Chereads / Wild Heart / Chapter 29 - Chapter Twenty Nine

Chapter 29 - Chapter Twenty Nine

Frances stood in front of her in awe. Ilang ulit uting kumurap ngunit walang namutawing salita sa mga labi.

Si Beatrix ang unang nakabawi sa pagkabigla. "long time no see... Frances" she said in a slow, unfriendly tone.

"B-Bea?" sa wakas ay nabigkas ng babae, tila hindi pa rin ito makapaniwala na naroroon siya sa harapan nito "w-what are you d-doing here?"

Bea's brows arched up. Ang kapal din naman talaga ng babaeng ito para magtanong sa kanya kung ano ang ginagawa niya rito samantalang ito ang dahilan kung bakit nasira ang pagsasama nila ni Xander!

"Oh, Frances. Anon'g ginagawa mo rito? Paano kang nakapasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran ang kanyang narinig bago pa siya nakasagot sa babae. Bitbit ni Xander ang ilang mga maleta nila.

"Ah, eh... nakasalubong ko kasi si Inang kaninang umaga sa bayan. She said she's supposed to go here to prepare something dahil may bisita ka nga raw" sinulyapan siya nito "kaso may biglaan siyang kailangang asikasuhin sa bangko kaya nagprisinta akong ako na lang ang magluto" paliwanang ng babae.

"I see" tumango si Xander at pagkatapos ay walang sabing inakbayan siya "you still remember my wife, Beatrix, right?" nakangiting anito, pulling her a little closer towards him.

Beatrix wanted to shake off Xander's arm around her shoulder but she didn't want to give Frances that satisfaction.

"I'm pretty sure she remembers me...afterall, how could you forget me, right Frances?" makahulugan niyang tanong.

"o-of course! sino ba naman ang makakalimot sa isang Beatrix Montecillo?" Frances smiled bago natuon ang mga mata nito kay Mico na noon ay nagtatago sa kanyang likuran.

"a-anak mo?"

Nilingon niya ang anak at kinarga. "Yes" Beatrix answered.

Hindi lingid kay Beatrix ang mapanuring tinging ibinigay ni Frances sa anak. Siguradong nagtatanong sa isip nito kung si Xander ba ang ama ng anak niya.

"s-sige, mauuna na ako. Inilagay ko muna sa ref ang pagkain" anitong kay Xander nakatingin "akala ko kasi mamaya ka pa darating".

Bahagya lamang umiwas si Beatrix upang magbigay ng daan kay Frances palabas ng kabahayan. She maintained her poker face expression. Si Xander ay gumilid upang malayang makaraan si Frances.

"Baka hindi ka pa nananghalian? Saluhan mo na kami" anyaya ng binata

Beatrix couldn't help but roll her eyes sa narinig. For heaven's sake! Kadarting lamang niya ay kailangan na niya agad makaharap ang babaeng ito!

"It's okay Xander. Busog pa ako" tanggi ng babae.

"Pero ikaw ang nagluto. Thanks for doing that by the way, and, I insist..."

Frances glanced at her bago tila nahihiyang tumango.

Iningusan niya ito at nagpatiunang pumasok ng bahay, kasunod si Xander na bitbit ang mga maleta.

Beatrix surveyed the place nang makapasok. It's how she remembered it maliban sa ilang mga upgrades sa loob ng kabahayan.

Ang dating lumang hagdanan ay napalitan na ngayon ng bagong kahoy na makintab, ganoon din ang railings. May cornisa na rin ang kisame na nagpaganda sa kabahayan.

Ang simpleng fluorescent na ilaw sa salas ay napalitan ng isang hindi kalakihang chandelier. Maganda ang mga crytals na nakalawit mula roon, giving the light different spectres.

Marami na rin ang kagamitan sa kabahayn ang napalitan ng mas modernong mga gamit, gaya na lamang ng dating kahoy na mga upuan sa living room na ngayon ay mukhang de-klaseng italian leather set.

Malapit sa entrada ng kabahayan ay isang console table na katamtaman ang laki, katerno niyon ang isang malaking salamit na nakasabit sa likod ng mesa.

Beatrix walked towards the console table where there was a vase full of vibrant colored roses, a set of big decorative candles and a few pictures in frames. Marahang dinampot niya ang isa sa mga larawang nakapatong doon and she slightly gasped when she saw that it was their picture together, taken when they were in the car 5 years ago, pauwi ng San Gabriel. Parehas silang malapad na nakangiti ni Xander sa larawan, looking like the prefect couple in love. May kirot sa damdaming agad niya iyong inilapag muli sa mesa.

"Maghahain na ako" she heard Frances say. Si Xander ay abala pa rin sa ilang ulit na paglabas pasok upang isa-isang dalhin ang kanilang dalang maleta at mga bags.

"I'll do it" aniya. She turned around to Mico who was sitting at the couch "anak, mommy will just set the table, okay? Just stay here "

"k." sagot ni Mico na abalang kinakalikot ang robot na laruan nito.

Nagtuloy si Beatrix sa kusina, walking past Frances. Tahimik na sumunod sa kanya ang babae.

The kitchen was also upgraded. Moderno na rin ang backsplash niyon, maging ang mga cabinet sa kusina ay nagbago na. Ang dating maliit na kalang de-gasul ay napalitan na ng malaking stove and oven.

Overall, she was impressed at how this house was still old yet new. Sa kabila ng mga modernong upgrades na mayroon ang bahay ay napanatili ni Xander ang history at karakter na mayroon ang antigong arkitektura nito.

Lumapit siya sa mga cupboards at binuksan iyon upang tignan kung saan nakalagay ang mga pinggan.

"Second cupboard to your left" ani Frances na nakamasid sa kanyang likuran.

Walang kibo niyang binuksan ang cabinet at naglabas ng mga plato. Binuksan din niya ang isa pang cabinet sa counter at naglabas ng mga kubyertos.

"I saw you're engagement on national television" kumento ng babae.

"Oh talaga?" huminto siya sa ginagawa at humarap dito "Were you following my shows and guestings? fan ba kita?"

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng babae, wala pang laban pero tila natalo na ang ekspresyon ng mukha nito.

"Bakit ka bumalik Bea? Ano'ng kailangan mo kay Xander?"

"I don't have to explain to you"  she said coldly  "and just so you know, ako pa rin ang asawa ni Xander, so I have all the right to be here...ikaw? what right do you have to be here?" matapang na tanong niya.

Hindi nakaimik si Frances. Her face seemed like she wanted to tell her something ngunit sa bandang huli ay nagbaba lamang ito ng paningin.

"I think I better go" anito na umalis ng kusina.

Sinundan ito ni Beatrix at naabutan niya itong kausap si Xander upang magpaalam.

"Wala ka bang nakakalimutang ibalik sakin Frances?"

Napalingon ito sa kanya, agad bumalatay ang pag-aalala sa mukha nito.

That's right. You better move over you wench! Now that I'm back, I won't ever let you scare me again!

"h-ha?"

She raised an eyebrow "I think you have something that you need to give back to me"

Maging si Xander ay nagtatakang napatingin sa kanya at pagkatapos ay kay Frances.

"...the key" ani Beatrix. "Hindi mo ba ibabalik ang susi ng bahay ni Xander? I'm assuming ibinigay sa'yo ni Inang ang susi kaya ka nakapasok sa bahay kanina?" painosenteng tanong niya.

Sa wari niya ay nakahinga ng maluwag si Frances dahil napabuga pa ito ng hangin at ngumiti "O-of course! here you go" anito na dinukot ang susi mula sa maliit na bag na dala at iniabot sa kanya.

Matapos nitong maiabot ang susi sa kanya ay walang salita niya itong tinalikuran at muling pumasok ng bahay, hindi na niya hinantay na matapos ang pagpapaalam ng babae.

******

The three of them quietly had lunch together kahit pa halos hindi niya nagalaw ang pagkain dahil sa tuwing maiisip niyang si Frances ang nagluto ay nawawalan siya ng gana. Her pride won't allow her to swallow the food that Frances made.

Xander helped her clean up the dishes at pagkatapos ay niyakag nito si Mico upang ipakita ang magiging silid.

"are you ready to see your room?" masiglang tanong ni Xander sa anak.

Mico excitedly nodded. Magkahawak kamay ang dalawang umakyat sa silid sa itaas habang nakasunod siya sa mga ito.

"Tadaa!" Xander exclaimed as he opened the door to one of the rooms. Dalawa lamang ang silid sa taas at inaasahan na ni Beatrix na magkasalo sila ni Mico sa isang silid.

"wow!" ani Mico na excited pumasok ng kuwarto. The boy's room was playfully decorated with a baby blue wallpaper. Nakasabit sa dingding ang ilang framed pictures ng mga superheroes ng marvel. Sa isang gilid ay isang cabinet na may temang pambata rin at isang malaking toy chest na agad pinuntahan ni Mico.

"Wooooww!" malakas na bulalas ng  anak ng buksan ang toy chest. It was indeed filled with assorted toys. Sa kanilang bahay ay marami rin namang mga laruan ang anak at kung tutuusin ay hindi sabik, ngunit bilang bata ay hindi pa rin nito maiwasan ang ma-excite kapag may mga bagong laruan.

"do you like it?" nakangiting tanong ni Xander habang malambing na nakatingin sa bata.

"yes po!" tumakbo ito kay Xander at yumakap.

Beatrix silently sighed. Mukhang pinaghandaan ni Xander ang silid na ito, going as far as buying this much toys for Mico. Naputol ang kanyang pag iisip ng matuon ang paningin niya sa kamang naroroon sa gitna ng silid. It was a small car bed for a toddler! Saan siya matutulog sa silid na ito?

"uh, why is there only one small bed in here?" she asked

"well, this is Mico's room" matter of factly na sagot ni Xander

She glared at the man "this will be my room as well!" she declared

Mico looked at her at pagkatapos ay kay Xander "will mommy sleep here with me?"

Lumuhod si Xander sa tapat ni Mico and lovingly ruffled his hair "this is your room, little tiger. Mommy will be with daddy in the other room"

Daddy?! Did he really just call himself Mico's dad?!

She gave Xander an incredulous look "hold on!"

"You're my dad?" Mico asked, his eyes welling up suddenly as he stared at Xander.

"yes" walang alinlangang sagot ng binata.

Parang kinurot ang puso ni Beatrix sa nakitang reaksyon ng anak. Mico hugged Xander tightly "daddy! bakit po ngayon lang ikaw dumating? I waited po for you"

Tumulo ang mga luha ni Beatrix sa nakita. Agad siyang tumalikod kay Xander upang hindi nito iyon mapansin, wiping her tears away.

Was she wrong for not introducing Mico to his father all this time? Ngunit paano kung kuhanin ng binata sa kanya ang anak? No! She cannot lose Mico as well!

"so, okay lang ba na si Mico lang dito sa room na ito?" tanong ni Xander sa bata.

"uh-hum!" masiglang tango nito. Lumapit ito kay Beatrix at hinawakan siya sa kamay, nagpatiubaya naman siya sa nais ng anak.

Hinila siya nitong palapit kay Xander at pagkatapos ay kinuha rin ang kamay ng lalaki at pilit pinagdantay ang mga kamay nila.

"mommy, kiss daddy" ani Mico na ikinalaki ng mata niya. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng anak!

Hindik siyang napatingin kay Mico. "Mico! where did you learn that? Don't say that -" her voice trailed off when Xander brought his face near hers without saying a word, his eyes smoldering at her.

"you heard what the kid said" anas nito sa kanya at mabilis na inilapat ang mga labi sa mga labi niya.

Her heart skipped a beat. Parang lumundag ata ang puso niya sa kanyang lalamunan sa ginawa nito. Her eyes automatically closed when his lips touched hers.

It was a short, sweet peck on the lips. Ngunit nakaalis na ang mga labi ni Xander sa kanya ay nanatili pa rin siyang nakapikit. Her breathing faster than normal.

"...don't worry, princess. I will make sure to give you a proper kiss tonight" mahinang bulong nito sa kanyang tenga. She flung her eyes open at nakita niya ang mukha nitong nakalapit pa rin sa kanya. Nakalulusaw ang titig nito sa kanyang mga mata at nasa mga labi ang isang pilyong ngiti.

"dream on!" she hissed at mabilis na tumalikod palabas ng silid.

She went to the washroom and frantically closed the door behind her at sumandal doon. Tinutop niya ang tapat ng puso.

Damn it! Ang tanga mo talaga Beatrix! sermon niya sa sarili.

Ipinikit niya ang mga mata at kinalma ang sarili. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang hindi sila magsama ni Xander sa iisang silid! Hindi niya kayang pagtiwalaan ang sarili pagdating sa binata, dahil simpleng pagdampi pa lamang ng labi nito sa kanya ay parang kinakarera na ang puso niyang nanahimik.

Hindi pa nakalilipas man lamang ang isang araw simula ng pagtapak niya sa San Gabriel ay ganito na agad ang mga pangyayari! How can she manage to stay with him for 3 months? Paano niyang magagawang rendahan ang sarili niya na tila nawawala sa katinuan kapag malapit na si Xander sa kanya?

She had underestimated Xander all this time! He carefully planned everything, at isang bintahe pa nito nang matuklasan ang tungkol kay Mico. Kahit pa i-deny niyang anak nito ang bata ay hindi nagpaawat si Xander na kumpirmahin sa paslit na siya ang ama nito! How can she possibly contradict that statement with Mico and crush his heart, gayong kitang kita niya ang ningning sa mga mata ng anak nang sabihin ni Xander na siya ang ama nito kanina? Ngayon niya tila gustong pagsisihan ang naging desisyon! She really did jump straight into Xander's carefully laid trap!

Too late to back out now! tila nang iinis na bulong ng tinig sa isip niya.

Marahas siyang huminga at mahinang iniuntog ang ulo sa pintuan. This is getting more complicated than she thought!