Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 40 - HOW TO TEASE HER

Chapter 40 - HOW TO TEASE HER

Tulad ng utos ng kanyang Madam, pinatulog nga ni Marble nang maaga ang matanda pagkatapos nitong mananghalian. Umupo muna siya sa gilid ng kama at tiniyak na mahimbing na nga ang pagkakatulog nito.

Nang masegurong tulog na nga ito ay lumabas siya sa kwarto at nagtungo sa balkunahe. Tinanaw niya mula duon ang swimming pool kung naruon pa ang anak ng kanyang mga amo pero wala na.

Nagmamadali siyang bumaba sa hagdanan at nagtungo sa kwarto ng binata. Kahapon pa niya inalam kung saan ang kwarto nito kaya dumiretso na siya duon at mahinang kumatok.

"S-senyorito! Si Marble po ito!" alanganin niyang tawag.

Ilang segundo marahil siyang nanatiling nakatayo sa harap ng pinto bago iyon bumukas.

Dumungaw lang ang binata sa nakaawang na pinto.

"What do you want?" basag ang boses nito, halatang kagigising lang, namumula pa ang mga mata at wala sa ayos ang buhok.

Sinadya niyang tamisan ang ngiti dito.

"Tumawag na sina Tatay?" tanong niya.

Hindi ito sumagot, nagkamot lang ng ulo saka pumasok na uli sa loob, hinayaang nakabukas ang pinto.

Sumunod siya rito pagkatapos isara ang pinto.

"Hoy, ano tumawag na sina Tatay?" muli niyang tanong na para bang katropa niya lang ang anak ng kanyang mga amo.

Sa halip na sumagot ay bumalik ito sa pagkakadapa sa kama at niyakap ang isang unan saka walang anumang pumikit.

Nagsimula siyang maasar ngunit naruon pa rin ang pagpipigil. Wala siyang mahihita kung paiiralin ang pagiging aburido sa panahon ngayon.

Tumikhim muna siya saka kinalma ang sarili at lumapit sa nakadapang binata at niyugyog ang balikat nito.

"Hoy Vendrick. Patingin naman ng cellphone mo. Tumawag na ba sina Tatay sayo?" anya ngunit halatang tinatamad pa rin itong kausapin siya.

Mangani-nganing umbagan niya ito nang biglang magising ngunit naisip niyang baka tuluyan na siyang mapalayas sa bahay na 'yon kung gano'n ang gagawin niya.

Gigil na naipameywang niya ang mga kamay at nagtataas-baba ang dibdib na tinitigan nang matalim ang binata.

Maya-maya'y parang pinagsakluban ng langit at lupang napaupo sa sahig at isinandal ang likod sa gilid ng kama nito saka wala sa sariling suminghot.

"Nag-aalala lang kasi ako kina Tatay. Ang sabi nila kahapon, ibinenta daw nila 'yong bahay namin sa Tabo-an at ibinigay 'yong pera kay T'yang Amanda kasi daw matagal daw akong nasa ospital kailangan daw ng pera. Baka kasi magbigay na naman sila ng pera kay T'yang Amanda kawawa naman sila," paliwanag niya sa binata sa pagbabakasaling maawa ito at pansinin siya.

Nag-aalala na talaga siya sa mga magulang dahil sa kawalanghiyaang ginagawa ng kapatid ng kanyang Nanay. Kung alam lang niyang halang pala ang kaluluwa nito at pera lang ang habol sa kanila, 'di na sana siya sumama rito noon.

Napayuko siya at muling suminghot kahit na wala namang pumapatak na luha sa mga mata. Baka sakaling maawa si Vendrick sa kanya 'pag narinig nitong umiiyak siya.

"Don't worry. I already gave them money pambili ng bagong cellphone kasi kinuha daw ng lola mo ang pera nila," inaantok na sagot nito.

"Ano?" sambulat niya't agad napatayo saka umupo sa gilid ng kama.

Ang binata nama'y umiba lang ng posisyon at tumalikod sa kanya ngunit yakap pa rin ang unan.

"Bakit ka nagbigay ng pera? Magkanong binigay mo? Pa'no kami makakabayad sayo niyan eh wala naman akong pera?" sunud-sunod niyang tanong rito kaya't napilitan na itong bumangon at harapin siya.

"Ang ingay mo talagang pambira ka!" angal nito saka umupo at nakasimangot siyang sinulyapan, yakap pa rin ang unan.

"20k lang 'yon. Kung wala kang pambayad, pagsilbihan mo ako."

"Ha?" Tumaas agad ang dalawa niyang kilay sa sagot nito.

Tumitig ito sa blangkong ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ikaw ang maglinis ng kwarto ko para mabayaran mo ako hanggang sa makaalis ako ng Canada," anito.

"Kelan ka ba aalis ng Canada?" maang niyang tanong.

"After three weeks," agad nitong sagot.

Gumana bigla ang kanyang utak sa pagko-compute. Babayaran niya ang ipinadala nitong pera sa loob ng tatlong linggo hanggang sa makaalis ito papuntang Canada. Hindi yun mahirap gawin pero pa'no niya isisingit ang pagbabayad sa utang dito kung nagbabantay siya sa matanda?

Pagkatapos nang mahabang minutong pagbalanse sa lahat ay bumaling siya sa binata.

"Ano ang sinabi nila sayo?" usisa niya.

"Sabi nila magpapagawa daw kayong panibagong bahay kung ganyang mayaman ka na pala rito," kaswal na sagot nito.

"Ha?" bulalas na naman niya sabay tayo at litong tumitig rito.

"Bakit, ano ba'ng sinabi mo?"

Ngumisi ang binata.

"Sabi ko, inampun ka ng isang matandang mayaman kaya bigla kang yumaman."

"Ano?! Tarantado ka pala eh, bakit mo yun sinabi?!" dismayado niyang singhal.

Nagpakawala ito ng isang malakas na tawa.

"Akina 'yong cellphone mo, patingin ako," utos niya.

"Hey! Akala mo kung sino kang nang-uutos sakin ha? Hindi porke kinakausap kita ngayon eh pwede mo na akong sigawan." Tumaas na rin ang boses nito at mabilis na lumayo sa kanya saka bumaba sa kama at nagtungo sa banyo.

"Hoy, Vendrick! Bakit kasi gano'n ang sinabi mo?"

Huminto ito sa paglalakad saka siya nilingon.

"Ano'ng sasabihin ko, eh ang sabi ng Nanay mo, pinapalayas na daw sila ng lola mo duon kaya sabi ko padadalhan ko uli sila ng pera 'pag bumalik sila sa Tabo-an para makapagpatayo uli sila ng bahay," pasimple nitong paliwanag.

Lalo naman siyang namutla sa sinabi nito.

"Nasisiraan ka na ba ng pag-iisip? Binigyan mo na nga sila ng 20k, padadalhan mo uli ng pera? Saan ka kukuha ng pampadala sa kanila eh wala ka namang trabaho? 'Tsaka bakit ba ikaw ang kumakausap sa pamilya ko, kaano-ano ka ba namin?" sermon na niya rito nang lapitan niya uli.

Nameywang ito't humarap sa kanya, sumeryoso ang mukha.

"Bakit, tingin mo ba sa'kin walang pera kasi gan'to lang itsura ko? Pasalamat ka may nagmamalasakit sa pamilya mo. Ano'ng gusto mo, matulog din sila sa park katulad ng ginawa mo? 'Tsaka pera lang 'yon, ang mahalaga ay maging maayos ang lagay nila sa probinsya," ito naman ang nanermon sa kanya.

Natahimik siya. Sabagay may punto naman ito. Napayuko siya, tila napahiya. Ngunit agad ding nag-angat ng mukha at nahihiyang nagtanong.

"Bale, magkano na pala ang magiging utang ko sayo niyan?" inosente niyang tanong.

"Bukas bibigyan ko sila ng 50k para pampagawa ng bago niyong bahay. Bale, 70k na lahat ang babayaran mo," kalkula nito.

Dilat ang mga matang napatingin siya sa lalaki. 20k nga lang di na niya alam kung pano yun mababayaran. Ano pa kaya yung 70k?

"P--pa'no ko mababayaran lahat 'yon, alam mo namang wala akong pera ngayon?" kagat-labi niyang sambit sabay yuko.

"Eh 'di idagdag mo sa serbisyo mo sakin sa paglilinis ng kwarto ko," sagot nito.

"Magkano ba ang ibabayad mo sakin kada isang araw?"

"Isang oras, isang daan 'yon," sagot nito.

Tumingala siya sa kisame at nagkalkula na para bang andun yung calculator.

"70,000 divi-divide 21 divi divide 100," wika niya.

Humalagpos ng tawa ang binata.

"O bakit ka tumatawa jan? Nalito tuloy ako," sita niya.

"Anong divi-divide?" Sa pagitan ng pagtawa ay usisa nito.

"Divi-divide. 'Di mo alam 'yon?" nagtaasan ang dalawa niyang kilay habang sinasagot ito.

Lalo lang lumakas ang tawa nito na halos 'di na tumigil.

Umirap siya saka humalukipkip.

"Stupid! It's not divi-divide. It's divided by," pagtatama sa kanya. "Seguro hindi ka nakikinig sa math teacher mo no'ng nag-aaral ka pa," pambubuska nito.

Pailalim niya itong tinitigan sa sobrang asar niya.

"Kung maka-stupid ka d'yan, parang ang tali-talino mo!" gigil niyang sagot, halatang ayaw magpatalo.

"Bobo ka lang talaga kasi. Simpleng divided by lang 'di mo mabigkas nang tama. Pang-ilan ka ba sa klase niyo?" natatawa pa rin nitong wika.

Umirap siya.

"Nasa top 35 ako noh!" maangas niyang sagot, muling umirap.

"Ilan ba kayo sa isang klase?"

"40."

Muli na naman itong tumawa.

Pulang-pula na ang kanyang pisngi sa pagkapahiya sa ginagawa nito.

"Ang bobo mo talaga. Ang angas mo pang nasa top 35 ka eh 40 lang pala kayo sa isang klase."

"Ang yabang mo! Kala mo kung sino kang matalino. Hoy! Kahit nasa top 35 ako wala akong 75 noh!" singhal niya.

"Ang angas ha. Ilan ba grades mo? Napakabait naman ng mga teachers mo," anito.

"Flat 76 grades ko noh! Kala mo ha," sagot niya sabay ismid tsaka tumalikod rito nang muli na naman itong humulagpos ng tawa.

"Oh, sa'n ka pupunta?" usisa nito nang makita siyang palapit sa pinto ng kwarto.

"Ewan ko sa'yo! Mghanap ka ng kausap mo!" bara niya saka nagmamadaling lumabas ng silid na 'yon.

"Pano 'yong utang mo sa'kin?" habol nito ngunit 'di na niya ito sinagot sa sobrang inis niya.