Tapos na siya sa pagsasayaw at tumambay sa bar. "Kuya isa nga pong red horse." sabi niya sa bartender dahil mas sanay siya sa red horse kaysa ibang alak. Iinom sana siya ng alak nang may tumawag sa pangalan niya.
"Magdalena! Table ka daw!"
"Huh! Pero di ba ayokong nagpapatable!" gulat na turan niya na kay Sasha, tatalikod sana siya pero pinigilan siya nito. "Sira! Guwapong lalaki ang gusto ka-table ka."
"Wag ka ngang ganiyan!"
"Dali na kung ayaw mo isusumbong kita."
Pumayag pero isang kundisyon, di siya dapat nito hawakan o galawin. Pumunta siya sa private room para masuri niya ang lalaki.
Sobrang lakas ng tibok ng puso niya at di mawari kung bakit, dahang-dahan niya binuksan ang pinto. Nahigitan niya ang kaniyang hininga, napakaguwapo ng lalaki at nakaupo sa mamahaling upuan.
Tumayo ito at naglakad sa kaniya, ang tangkad pala niya, maputi, magandang mga mata, matangos na ilong, at manipis na labi.
Napatuktok siya sa labi nito na medyo kulay red, mas nakakabakasan ang guwapo nito mukha at dinagdag ang kasuotan nito na nakapang-amerikanong damit.
Kay kisig at mabango, wala siyang maipipintas rito dahil nasa kaniya na ang lahat na gusto niya sa lalaki at sa tingin niya ay mabait at magalang pa to.
"Hi!"
"H-hi!" hala siya, nakakita lang ng guwapo natulala na, 'wag kang padala sa gwaping looks niya Magdalena tandaan mo na parepareho lang mga lalaki.' anya sabi sarili
Nilahad ng lalaki ang kamay sa kaniya saka nagpakilala. "I'm Mateo Villa, nice to meet you." ngumiti ito, puwede siya commercial ng toothpaste sa puti at pantay nitong ipin.
Kinilig siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likuran nun.
"And you are?"
"Magdalena Sanchez."
Halos di kumukurap, lalapit sana ito upang halikan siya pero naunahan siya ng takot. Paano kung sex lang ang hanap nito, Kaya napaatras siya.
"What?"
"Ayoko!" sabay talikod ngunit sinundan siya nito. "Puwede ba! Kung sex lang ang hanap mo puwes di mo ako makukuha sa mga ganyang style na yan."
"Okay! I know! I remember your condition."
"Pero puwede ba kita maaya sa labas?" tanong nito, nagdalawa isip muna siya bago pumayag tutal wala nang magbabawal sa kaniya at sumama siya pagkuway sumakay ng kotse na mahal.
Palagay ang loob niya, bukod sa gwapo ay may respeto kahit sa katulad niyang di karespeto
Lagi na niya kasama ito sa lahat-lahat at laging nandyan kapag kailangan niya ito. Masaya siya araw araw at niligawan, di lumaon ay minahal niya ito.
Pero Ang kinabahala niya nang magkasama sila ni Mateo at halikan siya nito, may pagsuyo at init ang ginagawa nito nang pumikit siya. Pero ilang saglit dumilat siya nang may marinig siya tunog ng sapatos sa gawi nila.
Napadilat siya at nakita niya ang nagseselos at nagbabadyang galit ni Owen. "Owen!" tawag niya at kumalas kay Mateo.
May dalang flowers si Owen at halatang bagong suot at bagong gupit pero di yun ang inaalala niya, galit ito saka inundayan ng suntok sa mukha si Mateo.
Nanlaban din si Mateo at sumuntok din siya sa tiyan ng binata at pagkatapos sa sa mukha naman. At ako naman ay talagang inis na inis dahil di niya maawat mga to.
"Sino ang pipiliin mo sa aming dalawa? Siya ba o ako?" tanong ni Owen nagiiyak, pinapapili siya at di niya malaman ang gagawin.
"Sagot! Siya o ako?"
"Gusto malaman ang sagot? Si Mateo ang pipiliin ko." tila pinagsakloban ng langit at lupa si Owen dahil mas lalo nanghina at pagkabigla at nasaktan niya ito.
"Mahal Kita Magdalena."
"Pero kaibigan lang tingin ko sa'yo." napatigil si Owen at tila balisa sa narinig saka tumalikod at itinapon ang bulaklak sa basurahan saka naglakad papalayo.
Parang gusto niya pigilan ito ngunit di sumunod ang paa niya para wag umalis.
Nalaman na lang niya sa mga kapitbahay na nagiinom na si Owen at nagwawala, halos pumayat daw at yun ay dahil sa kaniya.
Masaya naman siya kay Mateo at lagi ng may sopresa, pero di pa rin maiwasang isipin si Owen. Lumipas ang isang linggo Wala siyang Owen na nakita, pumuta siya sa bahay nito pero sabi ng kapitbahay na wala na binata at nagmigrate to America na.