Chereads / Wild Heart / Chapter 23 - Chapter Twenty Three

Chapter 23 - Chapter Twenty Three

Xander closed his eyes. Tulad ng maraming mga pagkakataon, those memories from 5 years ago came back to him, na para bang kahapon lamang nangyari ang lahat...

****

Biyernes, ala-sais ng hapon. He and Frances agreed to meet at the coffee shop. Alam niyang hindi magiging madali ngunit kailangan niyang sabihin sa dating nobya na mahal na niya ang asawa at hindi niya ito makakayang iwan.

Inihanda na niya ang sarili sa lahat ng posibleng galit at pagkamuhi ni Frances sa kanya. She can hit him, curse him, humiliate him - ang lahat ng iyon ay tatanggapin niya. He deserves it anyway, for being such a jerk, dahil sa hindi matanggap ng pride niya noon na niloko siya ni Beatrix, kaya't ipinangako niya sa sariling hindi siya mahuhulog dito.

Ngunit mahirap palang kalaban ang puso dahil sa bawat araw na lumipas ay unti-unti siyang napalapit dito. He couldn't control his heart - he fell in love with her. It was scary to realize that he hasn't been in love like this before, kasabay noon ang realisasyon na mas kaibigan kaysa pagmamahal ang nadarama niya para kay Frances all these years. Beatrix made him realize what real love is, the kind of love who makes you want to wake up each morning just to see that person lying next to you, the kind of love who makes you want to be a better version of yourself.

Frances was surprisingly calmer than he expected throughout the whole conversation. Umiyak ito at nagalit ngunit hindi kasing tindi ng inaasahan niya. Just when they were leaving the coffee shop that night, isang napaka lakas na ulan ang bumuhos. Walang dalang payong ang babae kaya't hinubad niya ang blazer coat niya upang magamit pangkubli nito laban sa ulan habang patungong sasakyan.

Pauwi na siya when he got a phone call from Elmer, ang isa sa dalawang tauhang inupahan nila ni Arthur upang magsalansan at magtingin sa kamalig na pinag imbakan nila ng mga pinakyaw na binhi para sa bukirin.

"boss, may malaking problema tayo!" bungad ni Elmer sa kanya "natanggal ang bubong ng kamalig! Nababasa na ang mga naka sako dito" anito na nasa tinig ang pagpa-panic.

"shit!" mura niya "isalba niyo ang kaya niyong isalba! pupunta na ako diyan!" He glanced at the time on his wrist watch. Mag aalas diyes na ng gabi, hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa at idi-nial ang numero ng asawa. No signal. Iritado niyang muling ibinulsa ang telepono. Mamaya na siya ulit susubok tumawag.

Itinuon niya ang atensyon sa pagmamaneho. Ang kamalig ay nakatayo malapit sa bukid nila may kalayuan sa bayan. Halos walang makita sa daan sa lakas ng ulan kaya naman kailangan niyang tignang mabuti ang mga malalaking lubak sa maputik at baku-bakong kalsada. Bagaman 4x4 ang dalang sasakyan ay luma na ito at panigurado niyang hindi siya makaka ahon kapag nalubak siya, malaking problema pag nagkataon dahil wala halos nagdaraan sa lugar na iyon.

Inabutan niya sa kamalig sina Elmer at Joseph na hindi malamang ang gagawin kung paano ililipat sa katabing mas maliit na kamalig ang sako sakong binhi.

"Fuck!" he cursed. Binuksan niya ang ilang butones ng suot na long sleeve upang makagalaw siya ng maayos, hinila rin niya pataas sa braso ang manggas niyon. Patakbo niyang tinungo ang kamalig upang agad tulungan ang dalawang lalaki sa pagbubuhat ng mga sako.

Malaking pera ang inilabas nila ni Arthur para sa mga binhing itatanim, kung mababasa at masisira ang lahat ay hindi niya alam kung paano silang makababawi sa kapital nila! Ini-loan pa niya sa bangko ang share niya para sa nais nilang pataniman ng kaibigan!

Sa kanyang pagtakbo ay hindi niya napansing dumausdos mula sa bulsa ang telepono, nahulog iyon sa putikang daan, slowly burying it in the thick slush covering the ground.

Halos pasilip na ang araw nang matapos sila nina Elmer sa paglilipat ng mga kaban.Bagaman marami silang nailipat na sako sa kabilang kamalig ay hindi nila nagawang maisalba lahat. He thought of going home right away ngunit ang sobrang pagod sa mabigat na trabahong sinuong ng nagdaang gabi ang naging dahilan upang mapagpasyahan nilang doon na maghintay ng liwanag. Isa pa, dahil sa walang lubay na ulan ay posibleng may mga parte ng daan ang binaha, mas maigi nang bumyahe kapag maliwanag.

Nasa sasakyan na siya ng muling maalala ang cellphone. Shit! Siguradong nag alala sina Beatrix at ang ina dahil hindi siya nakauwi kagabi. Matapos ang ilang minutong paghahanap sa telepono ay nahahapo siyang bumalik ng sasakyan at binuhay ang makina niyon. Mamaya na lamang siya magpapaliwanag sa mga ito kung ano ang nangyari.

"Hay naku bata ka! ano ba ang nangyari sa iyo?" nag aalalang salubong sa kanya ng ina "halos maluko na ang asawa mo sa pag aalala sa iyo! ganoon din ako!" sermon nito

"nasaan ho si Beatrix?" pagod na inilatag niya ang katawan sa sofa.

"Pumasok sa escuela"

Kumunot ang noo niya "Sabado ho ngayon ah?"

"May ilang special exams yata siyang kukunin, nalaktawan daw niya noong nakaraang araw. Hindi raw siya magtatagal doon" paliwanag ng ina "magbihis ka nga muna at basa ka pa! magkakasakit ka niyan!" patuloy na sermon nito

"maliligo lang ho ako inang, pupuntahan ko ho sa escuela si Beatrix. Nawala ho ang cellphone ko at siguradong nag aalala na iyon" bumangon siya upang tunguhin ang banyo.

"Ku...itong batang 'to!" naiiling na anang ina  "Kumain ka muna! uuwi din iyon maya-maya" habol na sigaw nito sa kanya.

*****

He parked in one of the designated parking spots for faculty. Hindi pa siya nakalalayo nang makasalubong niya si Frances, patungo ito sa sariling sasakyan.

"X-Xander!" tila gulat na gulat si Frances nang makita siya sa campus.

He removed the shades in his eyes "Frances. May pasok ka pala?"

Naging mailap ang mga mata ng babae "ah...eh... may ginawa lang ako saglit"

He nodded "see you later then"

"A-are you here for Bea?"

Nilingon niya si Frances at alanganing tumango. Sa totoo lang ay hindi niya gustong magtanong kay Frances ng ukol kay Bea, because that would be insensitive.

"I...I don't know how to say this...but"

Bahagyang kumunot ang noo niya "ano yun?"

"Nakausap ko kasi siya kanina... You know, I just wanted to tell her there's no hard feelings and I'm wishing you both the best but..."

Nilapitan niyang muli si Frances "but?" tuloy niya sa sinasabi nito

"but she laughed at me and...she said...she said..." Hindi maituloy tuloy ni Frances ang sinasabi.

Xander waited patiently sa katuloy na sasabihin ng babae.

"well...she said, she can't take this kind of life anymore. I think... I think she's done playing with you, Xander..." may sakit sa mga mata ni Frances ng tumingala sa kanya.

Xander laughed. Frances is joking! Hindi magagawa iyon ni Beatrix.

"Beatrix is not that type of person" he stated.

"I know you think you know her Xander but...alam mong spoiled brat si Bea noon pa! You said it so yourself! Ayoko lang mas masaktan ka pa"

Tipid niyang nginitian ang babae "Salamat sa concern Frances, pero kilala ko ang asawa ko". He gave the woman a friendly tap on the shoulder bago nilisan ang parking lot.

Nakaka ilang oras na siyang naghihintay sa campus ay wala pa ring Beatrix na lumilitaw. Malas naman kasing wala siyang cellphone kaya't hindi niya ito matawagan. Papunta siya ng banyo ng makasalubong si Mr. Ramirez, ang isa sa mga professors sa SGU.

"Oh Xander! Nasaan ang asawa mo?" bungad nito sa kanya "She was supposed to take an exam from me pero hindi dumating"

Biglang bumundol ang pag aalala sa dibdib ni Xander sa narinig. Kanina pa siya naghihintay doon sa pag aakalang nasa campus si Beatrix.

"Ano'ng ibig mong sabihing hindi dumating? Umaga pa siya umalis ng bahay para daw sa exams"

"Hmm..." nagkamot ito ng ulo "kaninang umaga nag exam pa raw kay Ms. Crisostomo, pero yung sa akin dapat kaninang ala-una"

"Sigurado ka bang hindi nagpunta? baka nagkasalisi kayo?" may kung anong kaba ang lalong bumabangon sa kanyang dibdib.

"Naghantay ako para sa kanya ng isang oras so I'm sure, she didn't show up"

Xander's brows frowned.  She said she can't take this kind of life anymore.... rumehistro sa isip niya ang sinabi ni Frances kanina.

Could it be that Frances was telling him the truth? Was Beatrix really planning on leaving him?

Agad siyang umalis ng campus at umuwi ng bahay. Beatrix should be home. She has to be!

"Inang, si Beatrix ho?" atubili niyang tanong sa ina na noon ay inabutan niyang nagwawalis sa bakuran. It's already 5 in the afternoon at dapat lamang ay nakarating na ng bahay ang asawa.

"Aba eh akala ko ba susunduin mo?" takang tanong ng ina

"wala ho ba dito?"

"hindi pa dumarating ang asa-"

Hindi na hinihitay ni Xander na matapos ang sinasabi ng ina. Mabilis siyang muling sumakay ng sasakyan at pinaharurot iyon. He doesn't know where to start looking for her, ang alam lang niya ay kailangan niya itong makita! Beatrix can't leave him! Today is even the day he planned to tell her how he really feels towards her! To ask her if they can start a family... to tell her he loves her more than he could say!

Isa-isa niyang tinungo ang mga lugar na alam niyang maaari nitong puntahan sa bayan. Maybe she stopped by to get something from the grocery? Maybe she went to the salon to get her nails done or get a haricut? Maybe she went to a cafe? People stared at him like he was some weirdo who went into each possible establishment in town, describing Beatrix to people and asking them if they had seen her around by any chance. Ngunit nasalugsog na yata niya ang buong bayang ng San Gabriel ay hindi niya ito natagpuan.

Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot at pag-aalala para sa asawa. Nagtungo din siya sa pulisya upang i-report ang pagkawala ni Beatrix, ngunit ayon sa mga pulis ay kailangan munang magpalipas ng bente kuwatro oras bago maituring itong kaso ng pagkawala. He was so frustrated na pati siya ay muntikan pang makulong ng kwelyuhan niya ang pulis na nasa front desk nang tumanggi itong gumawa ng missing person report.

Marahas niyang binayo ng kamao ang manibela ng sasakyan. Perhaps Beatrix really left him? Was she just really playing with his heart? Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng masidhing kirot na gumuhit sa dibdib.

Where are you, Princess? he silently asked.

He later found out through a phone call from Zach the following day that Beatrix returned to Manila. No explanations whatsoever given kung bakit ito umalis, just a brief message na tinatapos na nito ang ugnayan nilang dalawa, at hindi na siya nito nais pang muling makita....

*****

Iminulat ni Xander ang mga mata. Nag igting ang mga bagang niya sa pagragasa ng mapapait na ala-alang iyon. Sa lumipas na panahon ay hindi niya alam kung paanong muling malalapitan and dalaga. She's become so famous and successful that meeting her alone would seem like wishful thinking.

But it looks like the recent events turned the cards around. Kung noon ay mukhang hindi nagmamadali si Beatrix na ma-annul ang kanilang kasal, ngayon ay pihadong gagawin nito ang lahat upang pirmahan niya ang mga papeles na iyon. He will use that need of hers to his advantage. Ngayon na ang pagkakataon niya upang magbigay ng mga kundisyones na nais niya. He will have her on the palm of his hands this time around.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya sa naisip "I'll strike you a deal you won't be able to refuse, Mrs. de Silva"