Makalipas ang ilang taon na pagkawala ni Owen, maraming nagbago. Lalo na sa relasyon nila ni Mateo na walang kabuluhan, ni I love you hindi nito masambit kapag naguusap sila sa cellphone. Kasalukuyang bumili ng pabango si Magdalena sa mga tindahan nang mataan niya ang isang babae na sa itsura ay mayaman. Humihingi ito ng tulong at nagmakaawa, nakita niyang hinablot ng magnanakaw ang bag ng babae saka tumakbo papalayo. Hinabol niya ang lalaki kaya ang ending, pinagsisipa niya ang tiyan ng lalaki matapos batuhin niya ng sapatos na nakasapin sa paa niya.
"Ouch!!" daing ng lalaki habang siya patuloy sa pagsisipa at pambubugbog. Tumakas ang lalaki ngunit di na nito dala ang bag kanina'y kuha nito.
Di niya mapaliwanag ang damdaming tinulungan niya ito, napalakas ang tibok ng puso napatitig siya sa babae. Kamukhang-kamukha niya, kahit medyo matanda na ang babae ay di maitatago ang kagandahan nito.
"Salamat!"
"Teka!" natitig niya mabuti ang babae, sa tingin niya nasa singkwenta ang edad. Di niya mawari ang 'lukso ng dugo' pero yun ang nararamdaman niya ngayon.
"Alam mo! Kamukha kita nung dalaga pa ako." ani ng babae, napakagaan ng loob niya at parang gusto niya ito yakapin.
"Ho!" natauhan siya nang magsalita ito at hinawakan ang pisngi niya. Bigla na lang siya nito niyakap na walang pakundangan. Medyo ang akward dahil di pa siya nakaka-move on sa nangyari pero 'oo kay sarap niyang yakapin.'
"Maraming maraming salamat sa'yo at nabawi mo ang bag ko sa masamang lalaking yun."
"Walang ano man po." tanging nasabi niya.
"Ako nga pala si Esmeralda, ikaw anong pangalan mo? Maaari ko ba malaman ang pangalan mo." tanong ng ginang
"Magda-." napasulyap si Magdalena sa relo "OMG malelate na ako" sabi niya sabay lakad ngunit bigla dinakma ang braso niya para pigilan siya.
"Pero!"
"Sorry po pero malelate na po talaga ako." pagkuway naglakad siya papalayo, nalungkot siya sa pag-alis.
Di na siya pinigilan pa nito, nagmamadali tinakbo na lang papuntang Club House. 'Bakit ganun? Parang napakagaan ng loob ko sa kaniya na parang kay tagal ko na siya di nayayakap at nanghihinayang ako.'
"Uy! Ikaw talaga Magdalena kanina ka pa hinihintay sa loob lalong lalo na yung boss natin." sermon ni baklang Teri nang nabungaran niya sa dressing room.
"Sorry na bakla may nangyari lang talaga kanina." paliwanag naman niya rito, nagbibihis na siya nang sermunan na naman ulit siya nito.
" Lagi ka na lang ganiyan, palaging late."
"Sasabihin ko sa'yo ang talagang nangyari para malaman mo pero sa ngayon kailangan ko na maghanda."
"Oh sige at baka ako masabon ni boss."
"Sasayaw na ako bahala ka na muna." paalam niya sabay alis at pumunta sa likod stage para mag-perform.
Ganun pa rin kagaya ng dati, halos maluwa ang mga mata at nakamaang, gusto siyang pag-agawan. Ang mapang-akit niyang mga tingin, ang katawang kasing hugis coca cola, dibdib niyang malaki-laki at ang napakakinis niyang balat. Kinagat niya pang-ibabang labi sabay bukaka, nakita niyang maraming nag-sitayuan.
"Wooohh!! Masarap kang tirahin!" sigaw ng isa sa mga grupo ng kalalakihan sa di kalayuan, gumapang siya na parang sawa sabay tayo at pumunta sa mga naghiyawan kanina.
Alam niyang di niya gusto ang ginagawa pero wala na siyang paki, tinaas niya ang kaliwang paa at sinandal yun sa table. Hinaplos ang pagkakinis niyang balat mula paa, binti at legs. Nakita niyang napalunok ang isa pagkuway kumandong siya sa lalaking sumigaw, pinipigilan nitong wag siyang hawakan pero talagang nasagaran niya yata ito.
Dinakma ang bewang at hinalik-halikan ang leeg niya, sa gulat sinubukan niyang magpumiglas pero di siya makakalas. Pinabayaan na lang niya ang ginagawa nito dahil sarap na sarap sa kaniya.
Hinaplos ang dibdib habang papunta naman pababa ang labi nito. "Ang bilis mo naman, di ba sabi sa rules na bawal kaming hawakan at halikan. Pero wag kang mag-alala, matutuloy din to sa ngayon magkasya ka na lang sa ginagawa ko." bulong niya at gumiling nang gumiling tumayo pagkatapos bumalik ng stage.
Tapos na ang kanta kaya tapos na rin ang performance niya. Pinakatitig siya ng lalaking sinayawan niya, titig na hinuhubaran kaya kinidatan niya ito at bahagyang namula sa nakita, sabay talikod at pumunta sa likod.
Napapaisip siya sa sarili kung bakit niya ginawa yun, hingal na umupo sa tabi ni baklang Teri at pinunasan ang pawis sa noo at leeg. "Uy! Napanood ko yung perform mo kanina, To the first time na kumandong ka sa lalaki at galing mo girl."
"Sa totoo lang, kinakabahan ako sa lalaking yun habang nakakandong ako sa kaniya."
"Bakit naman girl?" taka nito
"Hindi ko alam pero feeling ko di pa ito ang huli naming pagkikita, kung kanina halik lang sa leeg at yakap lang eh paano pa kaya kung gawan niya ako ng masama."
"Yung guwapong damuhong na yun? Gagawan ka ng masama? Di naman siguro."
"Ayan ka sa 'di naman siguro' mong yan kasi minsan ka na rin napahamak pagkatapos sasabihin mo ang word na yan." sabi niya, minsan kasi di rin mapigilan ang pagwawaldas ni baklang Teri sa dami ng nga boylet na ang gusto ay pera.
"Ikaw talaga." pinandilatan siya nito at umarko ang kilay sabay balyang alis. "Makakaalis n nga lang."
"Joke lang ito naman di mabiro." anya kay baklang Teri at pinaupo ulit tawang yakad niya.
"Ikwento mo naman yung nangyari kanina kung bakit ka nalate kanina." sabi ni baklang Teri bukas ang usapan, umayos siya ng upo.
"Pamilyar ka ba sa kasabihang 'lukso ng dugo?'"
"Oo naman bakit?"
"Parang nakita ko ang tunay kong Ina, pero di ako sure kasi nakaramdam ako ng gaan ng loob, na para bang gusto ko yakapin at gusto ko ulit siya makita. Di naman sa nakita kong malaking pagkakahawig namin pero yun talaga nararamdaman ko kanina, nanghinayang nga ako dahil tumakbo ako paalis at iniwan siya sa daanan dahil baka malate ako pagpunta rito."
"Naikwento ko sa'yo na pulot lang ako ng inahin sa harap ng bahay at isa pala akong ampon." dugtong niya nakikinig si baklang Teri.
"Tinanong mo ba ang pangalan ng ginang?"
"Oo! Esmeralda daw ang pangalan niya."
"Naibigay mo ba yung pangalan mo sa ginang?"
"Hindi ko nga naituloy eh kasi nagmamadali nga ako nun!" paliwanag niya nang bigla ito tumayo, "bakit di mo naman sinabi?"
"Ano ka ba syempre nga malelate na ako gusto mo ba ako mapagalitan kay boss." angil niya tumaas ang boses pagkuway.
"Sorry na friend, joke lang." anito nag-peace sign pang tumatawa saka siya niyakap nang mahigpit at kumalas, medyo natawa na rin ako.
"Ikaw talaga!"