Chereads / Wild Heart / Chapter 41 - Chapter Forty One

Chapter 41 - Chapter Forty One

"Beatrix... tell me... ikaw ba ang sinasabi mong babaeng mahal ko?" His eyes surveyed her. Worry was written all over her beautiful face. She opened her lips as if to say something but closed it again. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito "are you the woman I fell in love with?and that...boy...is he...?" Muli niyang tinutop ang sentido nang magsimulang kumirot iyon.

"Xander, I think you need to rest for now..." may pag aalalang anito.

"For heaven's sake!" Napalakas ang tinig niya out of frustration "tell me. Tell me who you are!"

"Is everything okay here?" Anang papalapit na tinig sa kanila. Sabay silang napatingin sa pinanggalingan niyon. It was Beatrix's father. Palapit ito sa kinatatayuan nila.

"Dad..."

Pinaglipag lipat nito ang tingin sa dalawa. Seryoso ang mukha nito nang dumapo ang paningin sa kanya "nagtatalo ba kayo ng kay aga-aga?" Kunot noong tanong nito.

Beatrix gave out a soft laugh to dismiss her dad's idea "n-no. Of course not daddy". She glanced at him bago ikinawit ang bisig sa ama upang igiya papasok ng kabahayan.

Xander was left alone standing there for a moment. He closed his eyes and tried hard to search his head for any memories that might give him a vague answer to his questions.

"Damn!" Mahinang mura niya sa pagmulat ng mga mata. Wala siyang maalala kahit na ano!

Huminga muna siya ng malalim bago sumunod kina Beatrix sa loob ng kabahayan.

*******

"Xander, hijo!" Malapad ang ngiti ni Laura nang makita siya.

"Tita" inabot niya ang kamay nito ang nagmano. Ganoon din ang ginawa niya kay Emilio na noon ay nakaupo na sa kabisera ng hapag.

"Maupo ka na hijo. Ipinaluto ko lahat ng mga paborito mo" anito bago naupo sa kanan ng asawa. Si Beatrix ay tahimik na nakaupo katabi ang batang lalaki. They were seating opposite him and he couldn't help studying the little boy's face. For some reason, he feels drawn to this child. Ngayon lamang niya ito nakita ngunit pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala.

"Hijo? Are you listening?" Untag ni Laura na tangan ang bowl ng ulam at iniaabot na pala sa kanya.

"Ah. Ano ho ulit iyon?" Inabot niya mula rito ang bowl at kumuha mula roon.

"I was asking how you're doing? Are there any memories that are coming back yet?"

He can't help but glance at Beatrix bago sumagot "wala pa ho"

"Oh... sorry to hear that, hijo"

"I know they will come back somehow, tita. Don't worry" he smiled tenderly at the woman.

Tumango ito "of course hijo"

"How's your business going?" Emilio asked. Hindi niya maipaliwanag but his tito Emilio seemed colder than he remembered. Masyadong pormal ang pakikitungo nito sa kanya. Gone was the old man whom he often shared a good laugh with.

He cleared his throat before answering "Hindi ko pa ho masyadong nabibisita. Pero pag balik ko ho ng San Gabriel, I intend to go back to my usual routine. Babalik na ho ako ng trabaho"

"You can't go back to work yet!"

Napatingin silang lahat kay Beatrix na noon lamang nagsalita. Napataas ang kilay niya sa naging reaksyon nito.

"I... I mean the doctor said you still need to rest for at least a month...right?" tila napahiya ito sa naibulalas kani-kanina.

"I think I can manage" he paused "And Frances said she used to be the manager at Princess Luna and she could return to her post anytime to help me with stuff since she's familiar with how the business runs"

Nakita niya ang pag asim ng mukha ni Beatrix.

"I can also help you with that. She doesn't need to come back" anito na ang tinutukoy ay si Frances.

"Frances? Isn't she your ex-girlfriend?" Tahasang tanong ni Emilio.

"Ano po yung ex- girl..girlfyend?" Bulol na sabat ni Mico. The little boy's eyes were full of curiosity.

"Mico... I told you na huwag basta sumasabat sa usapan ng adults di ba?"

Mahinahong paalala ni Beatrix sa bata.

"Sorry po mommy"

Beatrix ruffled his hair and kissed his cheek bago nagpatuloy sa pagkain.

"Daddy swimming po tayo later ha" nakangiting anang paslit sa kanya.

"Ha? Ah eh... uuwi na din kasi ako mamaya eh"

"Noo!" Lumabi ito na tila iiyak. "Hindi mo na talaga ako love!" Halos magmaktol na protesta nito.

"Mico! We talked about this" mahinang saway ni Beatrix sa anak.

Daddy... there he goes calling him dad again. Anak ba talaga niya ang batang ito? What happened during those years that he couldn't remember? How did things turn out like this? Paanong hindi sila nagpakasal ni Frances and instead there's this mysterious woman who never leaves his side and a boy calling him dad?

He grinned at the boy "okay. We'll go swimming later ok?"

"Talaga po?" Nagliwanag ang mukha nito.

He nodded. "But only if you eat all of the veggies on your plate" bigay kundisyon niya.

Mico's smile vanished a little bit na ibig niyang matawa sa naging reaksyon nito. Ganoon pa man ay nagsimula nitong kainin ang gulay sa plato.

He caught Beatrix carefully looking at him. Alanganin ngiti ang ibinigay nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila.

*******

Hapon, pinanonood niyang magtampisaw ang bata sa malaking pool na nasa likod ng mansyon. Kasama nito ang yaya at masiglang naglalaro sa tubig.

Hindi nagtagal ay lumabas si Beatrix na may bitbit na tray ng merienda. He couldn't help admiring her beauty. Indeed, she looks like a goddess that came down from the heavens. Wala itong suot na make-up ngunit natural ang sopistikadang ganda nito.

She was wearing a yellow 2-piece bikini na sa kabila ng cover-up na nakapaibabaw ay kita pa rin niya ang perpektong hubog ng katawan.

Umupo ito sa lounge chair na katabi niya at inilapag ang tray ng merienda sa lamesitang nakapagitna sa kanila.

"Do I have something on my face?" Tanong nito sa kanya bagaman ang mga mata ay nakatuon sa anak na naglalaro sa pool. Kumaway ito sa bata at binigyan iyon ng flying kiss.

"Huh?"

Lumingon si Beatrix sa kanya "kanina ka pa kasi nakatitig sa akin" her cheeks blushed a little bit as she said that.

Yes because you are so damn pretty.

He cleared his throat. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Ikaw ba ang sinasabi mong babaeng mahal ko?"

"What do you think?"

"Sa totoo lang, hindi ko makita ang sarili kong mai-in love sa isang babaeng mukhang high maintenance"

Her eyes went round "huh! High maintenance?!" Tila napikon na wika nito "ang dami dami mong opinion tungkol sa akin, Mr. de Silva!"

He chuckled. Mas gumaganda pa ito pag nagagalit.

"Bakit? Hindi ka ba high maintenance? Being a top star and international model?"

"Y-you know that?"

He nodded bago muling ibinaling ang paningin sa dalaga "I saw the pictures and awards kanina sa living room. Your mom must be so proud kaya naka display lahat"

"Well. It's still unfair to think that about me! Hindi mo lang alam dati nga ipinaglalaba pa kita pati brief-" she stopped mid-sentence na parang napahiya sa sinabi.

Tumawa siya "ipanglalaba mo ako ng brief ko?"

"Ah basta!" Padabog itong tumayo sa kinauupuan at hinubad ang cover-up upang daluhan ang anak sa pool.

He silently trailed her with his gaze. Nakatalikod, nakatagilid, nakaharap, she is every inch a beautiful woman. Ano ang ginagawa ng isang successful, mayaman at ganito kagandang babae sa kanyang tabi? Saang dako man niya isipin ay parang suntok sa buwang girlfriend o di kaya ay asawa niya ito?

Inabot niya and orange juice sa kanyang tabi at lumagok. Hindi siya titigil hanggang hindi niya nalalaman mula kay Beatrix ang tunay na ugnayan nito sa kanya. At kung totoo mang siya ang ama ni Mico, he will make sure to be a responsible and good father to him, kahit pa hindi pa niya maalala ang mga kaganapan sa nagdaang taon, hindi iyon magiging hadlang upang maging ama siya sa bata. But what about his mom?

He focused his eyes on her. Masaya itong nakikipaglaro sa anak sa pool. Muli siyang napalagok ng hawak na orange juice. Hindi niya maitatangging isang matinding paghanga ang nagsisimulang mabuhay mula sa kanyang dibdib para sa dalaga.

********

Beatrix was feeling so conscious dahil alam niyang kanina pa nakamasid si Xander sa kanya. Hindi iilang beses niyang nakita ang pagsunod ng tingin nito.

Gosh! Para siyang dalagitang kinikilig sa presensya ng crush!

Tumigil ka nga Beatrix! Hindi ka na teenager! Act your age, will you?! Sermon ng utak niya.

Maya maya ay nagyaya si Mico sa yaya nitong pumasok ng bahay dahil masakit ang tiyan at gustong magbanyo. Siya ay nagpaiwan muna sa pool upang mag relax. She enjoyed swimming and since she's been so busy with work since she came back, at ganoon na din ang pagkaabala sa personal na buhay ay sobrang dalang na niyang makapag swimming.

Ilang ulit siyang nagpabalik balik sa magkabilang dulo ng swimming pool, doing some butterfly strokes. Nang mapagod ay nag floating na lamang siya. She stared at the blue sky above her. Nagsisimula ng mag-agaw ang dilim at liwanag ngunit kay aliwalas pa rin ng kalangitan. She inhaled deeply and closed her eyes to relax.

"You're a good swimmer" anang baritonong tinig na ikinagulat ni Beatrix. Agad ang pagbalikwas niya mula sa floating position, na naging sanhi ng panandaliang paglubog niya sa tubig. She is a good swimmer ngunit marahil dahil sa kaba ay hindi niya agad nagawang lumitaw mula sa malalim na bahagi ng pool.

She felt strong arms scoop her waist, bringing her up. Parehas na tumutulo ang tubig mula sa kanilang mga mukha nang maka litaw sila mula sa tubig.

Pinahid ni Xander ng isang kamay ang tubig na naglalandas mula sa mukha at hinawi nito ang tumatagaktak na buhok patalikod. He was still holding her close to him with one arm.

Si Beatrix ay suminghap ng hangin at ipinunas rin ang kamay sa sariling mukha upang makadilat.

"Akala ko pa naman magaling kang lumangoy" tudyo ni Xander. Malapit lamang ang mukha nito sa kanya at tila wala yatang balak na pakawalan siya.

She gasped. Kung mula sa pagkakalubog sa tubig o sa pagkakalapit ng asawa sa kanya ay hindi na niya alam.

"Y-you s-startled me" oh God! Don't stutter like an idiot Beatrix!

"I'm sorry" hinging paumanhin nito. "I guess you were so peaceful that you didn't hear me get in"

Napalunok si Beatrix. She could feel his bare, hard, muscular chest against her, idagdag pa ang mga titig nitong tila matutunaw na yata siya.

"I...I better go... baka hinahanap na ako ni M-Mico" she pulled away but his arm remained strong against her waist.

"Not so fast" his voice was rugged. They were already in the corner part of the pool and Beatrix felt the tiled wall against her back.

"Xander..." mahinang sambit niya sa pangalan nito.

Xander brought his face even nearer to her face. Malamlam ang mga mata nitong tila nanghihipnotismo.

"I just need to confirm something..." he whispered. Hindi niya malaman kung para sa kanya o sa sarili nito ang bulong na iyon.

Beatrix couldn't help but breathe heavier ng lalo pang lumapit sa mukha niya ang mukha nito. He was significantly taller than her kaya't nakayuko itong nakatunghay sa kanya.

"X-Xander..." she met his gaze with equal warmth. Her lips slightly parted unknowingly, perhaps in anticipation of what's to come. Bawat himaymay ng kanyang pagkatao ay humihiyaw para kay Xander. She missed him so much it was almost unbearable. Hindi na siya magugulat kung sumabog ang puso niya ano mang oras.

"Ah damn!" Xander exclaimed na para bang may pagtitimping kumawala mula rito. Walang pag aalinlangan nitong ibinaba ang mga labi sa kanya, crushing her lips in a fiery kiss.