Chereads / Wild Heart / Chapter 32 - Chapter Thirty Two

Chapter 32 - Chapter Thirty Two

Hindi mabilang na naglalakihang puno ng mangga ang nakahilera sa magkabilang panig ng sementadong daan na kanilang tinatahak papasok sa maluwang na property na iyon. Ang mga luntiang dahon ng mga puno ay tila kumikinang sa pang umagang sikat ng araw ng tumatama sa mga ito.

Pinagsawa ni Beatrix ang mga mata sa paligid, hindi pa rin mapaniwalaan ang mga nakikita. She glanced at Xander who's still focused driving, nasa mga labi nito ang isang ngiti.

"W-what's this place?" tanong niya kay Xander habang ang paningin ay iginala pa rin sa tinatahak na daan.

Xander briefly glanced at her and smiled "your kingdom, princess"

"what?"

"A princess sure needs a kingdom, right?"

"oh please Xander! Mag seryoso ka nga!" humalukipkip siya at lumabi.

Sumeryoso ang mukha nito "naalala mo ba yuong business venture namin ni Arthur noon?" sinulyapan siya nito "well, it led to this. I"ve built this with sweat and blood over the last 5 years, Beatrix" he paused  "...I"ve built this for you..."

She inhaled sharply sa narinig na sinabi ng binata. What does he mean? He built this for her? Kaya ba pinangalanan nito ang lugar na iyon ng 'Princess Luna'?

Sinungaling! Did you feel so guilty about betraying me that you were trying to make amends by naming this place after me? 

Malungkot niyang ibinaling ang paningin sa daan. Hindi maibabalik ng lugar na ito ang mga nawalang panahon sa atin, Xander...at hindi rin nito matatanggal ang katotohanang niloko mo ako..

"This place started as an organic mango farm" paliwanag ni Xander sa kanya "but then over the years, we thought of turning part of it as a farm resort. Nakapag patayo kami ng isang maliit na resort house na tumatanggap ng mga bookings all throughout the year" naroon ang pagmamalaki sa tinig nito.

"Good for you" maikling tugon niya na hindi man lamang ito nilingon.

Bringing me here won't change anything between us.

Hindi nagtagal ay iniliko ni Xander ang sasakyan pakaliwa, leading them to a nicely paved pathway na nalilinyahan ng iba't ibang halaman at bulaklak. Sa dulo niyon ay natanaw ni Beatrix ang isang cottage style na resthouse.

Xander parked in front of the building. Puti ang kulay niyon at bagaman yari sa kahoy at bato ay mas moderno ang arkitektura. Malalaki ang mga glass windows ng bahay at maging ang pintuan ay yari sa salamin. May ilang baitang na hagdan paakyat sa terasa, leading to the entrance of the inn. May ilang pares ng puting wicker chair ang naroroon sa gilid at ilang potted plants ng palmera at mga rosas ang magandang nakahilera doon, giving the place an even warmer, more homey vibe.

Welcome to Princess Luna. Iyon ang nakasulat sa animo'y wood plank na nakatayo malapit sa pintuan.

Bumaba si Xander mula sa sasakyan at umikot sa kanyang gilid upang buksan ang paseenger side. Inilahad nito ang kamay sa kanya upang alalayan siyang makababa ng sasakyan. Hindi niya inabot ang kamay nitong nakalahad at sa halip ay umibis mag isa. She heard Xander chuckle ngunit wala itong ibang sinabi.

"So, what do you think?" anito sa kanya habang nakangiting nakatunghay sa resthouse sa kanilang harapan. "It only has 8 rooms. Sa susunod baka makapag expand pa since mas maraming demands"

"It looks good." She said in a flat tone kahit pa ang totoo ay na-impress siya sa lugar na iyon.

"There's an infinity pool at the back. Mayroon ding maliit na horse stable para sa mga nais mag horse back riding. A huge part of this land is organic mango farming. Malaking bahagi ng income ay mula pa rin sa mga manggang ine-export"

"You don't need to explain all of these things to me, Xander" humarap siya rito "I'm not interested to know"

Xander's smile vanished, halatang bahagyang nasaktan sa sinabi niya. Gusto niyang sipain ang sarili sa naramdamang guilt sa kanyang sinabi at sa nakitang reaksyon ni Xander.

"Let's go in" pag-iiba nito sa usapan at hinawakan ang kamay niya upang isama siyang pumasok sa rest house.

Kung maganda ang panlabas ng resthouse ay impressive din ang loob. Ang sahig nito ay makintab na kahoy na yari sa narra. Puti rin ang kulay ng interior na nag contrast ng mabuti sa malalaking wood beams na ang kulay ay kaparehas ng sahig. Ilang mga makukulay na abstract art pieces ang nakasabit sa dinding, na nagbigay lalo ng kulay at elegance sa lugar.

Mayroong malaking reception desk sa gilid at isang unipormadong babae ang naroroon. Her uniform was a Filipinana inspired outfit, may katerno pa itong bandana sa ulo.

"Welcome po sir" magalang na bati nito kay Xander, pagkatapos ay namilog ang mga mata nang matuon ang pansin sa kanya. Tinutop pa nito ang bibig na halatang na star-struck sa kanyang presensya.

"K-kayo po si Miss Luna, hindi po ba?"

Oh darn! Dahil sa basta na lamang siya isinakay ni Xander sa sasakyan ay hindi man lamang siya nakapagdala ng shades or anything to cover her face with! Ngayon ang lahat ng tao rito ay makikilala siya.

She smiled at the girl "yes"

Tila hindi pa rin ito makapaniwala na makita siya sa personal. Maya maya ay nahihiya nitong inilabas ang cellphone "pwede po bang magpa picture?"

She glanced at Xander who's now busy looking at some log book na inilabas ng babae sa reception desk, tila hindi nito pansin ang nangyayari.

"s-sure. Kaya lang huwag mo sanang i-post muna sa social media ha. No one knows I'm on vacation here"

"Opo!" masayang tugon ng babae.

"Oh Xander, you're here!" anang isang tinig ng babae na pababa mula sa hagdan galing ng ikalawang palapag.

Tumingin siya sa pinanggalingan ng tinig at nakitang bahagyang natigilan ang babae ng makita siya, ganoon pa man ay sandali lamang iyon. Lumapit ito sa kinaroroonan nila ni Xander.

Beatrix unknowingly clenched her jaws. Ikaw na naman?! Parang anino itong si Frances na wala yata siyang balak lubayan!

"Maaga ka yata ngayon?" anito kay Xander

"Yes. Gusto kong sulitin ang araw at nang mailibot ang misis ko dito sa farm" Nilingon siya ni Xander "Frances is the manager of this place" paliwanag ng binata.

Muntik na siyang maubo sa sinabi ni Xander. "Misis ko."  Paano kung marinig ito ng receptionist? She nervously glanced at the girl behind the reception desk, mabuti na lamang at tila abala na ito sa ginagawa sa computer at mukhang hindi narinig ang sinabi ni Xander.

Lumapit siya sa likod ni Xander at binulungan ang lalaki "can you please refrain from calling me that lalo at nasa publikong lugar?"

The man turned around and placed his arms on her shoulder "I don't care" he whispered back and sweetly smiled at her.

Sarkastiko ang ngiting iginanti niya rito "maeeskandalo ako ng todo sa ginagawa mo"

"Ako'ng bahala Mrs. de Silva" tugon nito na tila naka plaster na sa mga labi ang matamis na ngiti.

Marahas niyang inalis ang braso nitong nakaakbay sa kanya.

"Can you show me where the washroom is?" tanong niya kay Frances sa malamig na tinig.

"Ah...s-sure. This way..."

She followed Frances to the end of the hallway.

"Thanks" she muttered as she went in.

Maluwag at malinis ang CR. 3 cubicle ang naroroon at ang isang side at naookupa ng malaking salamin at tatlong lababo.

She sighed when the door closed behind her and stared at her own reflection in the mirror. Itinukod niya ang dalawang kamay sa counter. Ano ba itong gulong pinasok niya? Ikalawang araw pa lamang simula ng magsama silang muli ng binata ngunit pakiramdam niya ay para siyang nasa roller coaster sa mga nagaganap.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Frances. Nagtungo rin ito sa harap ng salamin at nagpahid ng lipstick sa labi.

"Bakit ka bumalik, Bea?" direktang tanong nito.

Tumaas ang isang kilay niya sa tanong ng babae. How dare this woman ask her that question?! Sino ba ito ngayon sa buhay ni Xander? As far as she could tell, hindi nagsasama ang dalawa, ngunit hindi niya matiyak kung ano ang relasyong mayroon ang mga ito. What happened 5 years ago after she left is still unclear to her.

Nakakainsulto siyang tumawa "who do you think you are para itanong sa akin 'yan?" she turned to face her  "sino ka ba sa buhay ng asawa ko?"

"H-hindi mo naman siguro nakakalimutan ang nangyari dati, hindi ba?"

"Oh yes. How could I forget? You mean the time na inahas mo ang asawa ko?"

Namula ang mukha ni Frances sa sinabi niya "Xander was mine first! Ikaw ang nang agaw sa kanya! Ikaw ang unang nang agaw! Masama bang bawiin ko ang dating akin?"

"So? nabawi mo ba? Official na querida ka na ba ngayon?" mataray niyang tanong dito and inched closer to the woman "dahil 'yun lang ang pwedeng maging titulo mo, Frances. As long as I am Xander's wife, you will never be anything more than a mistress" she chuckled insultingly  "isa pa, I gave you 5 years to make him fall for you again. Kung hindi mo iyon nagawa sa nakalipas na limang taon, I doubt you can do it kahit pa habang buhay ang ibigay ko sa iyo!"

"Umalis ka na lang! Maayos naman ang buhay mo! Nasa iyo naman lahat di ba? spoiled little rich girl, at ngayon hindi ba may Daniel ka na? Alam ba ng mga tao na kahit may fiancee ka na ay nakikisama ka ngayon sa ibang lalaki?"

"Is that a threat?"

"I'm just saying..."

"Don't you dare threaten me, Frances. You don't know the influence I have... baka magsisi ka" tinitigan niya ito sa mga mata. She's never threatened anyone in her entire life kahit pa galing siya sa isa mayaman at maipluwensyang pamilya, ngunit pagdating kay Frances ay nagiging agresibo siya. The woman can really make her blood boil!

Frances raised her hand and combed her hair with her fingers. Hindi nakaligtas sa paningin ni Beatrix ang singsing na suot nito sa palasinsingan. Agad na gumuhit ang sakit sa kanyang puso. The pain she thought was long gone.

A satisfied smile crossed Frances' lips nang makita ang pagkatigil niya. Sinadya talaga nitong itaas ang kanang kamay upang makita niya ang suot nito sa daliri.

"are you okay?" patay malisyang tanong nito.

"why won't I be?" she gave her the practiced smile she uses with the press on interviews "I better go. My husband is waiting for me"  tinalikuran niya ang babae na naiwang nagpupuyos sa inis.

Sa labas ay ilang mga staff ng resort ang nakakilala sa kanya. Ang ilan ay nagpa picture habang ang ilan naman ay nagbubulungan ngunit nahiyang lumapit.

Her eyes roamed around the area, hinahanap si Xander.

"Ma'am nasa stable ho si sir" wika ng receptionist na lumapit sa kanya.

"huh? where's that?"

"sasamahan ho kayo ng isa sa mga staff" sinenyasan nito ang isang staff na dagling lumapit sa kanya.

They rode a golf buggy patungong kuwadra kung saan inabutan niya si Xander na ini-re-ready ang isang malaking puting kabayo. Nakapagsuot na rin ito ng riding boots.

"took you long enough" kumento nito nang makita siyang palapit

"Xander, just what are you doing?" kunot noong tanong niya.

"I'll take you riding"

"NO!" she immediately protested.

"Takot ka ba? If I remember correctly, isa sa mga TV shows mo ay may eksenang nangangabayo. Don't tell me double lang 'yon?" nang-iinis na wika nito.

"Duh?! of course that was me! But look at what I'm wearing right now!" hinagod niya ng tingin ang sarili. She was wearing spaghetti strap blouse na hakab sa katawan, nakapaloob iyon sa cotton, pleated skirt na lampas tuhod ang haba. Sa mga paa niya ay simple brown leather sandals na mayroong dalawang malapad na strap na nakapaibabaw.

"Don't worry princess. Iaangkas lang naman kita. You'll be fine."

Her eyes bulged from their sockets sa sinabi nito. What?! They will be using the same horse? Magkakalapit na naman sila? No! No! No! Not a good idea!

She immediately envisioned his arms around her habang siya ay nasa harapan nito. His body right next to her, and dibdib nito ay nakadikit sa likod niya.

Ipinilig niya ang ulo "Ayoko nga! Bakit ako aangkas sa iyo?! Maiiwan na lang ako dito!" Pumihit siya upang muling puntahan ang golf buggy ngunit nakaalis na pala ito.

Xander laughed "don't be too scared of me, Beatrix. Hindi naman ako nangangagat" makahulugang sinabi nito, nasa mukha ang pagka-aliw.

"never! hindi ako sasakay diyan kasama ka!" she started walking away. Mabilis siyang hinabol ni Xander, grabbing her arm. Marahan siyang binaltak nito palapit that she slammed against his body from the force.

"Bakit ba napaka tigas ng ulo mo? Malayong lakarin pabalik ng resthouse!"

Beatrix's chest heaved. Abot abot ang pagkabog ng kanyang puso.

"Xander, will you please..." binawi niya ang braso rito at humakbang paatras.

"Huwag ng makulit Beatrix!" ma-awtoridad na wika nito.

Natanaw ni Beatrix and sasakyan ni Xander na naka park sa isang gilid.  "Give me the keys. I will drive myself then I will ask someone to bring the vehicle back here"

Xander pulled out the key from his jeans' pocket at akala ni Beatrix ay ibibigay ng binata iyon sa kanya. Itinaas nito ang susi upang ipakita sa kanya at muling ibinulsa, making sure she sees where he puts it "Take it from here if you can" hamon nito.

Sinundan ni Beatrix ng tingin ang pinaglagyan nito ng susi. Sa harapang bulsa iyon ng hapit na pantalong maong na suot nito. She could see the key bulging from his pocket but she could also see another thing bulging, malapit dito. She blushed and turned her eyes away.

"what? too chicken to do it?" nang-iinis na ani Xander, sinabayan iyon ng tawa.

"You devil! I hate you!"

"come on. Get on" na ang ibig sabihin ay sumakay na siya sa kabayong inihanda nito.

Inirapan niya ito at nagdadabog na lumapit sa kabayo upang sumakay. Medyo nahirapan siya sa pagsampa kaya't iniangat siya ni Xander mula sa baywang. Pagkatapos ay sumampa ito at ipinuwesto ang sarili sa kanyang likod.

She was very aware sa pagkakadikit ng katawan nito sa kanyang likod, gayon din ang mga braso nitong nakapaakap sa kanya habang nakahawak sa renda. She inhaled, ipinikit ang mga mata at sinubukang payapain ang nagwawala niyang puso. Tila may mga paru-paro sa kanyang sikmura sa pagkakalapit nila.

"Hya!" bahagyang sinipa ni Xander sa tagiliran ang kabayo upang tumakbo. Hindi nagtagal ay nililibot na nila ang kaluwangan ng lupaing iyon.

Katulad ng sinabi ni Xander ay malaking bahagi niyon ang pataniman ng mangga, ngunit mayroon ding ibang bahagi na ibang pananim ang umookupa. Ayon kay Xander ay para iyon sa mga guests ng resort na gustong mag harvest ng ilang gulay na maaring iuwi ng mga ito o kaya naman ay ipaluto sa kanilang cook upang kainin.

Hindi na namalayan ni Beatrix na nag-eenjoy na siya sa paglilibot at nabawasan na rin ang tensyon sa pagitan nila ng binata. She found herself even laughing at some of his jokes.

Maya maya ay narating nila ang isang tila maliit na burol. Pinahinto ni Xander ang kabayo at bumaba sila. He led her to a shade under a huge mango tree. Nagpaunlak naman siya. What's the use of protesting now anyway? Masusunod pa rin naman ang nais ni Xander.

She sat under the huge tree at isinandal ang likod niya sa puno. Presko at sariwa ang ihip ng hangin na labis niyang nagustuhan. She closed her eyes and contentedly filled her lungs with air.

She felt Xander sit next to her ngunit hindi siya nagmulat ng mga mata. Napapitlag siya ng maramdaman ang daliri nito sa kanyang mukha, hinawi ang mga buhok niyang tumakip doon dala ng hangin. His touch felt so soft, like a feather grazing her skin.

"You're as beautiful as ever, my princess" he whispered. Ang isang daliri ay ipinaglandas sa kanyang ilong, pababa sa kanyang labi.

She opened her eyes to look at him. It wasn't lust but tenderness she saw in his eyes.

He gently tucked in some hair behind her ear, then his hand cupped one side of her face, ang mga mata nito ay hindi humihiwalay sa kanyang mukha.

She gulped. She knew she had to turn away from him fast! Kung hindi ay alam niyang pagsisisihan niya ang susunod na mangyayari.

Marahang lumapit ang mukha ni Xander sa kanya, stopping a few inches away from hers, na para bang binibigyan siya ng pagkakataong tumanggi.

Nasisiraan na nga siguro talaga siya ng ulo dahil imbes na lumayo ay ipinikit niya ang mga mata.

Today...just for today, she will let her sound mind fly in the air. Hindi na siya magpapaka ipokrita sa sarili, kahit ngayon lamang. She wants to feel his lips on hers...

She wants him to kiss her for God's sake!