaswal na uli niyang sagot at sinipat ang buong kwarto nito. Ang huling pasok niya marahil dito'y noong elementary siya, binasag niya lahat ng mga naruong gamit nito sa sobrang galit niya. Bakit nga ba siya nagalit dito nang gano'n katindi? Ayaw na niyang isipan pa.
"I'm busy right now. I don't have time to have a tete-a-tete with you." prangkang wika nito, halatang 'di gusto ang pagpunta niya ruon at pakikipag-usap dito.
"Don't worry, I don't have time to do that either. This will only take a minute," kampante niyang sagot saka bumaling ritong hindi makatitig sa kanya nang deretso, sa halip ay pabagsak na umupo sa malapit na sofa at humalukipkip.
"Say it."
"Leave here immediately and don't come back again," malamig din ang boses na wika niya.
Salubong ang kilay na nag-angat ito ng mukha, tumitig sa kanya. Pagkuwa'y nakakalokong tumawa.
"Do you think, it will give you a satisfaction 'pag 'di na ako umuwi dito? Baka nakakalimutan mong do'n ka din sa Canada mag-aaral. At kina lola din ang bagsak mo. Meaning, sa ayaw mo't sa gusto, makikita mo lagi ang pagmumukha kong to do'n," tila nanunuyang sambit nito.
Hindi siya nagpaapekto sa tema ng pananalita nito. Humalukipkip din siya at tila balewalang nakipagtitigan dito.
"'Tsaka 'wag mong kalilimutang sabihin kina Papa na 'wag palalayasin si Lorie dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan kong maglinis ng kwarto ko," utos niya, tila 'di kilala ang lalaki bilang kapatid.
Do'n na pagalit na tumayo ang kausap.
"I'm your elder brother, dammit! Limang taon ang tanda ko sa'yo! 'Wag mo akong inuutusan na para lang isang katulong!" sigaw nito, 'di na napigil ang galit at nanggalaiti siyang dinuro habang nagsasalita.
Ngunit nagpigil siya at 'di ito pinatulan, kampante lang na yumuko sandali at nang bumaling dito'y wala pa ring mababakas na aknowledgement sa mukha niya, pagkilala rito bilang kapatid.
"Elder brother, huh? Ganyan ba dapat ang ginagawa ng elder brother? Puro kahihiyan ang ibinibigay mo sa pamilya? Pati katulong pinatulan mo na! Ganyan ba dapat ang ginagawa ng isang kuya?" panunumbat niya.
Natahimik ito, pagkuwa'y umiwas ng tingin, nilamukos ang mukha at napamura.
"Fuck! You're still a kid, Vendrick. Pagdadaanan mo rin ang pinagdadaanan ko ngayon. Tingnan ko lang kung 'di mo rin piliin ang kayamanan kesa sa mahal mo," anito.
Hindi na niya hinintay na muli itong magsalita.
Tumalikod na siya agad naglakad palayo ngunit bigla ding huminto.
"Don't forget to tell them those things. 'Pag nalaman kong pinalayas si Lorie, 'di mo rin naman seguro gugustuhing maulit ang nangyari noon," pagbabanta niya rito. "And one more thing. Pag kasing edad na kita. Seseguraduhin kong 'di iiyak ang babae sa piling ko. Hindi ako katulad mo, iresponsable," dugtong niya saka nagmamadaling lumabas sa lugar na 'yon.
Aaminin niyang hindi maganda ang naging trato nila ng kanyang kuya sa isa't isa nung bata pa siya at binatilyo pa lang ito. Kaya ayaw niya talaga itong makita kahit magkasama sila sa iisang bubong. Kung 'di lang dahil sa tomboy na 'yon, 'di niya ito susugurin sa kwartong 'yon.
Ano ba kasing merun sa mukhang kabayong 'yon at napapasunod siya sa lahat nitong sabihin?