"Sumayaw ka daw!" sabi ng bestfriend kong bakla at hinila ako papunta sa stage, ang totoo lang, wala ako sa mood para sumayaw ngayon dahil magmula nang makuha ni Owen ang virginity ko ay nakakawalang gana.
'Weh! Di nga, pero nagustuhan mo' sabi ng bahagi utak ko.
Bahagya ako umayos at nagsimula sumayaw nang tawagin ng MC ang pangalan ko, nagsimula ulit ako sumayaw. Nag-init Ang mga kalalakihan at pagnanasa, pumunta pa ako sa bakal na nakatayo at nag-pole dance.
Nabigla ako nang may magpaputok, maraming nagkagulo at nagsi-alis. Puro mga nakayuko, labis ako natakot nang dumating ang mga pulis at niligtas ang mga babae.
Ni-rade pala ang lugar dahil matagal na daw pinagtutuunan ng pansin ang club na ito kung saan maraming modus operandi Ang pagkuha sa mga kadalagahan.
"Yuko!" utos ng mga pulis.
Inakay sila pasakay ng truck na niligtas nila mula sa sindikato.
Nang nasa pulis office na kami ay may tumawag sa pangalan ko "Magdalena!" napalingon ako sa babae at lalaking may edad na at tinawag ako sa sarili kong pangalan.
"Anak ko!" sabay yakap, bakit niya ako tinatawag na anak at alam niya pangalan ko. Labis ako nagtaka, para ito mga magulang na matagal na nalayo sa anak kaya gaunu ang higpit ng yakap. Pero ang babae ay pamilyar sa akin, parang nakita ko na siya dati.
"Anak?"
"Oo! Kami ang mga magulang mo, diyos ko akala ko di na kita makikita muli" Ang mga mata ng ginang ay may mga luha pati ang mga mata ng lalaki, ang may edad na lalaki ay may hawig sa akin "anak ko!" niyakap niya ulit ako.
Dumating kami sa isang Mansyon, napakaganda at malaki. Napanganga ako sa sobrang ganda, di ko akalaing ganito kayaman ang mga magulang ko.
Nakapasok sila sa loob, pati ang loob ay malinis at maganda ang kagamitan.
"Dito na po ako titira?"
"Oo anak!"
"Nais ko po hingin ang paliwanag niyo po, kung bakit ako napunta sa ibang pamilya" pamumutol ko saglit. Umupo sila sa sala at tumingin sa akin at kinuwento ang lahat.
"Nagmamahalan kami ng ama mong si Rodolfo, walang wagas na di kami nagkikita kahit patago relasyon namin. Hanggang sa malaman ng magulang namin kung ano ang meron kami dahil nagsumbong si Margaret sa mga magulang ko para mapaghiwalay kami."
"Sino po si Margaret?" wikang tanong ni Magdalena.
"Si Margaret ang babaeng may gusto sa ama mo, nagawa lang niya ang mapaghiwalay kami. Nang mabuntis ako at nakapanganak, kinuha ka ng babae nagngangalang Divina, isa sa mga utusan at pinagkakatiwalaan ni Margaret. Inutusan ni Margaret si Divina na ipapatay ka, pero nagpasalamat ako dahil di kaniya pinatay. Bagkus, iniwan ka niya sa pamilyang di magkaanak at dun ka itinuring kang anak ni Vanessa."
Mapaiyak ako sa salaysay ng ina niya, di ko akalaing makikita ko pa ang mga magulang ko na pilit kami ipaghiwalay.
"Walang ilang araw na di kita inisip anak, lagi kita hinahanap."
"Nay! Alam niyo po ba na pinagtangkaan akong gahasain ng amain ko" natigilan ang mga magulang ko, kumuyom ang kamao na nakita ko sa kamay ng ama "pero nagsinungaling siya sa pinag-akala kong ina na di niya magagawa ang ganung bagay. Kaya pinalayas ako sa bahay, nung araw na yun ay nadukot ako ng mga sindikato at ginawa nila akong hostess sa isang club."