"what did you say?!" nag echo sa opisinang iyon ang tinig ni Andrea. Napatayo ito sa kinauupuan nang marinig ang sinabi niya. "You agreed to what?!"
She sighed at nahahapong tinignan ang kaibigan at manager niya "I don't have any choice! ano ang gusto mong gawin ko?"
"this is effing insane Bea! Paano mong makakayang makasama ulit si Xander? At paano kung may makakilala sa iyo roon? How could the PR team cover up for that?"
"Kaya nga kita kinakausap. Just make an alibi - make an announcement na kailangan ko munang magpahinga...may sakit ako or something! whatever that you can come up with!" she frustratedly said. Mabuti na lamang at last week na ng shooting ngayon ng series na ginagawa and her next project is not set to start until early next year, kaya may panahon din siyang mawala sa publiko.
"Eh kung hintayin mo na lang kaya ang 10 years na sinasabi ni attorney? You're only 23! kahit maghintay ka pa ng another 5 years, hindi ka pa rin huli sa byahe!"
"According to attorney, it has to be 10 years without any form of communication. Sa tingin mo, ngayong nakita na ni Xander si Mico, do you think he will not contact me? So paano? hindi na rin gagana yung 10 years whatever dahil may communication naman kami?" Tinutop niya ang noo "God! laws like this in this country sucks!"
Umupong muli si Andrea sa tabi niya at ginagap ang kamay niya "but I am more worried about you, B. Kaya mo ba? what if you fall for him again?" may pag-aalala sa tinig ng kaibigan.
"H-hindi ko alam! I am so trapped right now!"
"Si Daniel? ano ang sabi?"
"Of course he was against it at first pero he still wants to push through with the wedding" she sighed
"payag siya?! did you tell him what being Xander's wife would mean?" nanlalaki ang mga matang ani Andrea.
"Don't worry Andrea, one of my conditions was no physical contact at all!"
"yeah right! sabihin mo yan sa sarili mo, B!" Andrea rolled her eyes on her.
"hey! what does that mean?"
"Aww c'mon Bea! lalaki si Xander, and a devilishly attractive one for that! at ikaw, babae ka! magsasama kayo sa iisang bubong, you really believe you are immune to his charms?"
Napalunok si Beatrix sa sinabi ng kaibigan. Andrea has a strong point, aminin man niya o hindi ay sadyang hindi siya immune kay Xander, and she doesn't think she will ever be immune to his deadly charms!
Andrea sighed "what if hindi mo na lang muna ituloy ang pagpapakasal kay Daniel? That way, you won't have to go through this"
"Hindi man ako magpakasal kay Daniel, the chances of Xander setting me free will become slimmer once he finds out the truth about Mico... so I think I better grab the chance while I still can"
"But do you really want to be free?" tanong ni Andrea na tila inaarok ang tunay niyang damdamin "have you ever considered getting back together with him? Tutal may anak kayo at-"
"alam mo kung ano ang ginawa niya sa akin, Andrea!" agad na nag init ang mga mata niya.
After all these years, may kirot pa ring dala sa damdamin niya ang panloloko ni Xander sa kanya.
"You know how hard I've tried to make him love me! Iniwan ko ang lahat para sa kanya, I did all I could para maipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. I was willing to wait...pero isa ang hindi ko kayang patawarin...ang kataksilan niya!" hindi na niya namalayan ang pag agos ng isang luha mula sa mga mata. Marahas niya iyong pinalis ng palad.
"okay. okay..." mahinahong tugon ng kaibigan "ang sa akin lang, hindi naman talaga kayo nakapag usap maski noon. Paano kung mali ang akala mo?"
Pagak na tumawa si Beatrix "I told you over and over again kung ano ang nangyari, Andrea! how could you doubt it?"
"baka lang naman kasi..."
Bumuntong hininga siya "Ayoko ng pag usapan pa ang nakaraan. Please" may pagsusumamo sa tinig niya "I've moved on and now there's a decent man who wants to marry me, kahit pa damaged goods na ako!" she paused, nagkalambong ang mga mata "...and he loves Mico".
Dinampot niya ang bag mula sa upuan "please come up with something for the press and public. I have to leave in 10 days. Ikaw na ang bahala..."
Naiiling na sinundan ng tingin ni Andrea ang kaibigang palabas ng opisina niya.
Sana tama ang ginagawa mo, chica...
*******
Sabado, maaga pa ay nakagayak na sina Beatrix at Mico. Nakahilera malapit sa pintuan ang ilang maletang inihanda niya para sa kanilang mag-ina. Naibilin na rin niya sa inang si Laura na dalaw-dalawin ang bahay habang wala siya.
Sa buong pamilya niya ay tanging ang ina lamang niya ang nakakaalam na babalik siya ng San Gabriel on Xander's terms upang pirmahan nito ang annulment papers nila. She's assuming na alam rin ng kanyang kuya Zach ang tungkol sa kundisyones ng binata lalo na at ito ang umayuda kay Xander upang makuha pati ang address niya! Ganoon pa man ay walang naging kibo si Zachary kahit pa ng sabihin niya sa amang si Emilio na "magbabakasyon" lamang sila ni Mico ng ilang buwan because she wants to "de-stress".
Her mom has been very understanding sa mga naging desisyon niya, at hindi nito inilihim na umaasa itong baka sakaling maayos pa ang mga bagay sa pagitan nila ni Xander. Tanging ito lamang ang nakakaalam ng tunay na dahilan ng kanyang paglayo, ganoon na rin ng katotohanang si Xander and ama ni Mico. Kung alam man o hindi nina Emilio at Zach ang tungkol sa pagkatao ng anak niya ay hindi naman openly nagtanong ang mga ito, na kanya namang lihim na naipag pasalamat. Alam niyang labis niyang nasaktan ang mga magulang sa mga nagawa niya, at sa pagkakaroon niya ng failed marriage sa murang edad, kaya't hindi niya gusto pang maungkat ang tungkol sa nakaraan hangga't maaari.
Andrea made a press conference the other day that she will be out of town for a vacation and that all her social media accounts will be deactivated for the time being. Bumuhos ang tanong mula sa press ganoon din ang mga tawag sa kumpanya kung saan mayroon siyang kontrata, but her PR team handled everything well.
"mommy, saan po tayo mag vacay?" curious na tanong ni Mico habang sinusuotan ito ng sapatos ng yaya.
She stopped pacing back and forth. Kanina pa siya tila sinisilihan at hindi mahinto sa pabalik balik na paglalakad sa sala, in anticipation of Xander's arrival anytime soon. Maisip pa lamang niya ang lalaki ay lalong sumisidhi ang kanyang kaba.
"ahh... sa province baby" she smiled at her son at nilapitan ito upang ayusin ang collar ng suot nitong shirt.
"mag wo-work ka ba dun mommy?"
"nope. I will have all my time for you!" malambing niyang pinisil ang magkabilang pisngi nito.
Namilog sa kaligayahan ang mga mata ng paslit ng marinig ang sinabi niya "yehey!" mahigpit siyang niyakap nito.
Mahigpit na yakap at mga halik naman ang kanyang naging tugon sa anak. Her heart swell, marahil ay isang maituturing niyang bintahe sa ginawa ni Xander ay ang makakasama niya at maasikaso si Mico ng walang trabahong iniisip. Simula ng magtrabaho siya bilang modelo at ngayon nga ay artista ay bibihira niyang mabigyan ng lubos na atensyon ang kaisa-isang anak. This will be the time to catch up, babawi siya kay Mico.
"tito!" malakas na sigaw ni Mico sabay hulagpos sa pagkakayap sa kanya. Tumakbo ito palapit sa dumating.
Beatrix turned around to see Xander walk in the room, may bitbit itong isang malaking regalo sa kamay.
"hey! hey! how's my little man!" masayang salubong din nito kay Mico. Xander knelt down and held his arms wide open for Mico, he then effortlessly scooped the boy up.
"tito sasama ka po ba sa vacay namin?"
She caught Xander's gaze on her bago ito sumagot "of course! are you ready?" excited na tanong nito sa paslit.
Mico joyously nodded "opo! mommy said she will have all her time for me" balita pa nito sa lalaki.
"ako din! I will have all my time just for you!" Xander pinched his nose na naging dahilan ng lalong paghagikgik nito ng tawa. "oh! muntik ko ng malimutan...may surprise pa ako para sa 'yo" he playfully glanced at the gift he was holding earlier at ibinaba si Mico upang ibigay ang regalo rito.
For a moment, Beatrix was mesmerized just looking at the two. Hindi man alam ng mga ito ang tunay na ugnayan ay agad nag click ang dalawa.
"Xander, you don't need to..." aniya na nilapitan ang mga ito.
Saglit lamang huminto si Xander upang sulyapan siya bago nito iniabot kay Mico ang regalo.
"Wow!" Mico's eyes were sparkling with joy "for me po?" paninigurado nito.
"Yup! now open it" malapad ang ngiti ni Xander sa bata bago tumayo mula sa pagkakaluhod at tinignan siya.
"huwag mong sabihing pati pagdadala ko ng regalo ay kokontrahin mo?"
"You don't need to give him gifts..." aniya sa mahinang tinig "you don't have any responsibility or -" naputol ang sinasabi niya when Mico grabbed her hands to excitedly show her the present that he got.
"mommy! look!" masaya nitong itinaas ang hawak na laruan. It was an Iron Man Robot. One of Mico's most favorite superhero.
Pinilit niyang pasayahin at pasiglahin ang tinig "wow! did you say thank you?". She glanced at Xander who seems to be enjoying watching Mico.
"Thank you po!" muli nitong sinunggaban ng yakap ang binti ni Xander.
"anytime kiddo" sagot ng lalaki na niyakap din ito.
*******
Sa byahe ay wala halos imikan ang dalawa at tanging si Mico lamang ang maraming mga tanong para kay Xander ukol sa probinsya at kung ano ano pa. Tila wala namang kapaguran ang binata sa pagsagot sa mga tanong ng paslit.
Sinipat ni Beatrix ang relo sa bisig: mag aalas-dos na ng hapon. Sa tantiya niya ay humigit kumulang dalawang oras na lamang ay nasa San Gabriel na sila. Nilingon niya ang anak na nasa booster seat sa likod. Mico fell asleep, yakap pa rin nito ang Ironman na robot.
She sighed at muling ibinalik ang paningin sa labas. Parami na ng parami ang mga natatanaw niyang mga iba't ibang klase ng puno sa kanilang dinaraanan, ganoon din ang ilang mga taniman, senyales na nakarating na sila sa ilang karatig bayan ng San Gabriel.
"feeling nostalgic?" untag ni Xander sa kanya. Nakangiti ito, bakas ang kaligayahan sa mukha.
"yes. nostalgic...in a bad way" pabulong na sagot niya.
Nagsalubong ang kilay ni Xander "how come? I thought you at least had good memories of San Gabriel?"
Pasimple siyang tumingin kay Xander, wondering how he doesn't have any clue of why the place brings bittersweet memories to her. Memories that she wanted so bad to get rid off. Sa pagkakatingin niya rito ay hindi niya maiwasang suriin ang mukha nito.
He is no doubt still as sinfully handsome as ever. Kung tutuusin nga ay tila mas nadagdagan pa ang appeal nito dahil mas nagka edad. Wala na ang boyish look na mayroon ito noon, instead, he is very manly in every way. The stubbles that framed his prominent jaws gave him an extra aura of sexiness and a hint of danger in his persona.
"liking what you're seeing so far?" tukso ni Xander sa kanya. He glanced at her and caught her still staring at him.
Napahiyang agad nagbawi ng tingin si Beatrix, her cheeks turning red "Actually, I've always wondered what the devil looked like in the flesh. Now I know! " inirapan niya ito.
Malakas na tumawa si Xander "you must have liked how the devil looked like then, princess" tudyo pa nito.
"you wish!"
Muling malakas na tumawa si Xander. Hindi ito pinansin ni Beatrix at sa halip ay nagkunwaring abala sa cellphone.
Damnit! Makatingin ka naman kasi Beatrix! sermon niya sa sarili.
Ilang oras pa ang lumipas at ipinarada ni Xander ang sasakyan sa harapan ng pamilyar na bahay na iyon.
"we're here!" he announced to Mico na noon ay kagigising lamang.
Beatrix secretly filled her lungs with air. She can feel anxiety slowly creeping in, ngayong narito na siya sa lugar kung saan sila nagsama ni Xander noon bilang mag asawa. Inalis niya ang seatbelt upang bumaba ng sasakyan at puntahan si Mico ngunit mabilis siyang naunahan ni Xander, nakarga na nito ang bata palabas ng sasakyan bago pa siya nakaibis.
1...2...3... she metally counted bago itinulak pabukas ang pintuan at bumaba. Like how she remembered, she was instantly greeted by the cool, fresh breeze. Kahit pa mainit at tirik ang sikat ng araw ay malamig at sariwa pa rin ang hangin.
"mauna na kayo sa loob" ani Xander na iniabot si Mico sa kanya "ako na ang magbababa ng mga maleta" ibinigay nito sa kanya ang susi ng bahay.
She gently nodded at sa halos nanginginig na mga tuhod ay humakbang palapit sa bahay na iyon. Every step she makes takes her back in time. Halos hindi siya makahinga sa tindi ng tibok ng puso niya. How could she come back to this place? Hindi pa siya nakapapasok sa kabahayan ay nagsusumigaw na ang mga ala-alang dulot nito sa kanya.
Itinapat niya at isinuksok sa lock ang susing ibinigay ni Xander, ngunit bago pa niya mapihit pabukas ang seradura ay biglang bumukas ang pintuan.
"Akala ko mamaya pa ang dating mo Xan-" napalis ang ngiti sa labi ng babaeng nagbukas ng pinto nang makita kung sino ang naroroon.
Siya man ay parang na-estatuwa sa kinatatayuan.
They were standing face to face but none of them was able to say anything. Daig pa nila ang parehas nakakita ng multo.
Unang nakabawi si Beatrix sa pagkabigla. She gathered all her strength at taas noong tinignan ang kaharap.
"...Long time no see... Frances"