Chereads / Magdalena (The Prostitute) / Chapter 10 - Chapter 10: How to court her?

Chapter 10 - Chapter 10: How to court her?

"Pre! Liligawan mo talaga." sabi ni Fernando kay Rome. kaya na di makapaniwala at kuntodong bihis na bihis, alam niya guwapo siya period. Gusto niya makuha ang gusto niya, yun ang babaeng nagpapagulo sa kaniya si 'Magdalena.'

"Yes! Bakit?" taka niyang tanong, habang nagsasalamin pagkuway lumingon siya rito.

"Seriously!"

"I don't know how to Court a girl dahil madalas sila ang lumalapit sa kin." pagmamayabang na inayos ang damit.

"Rome wag kang magmayabang dahil baka mabarahan ka ng babaeng yun." tinignan niya ng masama ito, saka lumabas na siya ng kuwarto.

"Baka nakakalimutan mong pok pok si Magdalena." dugtong sabi nito habang sinusundan siya pababa ng hagdan nang lingunin niya ito.

"Hindi mo kailangan ipagsigawan yan at wala akong paki sa trabaho niya." angil naman niya at binuksan ang kotse pagkatapos pinaandar iyun.

Pumunta ulit siya sa Club saka nagpakilalang boyfriend ni Magdalena, akala naman ni Magdalena na si Mateo ang dumalaw sa kaniya at manghihinging sorry pero nagkamali siya ng akala.

Nabungaran niya ang isang estrangero sa sofa at pinakatitig niya na parang pamilyar ang mukha pero di niya matandaan. "Hi! I'm Rome and nice to meet you."

Naglahad ito ng kamay sa kaniya, magpapakilala sana siya pero alam nito ang pangalan niya. "Ako nga pala si-!"

"Magdalena right."

"Oo!" tango niya "paano mo alam ang pangalan ko?" nagtatakang tanong, medyo nakairap ng kaunti.

"Ako lang naman ang lalaki kinandungan at kinindatan mo."

Flash Back

Alam niyang di niya gusto ang ginagawa pero wala na siyang paki, tinaas niya ang kaliwang paa at sinandal yun sa table. Hinaplos ang pagkakinis niyang balat mula paa, binti at legs. Nakita niyang napalunok ang isa pagkuway kumandong siya sa lalaking sumigaw, pinipigilan nitong wag siyang hawakan pero talagang nasagaran niya yata ito.

Dinakma ang bewang at hinalik-halikan ang leeg niya, sa gulat sinubukan niyang magpumiglas pero di siya makakalas. Pinabayaan na lang niya ang ginagawa nito dahil sarap na sarap sa kaniya.

Hinaplos ang dibdib habang papunta naman pababa ang labi nito. "Ang bilis mo naman, di ba sabi sa rules na bawal kaming hawakan at halikan. Pero wag kang mag-alala, matutuloy din to sa ngayon magkasya ka na lang sa ginagawa ko." bulong niya at gumiling nang gumiling tumayo pagkatapos bumalik ng stage.

Tapos na ang kanta kaya tapos na rin ang performance niya. Pinakatitig siya ng lalaking sinayawan niya, titig na hinuhubaran kaya kinidatan niya ito at bahagyang namula sa nakita, sabay talikod at pumunta sa likod.

End of Flash Back

Ngayon ay alam niya na kung bakit pamilyar ang mukha nito, nakita niyang may tinatago ito sa likuran niya at napansin nito ang huli.

"For you." sabay pakita sa flowers, mula sa likuran nito. Bulaklak galing sa dangwa ito at ang ganda.

Nagustuhan niya ang binigay nito, napangiti siya dahil favorite niya red rose. "Ang ganda."

"Sweetheart mas maganda ka." sabi nito napangiti na rin siya, ngayon lang siya ginamitan ng endearment kahit si Mateo na nobyo niya di siya tinawag ng ganun.

"Puwede ko malaman kung ano ang sadya mo?"

"Puwede ba kita yayaing magdinner or kahit date?" mas lalong ngumiti.

"Di ka pa nga nanliligaw at saka may boyfriend na ako." medyo nalungkot ang si Rome sa nalaman, pero bumawi ang mukha nito.

"Okay lang! Boyfriend pa lang naman. Di pa asawa, so puwede ba?" tanong nito nilahad ang kamay at pumayag siya sa gusto nito.

Medyo na-confused siya sa dami ng kumbyertos sa kainan at mahahalata sa kaniya ang di pa sanay. Kaya nagkamay na lang siya, nakita niyang nagkamay rin si Rome at nagtawanan pareho.

"Sarap nito." sabi niya matapos maubos ang pagkain, tila ngayon lang nakatikim ng masarap na pagkain.

"Di ka pa nakakatikim?"

"Actually hindi pa." pagkasabi sabay 'oohh' tanda na busog na busog sabay takip sa bibig. Napabungisngis siya "sorry nabusog talaga ako."

"Hahaha." tawang-tawa naman, pagkatapos nila kumain at hinatid siya nito sa Club house at nabigla siya nang halikan nito ang pisngi niya.