Chereads / Wild Heart / Chapter 38 - Chapter Thirty Eight

Chapter 38 - Chapter Thirty Eight

Ipinarada ni Xander ang sasakyan sa malaking parking lot sa harap ng building na iyon. He glanced at his watch. 10:30 AM. He is already 2 minutes late for his meeting. He shrugged his shoulders, it can't be helped anyway, hindi niya mahahayaang hindi siya ang maghatid sa asawa sa airport. Beatrix's flight was at 8:00 this morning, at kahit pa maaga naman din siyang nakaalis ng airport ay inabot pa rin siya ng siyam-siyam sa traffic.

Matapos mai-lock ang sasakyan ay nagtuloy siya sa ika0anim na palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng kaibigang si Arthur.

"Late ka bro" bungad ni Arthur sa kanya nang pumasok siya ng silid.

He chuckled "sensya na pare, ihinatid ko pa si Beatrix sa airport". He sat on one of the leather couches accross Arthur's desk.

Ngumisi si Arthur "so you're really back together huh? good for you" nilapitan siya nito at tinapik sa balikat bago naupo sa katabing couch.

"At long last pare" natawang sagot ni Xander.

"Dala mo ba ang mga papeles?"

Tumango siya at inilapag ang isang malaking sobre sa lamesa.

Just a month ago ay nagsabi si Arthur sa kanya na nais nitong ilipat sa pangalan ng asawang si Mylene ang shares nito sa Princess Luna, therefore his friend officially wrote a letter to him saying that his shares would be pulled out. Which is technically true, dahil kailangan munang ilabas ni Arthur ang shares at pagkatapos ay muling ipasok as an investment under Mylene's name. However, he managed to convince his friend in the process to sell him half of those shares, which will make him own 75% of the total shares, making him the biggest shareholder of Princess Luna. At first, Arthur was hesitant, pero marahil ay alam ng kaibigan kung gaano kahalaga para sa kanya ang Princess Luna kaya naman nagpatiubaya ito, isa pa, mayroon pa silang isang nais simulang business venture and he promised Arthur 50% of shares sa bagong negosyo kapag nag materialize.

Arthur opened the envelope and pulled out the papers. Pinaraanan nito ng paningin ang nakasulat sa papel pagkatapos ay muling isinilid sa lalagyan. "I will ask Mylene to sign these tonight. Ano na ang development sa pinag uusapan nating negosyo?"

"I'm still in talks with the other company. I will let you know when they give us the final quote" Tumayo siya mula sa kinauupuan "let me know kapag napirmahan na ang mga papeles para maiabot ko kay Attorney Domingo"

"Sure, bro. Pero teka, aalis ka na ba agad? Mag lunch muna tayo"

"May appointment pa ako sa isang potential exporter natin sa San Gabriel ng alas tres, sa traffic ngayon, baka hindi ako umabot, nakakahiya naman"

Tumayo rin si Arthur at inilahad ang kamay sa kanya. He chuckled at inabot ang kamay nito. Arthur's being such a bugger, sa tagal niyang kakilala nito ay hindi pa ito umakto ng pormal sa harapan niya.

Kinabig siya ni Arthur ang gave him a pat on the back "masaya ako para sa iyo, pare. Sana tuloy tuloy na 'yan" his friend said with a smile.

He smiled too "I'll make sure na tuloy tuloy na ito"

Palabas na siya nang muling magsalit si Arthur "When Bea's back, maybe the four of us can have dinner together?"

Nilingon niya ang kaibigan at tumango bago tuluyang lumabas ng silid.

Ilang saglit pa ay tinatahak na niya ang daan palabas ng siyudad. He couldn't help smiling. Isa isa ng natutupad ang lahat ng mga pangarap niya. First, Beatrix is finally back in his arms, then, Princess Luna is doing extremely well and he will soon own the majority of the shares. He is not being greedy in any way, but Princess Luna is his greatest achievement na inilalaan niya para kay Beatrix at Mico. Alam niyang sa yaman ng pamilya ng asawa ay maaaring hindi pumantay ang kaya niyang ibigay, but he still wants to do his best to provide for them, na kahit hindi niya mapantayan ang karangyaang nakasanayan ni Beatrix, ay maaari niya itong bigyan ng isang kumportableng buhay.

He smiled contentedly. Pagbalik ni Beatrix mula Singapore ay maaari na nilang pormal na kausapin ang mga magulang nito upang ipahayag ang muli nilang pagpapakasal. He will give her a grand wedding this time. He could already picture her wearing the perfect wedding dress, tiyak na lalo itong magmumukhang diyosa sa kagandahan. At si Mico, ang kanilang anak na ang magiging ring bearer sa muli nilang pagpapakasal. He hasn't discussed yet with Beatrix where she'd like to go for their honeymoon but he's thinking maybe in the Bahamas? Ilang beses na nabanggit ng asawa sa kanya na mahilig ito sa beach.

He reached out for the radio and turned it on. Pumailanlang ang isang lumang tugtugin.

She may be the face I can't forget

A taste of pleasure or regret

May be my treasure or the price I have to pay...

He hummed to the tune of the song habang awtomatikong rumehistro sa isip ang mukha ng asawa. He laughed soflty like a lunatic, daig pa niya ang isang teenager na na-inlove sa unang pagkakataon. Naiiling na tinawanan niya ang sarili. Di bale nang maging baliw, kung ganito naman pala kaligaya ang pagiging isang baliw.

His phone rang and he reached for it from his pocket at sinagot iyon. Si Trixie ang nasa kabilang linya, the new manager of Princess Luna matapos mag resign ni Frances a few months ago.

"Yes Trix"

"Sir, malapit na ho ba kayo?"

Sinulyapan niya ang relo "Maybe another hour, bakit?"

"Ah..eh... ano ho kasi sir, may kaunting problema ho"

Nagsalubong ang mga kilay niya "ano'ng problema?"

"Nandito na ho kasi yung ka0meeting niyo. And they don't look happy that you're not here yet"

"Alas tres ang meeting namin, hindi ba?"

"About that sir..." narinig niya ang pagkapahiya at pag aalangan sa boses ng babae "Kuwan ho kasi sir....sorry po, mali po pala ang oras na naibigay ko sa inyo. Ala-una po pala dapat sir...I'm very sorry po"

"Shit!"

"S-sorry po talaga..." parang maiiyak na ang boses ni Trixie sa kabilang linya

He sighed at ihinilamos ang isang kamay sa mukha "tell them I will be there very soon. Please apologize to them for me. Just say something urgent came up kaya kinailangan kong lumuwas" iyon lamang at pinatay niya ang telepono.

Fuck! This is a very important meeting at hindi maaaring hindi niya mai-finalize ang deal!

Diniinan pa niya ang tapak sa selinyador at pinaharurot ang sasakyan. If he drives just a little bit faster, he will probably make it there sooner than an hour.

His speedometer read 140. Mabuti na lamang at nasa isang karatig bayan na siya ng San Gabriel at walang speed limit sa maliliit na bayang tulad nito at mainam rin na diretso lamang ang simentadong kalsada at hindi paliko-liko.

Muli siyang sumulyap sa relong suot at muling napamura. He could kill Trixie! The clients have been waiting for him for more than an hour by now!

Ganoon pa rin kabilis ang kanyang takbo ng mula sa kung saan ay may sumulpot na isang tricycle. Puno iyon na pati sa bubong ay mayroong isang batang nakaupo. Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa tulin ng kanyang takbo ay tiyak na susuruin niya ang maliit na tricycle na iyon, at paniguradong titilapon ang mga sakay niyon.

He has to decide! Stepping on the break isn't a good idea too dahil malamang na tumaob din ang sasakyan niya sa bilis ng takbo niya, maaari ring abutan pa rin ang maliit na tricycle na patawid.

Fuck! Tagis bagang niyang kinabig ang manibela sa kaliwa, dahilang upang suungin ng kanyang pick-up truck ang kabukiran sa kaliwa. Dahil mabilis ang kanyang takbo at bigla ang pagkabig niya ng manibela, ay parang isang laruang nagpa gulong gulong ang kanyang sinasakyan!

Nang huminto sa pag gulong ang sasakyan ay alam niyang nakatiwarik siya. Mabuti na lamang at suot niya ang seatbelt. Naramdaman niya ang pag agos ng dugo mula sa kanyang ulo, kasabay ng panlalabo ng paningin.

"B...ea..trix..." ang huling pangalang namutawi sa kanyang labi bago siya tuluyang nawalan ng malay.

*******

"Good take, Luna! Just like that!" masayang bulalas ng direktor. Lalong niyang pinagbuti ang pag po-project sa harapan ng camera. She was already halfway through the photoshoot. Kadarating lamang niya kanina ng Singapore at matapos makapag pahinga ng bahagya ay diretso na siya sa shooting. Sa mga susunod na araw ay halos buong araw lagi ang shooting niya.

"okay, we'll take a quick break!" deklara ng direktor.

Agad na lumapit kay Beatrix ang mga assistant to re-touch her make-up at ayusing muli ang suot niya. She lazily sat down on the couch at kinuha ang telepono niya upang i-check. Sigurado ay may mga texts na sa kanya si Xander by now.

20 missed calls from her mother in law. She frowned. Hindi naman siya normally tinatawagan ng nanay ni Xander.

She pressed on the number to call back. Naka ilang ring iyon bago may sumagot sa kabilang linya.

"H-hello?" boses ng ina ni Xander ang bumungad. Hindi nakaligtas sa tenga ni Beatrix ang tila panginginig ng tinig ng matandang babae.

"Inang? tumawag ho kayo? Pasensya na ho at nasa shooting pa-"

"Bea...si...si Xander..." humikbi ito. Agad na sinakmal ng takot ang dibdib ni Beatrix, napatayo siya sa kinauupuan sa pagkabigla ng mga assistants na nag aayos sa kanya.

"A-ano ho ang nangyari? Wh-what about Xander?" pigil hiningang tanong niya.

"Si Xander hija..." tuluyang napaiyak ang kausap.

"Ano hong nangyari kay Xander?!" She asked, panic slowly arising from her chest. Namimilog ang mga mata niya habang hinahantay ang sagot ng kausap.

"N-naaksidente si Xander, hija...nasa ospital siya ngayon at-"

"ho?!" Naitutop niya ang kamay sa bibig. She went as pale as a ghost and couldn't say anything for the moment.

Narinig niyang huminga ng malalim ang ginang bago patuloy na nagsalita "Pauwi na siya ng San Gabriel kanina ng...ng maaksidente siya... narito siya ngayon sa ospital sa San Geronimo pero mamaya ay ililipat namin siya ng Maynila dahil ayon sa mga doktor ay baka kailanganin niyang operhan" patuloy sa pag iyak ang ina ni Xander habang isinasalaysay sa kanya ang nangyari.

Hindi niya namalayan na nag uunahang tumulo ang kanyang mga luha habang tutop pa rin ng kamay ang bibig, upang pigilan ang pagpalahaw niya ng iyak.

She bolted towards the door. She needs to leave! She needs to get back to the Philippines as soon as she can and be beside Xander!

Oh God! Paano kung may mangyaring masama sa asawa?!

"Luna! Where are you going?" tanong ng nagulat na direktor. All eyes were on her as she hurriedly left the room without even looking back.

"Hey Luna! wait! Luna!" narinig pa niyang sigaw ng direktor but she doesn't care. Humahangos siyang lumabas ng studio na iyon at pumara ng taxi. Wala siyang pakialam kung suot pa niya ang semi-gown na damit at nakasuot pa sa kanyang mga paa ang 6-inch heels. Hindi iilang tao ang pinagtinginan siya sa kanyang anyo lalo pa at hindi mapatda ang kanyang pag iyak.

"Hotel Continental please" she told the taxi driver as soon as she got in the cab.

Nang makarating ng hotel na tinutuluyan ay agad niyang sininop ang iilang gamit na nailabas niya kanina mula sa maleta, mabilis siyang nagpalit ng damit at matapos makapag check out sa hotel ay agad na tinungo ang paliparan, hoping that she could catch a flight back to Manila tonight. Ngunit sa kasamaang palad ay fully booked ang lahat ng flights pa Pilipinas ng araw na iyon, at ang pinaka maagang flight kinabukasan ay aalis ng alas Diyes!

Laglag balikat siyang naupo sa helera ng mga upuang naroroon at idinukdok ang ulo sa mga kamay. She cried silently, katakutakot na senaryo ang nagsalimbayan sa kanyang utak.

Paano kung may mangyaring masama kay Xander? Paano kung...mamatay ito?

Lalong lumakas ang paghikbi niya. No! She can't imagine life without him! God! Bakit ngayon pa ito kailangang mangyari kung kailan nakahanda na silang muling magsimula? Kung kailan unti-unti ng nabubuo ang kanilang pamilya?

Her phone rang. She answered it right away thinking it was her mother in law.

Boses ni Daniel ang nasa kabilang linya.

"Where are you Bea? Your director called me saying you hurriedly left the photoshoot without a word...Ano ba ang nangyari?"

She sobbed but couldn't say a word. Kinagat niya ang pang ibabang labi.

"Are you crying? Where are you? Pupuntahan kita." Nasa Singapore din si Daniel dahil magkatrabaho sila sa isang product endorsement na isho-shooting sana sa susunod na araw.

"I..I'm at the airport" nagawa niyang sabihin sa pagitan ng pag iyak.

"Ano ba ang nangyari? everyone's dead worried about you"

"I need to go home...now... si Xander..he..." hindi niya maituloy tuloy ang sinasabi dahil parang may bara sa kanyang lalamunan at naninikip ang kanyang dibdib.

"I'll be there. Don't go anywhere and just wait for me there okay?" ani Daniel bago ito nawala sa kabilang linya.

Hindi na niya malaman kung gaano siya katagal nakayupyop doon bago niya narinig ang tinig ni Daniel, lumuhod ito sa kanyang harapan at hinawakan siya sa balikat.

"Bea...what happened?"

She looked up and saw his worried face. Niyakap niya ito at malayang hinayaan ang sariling umiyak.

"Shh..it's okay, it will be fine" alo nito sa kanya, hinimas siya sa likod.

"Wh-what if something bad happens to Xander? Oh God! I..I can't..."

"He will be fine, sigurado ako. Ngayon, let's get you another hotel room para makapag pahinga ka muna..."

Inalalayan siya nito paalis ng paliparan.

******

Kinabukasan ay maagang silang muli ni Daniel sa airport. She was really thankful and relieved to have Daniel with her sa pagkakataong ito, dahil kahit paano ay naikalma niya ang sarili at nakapag isip ng maayos. Kung wala ang binata roon, ay hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gulong gulo ang isip niya at kung maaari lamang ay liparin niya ang pauwi upang mapuntahan na agad ang asawa.

Daniel was also kind enough to talk to her director upang i-postpone ang ilang araw pa dapat nilang shoot, saying that there was an emergency back home. Naging maunawain naman ang huli at pumayag na i-reschedule ang shooting.

Hustong makababa ng airport ng Maynila ay wala siyang inaksayang oras at tinungo agad ang ospital kung saan naroon si Xander. Ayon sa ina ng asawa ay nailipat si Xander ng ospital kagabi at hindi na kinailangan operahan ang binata. Gayon pa man ay hindi pa rin daw ito nagkakamalay.

Hila pa rin ang maleta at suot ang oversized na shades sa mga mata ay pinuntahan niya ang silid kung saan nakaratay si Xander. Ilang mga nurses at mga taong nasa pagamutang iyon ang mukhang nakakilala sa kanya dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pagbubulungan ng mga ito. She doesn't care at this point. The press can say what they want. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang marating ang tabi ng lalaking minamahal.

She pushed open the door and her eyes welled up in tears instantly. Xander's leg was in a cast, nakabenda din ang ulo nito.

"Oh God...Xander" halos nanginginig ang mga tuhod niyang nilapitan ito. Pumatak ang mga luha niya.

"Bea, hija" salubong ng ina nito. Ang ama ni Xander ay tahimik na nakaupo sa isa sa mga upuang nasa silid.

"K-kumusta na ho siya? a-ano ho ang sabi ng mga doctor?"

Bumuntong hininga ang ginang "May mga tests pa silang ginagawa, ngunit ayon sa kanila ay hindi na kailangan ang operasyon. Ang mahalaga raw ngayon ay magising siya...Ang sabi nila, nagka fracture daw ang bungo niya dahil sa lakas ng impact ng pag gulong ng sinasakyan niya..." namasa muli ang mata ng babae.

She walked towards Xander at naupo sa silyang nasa tabi ng kama. Hilam ng luha ang kanyang mga mata. Maingat niyang hinawakan ang kamay nito "I'm here, love...I'm here..." bulong niya rito sa pagitan ng paghikbi.

She refused to leave his side kahit pa sinubukan siyang hikayatin ng mga magulang ni Xander na umuwi muna upang makapag pahinga. She's not going anywhere! She's not leaving his side no matter what! Hindi na namalayan ni Beatrix kung kailan siya iginupo ng antok. Nakatulog siyang nakadukdok sa gilid ng kama, hawak pa rin ang kamay ng asawa.

Naalimpungatan siya ng maramdaman ang bahagyang pag kibot ng kamay nito.

Nag angat siya ng ulo to look at him.

"Xander?" tawag niya sa pangalan nito.

To her happiness, ay dahan dahang nagmulat ng mga mata ang binata. He still looks disoriented, hindi pa maka focus ng maayos ang paningin nito.

"Xander..." muling tawag niya rito. Mabilis siyang tumayo upang pindutin ang buzzer ng nurse na nasa ulunan ng higaan nito. She has to alert the doctors that he regained consciousness.

Thank God! Nakahinga siya ng maluwag na nagkamalay na ito.

She pressed the button just as Xander spoke. Natigilan siya sa narinig. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig.

"F...Fran..ces..."

Naguguluhang muli niyang nilapitan ang asawa at ginagap ang kamay "Andito ako love...Xander..."

Xander's gaze was fixated on her face, yet she could not see any emotion in them, na para bang hindi siya kilala nito.

"Nasaan ako?" garalgal ang tinig ng binata.

"Huwag ka munang magsalita...tatawagin ko ang doctor" she said, forcing a smile as she stood up to press the buzzer again.

"Sino ka?" malamig ang tinig ni Xander "sino ka at ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Frances? Nasaan ang girlfriend ko?"

She slowly turned around and looked at him in horror as the picture became clearer to her.

Hindi siya kilala ni Xander! Hindi siya natatandaan ng asawa!