Chereads / Wild Heart / Chapter 40 - Chapter Forty

Chapter 40 - Chapter Forty

Mataman siyang tinitigan ni Xander, his eyes were almost smoldering. "Are you someone that I'm supposed to remember? Bakit hindi mo liwanagin?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. He brought his face so near to hers that she could literally smell his breath on her face.

She gently sucked in a breath sa pagkakalapit na iyon ng mukha ng binata. She had the urge to touch his face and feel those stubbles framing his jaws. She had the desire to cross that small distance between them at ilapat ang mga labi niya sa mga labi nito.

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nagbaba ng paningin. She can no longer stand meeting his gaze dahil ang bawat titig nito ay parang gustong matupok ng pagkatao niya.

"Maybe in time you will somehow remember me, Xander..."

Binitiwan ni Xander ang braso niya at tumuwid ng pagkakatayo "you intrigue me, Beatrix. You act like you know me all too well and yet hindi mo magawang sabihin sa akin kung sino ka ba sa buhay ko"

Sasagot pa sana siya ng mag ring ang cellphone ni Xander. Tumalikod ito sa kanya upang sagutin ang teleponong nakapatong sa mesa.

Beatrix busied herself cleaning the table. Dinala niya ang mga hugasin sa kusina. Si Xander ay lumakad patungong sala kaya't hindi na niya lubusang narinig kung sino ang kausap nito.

Maya maya ay umakyat ito sa silid. Nakaligo na ito at nakabihis ng pang-alis ng muling bumaba.

"Saan ka pupunta?" she asked curiously when she saw him leaving. Nagmamadali siyang sumunod dito sa salas.

Xander paused a little bit to look at her but didn't say anything, dere-deretso itong lumabas ng bahay.

"Xander wait!" habol niya ngunit nakasakay na ito ng sasakyan.

Laglag ang balikat na tinanaw na lamang niya ang papalayong kotse nito.

Nang hapong iyon ay sinamantala niya ang pagkakataong mag isa lamang siya sa bahay upang maka video chat ang anak at ang inang si Laura. She also called Andrea to touch base at tulad ng inaasahan niya ay upset pa rin ito sa kanya.

"Hindi ko naiintindihan kung paano mong nagagawang ipagpalit ang success ng career mo para sa isang lalaki lang!" si Andrea.

"You know he's not just any man Andrea. He's my husband...and I love him"

"Love, love, love! Yang lecheng pagmamahal na 'yan ang sisira sa'yo B!" her friend sighed "alam kong hindi issue ang pera sa iyo but it's not just the money you're losing! You are also losing your credibility and professionalism! And for what? For a guy na hind mo man lang sigurado kung maaalala ka!"

"Hindi ko pwedeng pabayaan si Xander, and you know that" she answered patiently.

Parang nakikini-kinita na niya ang pagtaas ng kilay ng kaibigan at pandidilat ng mga mata sa kanya. Andrea is one of the most unromantic persons she knows. Kaya naman sa edad nilang ito ay hindi pa nagkaroon ng matagal na relasyon ang kaibigan. Yes, sometimes Andrea hooks up with a man, kapag tipo nito ang lalaki pero hanggang short term o kung minsan ay one-night stand lamang ang ginagawa nito. Kung minsan ay nais niyang maawa sa kaibigan na tila naging bato na yata ang puso magmula ng lokohin ng first love at first boyfriend nito. Ever since then, Andrea never seemed to believe in love anymore, mas focused na ito sa karera.

"Bahala ka na nga sa buhay mo, B!" galit pa ring sigaw nito sa kanya sa telepono.

She sighed "please, Andy... just wish me luck okay? Isa pa, alam mo naman na plano ko na talagang iwanan ang pag-aartista soon, di ba?"

"Iyon na nga eh! Mag re-retire ka na, too soon in my opinion, and yet, you are ending your career in a very unpleasant way by doing this!"

"Andy, we already talked about this and-"

Narinig ni Beatrix ang pagbukas ng gate at pagpasok ng sasakyan ni Xander kaya agad siyang nagpaalam sa kausap. "I have to go now, talk to you soon".

Pinatay niya ang telepono at excited na binuksan ang pintuan upang salubungin si Xander.

"welcome ba-" She was not able to finish her sentence nang makita kung sino ang kasama nito. Naglaho ang ngiti sa mga labi niya.

"we meet again, Bea" ani Frances na nakakapit pa ang kamay sa braso ni Xander.

Pinaglipat lipat niya ang tingin sa mga ito "w-what are you doing here?"

"Bakit? May problema ba?" Si Xander. Saglit lamang itong huminto sa tapat niya at pagkatapos ay nilagpasan siya upang pumasok ng bahay.

Frances slowly followed Xander, stopping beside her to give her a look and smile "good to see you again". Nagtuloy ito sa loob ng bahay.

Ilang segundo ang lumipas na tila itinulos si Beatrix sa kinatatayuan. She clenched her fists into a ball bago pumihit papasok ng bahay.

Inabutan niya ang mga ito sa kusina na masayang naghahain. It looks like they ordered and brought home food for dinner.

"Oh Bea. Come join us. We brought enough food for three" si Frances ulit na malapit na yatang mapunit ang labi sa laki ng ngiti.

Hindi naman talaga siya gutom at lalong ayaw niyang makasabay kumain ang babae pero mas hindi naman niya gustong mapag solo ang mga ito.

Mabilis na inokupa ni Frances ang upuan sa tabi ni Xander. Si Beatrix ay nagpupuyos ang loob na naupo sa katapat na upuan ng mga ito. Halos hindi niya manguya at malunok ang pagkain dahil sa nakikita niyang inaakto ni Frances!  Kung hindi niya pipigilan ang sarili ay baka labnutin niya ito palayo sa asawa, parang malapit na kasi itong maging ganap na sawa sa panlilingkis kay Xander!

Maya maya ay painosente itong tumingin sa kanya "oh! Don't you like the food? Parang hindi ka kumakain?"

Halos makasugat ang tinging ipinukol niya sa babae sabay tusok ng karne sa kanyang plato "wala lang akong gana" aniya rito sabay irap.

Matapos ang hapunan ay naiwan silang dalawa ni Frances sa kusina upang magligpit ng mga pinagkainan. Beatrix made sure Xander wasn't around and looking before she grabbed Frances' arm at pabalya itong hinila sa isang tabi.

"What are you doing here Frances?" she asked in between gritting her teeth "ano bang gusto mong palabasin? I thought you left already? Akala ko ba nagbago ka na?"

Marahas nitong binawi ang braso mula sa kanya at taas noo siyang tinitigan "Yes. I told you I was leaving and I did. I also said I was letting Xander go and I did that too" maldita itong ngumiti "...but that was before Xander came looking for me! I was letting him go dahil mukhang nasiraan na siya ng bait sa iyo but now, for the first time in a very long time, he seems to be back in his sound mind! Nagising na siya sa pagkabulag niya sa iyo!"

"He is sick for heaven's sake!" nanggigigil niyang sagot sa madiin ngunit mababang tinig "May sakit si Xander! He is suffering from amnesia! Are you delusional?!"

"we will know in time kung sino sa ating dalawa ang delusional Bea!"

"Xander will remember me and his son! Huwag kang umasang mapapa sa iyo ang asawa ko!"

Pagak na tumawa si Frances "hindi ka sigurado kung manunumbalik pa ang ala-ala niya" tumaas ang isang kilay nito "habang ako ang gusto ni Xander sa tabi niya, sisiguraduhin kong nandito lang ako! Babawiin ko ang pag ibig niyang inagaw mo! You can call this payback or karma, whichever one you prefer!" padaskol itong umalis mula sa kinatatayuan, sadya pa siyang bahagyang binunggo nito sa balikat.

Halos maningasing ang butas ng ilong ni Beatrix sa galit. Tumaas-bumaba ang kanyang dibdib sa marahas na paghinga.

You bitch! You won't succeed! Xander will remember me and Mico! Xander will find his way back to me! Hiyaw ng isip niya.

Malalim na ang gabi ng sa wakas ay maisipang umuwi ni Frances. Sa kabila ng disgusto ni Xander ay hindi siya pumayag na hindi sumama sa paghahatid nito sa babae pauwi. Parang batang nagpatiuna siyang sumakay sa kotse, occupying the front passenger seat. Xander obviously didn't like her behaviour ngunit hindi na ito nagsalita pa. Si Frances ay napilitang sa likuran umupo.

Hindi birong panibugho ang kailangan niyang tiisin ng bumaba pa si Xander upang ihatid si Frances sa harapan ng gate, lalo na ng makita niyang halikan pa ng bruha ang asawa niya sa pisngi.

Sunod sunod niyang diniinan ang busina ng sasakyan, hanggang sa makita niyang malalaki ang hakbang ni Xander pabalik ng kotse.

Muli siyang sumandal sa kinauupuan at humalukipkip. She couldn't help frowning. Maasim pa yata kaysa sa suka ang mukha niya.

"What the fuck is your problem?" asik ng binata sa kanya pagsakay ng sasakyan. Galit ito at salubong na salubong ang makakapal na kilay. "Alam mo ba kung ano'ng oras na? Magigising ang buong subdibisyon sa ginawa mo!"

"I don't effing care!" bratinellang sagot niya. Sa galit na nararamdaman niya ngayon ay wala siyang pakialam kahit pa parang nakamamatay ang tinging ibinigay nito sa kanya.

"Ano ba ang problema mo kay Frances?"

"Madami!" she blurted out. Her eyeballs almost popped out of their sockets.

"Kagaya ng?" naghahamong tanong ni Xander

"That bitch! she...she..." she gritted her teeth. Gustong gusto niyang sabihin kay Xander na nagseselos siya sa ginagawa ni Frances but she had to hold her tongue. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili "Why did she contact you again? Siya yung tumawag sa'yo kaninang tanghali 'no?"

"Frances simply returned my call. She was apparently out of town when I tried calling her since the other day. Ako ang naghanap sa kanya" ani Xander as he started the car.

Beatrix bit her lower lip to keep herself from crying. Itinuon niya ang paningin sa labas upang hindi makita ng binata ang pangingilid ng luha niya.

*******

Sabado, maagang nagising si Beatrix dahil ngayon ang pangako niya kay Mico na uuwi. She misses her son very much and wish that she could bring him here with her, kagaya noon. Kagabi pa siya nakapag paalam kay Xander, at laking gulat niya ng magsabi itong ihahatid na raw siya sa Maynila. Lihim na natuwa ang puso niya dahil ibig sabihin niyon ay magkakasama silang dalawa ng ilang oras sa byahe.

Nagsuot siya ng puting shorts, cotton top at sneakers. She tied her hair into a ponytail at maliban sa manipis na lipstick sa mga labi ay wala siyang kahit na anong make-up sa mukha. Saglit niyang pinaraaanan ng tingin ang sarili sa salamin bago lumabas ng silid.

Xander was sitting on the couch and he briefly glanced at her direction when he heard her descending the stairs. Hindi niya inaasahang muli itong napatingin sa kanya at bahagya siyang sinuyod ng tingin. Lihim siyang napangiti ng mahagip ng paningin ang tila paghangang nakiraan saglit sa mga mata nito.

"Ready?" She asked smiling at him.

"Yeah" tumayo na ito at naunang lumabas ng bahay. She followed him with a smile painted on her lips. She has a feeling that this will be a good day.

Sinamantala ni Beatrix ang limang oras na byahe pa-Maynila upang kahit paano ay muling mapalapit ang loob sa binata. She shared stories with him na baka sakaling makapag paaalala rito kung sino siya, kagaya na lamang ng mga panahong nag aaral pa sila sa iisang unibersidad at malimit na naroroon si Xander sa mansyon.

"...and then you showed up out of nowhere and punched that guy on the face. Natakot yata talaga sa'yo kase ang bilis tumakbo paalis eh" naiiling na sabi niya na ang tinutukoy ay ang eksena kung saan iniligtas siya ni Xander sa isang manyakis niyang manliligaw noong college.

"Really?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti sa kanya si Xander.

She nodded "hindi na nga ako ginulo nung mokong after that eh"

Tumango tango ito "malapit na akong maniwalang magkaibigan nga tayo. Kung ipinagtanggol kita like that, that means you're someone significant to me, one way or another"

Hindi lang tayo magkaibigan, Xander. Magka-ibigan tayo. Bahagya siyang natawa sa ka baduyan ng linyang naisip niya.

"But really..." pagpapatuloy ni Xander "I'm sure you're not staying with me for the money, knowing that you're a Montecillo. So exactly why are you sticking with me?"

"Let's just say that's how close we are. Na hindi ko magawang pabayaan ka"

"You must have been like a little sister to me, lalo na at bunsong kapatid ka ng best friend ko. That would make sense" muli siya nitong nginitian.

Isang ngiti lamang ang kanyang naging sagot sa tinuran nito. At least for now, matanggap lamang muna ni Xander ang presensya niya sa buhay nito ay sapat na. She has faith that time will come, he will remember who she was in his life once again.

*******

"Mommy!!!" Humahangos na salubong ni Mico sa kanya pagbaba niya ng sasakyan.

She quickly scooped the boy up in her arms and showered kisses on his face "oh I missed you so much!"

"Miss you din po mommy" mahigpit ang yakap sa kanya ni Mico.

"Daddy!" Bulalas ng paslit nang makita si Xander na umibis ng sasakyan. Bago pa niya naawat ang bata ay patakbo itong yumakap kay Xander. Si Xander ay halatang nabigla sa mga nangyari at hindi alam ang gagawin.

"Daddy" muling tawag ni Mico na tiningala ang binata.

"D-daddy?" Puno ng pagtataka ang boses at mukha ni Xander.

"Ah eh...I will explain later" nilapitan niya ang anak at kinarga upang ipasok sa mansyon "let's go na muna baby okay?"

She came back out a few seconds later upang imbitahing pumasok si Xander nang maabutan niya itong tutop ng isang kamay ang ulo. Nakapikit ito at tila nasasaktan.

"Xander!" She immediately ran to him. "Are you okay? May masakit ba sa iyo?" Nag aalalang tanong niya.

She heard him grunt. His eyes remained shut and his jaws were clenched.

"Xander?" Hinawakan niya ang braso nito.

Dahan dahan itong nagmulat ng mata at tinitigan siya "Is that boy my son? Why did he call me dad?"

Natigagal si Beatrix at hindi malaman kung ano ang isasagot.

"K-kung sabihin kong oo... what will that mean to you?"

She heard him inhale sharply "then are you saying that you are the woman I love? Are you saying that I am the father of your child?"

Parang tinatambol ang dibdib ni Beatrix ng mga sandaling iyon. Magkahalong kaba, excitement at takot ang nararamdaman niya that she almost felt the air around them became thicker and it was suddenly harder to breathe.

Will she tell him the truth? Nararapat na bang malaman ni Xander kung sino talaga siya sa buhay nito? Ito na ba ang tamang pagkakataon?