"Nanay maliligo na po ba tayo?" usisa ng matanda sa kanya nang tumabi siya rito sa pagkakaupo at ginaya ang ginagawa nito sa mga binting nakalublob sa tubig.
"Teka lang anak. Takot kasi si nanay sa malalim na swimming pool kaya pinakiusapan ko ang lalaki na 'yon na bawasan niya ang tubig dito nang nawala ang takot ko," paliwanag niya dito sabay ininguso ang binatang lumusong sa tubig at sumisid sa ilalim, maya maya'y naramdaman niyang nababawasan na ang tubig hanggang sa 'di na nila 'yon maabot ng kanilang mga paa.
Limang minuto marahil ang lumipas bago nila makita ang binatang lumalangoy na palapit sa hagdanan ng pool at umahon mula duon saka lumapit sa kanila.
"Granted. Dalawang metro na lang 'yan," anito saka tumabi sa matanda sa pagkakaupo.
Ngumiti lang dito ang huli.
"Talagang dalawang metro lang 'yan?" paneneguro niya.
"O baka naman gusto mong dagdagan ko uli ng tubig 'yan," iritado nang sagot nito.
"Hindi, okey na 'yan. Ito naman, 'di na mabiro," bigla niyang bawi at agad lumusong sa tubig.
"Anak, d'yan ka lang muna ha? 'Wag kang lulusong dito hangga't 'di ako umaahon sa tubig," bilin niya sa alagang nakangiti namang tumango.
"Kailangang matanggal mo agad lahat ng mga 'yan sa loob ng sampung minuto lang ha?" sabad ng binata.
Nag-salute pa siya dito.
"Op kors. Ako pa. Magaling tong lumangoy," puno ng tiwala sa sariling sagot niya saka humarap na sa pinakamalapit na mansanas.
Dalawampung minuto lang ang ibinigay ng mayabang na lalaking 'yon sa kanya para matanggal lahat ng mga mansanas sa swimming pool. Ibig sabihin, dalawang minuto lang ang igugugol niya sa pagtanggal ng bawat mansanas. Pwede niyang itapon ang mga 'yon sa labas ng pool para madali siyang matapos at 'di mapagod kakaparuot parito para lang dalhin 'yon sa taas.
Huminga muna siya nang malalim. Gusto niyang isiping nasa dagat lang siya sa Tabo-an, sa mababaw na parte at nakikipaglaro lang kay Ynalyn, wala siya sa swimming pool na 'tong dalawang beses na siyang muntikan nang malunod. Kaya niya 'yon. Para na lang sa mga kapatid niya kung iyon lang ang paraan para magkapera siya.
Isang malalim na paghinga pa at nagsimula na niyang ikampay ang mga paa at kamay saka lumagoy palapit sa unang nakalutang na mansanas. Dinampot niya agad iyon at itinapon palabas ng swimming pool.
"Yehey! Ang galing ni Nanay!" hiyaw ng matandang nagsilbi niyang cheerer.
Lumangoy na uli siya palapit sa pangalawang mansanas at gano'n na uli ang ginawa. Pumalakpak na uli ang matandang naaaliw sa panonood sa kanya.
Awang naman ang bibig ni Vendrick at naghihintay kung ano'ng pwedeng mangyari sa kanya.
Lumangoy na uli siya sa pangatlong mansanas ngunit nagtaka siya kung bakit nang itatapon na iyo'y may kasama nang tali, napatingin siya kay Vendrick, nagtatanong ang mga mata ngunit 'di ito nagsalita.
Ibig bang sabihin, ang pang-apat na mansanas, may nakatali nang mabigat na bagay duon?
Malalaman niya. Kaya, lumangoy na uli siya palapit sa pang apat na mansanas. Tama nga ang hula niya. Nang hablutin niya ang mansanas, may tali na nga duon may maliit nang batong nakabitin sa ilalim ng tubig. Wala naman siyang dalang gunting para putulin na lang ang tali kaya kailangan niyang hilain ang tali pataas at isama ang batong itapon palabas ng pool. Gano'n nga ang kanyang ginawa hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang isang binti.
Pinupulikat na siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot at noon niya lang nalamang nasa gitna na siya ng malalim at malaking swimming pool na yun.
Napalingon siya agad sa binatang naitukod na ang mga kamay sa semento habang awang pa rin ang bibig na nakamasid sa kanya.
Sinubukan niyang ikampay na uli ang isa pang paa at ialalay lang ang pinupulikat na kabila, baka mali lang siya ng iniisip, baka namali lang siya ng galaw, pero hindi na rin niya maigalaw ang isa pang paa hanggang maramdaman niyang tila hinihigop siya ng ipu-ipo pabulusok sa ilalim ng tubig.
Gusto na niyang umiyak sa takot at lumingon kay Vendrick.
"Vendrick!! Vendrick!!" malakas niyang sigaw.
Hindi pa man siya sumisigaw, naramdaman na ng binatang may mali kaya agad itong nagdive sa tubig at sinaklolohan siya. Bago pa lumubog ang kanyang mukha sa tubig, nahawakan na siya ng binata, agad niyang naipulupot ang mga kamay sa leeg nito.
"Pesteng yawa ka talaga! Mangiyak-ngiyak niyang singhal dito.
"Bakit 'di mo sinabing nilagyan mo pala ng bato ang mga mansanas na 'yon, giatay ka? 'Pag nalunod ako dito, talaga mumultuhin kita hanggang matigok ka ring animal ka!"
sigaw niya sa magkahalong galit at takot na nararamdaman ngunit ang higpit ng pagkakahawak ng mga kamay sa leeg nito habang ito nama'y lumalangoy palapit sa hagdanan ng pool kung saan na naruon ang matanda at inaantay silang makaahon, halata sa mukha ang pag-aalala sa kanya.
Hanggang sa mailapag siya ni Vendrick sa semento ay 'di ito nagsasalita kahit na nang itulak niya ito palayo at mapaupo sa semento sa ginawa niya. Hinimas niya ang sariling mga binti habang humahaba ang nguso sa panggagaliiti sa binata.
Wala pa rin itong imik nang muling lumapit sa kanya at hinawakan ang isa niyang binti para hilutin.
"Nanay, ok ka lang po?" usisa ng matanda sabay luhod paharap sa kanya at hinilot din ang isa niya pang binti.
Ngunit nang mapasigaw siya ng "Aray!" ay agad nitong inilayo ang kamay sa kanya.
"Does it hurt?" Biglang lumabas sa bibig ng binata.
Ang talim ng tinging ipinukol niya rito.
"Napapasigaw na nga ako 'di ba? Natural masakit," pmbabara niya.
"Hey, honey. Let me just carry you," anito sa kanya, halatang natutuliro.
Natigilan siya, napakunot-noo.
"Breathe honey, breathe. Please..." Muli niyang narinig ang boses ng nagligtas sa kanya kagabi.
Namali lang ba siya ng dinig?
"Ano'ng sinabi mo? Honey?" paniniyak niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito, halatang nainis agad.
"Ba't naman kita tatawaging honey? Praning ka ba? Para lang 'yon sa mag-jowa. 'Wag kang mag-ilusyon!" Aburido nitong sagot na may halong pambubuska.
Hindi niya pinansin ang paraan ng pagsasalita nito.
"Dahan-dahan kasi. Ambigat ng mga kamay mo eh. Parang bakal," kumento niya.
Pero sa isip ay nagdadalawang-isip kung namali lang talaga siya ng dinig sa sinabi nito kanina lang.
"Bubuhatin na lang kita papasok. Mamaya 'di ka na talaga makalakad, isumpa mo pa ako," tila nagtatampo nitong sambit.
"Kasalanan mo kasi 'to eh. Maganda na sana 'yong ginagawa ko kanina kung 'di mo nilagyan ng bato 'yong ibang mansanas," pakikipagtalo niya.
"Nanay, bubuhatin na lang po kita at do'n natin sa kwarto gagamutin 'yang mga binti niyo," sabad ng matanda saka umaktong bubuhatin talaga siya.
Pero mabilis na kumilos ang binata at walang sabi-sabi siyang binuhat na bahagyang nagulat sa ginawa nito ngunit awtomatikong inikapit ang mga kamay sa leeg nito.
Nakairap ma'y 'di na lang siya nagsalita. Mamaya, ilaglag siya nito sa hagdanan, talagang double-muder siya 'pag nangyari 'yon.
Nakasunod lang sa kanila ang matanda na uugud-ugod mang maglakad ay pilit pa ring kinakaya makasunod lang sa kanila.
Pero 'di sila sa hagdanan dumaan kundi sa elevator ng bahay paakyat sa kwarto ng matanda.