Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 17 - HE'S THE RESCUER'S GRANDSON

Chapter 17 - HE'S THE RESCUER'S GRANDSON

"Ma, 'asan na si Lolo?" usisa ng lalaking nagnakaw ng kanyang unang halik.

Napatingin si Marble sa matandang tila na nagtatago sa kanyang likuran at takot na makita ng mga tao sa labas.

"Nanay, hindi ako sasama hanggat 'di kita kasama," paulit-ulit nitong bulong sa kanya.

Ilang beses rin siyang tumango.

"Oo 'wag kang papayag na 'di nila ako isasama," pabulong niyang sagot.

Kahit na anong mangyari, hindi talaga siya lalayo sa mantanda kung 'yon lang ang paraan para maka-survive siya sa Manila. Kahit ano pa'ng kaugnayan ng bastos na lalaki sa matandang 'to, wala siyang pakialam basta makaalis lang siya sa lugar na 'yon.

Magmamakaawa siya sa anak ng matanda na ampunin na lang siya at kung papayag ang mga ito'y siya ang mag-aalaga sa huli. Kahit walang sahod papayag siya basta bigyan lang siya ng pagkain at personal na mga gamit tulad ng damit. Kahit mga 'yon lang, ayos na sa kanya.

Napahawak siya sa braso ng matanda nang dumungaw ang babaeng sopistikada sa pinto ng kanilang sinasakyan.

"Ikaw ba 'yong sinasabi ng guard namin?" tanong nito sa kanya.

Tumango siya agad.

"Hindi ako sasama hangga't 'di kasama si Nanay!" malakas na wika ng matanda saka kumapit sa damit niya at matalim na tinitigan ang babae.

Sandaling natahimik ang huli, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa saka bumaling sa lalaking sinasabi nitong guard.

"Ako na ang magmamaneho ng sasakyan. Do'n ka na lang sa kabila'" utos nito sa guard na tumango naman agad at nagmamadaling sumunod.

"I'll come with you, Ma'" anang lalaking anak pala ng kumausap sa kanila.

Ibig sabihin apo nga ito ng matanda.

Hinintay niyang makapasok ang dalawa sa loob ng sasakyan. Ang babae ang umupo sa driver's seat, tumabi naman dito ang binatang anak ng una.

Maya-maya'y pinaharurot na ng babae ang sasakyan paalis sa lugar na 'yon.

Napayuko siya agad nang lumingon ang binata. Baka kasi makilala siya nito at maalalang inaway niya ito noon sa Cebu dahil nga sa ginawa nitong paghawak sa dibdib niya.

Ilang minuto siyang tinitigan ng binatang nakaupo sa unahan, pero nanatili lang siyang nakayuko, hindi nagsasalita.

"Hindi ako sasama sa inyo pag 'di niyo isinama si Nanay!" pasigaw na uling wika ng matanda, tila tinatakot ang dalawa ngunit sa apo nakatingin nang matalim.

"Opo, Papa. Isasama namin siya. Hindi namin kayo paghihiwalayin. Pero kailangang sumunod ka sakin ha? Pag maging masunurin ka, hahayaan kong tumira siya satin," Pagsang-ayon ng babaeng driver na sa hula niya'y nasa trenta mahigit lang ang edad.

"Kay nanay lang ako susunod!" matigas na sagot ng matanda saka bumaling sa kanya.

"Nanay, 'di po ba tama 'yon? Sa inyo lang ako susunod. Mabait akong anak 'di ba?"anito sa kanya, may halong lambing.

"Oo mabait kang anak. Ang bait mong anak," pabulong niyang sagot ngunit sineguro niyang 'di makikita ng dalawa ang kanyang mga pangil habang nagsasalita.

Sinulyapan siya ng babae sa rearview mirror, yumuko agad siya.

Ang binata nama'y nagtakip agad ng ilong nang maamoy seguro ang mabaho nilang katawan na walang ligo-ligo sa loob ng ilang araw, ni 'di man lang siya nakahawak ng tubig para maghilamos, o makapaghugas man lang ng kamay.

"Ma, do you think we can trust this dirty boy?" pabulong na wika nito sa ina, pero dinig pa rin niya ang sinabi nito at kahit papano'y naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin kahit bupols siya sa English no'ng nag-aaral pa. Sa 40 nilang mag-aaral sa isang section ay nasa top 35 siya, pero hindi rin naman ibig sabihin wala na siyang natutunan. Mahina lang talaga ang utak niya at matatalino lang talaga ang mga classmate niya kaya siya napunta sa top 35.

"I don't trust the boy but I trust your Lolo's instinct although he's like that. We'll just let your father decide about this matter later," sabad ng ina.

Nalito siya sa English ng babae. Wala siyang gaanong naintindihan lalo na't mabilis itong magsalita. Ang hirap talaga ng gan'to, 'yong isang lengwahe lang ang alam niyang salita.

Hindi niya napansing sinulyapan siya ng binata sa rearview mirror at 'di niya nakitang kumunot ang noo nito sa kanya. Pero napansin niyang lumingon ito at tinitigan siya na agad naman niyang iniyuko uli ang mukha.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong nito.

"Minerva. Siya si Nanay Minerva," ang matanda ang sumagot. " Kahit ipasok niyo ako sa kulungan, tatakas ako kapag hindi niyo isinama si nanay sa pupuntahan ko!" matigas na namang sambit ng matanda.

"Relax, Lo. We're not that bad people," sagot ng binata.

Kinalabit siya ng matanda.

"Nanay, baliw yata 'yong mamang 'yan. Lolo ang tawag sakin," puna nito sabay nguso sa apo.

Muntik na siyang matawa sa sinabi nito ngunit pinigilan niya lang at mariing itinikom ang bibig. Mamaya, makilala siya ng binata 'pag nakita ang kanyang mahahabang pangil.

"Ma, you heard him right? Until now, he's still this stubborn old man. Walang pagbabago sa ugali niya," aburido nang sambit ng binata.

"Hey, shut up. He's your grandfather. You shouldn't talk like that," saway ng ina sabay sulyap sa anak.

Natahimik naman ito at napapailing na lang na idinako ang tingin sa labas ng sasakyan.

Maya-maya'y umalingawngaw ang tunog ng cellphone.

"Who's phone is that?" usisa ng babae.

"Mine," sagot ng binata saka dinukot sa bulsa ng suot na pantalon ang cellphone.

Sa napansin niya, walang keypad ang cellphone nito at mas malapad kesa sa cellphone ng kanyang tatay. Seguro mamahalin iyon.

"Yes, Gab. Nahanap na namin si Lolo. Nasa Rizal park lang pala siya pero may kasamang taong grasa nang makita namin," anang binata habang nakikipag-usap sa kabilang linya at nakadikit ang cellphone sa tenga nito.

"What? Gab, anlaki ng buong Manila para hanapin natin ang bampirang 'yon!" biglang bulalas nito.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Sino ang tinutukoy na bampira ng bastos na lalaking 'to? Siya ba?

"Okay, fine. Fine. Nabigla lang ako. Pero think about it twice. Kung hindi talaga natin siya makita, hayaan na lang natin. Malay mo balang-araw magkita rin kayo. But for now, please calm down. Alisin mo muna siya sa isip mo. Mamaya mabaliw ka na kakaisip sa kanya," muling sambit ng binata.

"Okay, bye. Aantayin na lang kita sa bahay," anito saka pinatay ang tawag at ibinalik sa bulsa ang cellphone.

"Was it Gab?" tanong ng ina.

"Yup. He was bewitched---" sagot nito ngunit 'di natuloy ang sasabihin nang muling tumunog ang cellphone.

"Hello, Pa. Opo. Andito na kami sa kotse, pabalik na sa bahay. Kasama ko po si Mama. Okay po. Bye," anito at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa.

"Ma, nasa bahay na raw si papa, inaantay tayo," baling nito sa ina.

Tumango lang ang kausap.

Bigla namang nagrigudon ang kanyang dibdib sa kaba. Pa'no kung hindi pumayag ang asawa ng babae sa gustong mangyari ng matanda na isama siya? Ano'ng gagawin niya? Saan siya pupunta pag gano'n ang nangyari?

Sumilay ang lungkot sa kanyang mukha.