Chereads / Wild Heart / Chapter 24 - Chapter Twenty Four

Chapter 24 - Chapter Twenty Four

"So that was the guy" ani Daniel, briefly glancing at her. Si Beatrix ay nakasandig ang ulo sa headrest ng sasakyan at nahahapong nakapikit. Matapos ang encounter niya with Xander kanina ay nagpilit si Daniel na ito na ang maghatid sa kanya pauwi.

She opened her eyes and looked at him "huh?"

"The guy..."

"Oh..." she chuckled, feeling a little embarassed na para bang ang hina ng pick-up ng utak niya today. "Yes" she said with a sigh at muling ipinikit ang mga mata.

"What's his reason for showing up after all these years?" kunot noong tanong nito.

"Hindi ko rin alam to be honest..." muli siyang nagmulat ng mga mata at umayos sa pagkakaupo "but then maybe it's a good opportunity to talk to him about signing the papers" she said, na ang tinutukoy ay ang annulment papers. She hasn't told Daniel na tatlong beses na itong bumalik sa kanyang hindi pirmado.

"I agree" tipid na sagot ng lalaki na muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Itinuon ni Beatrix ang paningin sa labas. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Kayganda ng kulay ng papalubog na araw, lalo pa at tila nagsasayawan ang mga matatayog na puno sa ihip ng hangin, ang luntiang mga dahon niyon ay lalong gumanda ang kulay kapag tinatamaan ng mamula-mulang liwanag ng araw.

Hindi niya mapigilan ang pagsuot sa isip niya ng tanawin sa San Gabriel - the town that she despised when Xander first brought her there, ngunit natutunang mahalin sa loob ng maikling panahong ipinamalagi niya sa maliit na bayan. She learned to love and appreciate the simplicity of life in San Gabriel - ang sariwang hangin, ang luntiang paligid, the peacefulness of the place at ang kasimplehan ng buhay. Sa totoo lang ay may mga pagkakataon na parang gusto niyang maging ganoon lamang ulit kasimple ang lahat, malayo sa magulo at maingay na buhay sa siyudad. 

Bumuntong hininga siya. Kung minsan ay hindi niya mapigilang isipin kung ano kaya ang nangyari had she stayed with Xander? What if she decided to look past the fact that he head been unfaithful to her and decided to stay? Didn't she tell herself before na hindi siya susuko para sa pag ibig niya rito? But she ran away dahil labis siyang nasaktan dala ng pag asang umusbong sa puso niya noon na mahal na rin siya ng binata. All his actions say he loves her, kaya naman ng matuklasan niya ang kataksilan nito at ni Frances ay hindi niya nakontrol ang emosyon. Paano kaya kung natuklasan niya agad noon na nagdadalang tao siya? Would she have made a different choice then?

Ipinilig niya ang ulo. No use crying over spilled milk, she told herself. Nangyari na ang nangyari, parehas na silang may kanya kanyang buhay ngayon ni Xander. Nasisiguro niyang nagkabalikan na sina Xander at Frances sa kanyang pag -alis. At siya naman ay nararapat na ring muling buuin ang buhay niya, hindi lamang para sa sarili ngunit higit lalo para kay Mico.

Nang gabing iyon ay panay ang pihit niya sa higaan ngunit alas-dos na ng madaling araw ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Xander's little surprise visit to her yesterday afternoon definitely shook her world. Hindi niya inaasahang muli itong makakaharap, at lalong hindi niya inasahan ang reaksyon ng maldita niyang puso nang muli itong masilayan!

She frustratedly sat on the bed at inabot ang baso ng tubig na nakalapag sa bedside table niya. Lumagok siya mula roon bago isinandig ang ulo sa headboard ng kama.

You're looking great, Mrs. de Silva... parang recording ang tinig nito na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang utak. How dare he still call her Mrs. de Silva? And how dare her heart feel weird after hearing his words?

"Arrggh!" she grunted bago isinubsob ang mukha sa malambot na unan "Damn you Xander!" she cussed.

Maya maya ay muli siyang naupo at mula sa drawer ng bedside table niya ay hinugot ang isang larawang nakaipit sa kanyang diary. Malakas siyang bumuntong hininga habang nakatitig sa larawang tangan sa kamay.

It was their wedding picture. Sa larawan ay bakas ang ningning sa kanyang mga mata. Xander played his part well, dahil kahit pa napilitan lamang ito ay hindi mo iyon mababakas sa litratong iyon. To anyone who would look at that picture, it would look like the perfect picture of a happily married couple.

Sa galit niya noon sa binata ay sinunog niya halos lahat ng larawang mayroon sila, kasama ang lahat ng mga bagay na maaaring makapag-paalala sa kanya kay Xander, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit itinabi niya ang isang iyon. All these years, she still couldn't afford to throw away that last picture of them together.

"Why did you come back, Xander?" mahinang tanong niya bago muling itinago ang larawan.

******

Kinabukasan ay maaga siyang bumangon at naghanda ng breakfast para sa anak. Sa kakaunting pagkakataon na wala siyang shooting at ibang commitment sa trabaho ay sinisiguro niyang siya mismo ang nagluluto para kay Mico.

"Mowning, mommy" pupungas pungas na sumungaw sa kusina si Mico. Kasunod nito ang yaya nitong si Leah.

"Oh good morning baby!"  Lumingon siya sa pinaggalingan ng maliit na tinig na iyon. Mico's voice is always music to her ears, and she finds it so cute na bulol pa itong magsalita. She held her arms wide open, signalling him that she wants a hug.

Masigla itong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya. She in turn lifted him up in her arms and gave him a big kiss on the cheek.

"Gosh! You're becoming heavier!" malambing na aniya sa anak, tickling his tummy.

Humagikgik ito "I eat veggies po mommy. Yaya said I'll be a big boy if I eat veggies"

"Great job!" eksaheradong bulalas niya sa anak at muli itong hinalikan bago ibinaba mula sa mga bisig "now go with yaya muna and brush your teeth, wash your face. When you come back, I have a surprise for you" she said smiling at the boy widely.

"talaga mommy?" Mico asked excitedly.

"yup! kaya dali na" tinapik niya ang puwet nito, urging him to go.

"Yehey!" he giggled as he ran towards his yaya Leah.

Natatawang sinundan niya ng tingin ang anak bago muling hinarap ang pagluluto. Muli siyang nagsalang ng pancake sa pan at tinungo ang ref upang kuhanin ang strawberries nang pumasok ng kusina si Mila, ang isa sa kanyang mga kasambahay.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo"

"Sino raw?" she asked, barely paying attention to Mila.

"Ayaw pong sabihin ang pangalan ma'am eh. Pero kaibigan niyo raw po?"

"Kaibigan ko?" she asked puzzled

"Opo ma'am. Kani-kanina pa po siya sa gate eh, ayaw pong umalis ma'am. Kilala raw po niya kayo"

She nodded "Sige ako na ang titingin. Paki bantayan na lang itong niluluto ko"

She went to the front entrance kung saan naroon ang camera monitor para sa gate. Tila siya itinulos sa kinatatayuan nangg makita kung sino ang kanyang panauhin!

Xander!

Shit! What's he doing here so early in the morning? She started to panic as she stared at the monitor in front of her. What will she do? Ang sabi nito kahapon ay gabi ito pupunta, so she's already made arrangements to send Mico to her parents' place in the afternoon! This is totally not her plan!

She pushed the intercom button "a-ano'ng kailangan mo?" she almost stuttered again, damnit!

"Good morning! I brought breakfast" he looked at the camera at itinaas ang paper bag na hawak.

"I-I don't need breakfast!" mataray na sagot niya "come back tonight instead!"

"I'm not leaving here until you let me in" he said determined

Beatrix unconsciouly chewed her nail dahil sa nerbiyos. Shit! She knows Xander, he means what he says! Hindi niya gustong makatawag ito ng atensyon ng mga tao sa labas. Sa panahon ngayon, pagpipiyestahan ng press ang ano mang bagay na maaaring magkaroon ng koneksyon sa kanya. All it will take is one image of Xander to go online and the next thing you know, makakalkal na ng lahat ang tungkol sa kanyang relasyon sa binata.

Damn you, bastard! She gritted her teeth bago muling nagsalita "I'll be there!"

Mabilis niyang binilinan si Leah na huwag munang palabasin ng silid si Mico hanggang hindi niya sinasabi. Bagaman nasa mukha ng kasambahay ang pagtataka ay hindi ito nagtanong at magalang lamang na tumalima sa nais niya.

She hurriedly went to the gate at marahas na bumuga ng hangin bago iyon binuksan.

Tumambad sa kanya ang lalaking magdamdag laman ng kanyang isip. The wind blew his scent to her nose, instantly tingling her senses with the familiar scent of musk. Agad na may mga ala-alang dulot sa kanyang isip ang amoy na iyon... lalo na ang mga ala-ala ng maiinit na halik nito sa kanya.

"Aren't you gonna let me in?" untag ng binata sa kanyang pagkatulala

Bahagyang namula ang pisngi niya sa pagkapahiya. What the hell were you thinking, Beatrix? Ang aga aga ganyan ang mga iniisip mo! sermon ng utak niya.

Niluwagan niya ang bukas ng gate "c-come in" she croaked.

"Impressive house" kumento ni Xander nang makaupo na sila sa living room. Iginala nito ang paningin sa kabahayan.

"What do you need from me?" tuwirang tanong niya rito, praying to God that he doesn't notice the pictures on top of the piano. Marami silang larawan ni Mico sa ibabaw niyon.

"hindi mo man lang ba ako aalukin ng kape?" tanong nito "better yet, let's have breakfast together" muli nitong itinaas ang dalang paper bag

"I don't usually eat breakfast" she said flatly "Why don't you cut the crap and tell me what you need then you can leave my house"

Xander chuckled "nasaan na ang malambing na Mrs. de Silvang kilala ko? hmm?" inilapit nito ang mukha sa kanya while his eyes were nailed onto hers.

Bahagya siyang napaatras sa kinauupuan sa ginawa nito bago nakahuma upang magsalita "I told you, I am no longer Mrs. de Silva so stop calling me that! Secondly, matagal nang patay ang Beatrix na kilala mo Xander! I'm a changed person and you don't know me at all anymore!"

"Really?" he asked, amusement in his voice. He brought his face even closer to hers, surveying her reactions intently "but why do you still seem to be affected by my presence, princess?" he said seductively

Beatrix gave out a laugh at pinilit patatagin ang damdamin, bagaman hindi niya maiwasang muling umurong ng bahagya sa kinauupuan upang iwasan ang mukha ng binata "Affected?" she sarcastically repeated his word "me?" itinuro niya ang sarili at muling nagpakawala ng tawa.

God! She sure is now thankful for taking all those acting workshops dahil ngayon ay napakikinabangan niya.

"you must be dreaming, Mr. de Silva" nang-uuyam ang salita niya "You won't have any effect on me whatsoever anymore, dahil matagal ng wala ang Beatrix na hibang sa iyo noon!"

"Ganoon ba?" sagot nito, sounding unconvinced "then why don't we try this and see?" mabilis na tinawid ng mukha nito ang pagitan nila and before Beatrix could say anything, Xander's lips touched hers, in a very gentle, soft kiss. Para iyong balahibo na sumayad sa kanyang mga labi.

Awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata. Her heart was pounding so wildly in her chest she thought it would burst open any minute.

"I see you're not affected by my presence at all" anito sa nanunuksong tinig.

She flung her eyes open at nag-init ng husto ang pisngi sa pagkapahiya. Xander's eyes were still glued on hers, a smile slowly crossed his lips.

"bastard!" she hissed "you just caught me off guard... that's all!" padarag siyang tumayo sa kinauupuan "kung wala kang sasabihin sa akin, you can leave" she pointed towards the door.

"C'mon Beatrix... that's no way to treat your husband" Xander retorded in an amused tone. He lazily stretched his arms on the couch, seemingly enjoying her reaction.

"You are NOT my husband anymore okay?!" nanggigigil na sagot niya rito "you and I were done ever since you..." she stopped her mouth on time bago siya makapagsalita pa ng kung ano.

"since I what?" he asked, kumunot ang noo nito.

"nevermind! Tapos na iyon and it's not important! Ang importante ay pirmahan mo na ang mga papeles na kailangan so you and I could officially go on with our separate lives!"

"Which is exactly why I'm here"

Namilog ang mga mata ni Beatrix. May hindi maipaliwanag na kaba ang sumikdo sa kanyang dibdib.

"R-really?"

"Well. Depende sa magiging sagot mo" Inalis nito ang pagkakaunat ng mga braso at pumormal ang ekspresyon sa mukha "I'm here to offer you a propostion..."

Pinagsalikop ni Beatrix ang mga braso sa dibdib and chuckled sarcastically. Wow! you have the nerve to offer me a proposition?! after...after...  gusto niyang ihiyaw sa mukha ni Xander.

Xander's expression remained calm. Ang mga mata nito ay hindi humihiwalay ang titig sa kanya, watching her every move.

"Pera ba? magkano ba ang kailangan mo?"

Kumilmlim ang mukha ng binata sa sinabi niya, kita niya ang pagkainsulto at galit na saglit nakiraan sa mga mata nito, ngunit saglit lamang iyon dahil kalmado ang tinig nito nang muling magsalita.

"I will sign those annulment papers, Beatrix... if you will be my wife again, for 3 months"

"What?!" Beatrix's voice went up an octave and echoed in the living room. Nanlilisik ang mga mata niyang tinitigan ang lalaking kaharap, hindi mapaniwalaan ang narinig!