Chereads / Wild Heart / Chapter 26 - Chapter Twenty Six

Chapter 26 - Chapter Twenty Six

Tila itinulos si Xander sa kinatatayuan as he stared at the little boy whose big, bright eyes reflected curiosity and question as they stared back at him. There is no doubt, anak ni Beatrix ang batang ito. Kahit pa lalaki ang bata ay malaki ang pagkakahawig nito sa ina.

Inalis niya ang paningin sa bata at muling tumingin kay Beatrix, na noon ay tila nabawasan ang kulay sa mukha.

"You have a child?" he asked, never taking off his gaze from her.

Naging mailap ang mga mata nito sa kanya. He saw her gulp bago may pagmamadaling nilapitan ang bata, walking past him.

"Baby!" she exclaimed at lumuhod sa tapat ng batang lalaki, hinimas nito sa ulo ang bata "I told you to wait in your room, right?"

"But I'm already hungly po mommy" anitong bahagyang nagsalubong ang maliliit na kilay.

Si Xander ay nanatiling nakapako ang mga mata sa mag-ina. In his head runs a thousand questions - may anak si Beatrix? If he's not mistaken, the child must be around 4...no maybe 5 years old? Bigla ang pagsikdo ng kanyang dibdib. Could this child be...?

The child cocked his head on the side upang tignan siya at ituro "who is he po?"

Marahan siyang nilingon ni Beatrix "ah...he is...an old friend of mom's"

Parehas silang nagulat ni Beatrix ng mabilis na tumakbo palapit sa kanya ang paslit at yakapin siya sa hita. "hello po!" masiglang anito at tiningala siya.

For a moment, Xander didn't know what to do.

"Mico!" habol ni Beatrix dito.

Alanganin niyang inabot ang ulo ni Mico and gently ruffled his hair. He smiled. May kung anong init sa damdamin ang hatid nito sa kanya. Marahan siyang tumalungko sa harap ng paslit upang magpantay sila.

"Hi kid" he said "Mico, right?"

"uh-hum!" tumango ito at matamis na ngumiti sa kanya, lumabas ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi "are you my mommy's fliend?" bulol na tanong nito

Bahagya niyang sinulyapan si Beatrix na nakatayo hindi kalayuan sa kanila bago tumugon "yes"

"Mico, let's go back to your yaya na muna" aya ni Beatrix sa anak, but he gently put his hands on the boy's shoulder at nginitian ang paslit "how old are you, young man?"

"Mico!" malakas na tawag ng ina rito "come here! Aalis na rin ang friend ni mommy!" matalim siyang tinapunan ng tingin nito bago mabilis na nilapitan ang anak at halos pabaltak na inilayo mula sa kanya.

"but mommy..." the boys eyes remained glued at Xander.

"No buts!" tinanganan nito sa kamay ang anak at iginiya palabas ng salas.

Mico gave him one last look at kumaway ng ba-bye sa kanya. He smiled at the boy and waived.

Hindi nagtagal ay bumalik sa salas si Beatrix. She looks stressed, mailap ang ma mata nito sa kanya.

"you have a son" he said, it was a statement and not a question.

Narinig niya ang malalim na pagkawala ng hangin sa dibdib ng dalaga "as you have seen, yes. Now, I'm tired. Please go" iminostra nito ng kamay ang patungong pintuan, gesturing him to leave.

"Sino ang ama ni Mico?"

Marahas itong nag angat ng paningin sa kanya "wala kang pakialam!"

"The last time I checked, you're still my wife so yes! I have the right to know!" Tagis bagang niya itong nilapitan. Huminto siya sa tapat ni Beatrix, may ilang hakbang ang pagitan nila.

"Stop telling yourself and believing that you and I are still a couple, Xander. We...have never been a couple! It was my own stupidity back then! I was young and...and" hindi nito maituloy tuloy ang sinasabi. Bahagyang namula ang mga mata nito.

"Ako ba ang ama ng bata?" walang gatol na tanong niya.

"h-hindi..." bahagya lamang nakarating sa pandinig niya ang tugon nito.

"Ako ba ang ama ni Mico?!" pag uulit niya ng tanong, bahagyang napalakas ang tinig niya.

"Hindi!" matapang nitong sinalubong ang mga mata niya. "You are not his father! Now leave!" pagtataboy nito sa kanya.

Inilang hakbang niya ang pagitan nila at marahas na hinawakan ito sa kanang braso "what?" naningikit ang mga matang tanong niya.

"You heard me right!" taas noong sabi ni Beatrix "hindi ikaw ang ama ng anak ko Xander! It was someone else! So please, ngayong alam mo na, let's really end things between us!"

Binitawan niya ang braso nito "you better be lying, Beatrix! I was, no, I AM your husband. Kung may anak ka, nararapat na AKO ang ama!"

Pagak na tumawa si Beatrix "that's been only on paper for the longest I could remember, Xander. Sa tingin mo ba wala akong nakarelasyon sa loob ng mga panahong iyon? When I left 5 years ago, I met someone and one thing led to another and -"

Mabilis niya itong muling nilapitan, sinikmat niya ang baywang nito palapit sa kanya "there better be no other man Beatrix, or else...you will regret it" he warned menacingly.

Pinagsawa niya ang mga mata niya sa mgandang mukha ng dalaga, before staring at her eyes once again "You are mine, Beatrix. Noon man o ngayon, akin ka lang..." Inilapit niya ang mukha sa tenga nito at bumulong "you can hide the truth for as long as you want, but I swear.... I will find out soon enough" .

Pinakawalan niya ang baywang nito bago inayos ang suot na polo shirt "call me when you've decided to accept my offer".

******

Matagal nang nakaalis si Xander ay nanatili lamang na nakaupo roon si Beatrix. Sinapo niya ng dalawang kamay ang mukha. Damn it! Everything is just happening too fast! Una, hindi niya inakalang muling makakaharap agad ang binata, let alone ang malaman nitong may anak siya! Dumating na ang araw na kinatatakutan niya - ang malaman ni Xander ang tungkol kay Mico.

Kilala niya si Xander, now that he found out about Mico, he will not stop until he finds out the truth.

She sighed. Xander can't find out the truth! Mas mabuting hindi nito malaman ang katotohanang ito ang ama ng anak niya lalo na ngayong gusto niyang pirmahan nito ang mga dokumetong kailangan para sa annulment nila. If Xander finds out the truth, lalo nitong hindi pipirmahan ang mga papeles!

She frustratedly grabbed her phone at nag dial ng isang numero.

"hello?" the other line answered

"Good morning Attroney Sandoval. Luna Montecillo here"

"oh Luna! What can I do for you?"

"Do you think there's a way to push through the annulment procedure... if Xander de Silva doesn't sign those papers?"

She heard the man sigh from the other end of the line " annulment usually needs a very strong ground, hija, and we already went through the possible grounds before, ngunit mukhang wala sa mga iyon ang pwede mong magamit laban sa asawa mo..."

"so, if he doesn't sign the papers, are you saying that I couldn't get annulment?" Naisapo niya sa noo ang isang kamay. Kay aga-aga ay para ng binabarena ang ulo niya sa sakit.

"well... if both of you really didn't have any contact or communication at all for 10 years, then the marriage is considered null and void. That time, you could probably submit your petition for annulment" matiyagang paliwanag ng abogado sa kanya.

Damn it! 10 years?! Hindi niya napigilan ang pag ikot ng mga mata sa narining. Nakaka limang taon pa lamang silang walang contact ni Xander!

"Isn't there a way to fix it?" alanganing tanong niya, implying to her lawyer if there is something or someone they could 'pay' to have this mess sorted out.

"I'm sorry hija. It doesn't work that way unfortunately" nasa tinig ng lalaki ang simpatya.

Laglag ang balikat na pinatay niya ang telepono. Wala ba talaga siyang choice kung hindi tanggapin ang kundisyon ni Xander? Can she do it? Makakaya ba niyang muling makasama ito?

Unconcsciously ay dinama niya ng kamay ang tapat ng puso. Her stupid heart seems to be going crazy every time that bastard is near! The all too familiar excitement her entire body feels whenever he's around is all coming back to her!

"why are you doing this Xander?" she whispered, kasabay ng pag-iinit ng mga mata.

The man has no idea what she has to go through the past 5 years just to teach herself and her stubborn heart to forget him! At ngayon ngang nagbalik ito, tila ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan ay matatapon lamang at mauuwi sa wala! Maging ang sarili niya ay hindi makapaniwala sa epekto pa ring dulot ng presensya nito sa kanya. Sa kabila ng lahat, at sa paglipas ng mga taon, tila ito pa rin ang nag iisang lalaking kayang guluhin ang mundo niya at padagundungin ang puso niya.

Makalipas ang ilang minuto ng mahinang pag iyak ay isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip.

Being officially annulled from their marriage is the key to setting her free from the past. Hangga't naroon ang mga papel na nag uugnay sa kanilang dalawa ay hindi siya lubusang makakawala sa kahapon. She will definitely get those papers signed - by hook or by crook!

Pinuno niya ng hanging ang dibdib. Her fists clenched in determination.

Fine, Xander. I will accept your offer...

...I'll be your wife again!