Chereads / My Innocent Fake Girlfriend / Chapter 8 - CHAPTER 8

Chapter 8 - CHAPTER 8

ANDY POV'S.

naglalakad na kami pabalik ni marco ng makasalubong namin si byron

" san kayo nanggaling? - diretso nyang tanong napaka seryuso ng muka nya

" sinamaha ko lang mag CR si andy"-mahinahon na pagpapaliwanag ni marco

" oo, kasi nag CR ako"-dugtong ko.

" mag iisang oras na kayong wala tapos sasabihin mo nag CR lang? CR nga nga ba o may ginawa sa cr? "-saby ngumisi sya ng may kahulugan

ang sakit nya naman magsalita ni hindi nya nga alam ang tunay na nangyari. kung nagbibiro man sya di magandang biro to nakakasakit na sya ng damdamin kung pinapalampas ko yung mga pang aasa nya pwes ito hindi

" sakit mo naman magsalita"-may hinanakit kong sabi

" bakit totoo naman diba? "-byron

"dude wala kaming ginagawang masama"- mahinahon na pagpapaliwanag ni marco

" isa kapa e"-sabay duro nya kay marco. "para kang asong sunod ng sunod kay andy. pwede ba layuan mo sya ha"-byron

tas hinila ako ni byron

"a-aray bitiwan mo ako byron nasasaktan ako"

iling ko dun kasi sya nakahawak sa kamay ko na na may sugat

biglang hinawakan ni marco ang kamay ni byron na nakahawak upang pigilan ito

masama ang tingin nila sa isa't isa pero hinila padin ako ny byron

"nasasaktan ako"-iling ko

" bitiwan mo sya!!! "-sigaw ni marco n may halong galit "nasasaktan si andy"

nilapitan nya ako at akmay hahawakan ang kamay ko upang bawiin kay byron pero

... 

...

Boogs

nakita ko nalang si marco naka bulagta na sinuntok sya ni byron bitiwan mo ako"-galit kong utos pero hinila nya din ako at namalayan ko na sinuntok ni marco si byron

" ay gago ka pala e"-sabay suntok marco kay byron

kaya napabitaw sya sakin

" bat nangingialam kaba ha? "-sabi ni byron sabay suntok kay marco

at nagsuntokan sila gusto ko man umawat pero di ko. magawa mapagsik sila pareho

" tama na!!! "-nangingiyak kong sigaw 

kaya naptigil silang dalawa at dumating naman si camille

" anong nangyayari dito?"

-inosenteng tanong ni camille na may halong pangamba

di nalang ako umimik.

pinuntahan ni camille si marco at byron

" ano bang problema nyo sa isa't isa ha? "- camille

" yang boyfriend mo kasi na yan tarantado"- sabay turo ni marco kay byron

" pakialamero ka e"-galit na sabi ni byron

nagsumabatan silang dalawa

" tama na"-naririnding sabi ni camille " tumahimik kana marco at ikaw byron bakit ka nag kakaganyan ha? sa tagal na ng pinagsamahan natin ngayong lang kita nakitang nakipagsuntokan at pinsan ko pa! "-camille

" pagsabihan mo kasi yang pinsan mo, masyadong pakealamero"-sabat ni byron

" dahil ba kay andy ha?"

-may hinanakit n tanong nya kay byron di umimik si byron kaya ako nalang lumapit

"di lang sila nagkaintindihan"-pag papaliwanag ko

" ano bang meron ka andy na wala ako? "-this time umiiyak na si camille

" di mo lang naiintindihan"-me

" kala nyo di ko napapansin

kung gaano nyo tratohin ang isa't isa? lalo kana byron" - sabay tingin nya kay byron

" huminahon k nga babe, di mo lang naiintindihan ang mg nangyayari"-byron

" hindi ako tanga byron, alam ko na napalitan ka lang na magkabalikan tayo kasi dahil sa sakit ko diba?"

di lang umimik si byron 

" diba? sabihin mo? -napahagulhol na si camille

niyakap lang sya ni byron

" bakit nyo ako sinasaktan ng ganito"-sabi ni camille habang sinusuntok ang dibdib ni byron

nakaramdam ako ng awa kay camille kaya tinangka ko syang lapitan pero

" wag kan munang lumapit please"-umiiyak nyang sabi tapos tumakbo sya papalayo samin kaya naiwan nalang kaming tatlo

"sundan mo sya kailangan ka ni camille pakiusap"-marco

" sige na"-utos ko

kaya tumakbo na sya para sundan su camille

" pwedeng favor kahit ngayon lang"-marco

"ano yun? "-me

kinakabahan naman ako sa favor na sinasabi ni marco

" ano yun? " tanong ko

" pwedeng ipahiram muna si byron kay camille? "-seryuso nyang tanong

" h-ha"- di ko maintindihan ang ibig nyang sabihin

" alam ko na may nararamdaman ka para kay byron at ramdam ko na mahal ka din ni byron pero pwede bang kahit sa kunting araw na natitira kay camille iparamdam man lang natin sa kanya na may totoong nag mamahal sa kanya? "-pakiusap ni marco

pero panu pa? alam na ni camille na may feelings kami sa isa't isa ni byron.

" pero panu natin ipapaliwang ang naangyari kay camille? alam nya na may feelings kami ni byron sa isa't isa?"-me

" simple lang, kung papayag ka"-marco

"ano naman yun? "-me

" pumayag kana maging girlfriend ko "-marco.

"ano??? "-nabilga ako sa sinabi nya

" ano kaba magpapanggap lang naman tayo sa harap ni camille"-marco

" ano naman mapapala natin sa plano mo nayan? "-me.

di kana pagseselosan ni camille at para dina sya nahihirapan at nasasaktan. 

pumayag kana please for camille sake"-pakiusap ni marco " pero walang pwedeng makaalam nito para makaingat tayong di malaman ni camille"- sabi ni marco

may point si marco

" malala na ang sakit ni camille stage 4 na ang brain cancer nya at pero nalalabanan nya kahit papanu kapag nararamdaman nya na may taong nagmamahal sa kanya. nag iisang anak lang si camille at masakit ito sa isang magulang na mawalan ng kaisa isang anak"-marco

nakaramdam ako ng lungkot at awa para kay camille

" pero hanggang kailan tayo magpapanggap? "-me

" hanggang sa maging okay na ang lahat. pag okay na ang lahat tapos na ang pagpapanggap natin"-marco

" okay"-labag man sa kalooban kong gawin to gagawin ko padin kasi alam ko ang pakiramdam na mwalan ng mahal sa buhay

(fast forward)

natapos na din ang outing namin sa beach kaya umuwi na kami

ang hirap ng sitwasyon ko bakit ganito pag nagmamahal kailangan mong magparaya kapalit ang sarili mong kaligayahan napag usapan narin namin namin ni marco ang tungkol sa pagpapanggap kailangan palagi kaming sweet sa harap ni camille lalo na pag nanadyan si byron kasama nya yung kasi yung way para di mag duda si camille na mag on kami ni marco para di nya ako pagselosan. hayst kaya ko to nagawa ko na dati to. 

nakauwi na kami pero halatang iniiwasan pa din ako ni camille dahil sa nangyari lalo lang naging komplikado ang sitwasyon

nilapitan ko si camille

" galit ka ba sakin"-me

di sya sumagot at umiwas sya ng tingin binaling nya yung tingin nya kay tita shane na abala sa pagliligpit ng gamit

" tita uwi na po ako. hinihintay ka ako ni marco sa sasakyan"

"okay hija ingat! "-tita shane

tas naglakad na sya 

" samahan na kita sa gate"-sabi ko habang naglalakad na sya palabas

at napahinto sya 

" no thanks! "-sabi nya habang nakatalikod at tuluyan ng naglakad palabas ng bahay.

naiintindahan ko sya kahit naman siguro ako masasaktan lalo na at may kinakaharap akong sakit. 

sana maging okay na ang lahat at sana ang pag papanggap namin ni marco ang maging solusyon

(fast forward)

after 2 weeks matapos ang mga nangyari. start n ang plano sa pagpapanggap namin ni marco.

pupunta sya ngayon dito sa bahay/bahay ni tita para manligaw kasama na namin to sa set up.

kumakain kami ng dinner ng may nag door bell

" ako na ang bubukas"-tita shane

si marco yung panigurado

" oh hija may bisita ka"- natutuwang sabi ni tita

nakita ko si marco may dalang flowers at chocolate oh diba napaka romantic kasama nya din si camille.

"good eve po sa inyong lahat"-nakangiting bati ni marco " for you"

tas inabot nya sa akin ang flowers at chocolate kailangan umakto din ako na kinikilig para mapaniwala silang lahat

"thanks"-sabi ko with matching hawi buhok pa

nakita ko si camille na katabi si byron nakangiti syang tinitingnan kami hslatang paniwalang paniwala habang si byron ang sama ng tingin samin

" maupo ka muna hijo upang sabayan kami sa dinner"-pag aalok ni tito kay marco kaya umupo sya sa tabi ko

" salmat po"-nakangiting sabi ni marco

umupo sa si marco sa tabi ko 

" ipagpapaalam ko po sana sa inyo na kung pwede kong ligawan si andy"-marco

" seryuso kaba talaga kay andy hijo?"- tita

hinawakan ni marco ang kamay ko na nakapatong sa mesa at sinabing

" opo. at di ko po sya sasaktan pangako"-marco

galing umakteng ha bigyan ng malupit na title yan tiyan

akangiti si camille at sinabing

maasahan nyo yang pinakamamahal kong pinsan"-nakangiting sabi ni camille

" mabuti naman kong ganun"-sabi ni tita..

nakahawak padin si marco sa kamay ko at ang sama ng tingin ni byron ng nakit nya ito

" dipa nga kayo may pahawak hawak na agad ng kamay. gawain ba yan ng matinong lalake tsk.. "-byron

ay oo nga pla kaya agad kung binawi ang kamay ko.

tapos na kaming mag dinner kaya tumambay muna kaming apat ni byron, camlle at marco sa terrace

" sorry pala sa inakto ko sayo last time ha?"-sabi ni camille sakin

" ano kaba wag mo ng isipin yun"-me

" basta okay na tayo ha? "-camille

" oo naman"- nakangiti kong sagot

"marco wag kang magkakamaling paiyakin si andy kundi lagot ka sakin"-may halong biro na sabi ni camille

kumakaskas lang si byron ng gitara walang imik

"babe uwi na kami"-sabi ni camille kay byron

"sige samahan ko na kayo sa labas"-byron

sumunod din ako sa pagsama sa labas

" sana sagotin mo na si marco"-nakangiting sabi ni camille"

ngumiti nalang ako. 

" alis na kami andy.wag pabayaan ang sarili ha"- marco

" okay kaw din. thanks sa pag abala na pumunta dito sa bahay"-me

" masyado ng sweet baka langgamin na kayo nyan"-sabi ni byron habang palapit sya samin at nilagpasan nya lang kami

" galing mong umakteng"-bulong ko kay marco

"ako pa! "- pagyayabang nya

" papasok kapa andy o dyan ka nalang sa labas ng gate matulog? "-sigaw ni byron

" alis na ako nagaglit na si amo mo"-marco

"sige. ingat! "-me

tsaka sinarado ko na ang gate at babalik na sa loob ng bahay pero dun byron nakatayo sa pinto diretso lang ako sa paglakad at nilagpasan sya pero bigla syang nagsalita

" lumalovelife kana ha. "- kaya napahinto ako sa paglakad at nilapitan nya ako " good luck nalang sa inyo"-cold nyang sabi at inunahan nya na ako ng lakad.

(fast forward)

* after 2 weeks

palalabasin na naming sinagot ko na si marco

bale 1 month na kaming nagpapanggap. at naging okay na kmi ni camille di nya na ako pinagseselosan kay byron.

" tita, tito, byron, at camille may sasabihin ako sa inyo"-at hinawakan ko kunwari ang kamay ni marco

" sinagot ko na po si marco"-me

" ibig sabihin kayo na pala?"

natutuwang tanong ni camille

tumango lang ako

"congrats"-natutuwang bati nila maliban lang kay byron anong problema nun

"tamang tama mag babaksyon kami ni byron this week sumama kayo samin"-na eexcite na sabi ni camille

" di pwede"-sabat ni byron

" h-ha bakit naman? "- nagtatakang tanong ni camille

" dahil... dahil masisira ang moment na tayo lang dalawa" - sagot ni byron

grabe naman parang sinabi nya na din na ayaw nya kaming kasama ah nakakasama tuloy ng loob

"tama nga naman si byron, baka masira lang namin ang moment nyo"-me

" okay"-matamlay na sagot ni camille

" tita at tito pwede ko po bang yayain si andy na kumain ng dinner mamaya?"- marco

"sige. basta wag mong pababyaan si andy"-sagot ni tito

" oo naman po"-nakangiting sagot ni marco

"sige maiwan na kayo namin"-sabi ni tito at ni tita

oo magdadate nga kami, madadate para sa susunod na plano.