Chereads / Wild Heart / Chapter 43 - Chapter Forty Three

Chapter 43 - Chapter Forty Three

"What if we just bring Mico with us to San Gabriel?" Tanong ni Xander sa kanya na nagpahinto kay Beatrix sa ginagawang pag-eempake ng ilang mga gamit sa bag.

Mamayang hapon ay uuwi na sila sa probinsya. Nilingon niya ang binata. His back was turned against her, nakadungaw ito sa bintana, overlooking the garden.

She couldn't help but smile before answering. Hindi niya inaasahang kahit paano ay mukhang madaling natanggap ni Xander ang ideyang siya ang asawa nito at anak nila si Mico.

"I wish we could do that, but it's the middle of the school year. Hindi ko naman maaaring basta na lamang i-pull out si Mico mula sa paaralan" Nito lamang taon nagsimulang u-mattend ng Pre-Kinder classes ang anak sa isang sikat na montessori school.

"Are you okay leaving him?" Bumaling ito paharap sa kanya, nasa mukha ang pag-aalala.

She sighed. Ang totoo ay napaka hirap din para sa kanya ang desisyong iwan pansamantala si Mico para masamahan at maalagaan si Xander, kaya nga lamang ay hindi rin niya magawang pabayaan ang asawa, lalo pa at may amnesia ito. She needs to help him regain his memories, para na rin sa muling ikabubuo ng kanilang pamilya.

"Pansamantala lang naman, Lo-" she stopped and bit her tongue. Muntik na niya itong matawag na 'love', ang endearment na madalas niyang gamitin noon sa binata.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata "love? Is that what we called each other back then?"

"Ah..eh... yun... yun ang madalas kong tawag sa 'yo"

"Eh ako? Ano ang tawag ko sa iyo noon?"

"Hmm... either princess or sweetheart minsan" she smiled at him at muling ipinagpatuloy ang pag aayos ng gamit sa bag.

Tumango tango si Xander na tila nag-iisip.

"Makikipag laro muna ako kay Mico" he said and walked towards the door, when his phone rang. Sumulyap muna ito kay Beatrix bago tuluyang lumabas ng silid at sinagot ang telepono.

*******

"Hello?"

"Hi!" Masiglang bati ni Frances "did you get my messages?"

Tumikhim si Xander bago sumagot "y-yeah. I did"

"Hmp. Natanggap mo naman pala eh bakit hindi ka masyadong nag re-reply?"

"Ah, naging busy lang" he paused "Listen, Frances, when you get home, we need to talk"

Frances is in Germany for a month para sa isang training sa trabaho. Noong makalawa lamang ito lumipad. They didn't get a chance to properly talk dahil nang muli silang magkita ay malapit na ang flight nito. Ganoon pa man ay hindi inilihim ng babae na may pagtingin pa rin ito sa kanya at nais muling ituloy ang relasyon nila. He didn't see anything wrong with that before, lalo pa at ang huli niyang naaalala ay fiancee niya ito. But now that he learnt he has a wife and a son, it changed everything. Even though he doesn't remember the exact details of how they got married, that won't change the fact that he's a married man na hindi na maaaring mag entertain ng ibang babae.

"Y-you sound serious, Xander. T-tungkol ba saan iyan?" She sounded worried.

"I can't discuss it over the phone, pag uwi mo na lang"

"I...I can get home sooner, Xander. Sinabi ko na nga ba kasing ayoko nang sumama rito eh!"

"No. It's okay. I'll see you when you get home"

"But, Xander..."

"Daddy!" Tawag ni Mico sa kanya as he ran towards him, bitbit nito ang isang Iron Man na action figure.

"D-daddy?!" Frances' voice went an octave higher "w-where are you right now, Xan?" Hindi nakaligtas sa pandinig ni Xander ang panic sa tinig ng kabilang linya.

"I've got to go. Bye" he cut the line at ibinulsa ang cellphone.

"Hey bud!" Magiliw niyang kinarga ang bata "laro na ba tayo ng taguan?" Tanong niya rito.

Mico excitedly nodded "pero gusto ko po sali si mommy"

"I think I heard my name" ani Beatrix na saktonng kalalabas ng silid.

"Sali ka mommy, please" pinagsalikop pa ng paslit ang dalawang kamay na animoy magdarasal.

Natawa ng marahan si Beatrix "Okay, sige. Ano bang laro 'yan?"

"Hide and seek po!"

"Yay! I am bad at seeking!" eksaheradong tugon ni Beatrix sa anak.

"It's okay po mommy, I will be the taya first, 'kay?" pangungumbinsi nito sa ina. Xander chuckled. The kid is only 5 years old pero tila matandang tao na ito kung makapagsalita kung minsan.

Pagbaba nila ay nabungaran nila sina Laura at Emilio. Nagkakape ang mga ito habang si Emilio ay hawak ang peryodiko. Saglit nitong ibinaba ang binabasa upang tignan silang tatlo. The old man looked weary lalo na nang mapatingin ito sa anak na kasunod niya sa kanyang likuran. Umusal siya ng isang 'good morning' sa mga ito.

"Lolo sali ka din po! we're playing hide and seek sa garden po" aya ni Mico.

Iglap na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng matanda. Nagliwanag ang mukha niyon at nasa mga mata ang pagkagiliw sa bata "Go ahead, hijo. Medyo masakit ang likod ng lolo ngayon. Next time okay?"

"Punta lang ho kami sa garden" paalam ni Xander bago humakbang. Hindi pa siya nakalalayo ay narinig niya ang pagtawag ng matanda sa pangalan ni Beatrix. He wanted to stop and hear what Emilio will say, ngunit kasama niya si Mico kaya naman nagtuloy na sila sa hardin.

It took Beatrix a few minutes bago ito nakasunod sa kanila ni Mico sa hardin.

"Everything alright?" mahinang tanong niya sa dalaga.

She nodded grinning "Yup. Nothing to worry about" she turned to Mico "game na ba?"

"Pagbilang ng sampu, nakatago na kayo...1...2...3..."

They both scrambled to find a hiding spot and somehow both of them ended behind the huge Hibiscus plant na malapit sa bakod. Sa totoo lang ay nauna roon si Beatrix ngunit hindi niya alam kung bakit parang may kusang isip ang mga paa niyang sumunod doon. Bahagya pang nagulat si Beatrix ng makisiksik siya sa lugar na iyon. The space was a little limited dahil halos dikit ang halaman sa bakod kaya naman magkadikit na silang dalawa.

"Bakit dito ka din nagtago?" bulong ng dalaga sa kanya. He smelt her breath at kung ano anong kaisipan ang pumasok sa utak niya. Damn it! It's only 10 in the morning but he suddenly have the urge na kabigin ito at halikan.

Umusog pa siyang lalo padikit kay Beatrix, almost pressing his body against hers. He lowered his face next to her ear at bumulong "Wala akong ibang makitang magandang lugar". Hindi nakawala sa pandinig niya ang marahang pagsinghap nito sa pagkakalapit nilang iyon. When he slowly raised his head ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya, her lips slightly parted.

"Stop teasing me, sweetheart. I may end up kissing you right here and now" his voice was thick.

"T-teasing you?"

He ran his thumb over her lower lip, na bahagya pa ring nakaawang. "Your lips always seem like they are inviting to be kissed"

Tila lalong napamaang si Beatrix sa sinabi niya. Her eyes reflected longing.

Shit! Why does he feel this way? Pakiramdam niya ay parang isang malaking magnet si Beatrix at wala siyang magawa kundi ang mahigop nito palapit.

He ever so slowly bent his head towards her face. Maybe a little good morning kiss won't hurt? After all ay asawa naman niya ito.

Beatrix closed her eyes and waited patiently, wala ni ano mang pagtutol na namutawi sa mga labi nito.

But just when their lips are almost touching, isang tili ang nagpamulat sa kanilang dalawa.

"Boong mommy! Boong daddy!" Mico giggled habang nakaturo ang index finger sa kanila "Found you!" muli itong mabilis na kumaripas tumkabo.

Beatrix chuckled at tila napahiya. Siya man ay natawa sa nangyari. Their 5 year old son almost saw them kissing.

Ano ba naman kasi ang nangyayari sa kanya at daig pa niya ang teenager na noon lamang nagka nobya? There will be plenty of opportunities na sila lamang dalawa ni Beatrix lalo pag balik nila ng San Gabriel, but for some reason ay hindi niya mapigilan ang sarili kapag napalapit na siya dito, kagaya na lamang ngayon. And for the life of him! Simula ng mahagkan niya ito kahapon sa pool ay binulabog na nito ang buong kaisipan at pagkatao niya. His mind couldn't remember her yet, but that kiss felt so familiar. May kakaibang damdaming dala ang halik na iyon na hindi niya matukoy. It's as if there was a missing part of him na natagpuan na niya, bagaman hindi niya maalala.

*******

"Tell me more about Mico, and show me some baby pictures next time too" ani Xander sa kanya habang ang mga mata ay nakatuon sa daan. May ngiti sa mga labi nito. Alas sais na ng makaalis sila ng Maynila. They spent almost the whole day bonding with Mico. At kung hindi nga lamang may kailangang asikasuhin si Xander sa Princess Luna bukas ay malamang na nag extend pa sila ng isang araw sa bahay ng mga magulang.

She glanced at him "that boy is very smart and loving" tugon niya "sobrang thoughtful pa ng batang iyon, and he is also very cute right?"

Tumawa si Xander "I think he got his looks from his dad" may pagmamalaki sa tinig nito.

"Hmp! Yabang!" kunwari ay iritadong tugon niya. Sa totoo lang ay sobra siyang nasisiyahan sa mga pangyayari. Umaasa siyang sa lalong madaling panahon ay magbabalik na ang ala-ala ng asawa and they could go back to their normal lives kasama si Mico.

"You mentioned he was born in New York? How many years have we lived there?"

Saglit na natigilan si Beatrix sa tanong na iyon. Hindi pa niya nasasabi kay Xander ang buong pangyayari sa nakalipas na mga taon. Hindi pa niya nasabi rito na nagkahiwalay sila noon and that she gave birth and raised Mico alone for the past 5 years.

She cleared her throat "Ang...ang totoo niyan, Xander...we were...apart for 6 years. You...you only learned about Mico when I came back to the Philippines"

His eyebrows frowned as he briefly looked at her "What do you mean?"

She gave out a sigh "Mahabang istorya. I will tell you little by little. Ayokong baka makasama sa kalagayan mo kung ma-information overload ka" she paused and grabbed one of his hand na nakapatong sa kambyo "What's important is for you to know that we eventually got back together and made our family whole"

"But I want to know everything, Beatrix"

Muli siyang bumuntong hininga. Gusto niyang sabihin ang lahat kay Xander ngunit wala pa siyang lakas ng loob at hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang tungkol sa sirukumstansya ng kanilang pagpapakasal. How can she tell her that she cheated him into marrying her, more than 6 years ago? Natatakot siyang baka nagsisimula pa lamang na maging maayos ang mga bagay sa pagitan nila ay mabantuan na naman iyon kapag sinabi niya rito ang totoo.

"well...the truth is...we got married and then I thought you cheated on me, so I left" she inhaled "soon after I left, I found out I was pregnant but I kept it from you... until we met again when I came back to the Philippines. We got back together again and the rest is history" she vaguely explained, sinabayan niya iyon ng banayad na tawa. She didn't elaborate that it was Frances who separated them because then it will lead to another question as to why Frances did that, and then it will be inevitable for her to tell him the whole story of how she forced him into marriage.

"Iniwan mo ako dahil akala mo niloko kita?" hindi makapaniwala ang tinig ni Xander.

"I was young back then okay?"

"Ilang taon ka ba ng nagpakasal tayo?"

"Almost 18..."

"Woah! I married a minor?" nanlaki ang mga mata ni Xander na hindi makapaniwala sa narinig. "Nasira na ba ang ulo ko at nagpakasal ako sa isang menor de edad? Isa pa, maaari na bang magpakasal ang ganoong edad?"

"You know my dad is a very infulential man. There's noting impossible with Emilio Montecillo" she answered casually.

"Nagdadalang tao ka ba kaya tayo nagpakasal agad? And what about Frances? Hindi ba't siya ang nakatakda kong pakasalan noon?"

"ah eh..." hindi niya malaman ang isasagot sa mga tanong ni Xander. Laking pasasalamat niya nang tumunog ang telepono niya. She immediately answered her phone upang maiwasan ang mga tanong ng binata.